Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54: The Red Box

Cinyla's POV

Simula ng pag-uusap namin ni Mommy kahapon, hindi na iyon nasundan. Pero mukhang malabo, dahil sa katahimikan na mayroon sa bahay alam ko na may susunod pang mangyayari. Pero sa totoo lang, sumakit ang ulo ko kagabi sa kakaisip. Wala naman akong masabi pa dahil bukod sa mga salita na binibitawan niya, hindi ko rin maintindihan ang mga kinikilos niya ngayon.

Kasalukuyan ako nasa sala namin habang nag-che-check ng mga emails sa aking laptop. Next week pa ang pasok ko dahil binigyan ako ni sir ng leave. Mabuti na rin ito para makapagpahinga pero puro aalahanin naman ang dumating. Pero sa totoo lang umaasa rin ako na baka magbago ang isipan ni Mommy dahil alam niya naman na mahal ko ang trabaho.

“May pasok ka ba anak? Pwede bang mag-usap tayo mamaya?” Napatigil ako sa pagii-scroll sa pagdating at pagtatanong niya.May dala siyang box na pula pero hind ko na ito pinansin pa.

“Next week pa naman po ang simula ng pasok ko dahil sa leave na binigay ni sir, pero may lakad ako mamaya, may meeting po ako kay boss.” Pagsisinungaling ko dahil kung sasabihin ko na lalabas kaming dalawa ni sir, baka ano pa ang isipin ni Mommy.

“Tungkol saan po pala ang pag-uusapan natin mamaya?” Dagdag ko. Isinarado ko na rin muna ang laptop ko para makapag-focus sa sasabihin ni Mommy.

Umupo ito sa bandang kaliwang habang ako naman ay nasa kanan. Malaki ang agwat dahil may mahabang mesa sa gitna. Gawa ito asa marmol at may vase sa gitna. May malaki kaming sofa sa sala na kulay tsokolate at sa kanan at kaliwa naman ay single sofa naman na parehong kulay sa gitna pero mas matingkad ang pagkatsokolate nito.

“Alam ko naman hindi kita mapipigilan anak sa mga balak mo sa buhay, pero gusto kitang pakiusapan. Cinyla anak, alam kong nagulat ka sa mga nasabi ko pero kapag nakita mo na ang Daddy mo personal, at ipaliwanag niya sayo ang lahat malalaman mo at baka doon maintindihan mo na rin ang lahat.” pilit kong inuunawa ang mga sinasabi ni Mommy kahit na ang totoo maraming kulang sa mga binabahagi niya sa akin.

Tahimik lang ako at nakatingin kay Mommy, wala akong maisip na magiging tugon sa mga sinabi niya.

Lumapit na ito sa akin kaya ibinababa ko muna ang hawa kong laptop. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita muli. “Anak, mahal ka ng papa mo. Mahal niya tayo, pero hindi niya gusto na mangyari pa ulit ang isang pagkakamali niya. Hindi ko gusto diktahan ang puso mo o ang isip mo, pero anak habang maaga pa alisin mo na si BenChua sa buhay mo, sa buhay natin.”

“Hindi ko sinasabi na mag-resign ka sa btrabaho mo para makaiwas sa kanya. Umiwas ka na lang at huwag mong hayaan ang sarili mo na mahulog sa taong hindi dapat. Cinyla, ingatan mo ang sarili at ang puso mo.”

Tila lalong gumulo ang isipan ko sa mga sinasabi ni Mommy ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya ito nasasabi. Konektado ba ang nakaraan sa kasalukuyan kaya apektado kami? Pero kung totoo man ang lahat ng mga ito, bakit at paano?

“Mom, wala akong maintindihan. Bakit hindi na lang ngayon at ipaliwanag mo na lahat sa akin para hindi na ako nag-iisip pa? Tsaka kung totoong buhay si Daddy, bakit naman umabot pa ng 1 taon mahigit na nawala siya? Tsaka ano bang mayroon kay BenChua bakit kailangan kong lumayo sa kanya?” sunod-sunod na tanong ko. Kita ko kay Mommy ngayon ay pagbutonghininga niya.

Tumayo ito at bumitaw sa pagkakahawak ng kamay sa akin. Umupo siya sa malaking sofa ngunit sa gilid lang para mas malapit pa rin siya sa akin. Mayamaya pa ay may inabot siyang red box. Hindi ko napansin na may dala pala siya 'non kanina. Para saan naman iyon?

Ibinigay niya sa akin iyon na para bang sinasabi ng awra niya ngayon, buksan mo na.

“Ano ito, Mommy?” tanong ko.

“Buksan mo, Cinyla at malalaman mo. Aalis muna ako ha? Gustong makipagkita sa akin ng Aling Celine. Magpapatulong maghanap sa mall ng mga gamit para sa apo niyang si Tasha na ikakasal next week.”

“Dadalhin ko ang extra key natin sa bahay, mag-ingat ka rito at kung aalis ka i-lock mong mabuti ang pinto pati gate. Alis na ako, Cinyla.”Tumayo ito at hinalikan ang noo ko.

Gumaan naman kahit papano ang pakiramdam ko at napangiti. “Ingat ka Mommy!”

Iniwan na nga ako ni Mommy, habang nakatingin pa rin ako sa red box na binigay niya kanina lang. Medium size ito kung pagmamasdan, may ribbon din ito sa ibabaw kaya parang normal na regalo lang sa taong pagbibigyan mo.

Dahan-dahan kong inalisang ribbon at binuksan ang box. Para itong lagayan ng isang cake dahil dalawang box sa ibabaw at ilalim. Ngunit bumungad lang sa akin ay isang sobre na nasa puti at isang dosenang rosas.

“Ano ba 'to?! Kanino naman ito galing?”

Hindi ko pinansin ang bulaklak dahil iba ang pakiramdam ko. Kundi mas binigyan ko ng pansin ang puting sobre nasa ibabaw nito.
Kahit na palaisipan sa akin ang binigay ni Mommy dahil may kasamang bulaklak pa, pinili ko na lang basahin ang nakasulat sa sobre upang malaman ko talaga kung ano bang mayroon dito.

Bumungad sa akin ang isang pamilyar na sulat kamay. Sa puntong ito, nanginid ang mga kamay ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Ang sulat na ito ay mula kay Daddy. Kahit na ang gulo ng isip ko ngayon, isa lang ang alam kong totoo. My dad is still alive.
Huminga ako nang malalim at sandaling pumikit. Exhale, inhale Cinyla.”

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Pinili kong basahin sa isip ang nakasulat sa sobre.

Hi my beloved daughter,

This is me your dad. The only Paolo Montevilla. I know you have a lot of questions and confused. My deepest apologies isn't enough to prove my wrongdoings. My existence is big question after all. But I want to know you that soon I will explain everything. I miss you and your mom. I am always with you and I am sorry for make your scared for few days and months for the mysterious stuffs that I ask to the guy messenger that follows you. See you soon, Cinyla. I love you.

Your dad, Paolo.

His handwritten is still amazing, nothing change and his words melt my heart. I know this is him dahil sa signature niya sa ibabaw. Simple lang ang signature ni Daddy dahil name niya lang at wala ng kahit anong arte pa. Hindi magagaya dahil kakaiba talaga.

Bumilis ang tibok ng puso ko ppagkatapos kong mabasa iyon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa kanya. After all, I missed him. Marami mang tanong ang kailangan niyang sagutin, nangingibabaw pa rin ang pangungulila ko at ang pagmamahal ko kay Daddy. Sana sa pagkikita namin, masagot lahat ng tanong ko.

Kinuha ko na rin ang 12 roses sa red box, dahan-dahan kong inamoy at mukhang fresh pa ito.

Pagkakuha ko ay may sticky notes na yellow sa ilalim. Nakalagay ay This is only for my daughter. My only sunshine and beloved young lady in the world.

Napangiti ako nang bahagya dahil sa sinabi ng sulat ni Daddy. He is the best, alam niya talaga ang kiliti ko. Fresh roses!

Nawala ang ngiti ko dahil narinig kong tumunog ang doorbell sa labas dahil sa sunod-sunod nitong pagpindot.

Mabilis kong niligpit ang bulaklak pati ang sulat, binalik ko muna sa box ito at inilapag sa lamesa. Inayos ko ang sarili ko upang tingnan kung sino iyon.

Lumabas ako dala ang payong dahil mainit sa labas. “Teka lang,” wika ko habang hawak ang payong at binubuksan ang gate.

Nagulat ako sa nakita ko, Sir BenChua is here.

“Good afternoon, Cinyla! Let's take a lunch?” Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya dahil bukod sa nabigla ako na nandito siya, hindi pa ako nakaayos at nakaligo.

“Hi sir! Good afternoon, pasok muna kayo sa loob.”

Ngumiti naman ito at tumango. Nasa gilid naman at nakapark na ang sasakyan niyang 4 wheels na Raptor Ford black.

Nang makapasok na siya sa loob ay ni-lock ko muna ang gate. Ilang saglit ay nasara ko na at sumunod na rin ako sa loob.

“Sir, can I take a shower muna? Dito muna kayo sa sala. I will prepare juice and biscuit if you want.”Pinaupo ko muna siya sa malaking sofa at kinuha ang laptop ko pati ang red box. Napatingin pa nga ito nang seryoso pero ilang saglit lang ay inalis na.

“Juice is fine. I will wait for you.”Ngumiti ito kaya ngumiti rin ako sa kanya.

“What if dito na lang tayo kumain? I will cook for us. But adobo is only dish that I know.” he presented that makes me think.

Ibinababa ko muna ang hawak ko dahil nangangalay ako lalo na mabigat ang laptop ko. Tinulungan niya naman ako kaya napakagat labi ako sa pagkahiya.

“Let me help you, don't worry iaakyat ko lang ito and then I will go downstairs. If you are not believe in me that I know how to cook, then help me in your kitchen.” Kinuha niya ang box na red at ako na ang nagbuhat ng laptop dahil malaki iyon kumpara sa laptop ko.

“Thank you sir, tingnan na rin natin mamaya kung kumpleto yung mga kailangan mo para sa pagluluto.”

“Sure! Mauna ka na sa pag-akyat at susunod ako.”

Naglakad na nga ako at hindi na nagsalita pa, hinakbang ko na rin ang paa ko sa pag-akyat ng hagdan. Bale 7 steps lang naman ito dahil hindi naman mahaba ang pinagawa ni Mommy noon na hagdan sa bahay namin. Lucky number niya raw kasi ang seven.

Nakarating na nga kami sa kwarto ko. Ipinatong niya na muna sa kama ko ang red box na hawak niya.

“Salamat sir. Ipaghahanda ko muna kayo ng inumin sa ibaba.” Maglalakad na sana ako pero hinawakan niya ang kanang kamay ko.

“No need Cinyla, take a shower now. Hintayin na lang kita. Huwag mo na lang sana tagalan kasi nagugutom na ako.” Ngumiti ito at tumingin sa aking dibdib ngunit saglit ay umiwas din ang  pagkatapos ay  nagmadaling umalis.

Anong nangyari sa kanya?

“Sige sir, bibilisan ko na lang.” Sigaw ko dahil baka tuluyan na siyang nasa sala.

Ngunit rinig ko ang pagbaba niya sa hagdan. Kaya dumiretso na ako sa banyo at nakahinga nang maayos. Until I noticed I don't wear a bra.

"Damn! Kaya siguro pinapaligo niya na ako, bakit kasi wala man lang siyang sinabi at bakit ngayon ko lang napansin!Kainis naman!” Nasabunutan ko ang sarili kong buhok sa katangahan. Pinili ko na lang maghubad at buksan ang gripo. I prefer using tabo at timba kaysa naman shower.

Ilang minuto ang tinagal ko sa banyo, hindi na ako nagtagal dahil nakakahiya sa boss ko na naghihintay sa baba. I just wear a simple dress na pambahay. Kulay pink ito na mala v-neck ang style.

Kaunting kolorete lang ang ginawa ko sa mukha ko at lipbalm since hindi naman kailangan ng lipstick unless kapag may trabaho. Matapos kong ayusin ang sarili ko, huminga ako nang malalim at syempre nagsuot na rin ako ng bra dahil ayoko ng maulit ang katangahan na ginawa ko.

Bumababa na nga ako at nakita ko siya sa sofa na nakaupo ngunit nakapikit ang mga mata.

Nagdahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakatulog na pala siya kakahintay at ng tingnan ko ang malaking orasan sa likod ko ay 1:00 P.M. na pala.

“Shems! Ang tagal ko pala sa banyo akala ko minuto lang ang tinagal ko.”bulong ko ngunit dahan-dahan siyang nag-unat at nagising na.

“Oh, you're done. Can we cook now so that we can eat?”

“No need sir, I will just buy food sa grab saglit lang naman iyon para makakain ka na. Thank you and sorry for waiting so long.”

“It's okay, sure! Mag grab ka na lang, by the way can I have water? I'm thirsty now.”

“Sige sir, wait lang kuha na ako sa kusina and magpapa-grab na lang ako sa Wendys ng food natin. Masarap kasi ang mga pagkain doon.”

Ngumiti lang ito at dumiretso na ako sa kusina. Kumuha muna ako warm water dahil kakagising niya lang. Sinilip ko ang laman ng kaldero kung may kanin at nakita kong marami pa at mayroong kawali ang laman ay ginataang hipon. “May naluto pala si Mommy bago siya umalis.”

Dinala ko na lang muna ang tubig kay sir.

“Inom na ho kayo ng tubig sir, may pagkain pala sa kusina. Iinitin ko na lang, luto iyon ni Mommy.”

Kinuha niya naman ang tubig na binigay ko at diretsong ininom iyon.

“Thank you, Cinyla. Sure! Samahan na kita para tulungan maghanda. Where is tita?Ikaw lang ba mag-isa?” he asked innocently.

“Kanina pa siya umalis, pumunta sa kaibigan niya. Sasamahan lang mamili ng pangregalo. Yes sir, ako lang mag-isa rito.”

“I see. Let's go in your kitchen.” pormal niyang pangungusap.

Dumiretso na nga kami sa kusina at binuksan ko ang gasul para initin ang ulam. Siya naman ay nasa likod ko para kumuha ng plato saka kutsara at tinidor.

Ngunit pinigilan ko siya dahil hindi naman tama na ang boss ko pa ang gumawa 'non at bisita siya rito sa amin.

“Ako na sir bahala rito, maupo ka na lang at paghahandaan kita.”

“Are you sure? Okay lang naman sa akin ang tumulong.” Minsan napapaisip ako sa behavior ng boss ko dahil bukod sa magaling siya mamalakad ng kompanya nila, wala siyang arte sa mga gagawin o itutulong niya.

“Yes sir, ako na hong bahala.”Ngumiti ako at sinubukan na ang cuteness ko ang magpapatigil sa kanya para hindi na siya tumulong sa akin.

“Okay fine,  I wait there. Thank you, Cinyla.”Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para makaramdam ako ng kakaibang kuryente. Hanggang sa umalingasaw na ang amoy ng hipon. Muntik ng masunog kaya bumitaw ako at pinatay ang kalan.

“Sige na sir, maghahanda na ako.” Tumango ito at sumunod na lang sa akin, nakaramdam din siguro ng pagkailang.

Naghanda na nga ako, at nakita kong nakaupo na rin siya sa dining area. Tahimik ito na parang bata na naghihintay sa pagkain.

Pero sa isip-isip ko, bihira ang ganitong boss na susunod sayo. Natawa ako sa sarili kong kalokohan.

“What is funny?” he asked. Kasalukuyan na akong nakaupo at nilalagyan siya ng kanin at ulam sa plato niya ng magtanong siya.

“Wala sir, ang cute mo lang este kumain ka na ho kasi alam kong gutom ka.”

Ngumiti naman ito. “I know I am cute and handsome. Thank you.” Kakain na sana siya ngunit bigla akong nanalangin dahil ito ang dapat gawin bago kumain.

“Thank you for the food and make this food give us strength. Thank you, Lord! AMEN!" Dinilat ko ang mata ko habang ang bibig niya ay may laman pero hindi siya ngumunguya.

Natawa naman ako nang bahagya dahil siguro kumakain na siya tapos bigla pa akong nagdasal.

“I am so sorry, akala ko kakain na tayo," aniya habang may laman ang bibig niya.

“Stop saying anything sir when your mouth has a food, okay?”

Tumango naman ito at unti-unting ngumuya. Kumain na rin ako at ilang sandali ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.

Pero binasag niya iyon tumingin sa akin nang seryoso. “If you don't mind Cinyla, kanino galing yung pulang box na binuhat ko kanina sa kama mo? I am curious sorry.”

Napaubo ako nang bahagya dahil nabigla ako sa tanong niya. “This is the water, sorry for asking.”Kinuha ko ang tubig at ininom iyon.

“It's okay sir. ” panimula ko.

“That box is gift from my dad. Long story pero sa kanya galing iyon.”

Kita ko sa mukha niya ang pagtataka dahil alam niya na 2 years ago, my dad was died because of car accident.

“W-what do you mean?”

“I can't explain further sir but he is alive.”

“What is the name of your dad?”he asked that makes me confused foe his random question.

“W-what?” pag-uulit ko na kahit naiintindihan ko naman at narinig talaga ang tanong niya ay gusto kong ulitin niya.

“What is the name of your dad?” he repeatedly the question.

“He is Paolo Montevilla, sir. Why?”

Nag-iba ang itsura ng mukha niya, para bang may gusto pa siyang sabihin pero pinili niyang manahimik. Tinuloy na lang ang pagkain at uminom ito ng tubig.

"S-sir?”

“I need to finish my food quickly, Cinyla, sorry for asking. I have a meeting today.”Sumubo pa siya ng isa at hindi na inubos pa ang laman ng plato niya.

Ramdam ko ang pag-iiba niya ng mood. Pero ano bang nasabi ko na kakaiba?

“Thank you for the food, Cinyla. Mag-ingat ka rito. Pumasok ka na bukas, I need you tomorrow morning by 8 A.M.,” he said urgently at nagpunas ng labi.

“I need to go Cinyla,” he smiled in me but his smiled is fake.

“Ingat sir.” Hindi ko alam ang nangyayari pero pilit akong nanahimik na lang at tumayo na para ihatid siya sa labas. Tirik na tirik pa naman ang araw pero kailangan niya ng umalis.

Habang naglalakad kami palabas, nag-iba ang tensyon sa pagitan namin para bang ang layo niya at hindi ko maabot.

Tumigil ako sa paglalakad, habang nasa likod niya ako ay hinawakan ko ang kamay niya. “Sir, may nasabi ba akong hindi maganda?” Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong.

“Nothing Cinyla, I just need to go.” He touch my face that make me feel comfortable again.

“Sige sir, see you tomorrow keep safe in your driving.”

Tumalikod na siya at siyana mismo ang nagbukas ng gate. Sinubukan kong maghintay ng susunod niya pang sasabihin o gagawin  pero sumakay na siya sa kan'yang sasakyan.

Naiwan akong tulala habang tinitingnan ang pag-andar ng kan'yang kotse.

Napaisip ako at napatanong sa aking sarili. "Ano bang problema sa pangalan ni Daddy?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro