Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 53: The Chaos

Cinyla's POV

Maaliwalas, malinis at maganda ang bunga ng mga bulaklak dito sa aming munting hardin. Bahagya akong napangiti. Everything become a normal. I was here in our small garden and sipping my tea.Simula ng makabalik kami sa Manila wala naman na akong narinig pa na kahit na ano o paramdam mula sa misteryosong lalaki na nagbibigay ng sulat at regalo. Sana nga wala na. Pinagmasdan ko ang paligid, wala naman kakaiba. Tahimik at maraming bulaklak sa gilid namin dahil mahilig at maalaga si Mommy sa mga bulaklak.

"Oh Cinyla, okay ka lang ba?" tanong nito kasabay ng pag-inom ko ng tsaa.

Pagbaba ko ng tasa ay napatingin ako sa gawi ni Mommy, may dala siyang tinapay na nasa platito.

"Nagdala pala ako ng meryenda mo, may gusto rin akong sabihin sayo."Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at sa kanang bahagi kung saan nakaupo ako ay tumabi siya sa akin.

Maliit man itong garden namin sa likod ng bahay ay may bilog na lamesa at tatlong upuan para kapag gustong magpahinga o makaramdam ng kapayapaan.

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Salamat Mommy, tungkol saan po pala ang sasabihin ninyo sa akin?"

"Sana huwag kang mabigla anak, gusto ko man siya na mismo ang magsabi pero karapatan mong malaman ito anak.Sana matanggap mo pa rin ang siya." Hindi pa siya tapos magsalita, parang hindi ko na magugustuhan ang susunod na paliwanag niya. Ngunit nilakasan ko ang loob ko at piniling manahimik para mas maintindihan ko ang mga sasabihin niya pa.

Nakita ko ang pag-iba ng awra ni Mommy para siyang kinakabahan na hindi naman dapat.

"Cinyla, your dad is still alive. Yung panahon na hindi ko masagot ang tawag mo, he is here.He talked to me that he survive from the accident three years ago.Marami kaming napag-uspan, hindi ko lang masabi sayo iyon dahil hindi pa ako handa at biglang nasira ang cellphone ko. Sorry anak. "Halos manghina ang tuhod ko at hindi ko magalaw ang bibig ko. Walang salita ang gustong kumawala at wala akong maisip kundi bakit?

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at sa puntong ito, may pumapatak na basang likido sa magkabilaang mga mata ko. "Anak, alam ko marami kang tanong at nakakabigla ang sinabi ko sayo. Bukas ang death anniversary niya diba pero baka sa susunod na araw ay magpakita na siya sayo." Sinusubukan akong pakalmahin ni Mommy pero wala akong masabi at sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko. 

"Cinyla, patawarin mo sana ako kung ngayon ko lang nasabi. Umamin din sa akin ang Daddy mo na siya ang may pakana ng mga misteryosong mga sulat at kahit ang regalo na natatanggap mo. Marami siyang sasabihin sa pagpapakita niya sayo, anak. Sana lang hayaan mo rin muna siyang magpaliwanag." Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kanang kamay at dahan-dahang tumayo.

Napapikit ako at sandaling dinamdam ang katahimikan.

Ilang minuto siguro akong nakatayo habang nakapikit. Hinayaan naman ako ni Mommy, mayamaya pa ay nagsalita na rin ako.

"Mom, this is not a good joke. If he still alive, bakit kailangan niya magtago? Bakit kailangan niya akong takutin at mag-isip nang mag-isip? Mom, hindi maganda ang nangyayari sa akin kapag may natatanggap akong sulat o regalo na akala ko may gustong kumuha o makipaglaro sa buhay ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'yan o ano." Halos mabasag ang boses ko dahil sa huling sinabi ko, halohalo ngayon ang nararamdaman ko at kung ano-ano na rin ang sumasagi sa isipan ko.

Lumapit si Mommy sa akin hinarap ako. "Hindi ko kayang sagutin ang lahat ng tanong mo, kahit sinabi niya sa akin siya na mismo ang magsasabi sayo nang harapan, Cinyla. He exists. Marami lang siyang inayos kaya hindi niya pa kaya noon humarap sa atin." seryosong paliwanag nito pero hindi pa rin kumbinsido sa mga sinasabi ni Mommy ngayon.

"Cinyla, alam kong nabibigla ka at walang maintindihan. Pero lahat ng sinasabi ko sayo ay totoo. Miss na tayo ng Daddy mo, akala ko noon wala na talaga siya but he is exists. Nakita ng mga mata ko at nahawakan ko ang kamay at mukha ng Daddy mo nitong nakaraan na pinuntahan niya ako. Hindi ko rin siya masisisi kung pinili niya munang manahimik at ngayon magparamdam. "

Wala akong maintindihan ngayon, para bang pinasok lahat sa utak ko ang nakakabiglang impormasyon pero kahit anong pilit kong intindi, wala. Wala akong masabi pa sa mga sinasabi ni Mommy.

Niyakap ako ni Mommy,  naramdaman ko ang sinseridad at gumaan kahit papano ang nararamdaman ko, iba talaga ang yakap ng isang ina.

"Mom, huwag muna natin siya pag-usapan. Salamat po sa pag-open at sa mahigpit na yakap." Kumalas ako pagkatapo kong sabihin iyon. 

"Akyat muna po ako sa kwarto ko at maliligo po muna, tawagin ninyo na lang ako kapag kakain na tayo ng tanghalian." Kinuha ko ang tsaa ko at ngumiti ng pilit. Umalis na rin ako at diretsong pumunta sa kwarto ko. Hindi ko na hinayaan na magsalita pa si Mommy, hindi na rin ako lumingon pa sa halip ay dumiretsong akyat na ako sa kwarto.

Sana nga kayanin kong makita si Daddy, sana malaman maintindihan ko rin ang mga paliwanag niya. Sana maging totoo rin siya sa amin.

****

Naligo ako sa maligamgam na tubig para ma-relax sa naging mainit na usapan namin ni Mommy,  pasado alas onse na ng umaga at baka mayamaya ay kumain na rin kami. Pinili ko munang magpahinga sa kwarto dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kay Mommy kung sakali na baba ako.

Habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit nag puting tuwalya hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sa usapan namin ni Mommy kanina, hindi pa rin matanggap ng utak ko na buhay si Daddy. Bukas ang death anniversary niya na balak ko sanang dumalaw sa sementeryo kasama si Mommy bukas pero mukhang hindi na iyon mangyayari pa. Npaupo ako sa maliit na couch sa gilid ng kama ko malapit sa bintana. Nakunot ang noo ko sa isiping sino ang dinadalaw namin tuwing araw ng patay? Sino ang nakahimlay sa bangkay na pinupuntahan namin ni Mommy? 

"Ugh! I hate it! Bakit ba kasi ngayon pa? Tsaka ano ba talaga ang totoo?" Mukha akong baliw na nagsasalita sa hangin. Sumabay pa ang magulo kong buhok dahil hindi pa ako nakakapagsuklay dahil kanina ay pinapatuyo ko ito. Nahagip ng mata ko ang cellphone ko sa ibabaw ng study table ko. Napatayo ako nang makita ang unknown number. May two messages ito.

Dad ikaw ba 'to? Napalunok ako at sinubukang kumalma. Inisip ko na hindi siya ito dahil kakaibang number. Malapit na rin mag alas dose at biglang tumunog ang tiyan ko.

Binuksan ko iyon at napapikit pa nga ako at inisip na sana hindi ito mula kay Daddy o doon sa nagpaparamdam ng kung sino man.

Unknown number

+6395678346790

Hi anak, si mommy mo i2. Bumababa ka na at kakain tayo. May natanggap akong cellphone kanina at may simcard na mula sa daddy mo nabilhan niya na ako. Bumaba kana at kakain na tayo.

Received 11:50 A.M.

Unknown number

+6395678346790

Cinyla, baba ka na kumain na tayo.

Received 11:59 A.M.

Nakahinga ako nang maayos matapos kong basahin ang mga texts ni Mommy, pero mukhang totoo nga ang sinasabi niya dahil nakabili agad siya ng bagong  cellphone. Bababa na sana ako ng makatanggap ako ng tawag mula kay sir.

Madali kong inayos ang sarili ko at pinindot ang green button.

"Hello?" wika ko sa kabilang linya.

"Hi Cinyla, kumusta ka? Free ka ba bukas?" tanong nito na siyang ikinataka ko. Ano bang mayroon bukas sa isip-isip ko.

"P-po?"Utal kong sabi sa kabilang linya.

"There is no occasion tomorrow but since your Mom needs a new phone, labas sana tayo." Malumanay ang boses niya ngayon na para bang bukod sa pagbili ng bagong cellphone ay may gusto siyang sabihin, hindi ko maintindihan 'tong instinct ko.

"Sorry sir may new phone na pala si Mommy, thank you for that and thank you kasi napatawag ka para nasabi ko sayo ito." Pilit akong ngumisi sa tawag para lang maiba ang atmosphere.

"Really? Sayang naman but I want to see you tomorrow, alam kong day off mo pa pero if you are willing to go outside. Call or text me and I am on it and my treat."

"Yes sir, this is noted. Thank you for the offer. Lunch muna kami ni Mommy, I'll text you na lang later."

"Sure. Happy lunch Cinyla and see you tomorrow."

"You too, sir. Goodbye!" Hindi ko na siya inantay na magsalita pa dahil naririnig ko na ang pagkatok ni Mommy.

"Anak, kakain na tayo. Halika na!" Sigaw nito mula sa labas ng kwarto ko at kumatok ulit.

Lumapit ako at pinagbuksan siya. "Hi Mommy, yes po tara na at kumain na."

Ngumiti naman sa akin si Mommy. "Diretso ka na sa ibaba, nakahanda na ang pagkain natin, umiwas ka na rin pala muna sa boss mo."

Magsasalita pa sana ako para magtanong pero tumalikod na siya kaya hinayaan ko na lang at sumunod sa kanya.

Kasalukuyan na nga kaming nasa hapagkainan at pareho kaming tahimik, tanging ingay lang ng plato, kutsara at tinidor ang naririnig sa aming dalawa. Walang gustong mangunang magsalita sa amin. Kaya uminom muna ako ng tubig at tsaka nagsalita.

"Mommy, okay ka lang."

Tumingin ito sa akin habang ngumunguya ng kanin at adobong manok na niluto niya." Oo naman anak, bakit mo naitanong?"

"Bakit mo nasabi na umiwas ako sa boss ko kanina?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na diretsohin tanungin si Mommy.

Napatigil ito sandali at kumuha ng kanin at ulam. Akala ko may mahalagang sasabihin na.

"Wala anak, umiwas ka lang. Hindi rin ako papayag na maging boyfriend mo siya."

Kaninang nagwawala ang alaga ko sa tiyan ngayon para bang natulog na sila dahil nawalan na ako ng gana. Hindi ko na magalaw ang pagkain kondahil sa mga sinasagot ni Mommy ngayon. Para bang hindi siya ang kausap ko. Parang dati lang botong-boto pa siya para sa akin, pero ngayon kulang na lang ay isumpa niya ang boss ko.

"Hindi ko siya gusto, anak. Kumain ka na, huwag muna nating pag-usapan 'yan. Nababastos na natin  ang pagkain."

"Sorry Mom," maikling sagot ko at pilit na sumubo.

Hindi na siya nagsalita pa at kita ko sa mukha niya na ayaw niya munang sagutin pa ang susunod kong tanong lalo na nasa harap kami ng pagkain. Hindi nga tama iyon.

Habang hinihiwa ko ang manok gamit ang kutsara, napapaisip ako sa sinabi niya kanina.

Lumayo ka muna sa boss mo, hindi ko siya gusto para sayo.

Paano ang lakad namin bukas? Anong ipapaalam ko sa kanya? Yung trabaho ko paano na?









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro