Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51: Last Day

Cinyla's POV

Mabuti na lang at naniwala siya sa paliwanag ko. Mali ang nakita niya at totoo naman na walang ibang nangyari sa amin ni Joshua. Masyadong seloso naman at tamang hinala.

Kasalukuyan kaming nakaupo rito sa rooftop ng main office niya, kaming dalawa lang ni Sir Joshua ang nandito. Hindi ko alam kung bakit kami nandito. Mabuti na lang naayos ko na ang mga gamit ko.

"Sir? Ano po bang gagawin natin dito?" Pinangunahan ko na ang pagtatanong kaysa naman maubos ang oras at manatili kaming tahimik.

"Nothing but I am confused right now. May gusto ba sayo si Joshua?" Diretsahang pagtatanong na para bang real talk, agad-agad. Halos napipi ako at napalunok.

"Just be honest, Cinyla. Alam mo ba buong maghapon ko talaga 'to iniisip at hindi rin ako nakatulog nang maayos dahil sa nakita ko kahapon. So tell me,  does Joshua like you?" Halos manlaki ang mga mata ko sa pagtatanong niyang muli. Hindi ko rin maintindihan ang seryosong mukha niya. Para bang halo halo ang mga tanong na naipon niya sa isipan niya.

"No," mabilis kong sagot.  "Kung anuman ang nakita mo, nag-uusap lang talaga kami  ni Joshua dahil sa totoo lang may may nag-iwan na naman ng sulat sa akin. Hindi ko naman agad masabi sayo kanina dahil parang galit ka na ewan. Nagkataon lang na magkayakap kami dahil pinapakalma niya ako." dagdag kong paliwanag na sana ay makumbinsi siya.

Mas naging seryoso ang mukha niya, kaninang hindi mapinta ang awra ngayon ay nararamdaman ko ang labis niyang pag-aalala sa akin. " W-what? Kailan? I mean anong oras mo nabasa at nakita ang sulat? Nasaan ang sulat?" "By the way, sorry kung mali ang tanong ko. Alam mo naman kasi na ikaw pa rin."

Sa sunod-sunod niyang tanong hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin. Bumilis pa ang tibok ng puso ko kaya mas pinili ko manahimik ng ilang segundo.

"I am sorry, naiitindihan ko naman. Pero sana wag kang mapupunta sa kanya, dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag nalaman kong gusto ka ng lalaking 'yon!" Hindi ko alam ang sasabihin at magiging reaksyon sa mga sinasabi niya ngayon. 

Isip self, isipan mo ng ibang usapan para maiba ang atmoshphere.

Sa wakas nakaisip na rin ako ng ibang pag-uusapan namin. "Ito pala yung papel na iniwan ng kung sino man na lalaki, pero ang pinagtataka ko lang yung initials niya ay kapareho kay Daddy. Pero malabo na sa kanya 'yan," wika ko at inabot sa kanya ang sobre kasama ang sulat.

Kinuha niya naman iyon at sinimulan ang pagbabasa. Pinagpawisan rin ako ng malamig sa ulo dahil sa mga pinagsasabi niya kanina. Umupo siya sa gilid at ako naman ay nasa gitna ng couch.

"This is crazy! Who the hell is he?! These initials are like my father." Tumingin siya sa akin na siyang ikinagulat ko dahil anong pinagsasabi niya na katulad sa daddy niya.

"What do you mean same initials ang ginagamit ng daddy mo at ng daddy ko?T-teka h-hindi ko m-maintindihan."Halos mautal-utal pa ako dahil mas lalong gumulo ang isipan ko.

"Wait, hold this. May ipapakita ako sayo." Binigay niya sa aking sobre pati ang papel na binasa niya kanina. Pumasok siya sa loob habang ako ay nakatingin naman sa sulat.

Sino ka ba talaga? Buhay ka ba talaga daddy? Kung oo, bakit mo naman dinadaan ang lahat sa misteryo? Iniwan mo ba talaga kami o talagang may hidden agenda ka?

Kung ano-ano na ang sumasagi sa isipan ko ngayon habang naghihintay kay Sir BenChua.

Halos pitong minuto ako naghintay sa kanya at may binigay sa aking brown envelope. Napataas tuloy akong ng kilay dahil ano naman kaya ang lamang nitong brown envelope.

"Check and open it, malalaman mo na pareho ang initials ni daddy sa papel na binigay mo sa akin kanina." Kinuha ko ang hawak niyang brown envelope at inabot naman sa kanya ang sobre at papel na nakuha ko kahapon.

Binuksan ko iyon at ang laman ng mga iyon ay mga papeles na palagay ko ay sulat mula sa kanyang daddy. Hand written iyon at hindi ko alam bakit pareho talaga. Inabot niya sa akin yung papel kanina at tumingin sa akin na para bang sinasabi ng mga mata niya, sige suriin mong mabuti. Ginawa ko naman ang sinabi niya dahil gusto ko rin malaman kung may pagkakaiba ba o talagang totoo ang mga nakita niya kanina.

"Impossible. Paanong nangyari 'to sir? Tsaka yung hand written ng daddy mo ay pareho sa daddy ko. 

"Hindi ko alam, hindi kaya totoo na magkapatid talaga tayo, sir?" tanong ko sa kanya na tila napaniwala na ako ni Joshua sa mga 

"Gising Cinyla! Gising!" Yugyog sa akin habang tinatapik ang kanang kong braso.

"S-sir?"Mabilis akong napaupo ng makita ang gwapo niyang mukha.

"Yes, I am. Are you okay? Nanaginip ka yata. Napaginipan mo ba ako? Did we kissed?" Ngumuso pa ito at ngumisi ito dahilan para itulak siya. Nakatulog na pala ako rito sa couch dahil kakahintay sa kanya. Umatake na naman ang pagiging bata niya.

"Oh calm down. I am joking. Ano bang napaginipan mo? Sabi ko naman kasi mamaya mo na lang ibigay at sabihin. About saan pala iyon? " sunod-sunod nitong tanong.

"Nothing sir, mag-asikaso na muna ako at aalis tayo 'diba?" Iniba ko ang usapan dahil mas mabuting makaalis na muna kami rito sa kanyang mansion. Gusto ko na rin makasama at makita si Mommy.

"Yes, nakapag-book na si Dehlia. I hope okay na ang mga gamit ninyo ni Joshua baka mamayang 7 p.m. ang lipad natin papuntang Maynila," paliwanag nito kaya tumango na lamang ako.

"Pero ang sakit ng pagkakatulak mo ha? Nag-unat-unat siya ng dalawa niyang kamay." Napangiwi naman ako dahil kasalanan niya naman kung bakit kung siya natulak.

"Sorry sir, ikaw naman kasi ang dumi ng isip mo. Wala lang 'yon."

"Really? Lalapit pa sana ito para manghalik pero mabilis akong nakaiwas. I know him.

"Mabilis mo naman umilag wala naman akong gagawin sayo. Okay, fix yourself dahil iuuwi na kita."

Napataas ako ng kilay at napatanong sa huling sinabi niya dahil baka mali lang ako ng pagkakarinig. "Ano sir?" 

"I mean, fix yourself kasi mayamaya aalis na rin tayo. Itext mo na lang si Joshua," sagot nito.

Tumango na lang ako dahil ang layo naman ng mga sinabi niya.

"Sige sir, mauuna na po ako. Salamat sa paggising sa akin." Umalis na nga ako.

Sana sa pag-alis namin walang maging problema at sana nga panaginip lang iyon.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro