Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50: The Letter of my Dad

Cinyla's POV

Pinili ko na lamang kalimutan ang nangyari noong isang araw. Mabuti na rin wala siyang binabanggit tungkol doon, dahil sa totoo lang nakakahiya. Bakit niya kasi ako hinalikan? Bakit naman nambibigla? Kasalukuyan kaming nasa main room. Today is Monday at wala na rin naman kakaibang nagpaparamdam, sana nga wala na. 

"Are you ready? Kakain muna tayo at mamaya pwede na kayo bumalik sa kwarto ninyo para mag-impake. Wala rin naman nagawa ang isa riyan, akala ko naman matatapos at makikilala na rin kung sino ang gumagawa ng mga pananakot kay Cinyla." Pagpaparinig ni Sir BenChua sa kay Joshua na nakatingin sa kanya.

Huwag naman sana sila mag-away sa harapan ko.

"Hindi madaling makilala ang gumagawa ng misteryo lalo na kung nandito lang tayo sa loob ng malaki mong palasyo," sagot naman ni Joshua na para bang may gusto pa siyang  sabihin. Totoo nga naman hindi talaga malaman lalo na hindi sapat ang ebidensya at para lang kabute yung lalaking nagpaparamdam sa akin.

Totoo nga naman, hindi madaling makilala ang taong ayaw magpakilala sa amin.

"Okay fine, Joshua. Let's end here, mas okay na makauwi na rin tayo sa Manila. I have so much work to do, diba Cinyla?" Tumingin siya sa akin na para bang dapat magsang-ayon agad ako.

"Y-yes!" mabilis kong sagot dahil ayoko na magkaroon pa ng
matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Mas okay siguro na bumalik ka na muna Joshua sa kwarto mo." Hinila ko ang kamay niya palabas.

"Alis muna kami sir, balik na lang kami agad pagkatapos ayusin ang mga gamit." Pilit na ngiti ang iniwan ko at tuluyan na kaming umalis sa main room.

"Alam mo 'yang boss mo, akala mo kung sino! Ako na nga' 'tong natulong dahil alam ko na tama ang instinct at base na rin sa mga nakalap ko." Napatigil kami sa kalagitnaan. Mabuti na lang walang bodyguards na sumunod at naging malapit na lang ang room naming dalawa.

"Ano bang sagot mo sa lahat, Joshua?" tanong ko at seryosong tumingin sa kanya.

"Alam kong may namamagitan sa inyo, Cinyla. Naiintindihan ko rin naman na nahuhulog na ang loob mo sa kanya. Pero buhay ang Daddy mo. Base na rin sa mga initials at mga pakulo na ginagawa niya. Iyon na ang matibay na rason sa mga tanong ninyo. May kaugnayan din ang mga nakaraan ninyo." mahabang paliwanag nito na mas lalong hindi ko maintindihan.

"Paano mo ba nasasabi na may ugnayan ang mga nakaraan namin? Hindi ka naman manghuhula, Joshua eh," pabiro kong sabi.

"Aaminin ko rin na hindi malabong mahulog ang loob ko kay sir, he is also a broken family. Nakakatuwa nga na madalas relatable kami sa mga bagay-bagay. Pero oo, nakakainis din naman siya minsan. Pero malabo talagang magkapatid kami kung iyan ang pinupunto mo."

Napabutonghininga na lang si Joshua at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo Cinyla, aminado naman ako na gusto mo siya. Pero bilang kaibigan. Always be careful with your decisions and actions. Kilalanin mo munang mabuti bago ka magpapasok sa buhay mo. Kaya rin pinili ko na makasama rito, I want to protect you. I am here because I am worried."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko siya laging nakakasama pero talaga totoo siyang kaibigan. Pero hanggang kaibigan lang ba?

"Salamat, Joshua. Sige, mas mabuting mag-impake na tayo at mamaya na pag-usapan ang mga bagay na importante. Tatandaan ko lahat ng sinabi mo."

Bumitaw na rin ako sa mahigpit niyang pagkakahawak at ilang segundo kaming nagkahiyaan. Nakagat ko tuloy ang ibaba kong labi. Ang awkward naman nito!

Tila namayani sa aming dalawa ang katahimikan. Napalunok tuloy ako at nag-umpisang sirain ang katahimikan.

"Sige Joshua, mauna na ako pumasok sa kwarto. See you na lang mamaya." Kumaway ako sa kanya, ngumiti naman ito at hindi ko na hinintay pa na magsalita siya. Tinap ko na lang yung card ko para makapasok sa loob.

Pagkapasok ko sa looban, matinding paghinga ang ginawa ko. Dumiretso agad ako sa kama para ayusin ang dapat. Pero parang may kakaiba, nakaramdam ako malamig na hangin. Sarado naman ang bintana at ang aircon. Bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa pagtingin sa puting kama ko. Nakita ko ang isang pulang sobre.

Napalunok ako at napakapit sa magkabilaan kong kamay. "Ano 'to? Hello may tao ba rito? Hell-hello?"

Para akong sira na kumakausap sa hangin. Naghintay pa ako ng ilang segundo at tumingin-tingin sa paligid.

Nagsalita akong muli. "May tao ba rito?" Nilakasan ko ang loob ko at kinuha ang sobre. Wala namang nagpapakita kundi may naiwan lamang na sobre.

Binuksan ko iyon at may sulat sa loob. Binasa ko iyon at mabilis na tumibok ang puso ko na para bang wala ng bukas.

Hi Cinyla,

Alam kong naguhuluhan na kayo, lalo ka na. Miss ko na kayo. Miss na miss, hayaan mo malapit na akong magpakita at makilala. Hindi ko gustong matakot ka, sorry kung umabot pa sa ganito. Hindi rin madali sa akin ang labat. PAkiUsap, huwag kang mahuLOg kay BenChua. Hindi kayo pwede. Hindi rin ako papayag. Makinig ka lang kay Joshua. Ingat ka palagi, ingat kayo pag-uwi.

Mahal na mahal kita.

P. M.

Nabitawan ko ang sulat na hawak ko at para bang nakaramdam ako ng kuryente at biglang nanginginig.

"Sino ka ba talaga? Sino! Bakit ganito ang sulat mo?" Wala man akong kausap tuloy pa rin ang pagsasalita ko.

"Tigilan mo na ako, tigilan mo na rin ang paggamit ng initials ni Daddy. This is not yours! Wala kang karapatan na gamitin 'to. My Daddy is already died  2 years. Tama na!" Pasigaw kong sabi. Napataob ako ng biglang bumukas ang pintuan.

"Are you okay Cinyla? Sorry pumasok na ako. Kakatok pa lang sana ako pero narinig ko ang sigaw mo. May kausap ka ba?" Gulat na tanong ni Joshua. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Joshua, thank you for coming here! Hindi ko alam kung sino ang nagpadala ng sulat. Natatakot talaga ako. This time, ang creepy ng pinadala niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko." mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Calm down, I am here now." Tinapik niya ang likuran ko para mapakalma, dahil medyo nanginginig pa rin ang buong katawan pati pagkatao ko dahil sa creepy letter na nabasa ko.

Mayamaya pa ay naging okay na rin ako. "Thank you, Joshua. Sorry nabigla lang ako." Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "It's okay, mabuti na lang narinig kita. Nasaan ang sulat? Can I read it?" tanong nito.

"Sure! Nabitawan ko kasi kanina dahil sa kaba at takot."Mabilis kong hinanap iyon hanggang sa narinig ko na lang si Joshua na may binabasa na parang tulad sa binasa ko kanina.

"Ito ba 'yon, Cinyla?" tanong niya at pinakita sa akin ang sulat.

"Ayan nga! Saan mo nakita?"

"Nandito kasi sa paahan ko, sorry. Hindi nga maganda ang laman ng sulat. Tsaka yung initial niya ganito ang pirma ng Daddy mo, right?" tanong nito dahilan para maguluhan ako at mapataas ang aking kilay.

"Paano mo nalaman, Joshua? Hindi ko naman sinabi sayo pero paano mo nasabi na kay Daddy 'yan?" Maraming tanong ang gustong kumalawa sa isipan ko ngayon.

"Yes, hindi mo nabanggit sa akin pero before nag-research ako about sa Daddy mo. Based on my research, every letter that he wrote this is her initials as his signature.

Nagbigay din siya ng clue dahil sa letter niya nakasaad yung name na Paulo. Mas kumabog ang dibdib ko at napatingin sa papel dahil wala namang Paulo na nakasulat doon.

"Huh? Nasaan? Wala naman akong nakita kanina."Pinilit kong hanapin pero wala talaga.

Tinuro sa akin ni Joshua ang may malalaking letra. Napatakip ako sa bibig dahil hindi ko iyon napansin. Akala ko sadya lang pero may ibig sabihin pala ang mga capslock letters.

"This is not a joke right? Pero pwedeng oo dahil matagal ng wala si Daddy." Dahil sa sulat na natanggap ko, para akong masisiraan ng bait. This is not good. Impossible na buhay pa si Daddy. Pero kung buhay man siya, bakit puro ganito ang mga ginagawa niya. Tsaka bakit hindi na lang siya nagpakita sa amin ni Mommy. Nasaan ba talaga siya? Anong ginagawa niya?

Napaupo ako sa kama. Napabutonghininga at napapikit dahil naguguluhan ako masyado. "Hey calm down! Baka mapapano ka, mas mabuting huwag mo na lang 'yan intindihin. But we need to say this to your boss para malaman niya na may sulat kang natanggap."

Tumango na lang ako sa kanya. Wala naman din akong magagawa. Kahit magmukmok ako dito at isipin kung totoo ba o hindi. Wala akong makukuhang sagot. This is so frustrating. Hindi ko na alam.

"Sorry Joshua, napapaisip ka pa tuloy at nadadamay rito. Hayaan mo magiging okay rin ako, at oo sasabihin din natin ito kay Sir BenChua." Pilit na ngiti ang ginawa ko at hinawakan niya ang kamay ko para mas ma-assure na magiging okay rin ang lahat.

Ilang saglit pa ay biglang may pumasok sa kwarto ko. Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Joshua.

"S-sir?"

"Ano ang dapat kong malaman tsaka bakit magkasama kayong dalawa?What happened here, Cinyla?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro