Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Stress Day

Cinyla’s POV

Nagkalat ang mga papel at samo’t saring mga envelope pati folder sa ibabaw ng lamesa ko. Kasama ng iba’t ibang klase ng ballpen sa gitna nito. Umupo na ako sa aking trono at huminga ng malalim.

Panibagong araw maraming trabaho na naman ang gagawin ko, pero kailanman hindi ako nagreklamo kundi inisip ko na magbubunga naman lahat ng paghihirap ko.

Simpleng empleyado lang naman ako rito na nag e-encode ng mga mahahalagang detalye.

Kabilaan pa ang mga papeles na nasa lamesa ko pero kaya 'yan! "Hi Cinyla! Mamaya pala pinapatawag ka ni Sir Ronie sa opisina niya. Punta ka na lang ha? May idadaan pa kasi akong mga papeles sa kabila," turan ni Amora at tuluyan na rin nilisan ang kwarto ko.

Tumango na lamang ako bilang senyales na pupunta ako sa opisina ni Sir Ronie. Si Sir Ronie ang pinaka ulo rito habang wala pa ang pinakamay-ari dahil out of town daw. Sa totoo lang hindi ko pa iyon nakikita personal, sana naman makita ko na rin sa susunod. Inayos ko na lamang ang sarili ko at niligpit ang mga gamit ko.

Tinungo ko na ang pinakadulo ng kaniyang opisina. Hindi ko ba alam bakit sa dinarami-dami ng gugustuhin ni Sir Ronie na puwesto ay sa malayo at dulo pa. Wala naman akong pagpipilian kundi puntahan iyon kahit nakakatamad.

"Bakit naman ngayon pa nasira itong elevator papunta kay Sir Ronie? So paano na? Hays! Okay sige gagamit na lang ng hagdan." Inis man akong tinahak ang bawat hagdan, ginaw ako pa rin at sinubukan pakalmahin ang sarili hinihiling ko na rin sana mamaya maayos na ang elevator dahil baka piliin ko na lang tumira sa opisina niya dahil ayoko ng ganito.

Hindi naman sa reklamador ako, hindi ko kasi alam bakit kailangan talaga na ngayon pa masira iyon. Pinaparusahan ba ako? Halos mangiyak ako sa mga naiisip ko. At habang naglalakad ako, inisip ko na lang malapit na ako para hindi ako mapagod at mainis nang tuluyan.

At sa wakas narating ko rin!

Nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkahingal, at nakita ko na rin ang opisina nito. Hindi ka maniniwala na siya lang ang nandito pero iyon ang totoo. Pinili niya rito dahil mas kampante siyang gumalaw at gawin ang nais niya. Kumatok muna ako bago tuluyan na pumasok.

"Pasok!" Sigaw nito.

Pumasok naman ako at nakita ko siyang abalang-abala sa mga papeles na dala-dala niya.

"Sir? Ano pong mayroon bakit ninyo raw po ako pinatawag." tanong ko habang pinagmamasdan ang ginagawa niya.

Halos ilang segundo ito bago nagsalita.

"I know you are aware that our CEO still in the vacation but he reminds me that he needs someone to ber assistant kapag dumating siya." Tumingin ito at tinigil ang ginagawa niya.

"P-Po?"

"And also, pasensiya na naglakad ka kasi pinapayos ko pa ang elevator ko dahil para mas maayos kapag bumalik siya."

"Ikaw ang napili kong maging assistant niya." Dagdag nito na siyang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung magdidiwang ba ako o ano dahil sa mga sinabi niya.

Ako pinili? Bakit...

"Don't worry she will be her by next week. Magpapakilala na rin siya dahil alam kong sa ilang taon na pananahimik niya ngayon na ang tamang panahon sa pagbabalik at pagpapakilala niya." Paliwanag nito na nagbigay kaba sa akin. Gusto ko pa sanang magtanong pero tila naputol ang dila ko at ayaw na nitong umabante pa. Minabuti nitong manahimik at hayaan na lang na mangyari ang dapat.

"Sige po sir, noted po!" Pag sang-ayon na lamang ang naging tugon ko upang wala ng kahit na ano pa na sabihin si sir.

"Sige na maaari ka nang bumababa at ituloy ang mga gagawin mo. Huwag kang mag alala dahil kapag nandito na ang CEO iba na ang gagawa ng mga trabaho mo. Kaya ayusin mo sana Cinyla at mag-focus ka." seryosong paalala nito na siyang ikinatango ko.

"Opo sir, makakaasa po kayo. May kailangan pa po ba kayo?"

"Wala naman na. Maaari ka naman mag out nang maaga ngayon at bukas muna ituloy ang dapat mong gawin. Ingat ka sa pagbaba, hayaan mo next week hindi ka na dadaan sa hagdanan." Natawang sambit nito at pinagpatuloy na ang kaniyang ginagawa. Nagtataka man ako sa huling sinabi niya pero hindi na ako nagtanong pa dahil siya na mismo ang nagsabi 'non. Tamang-tama lang iyon para makapagpahinga ako nang maaga.

At kahit na dadaan muli ako sa hirap dahil walang elevator, nilunok ko na lang lahat ng mga gusto kong sabihin at tinahak muli ang landas ko. Sa totoo lang maganda itong ehersiyo pero batid kong mas maganda ito gawin sa umaga hndi sa hapon dahil dadalawin ka ng antok at pagod.

Lakad, lakad at lakad ang ginawa ko hanggang sa huling hakbang ko ay narating din ang opisina ko. Umupo na agad ako at huminga nang malalim. Sa wakas din nakababa rin. Grabe na exercise ang ginawa ko ngayon!

Tiningnan ko ang selpon ko at nakita ko ang mensahe niya.

See you at 5 p.m. sharp! Hintayin kita sa parking area.

Received. 3:30 P.M. MONDAY

At pagkatapos kong mabasa iyon, naisipan kong umuwi ng 4 p.m. dahil ang sabi naman sa akin ng manager namin na si Sir Ronie ay ayos lamang na mapaaga ako ng uwi. Hindi dahil sa masunurin ako kundi sobrang pabor sa akin ng linyahan niyang iyon. Tumipa ako at nireplyan siya.

Aftie! Huy Ben, 4 p.m. ako uuwi. Pasundo ako ha? See you. Thanks! Ingat sa pagmamaneho.

Pm Sent. 3:33 P.M. MONDAY

At dahil minuto na lang ang natitira sa akin. Tiningnan ko muna ang mga naiwan kong gagawin. Kaunti na lang pala iyon dahil naparami ang mga ginawa ko kanina. Nagligpit na ako at nilinis ang lamesa ko. Para sa akin ito ang pinakaimportante, hindi porket aalis na hindi na maglilinis mahalaga sa akin na bago at pagkatapos ay maayos at malinis ang paligid ko rito. Hindi dahil sa sanay ako ganoon ang ayos at nakikita ko kundi patunay iyon ng pag iingat pagmamahal sa trabaho.

Hanggang sa tumunog ang selpon ko na ang ibig sabihin ay may natanggap akong mensahe. Dali-dali kong kinuha iyon at binasa.

Sige papunta ako. Hintayin mo na lang ako. Salamat! :)

RECEIVED. 3:37 P.M. MONDAY

Hindi na ako nag aksaya pa ng load para replyan siya. Hindi dahil hindi naman kailangan kundi tingin ko mas mabuting hintayin ko na lang siya. Hindi naman siya siguro magtatagal doon at may kalakip na coffee shop sa parking area na gusto ko rin munang daanan.

Umalis na ako at nag log out. Pagkatapos ay pinuntahan ko na ang S and J Kape Shop.

Simpleng Black coffee ang naisip kong bilhin at ang kanilang best selling na ensaymada. Sobra itong mabenta sa lahat ng mga dumadaan dito kaya tatlo na ang binili ko.

Umupo muna ako roon at uminom ng kape ko pero ang inaantay ko pa tinapay, kaya mamaya na lang siguro ito kainin sa bahay. Nagmuni-muni muna rin ako habang nagmamasid sa labas. Ang ganda ng araw ngayon at patago na rin maya-maya si Haring araw... Nakakamiss din ang ganito na nagpapahinga ka habang humihigop ng mainit na kape.

Tumunog muli ang selpon ko pero ngayon isang tawag na mula sa hindi ko kilalang numero. Hindi ko sana sasagutin kaso baka importante.

"Hello? Sino ito?" takang tanong ko sa kabilang linya.

"Si BenChua ito, nasaan ka na? Nandito na ako. Isang number ko ito na may pantawag. Naubusan kasi yung isa kong number." Buong boses na tugon nito.

Halos mapaso ako sa pag inom ng kape dahil siya lang pala iyon at natawa pa ako sa mga naisip ko. Yayamin pala ito at kabilaang sim card ang may load.

"Nasa S & J Kape shop lang ako, kunin ko lang ang ensaymada ko at palabas na rin." Mabilis kong tugon.

"Hindi na sunduin na kita riyan, hintayin mo ako." seryosong saad niya.

Magsasalita pa sana ako pero bigla niyang binaba ang tawag. Ay iba napaka gentelman naman para babaaan ako. At dahil sa sinabi niya kinuha ko pa rin ang ensaymada na order ko at pinadagdagan naman ng dalawang choco drinks.

Sinunod ko ang sinabi niya at hintay siya rito. Naghintay na rin ako ng dagdag order ko kaya okay lang naman . Hindi naman din siya mahihirapan na hanapin ako dahil kaunti lang ngayon ang customers dahil hapon. Ang mas marami kasing tao rito ay pag umaga at sa gabi. Kaya sakto lang na narito ako ngayon.

Ilang saglit pa ay nakakita ako ng matipunong pumasok sa loob at walang iba kundi siya. Hinanap niya ako dahil sa paglinga ng nga mata nito kaya kumaway ako, nakita rin niya naman ako kaya lumapit na ito.

"Tara na?" pagyaya nito nang makalapit sa akin.

"Oo, uwing-uwi na rin ako eh. Tsaka nandito na rin naman ang mga binili ko. Ikaw may gusto ka bang bilhin dito?"

"None, manghihingi na lang ako sayo." pagbibiro niya.

"None pala ha? Bahala ka tara na kung wala pala." Hinili ko na siya palabas ng coffee shop. At kahit hindi ko ma-gets ang sagot niya kanina hinayaan ko na lang.

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng kotse niya habang binabaybay ang pag-uwi ay nagtanong ito, "Ang aga mo yata ngayon? Anong mayroon?"

"Napaaga ako kasi pinayagan naman ako ng Manager namin. Pabor naman sa akin iyon, ikaw saan ka pa galing?"

"Sa tabi-tabi lang nagliwaliw." Tipid niyang sagot at niloko ang daan dahil malapit na rin kami sa bahay.

"Mamaya ko na ibigay sayo yung drinks at ensaymada mo rito ha? Sa bahay mo na lang kainin."

"Naks! Sure mabuti choco drink ang binili mo. Allergic ako sa black coffee eh." Tugon nito na tila naging interesado sa akin.

Magtatanong pa sana ako ng ihinto niya na ang sasakyan.
Nandito na pala kami sa tapat ng bahay.

"Salamat, Ben!" Pagpapasalamat ko sa kaniya at binuksan ko na agad ang pintuan oara bumaba. Ngunit mabilis siyang lumabas at pinagbuksan ako.

"Walang anuman. Mamaya ha? Este yung ensaymada at choco drink." Paalala nito na muntik pang ano ang maisip ko.

"O-Oo!" Utal kong tugon at nauna na akong pumasok sa loob.

Pinark niya muna ang sasakyan habang ako ay dumiretso na sa itaas, hindi ko nakita si Mama ngayon maaaring nagpapahinga iyon dahil napaaga ang uwi ko. Hindi naman ako nahirapan dahil may sarili akong susi.

Sa pagpasok ko hindi ko inasahan ang mga nakita ko.
May kakaibang halimuyak ang nasa loob ng kwarto at nagkalat ang kulay pula na pitas mula sa rosas.

Ano mayroon? Bakit may ganito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro