Chapter 47: Mystery Gifts
Cinyla's POV
Halos pasado ala-sais na ng umalis kaming tatlo sa kwarto ko. Tumawag na rin si Sir BenChua sa kanyang mga katulong para sa maglilinis ng kwarto ko. Bago kami tuluyang umalis, kinuha ko muna ang isang maleta at small bag dahil nandito lahat ng mamahalagang gamit ko.
"Ako ng madadala niyan." Pakiusap ni Sir BenChua at kinuha ang maleta ko.
Tumingin lang sa akin si Josh na akala ko ay may sasabihin pero ngumiti lang pagkatapos.
"Let's go!" Pagyaya ni Josh at pagkalabas naming tatlo nakita ko na ang apat na bodyguards na sinasabi ni Sir BenChua. Malalaki ang katawan nito at nakasuot pa ng shades.
"Good afternoon, sir!" Sabay-sabay nilang bati ng makita nilang unang lumabas si sir BenChua.
"Good afternoon! Leo at Kevin maiwan kayo rito, magbantay kayo hanggang sa matapos ang dalawang maids sa paglilinis sa loob, okay?"
"Yes sir!" Habang ang dalawa naman ay umabante na parang alam na nila ang gagawin nila. " Miguel and Manuel, sumama na kayo sa amin. Magbantay kayo sa paglalakad natin hanggang sa guest room." Paalala niya sa dalawang matipunong lalaki na nasa harapan namin.
Nagulat naman ako dahil yung mga dalahin ko ay ibinigay ni Sir BenChua sa dalawang bodyguards na makakasama namin.
"Allow them to bring your things."
Ilang minuto rin ay may dalawang babae na nakasuot ng maid uniform na itim ang dumating. "Good afternoon, sir! Maglilinis na po kami sa loob," aniya nilang dalawa.
"Go ahead, angels! Make sure to clean the mess, okay? Isara ninyo rin lahat ng bintana. If something goes wrong, let me know. Leo and Kevin will be accompanied to both of you."
"Noted sir, thank you," sabay nilang sabi at yumuko pagkatapos.
"Mauuna na kami. Oh, Leo at Kevin kayo ng bahala. Please be aware and be observant. "Tumango ang dalawa at nasa tabi ang dalawang babae na tila hinihintay na makaalis kami bago sila maglinis.
Naglakad na nga kami at sa kalagitnaan kung saan may malapit na elevator, pumasok kaming lima.
Pinindot na nga ng isang bodyguard ang elevator at pinili niya ang 7th floor.
******
Nakarating na nga kami sa pupuntahan namin. Isang malaking espasyo ang sumalubong sa amin at may dalawang babae nakasuot ng puting magarang bestida na uniporme, yumuko ang mga ito at bumati sa amin. "Good morning!' Bati nila. Kabilaan din ang mga bodyguard na animo'y bantay na bantay ang gagawin namin. Malayo ito sa office ni Sir BenChua dahil magagara ang gamit at kulay itim at puti lang ang bawat bahagi, kahit ang mga mamahaling gamit ay talagang classic at talagang organize.
"Feel at home to my resort Josh," wika nito habang ang mga mata ko naman ay abala sa pag-e-explore sa bawat dadaanan namin.
"Thank you, sir." magalang niyang sagot na medyo napatawa ako dahil hindi bagay sa kanya ang mga sagutan niya. Nkaita ko naman si Sir BenChua na ngumiti ng pasimple. Ngayon ko lang nakita ang kagandahan ng resort niya na may 10th floor building.
"Sayo ba lahat ng 'to, sir? Kailan pa?" Hindi na ako nakapagtimpi at nagsalita rin.
"Well I think since born?" Mabilis nitong sagot dahilan para mapatigil ako. "W-What?" Sigaw kong sabi. Nagsitinginan ang mga maids, staff at pati ang bodyguard. Tinakpan ko ang bibig ko at humingi ng pasensiya sa kanila.
Natawa naman siya at lumabas ang dalawa niyang dimple sa kanan at kaliwa niyang pisngi. "I am serious, Cinyla. Ako lang naman ang nag-iisang lalaking anak sa pamilya namin at sa mga kapatid ni mommy puro babae ang kanilang anak. Kaya ang sabi ng lolo ko, sa akin ito mapupunta at para mas mapalago ko. Hindi ko naman siya binigo, sila hindi ko binigo." Kasalukuyan na nga kaming naglalakad hanggang sa sumakay na rin kami sa elevator.
Pinindot ng isang bodyguard sa numerong 9th floor. Tiningnan ko siya sa mukha at tingin ko siya si Manuel, sa pagkakatanda ko. Ngunit napatingin ako sa dalawa dahil sa usapan nila. "I am happy Josh that I finally meet you here. I hope you can help us to know who is that damn man! Hindi ko lang maintindihan paano siya nakakapasok sa sarili kong resort with his smooth actions. Like damn, who is he!" mahabang paliwanag ni Sir BenChua.
Habang si Josh naman nasa kanan ko ay nagsalita na. " Me too sir, this is weird but I know you have connection or someone sabotage you. I mean, someone trying to play with you. Hindi lang din naman ako natuwa pati si Cinyla nadadamay." Tumingin ito sa akin ng saglit na para bang may nais sabihin.
"Yeah dude. Stop calling me sir. Well, me too. Malaman at makilala ko lang kung sino talaga siya. I killed him!"
"Calm down, dude. Makikilala din natin siya," wika ni Josh na para bang nakakabigla ang closeness nilang dalawa at bigla ng bumukas ang elevator.
Naunang lumabas ang dalawang bodyguard at pagkatapos ay nagbigay naman sila ng daan. Yumuko ito at tumingin sila sa amin.
"We are here." Sabay nilang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko hindi ko maihakbang ang mga paa ko, para bang may mga glue ang suot kong sandals.
"Ang ganda!" Inalalayan ako ni Sir BenChua at hindi ako lumingon kundi sinubukan kong humakbang at tumingin sa aming paligid.
Makukulay ang mga palamuti at ang amg kagamitan ay tila minana pa sa ninuno ngunit makikita mong alagang-alaga dahil sa kintab nito.
"This is my xiuxi di difang," sambit niya na tila nagbigay palaisipan sa akin. Ginagamit niya ang sarili niyang lengguwahe.
"Huh?" tanong ko habang patuloy kaming naglalakad.
"Ibig kong sabihin 'Kapahingahan' sa tagalog, ako lamang ang maaaring pumunta rito dahil exclusive place ko ito.Pero dahil kailangan natin maging maingat at magplano, ito ang naisip kong puntahan natin para mapag-usapan ang mga kailangan. I have my all source from CCTV in my secret room. Makikita ninyo iyon mamaya. " Hindi ko akalain na may tinatago siyang ganitong lugar, talagang mayaman nga siya. Napatingin ako sa puwesto ni Josh, tahimik lang kasi siya habang naglalakad kami papasok sa loob.
Ano kayang iniisip nito? Bakit kaya ang tahimik niya? Halos hindi mawala ang mga mata ko sa kanya, dahil hindi naman siya ganito kapag magkasama kami. Iniisip ko tuloy na naiilang siya o baka hindi lang siya sanay. Pero...
Bigla itong tumingin sa akin kaya't mabilis kong inalis ang mga mata ko sa kanya. "I am fine Cinyla, I am just familiarize myself and observe the place," he explained. Napalunok tuloy ako at napangisi ng pilit dahil kahit hindi naman ako nagtatanong ay alam niya agad. Detective nga talaga siya.
Nang biglang may matangkad na lalaki na nakasuot ng formal na polo na itim. Tingin ko ay isang guard din ito rito pero may mataas na posisyon, mabilis siyang lumapit kay Sir BenChua na para bang may binubulong.
"W-what?!" Bumilis ang tibok ng puso ko ng mapasigaw siya dahil sa box na malaki na binigay ng lalaki.
"How? I mean, paano ninyo nakapasok ang ganito sa resort ko?! Sino bang tumanggap nito, Mr. Lanny?" Sa awra niya ngayon, para siyang leon na mangangain, dahil sa seryosong mukha nito.
"Sorry sir." Yumuko ang lalaki na katabi nito na at nagpakita ng paggalang at paghingi ng paumanhin. "Nakita lamang namin ito sa labas, hindi na ho namin binuksan dahil para po ito sa inyo. May pangalan ninyo ho, ito rin po ang papel na kailangan ninyong mabasa," dagdag nitong sabi kaya't natahimik si Sir BenChua.
"Okay, Mr Lanny. I am so sorry for yelling at you without your explanation. Just bring this to my office, doon na rin kami pupunta."
"Let's go." Utos niya sa amin kaya't sumunod kami habang nasa likod naman namin yung isang guard na si Mr. Lanny dala-dala yung malaking kulay pulang kahon.
Diretso lang kami hanggang marating namin ang malaking opisina sa bandang kanan.
"Good morning, sir! and good morning, visitors!" Dalawang babae agad ang sumalubong sa amin na nakasuot ng formal uniform— slacks and white long sleeves with red necktie.
"Shiela and Jean, please bring us food and drinks here, thank you."
"Then add coffee as well." Pahabol nito at tumango naman ang dalawa.
"Anything else, sir?" tanong ng isang babae na maputi at taglay ang katangkaran.
"Nothing," tipid na sagot ni Sir BenChua at umupo na ito sa kanyang malaking upuan sa gitna.
Para kaming nakaharap sa hari ngayon dahil sa puwesto namin at mas nangingibabaw naman ang laki ng inuupuan niya.
Habang nagmamasid ako sa kapaligiran, napansin kong tahimik si Joshua.
"Uy? Okay ka pa ba?" Kinalabit ko siya at tiningnan sa mata pero pilit na ngiti lang ang tugon niya.
Hanggang sa nilapag na ni Sir BenChua sa lamesa ang dalawang malaking paper bag na puti. Napatingin kami ni Joshua dito.
"I am sorry to interrupt your conversation but we need to see this." Nag-iba ang ihip ng hangin ng magsalita siya, parang may ibig sabihin ang pag-uusap namin ni Joshua.
Imbes na bigyan ko ng pansin, binigay ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa niya. Una niyang binuksan ang medium size na paper bag na may laman na box.
Nilabas niya ito at hindi namin inaasahan ang laman nito. "What?!" Nagulat kaming tatlo sa nakita namin dahil isang itim na sobre lamang ito.
"Baliw yata ang nagpadala niya. Pero baka naman may laman pa yung box?" Lumapit na si Joshua at tinulungan na si Sir BenChua pero wala talagang ibang laman ang unang box na binuksan niya.
Napabutong-hininga na lang ako at nakahinga rin nang maayos ng malaman na sobre lang ito. Pero napatigil ako ng basahin ni Joshua ang laman nito.
HI EVERYONE!
I KNOW ALL OF YOU TRYING TO FIND ME, BUT THIS IS NOT THE RIGHT TIME. TO MY BOY AND GIRL, SEE YOU SOON.
-3AM3
Natapos niya ng basahin ang sulat pero natahimik naman ito.
"What happened bro?" Sir BenChua asked.
"This letter is coming from your dad."
Napaupo ako at para bang napaliguan ng malamig na tubig dahil nanginig ang buong katawan ko. Anong ibig niyang sabihin?
"Huh? Are you serious? Matagal ng wala ang daddy ko. Let me see the paper." Inagaw niya ang papel mula kay Joshua. Halos salit-salitan lang ang mga mata ko sa pagtitig sa kanilang dalawa. Nag-aabang ng susunod na pangyayari.
"Wala naman rito ang pangalan niya. This is just a weird and wrong letter! Troy come here, throw this gifts outside." Utos niya sa kanyang tauhan at tumango naman ito at tinanggap ang dalawang paper bag na kung saan may medium at large ang size nito.
"We don't need to waste our time. Kailangan na natin malaman kung totoo ba yung lalaking nakapasok hotel ko at paano siya nakapasok." Ramdam ko ang senseridad at inis ni sir. Umupo na rin sa tabi ko si Joshua.
"I know how to find him but there are some pieces that connect to both of you that he wants you to figure it out. So I am here to help and I need some evidence at yung mga regalo na pinatapon mo ang isa sa susi. Hindi mo dapat pinatapon 'yon!" iritang pangungusap ni Joshua.
"WHAT? But they are nothing. Nakita ninyo naman diba? Tsaka wala tayo kasiguraduhan kung anong mga pakinabang ng mga regalo na 'yon. Basura lang 'yon!" Seryosong sagot ni Sir BenChua habang nakatingin sa mga mata ni Joshua. Hindi ko alam kung normal pa ba 'to o may alitan na sa kanilang dalawa.
"Then get it with your angels and body guards! Ebidesya na 'yon, sir. Malapit na tayo sa katotohanan." Tila parang tinusok ng matulis na karayom ang huling linya ni Joshua. Pakiramdam ko totoo lahat ng sinasabi niya.
"How can I believe on you? And by the way, I don't really get your point na connected sa aming dalawa ni Cinyla ang lahat. How can it be?" tanong nito kay Joshua abala sa pagtitig sa papel niya.
"What are you doing?" Lumapit si Sir BenChua sa kanya at tiningan ang ginagawa niya. Napalapit rin ako at nakita ko ang mga notes niya na may code na hindi ko maintindihan.
"Masasagot ko ang tanong mo kapag nakuha ulit yung mga regalo. This is a serious matter, sir. I am not here para lang mag-relax. I am here as a detective to investigate and find the mastermind."
Sumingit ako at nagtanong sa kanya. "Wala ka bang kahit anong conclusion para mabawasan ang mga gumugulo sa isip namin ngayon, Joshua?"
"Posibleng magkapatid kayo. Posibleng iisa ang Ama ninyo," walang paligoy-ligoy nitong sabi.
Napatigil ako at napatulala.
Magkapatid ba talaga kami? Totoo bang iisa ang Ama namin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro