Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41: Big Dinner of Spyanata

Cinyla's POV

Everyone is prepared and has their own table.

We are in the center of the resort where there is a big gold fountain. Mahahaba rin ang mga lamesa nito na tila nahahati sa tatlong column. Nakaset-up ang lahat na tila kami na lang ang inaantay. Malalakas rin ang tunog ng speaker at may DJ rin na nasa harapan.

Bago kami makarating dito ay nakita ko na rin ang iilang kasamahan namin, sila ay nakaupo kasama ang mga close friends nila.

They are enjoying the food and laugh while having a noisy sound because of loud music as our background. Eventually,  we are now waiting for the real ceremony.

"Ang tagal naman!" inis na sabi ni Joy sa kabilang table.

"Oo nga ang tagal magsimula, mabubusog na lang tayo lahat-lahat wala pa rin si sir," dagdag ni Ruby.

Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan ang set up ni Sir. Nitong nakaraan kasi mini event siya at akala na namin iyon na ang huli pero hindi pa pala.

"Infairness din naman kay Sir, super maaalaga sa mga employees and staff niya. Imagine may pa bakasyon sa buong kompanya ng tatlong araw sa kanyang resort pa talaga. Ang bait niya pa!" Halos kuminang-kinang pa ang mga mata ni Ruby habang sinasabi ito sa amin. Mabuti na nga lang medyo malayo kami sa speaker dahil kung hindi, panigurado magsisigawan lang kami.

"Totoo 'yan! On time din magpasahod 'yan si sir, walang kulang walang labis. Sakto at kapag deserves, sobra pa! Kaya talagang walang nagre-resign sa kompanya eh, dahil sa kabutihan niya," dagdag na sabi ni Lea nasa likuran lang namin. Nagulat naman ako sa pagsulpot niya.

"Pero tingin ninyo may girlfriend na si sir?"tanong ni Joana na nasa harapan ko. Hindi ko alam bakit bigla niya itong natanong sa amin. Siguro dahil na rin wala silang nakikita na babae o kahit girlfriend man lang nito.

"Baka mayroon, pero hindi niya pinapaalam kasi mga chismosa tayo!" Humalakhak si Bea pagkatapos nitong sabihin sa kanila.

Hindi ako sumasabat sa usapan nila, pinagmamasdan at pinapakinggan ko lang sila. Hindi dahil sa may alam ako, kundi hindi ko lang ma-absorb lahat ng naririnig at nalalaman ko. Napapapaisip tuloy ako na sobrang swerte ng babaeng magpapatibok sa puso niya. Ako 'yon!

Napahigop na lang ako ng orange juice at piniling alisin ang mga bumabagabag sa isipan ko.

"Ang tahimik mo naman, Cinyla. Okay ka lang?" Napansin ako ni Ruby kaya't umaayos ako at ngumiti. "Oo naman! Mag iisang taon pa lang kasi ako sa kompanya, kaya nakikinig lang ako sa inyo. Nakakapagtaka nga lang din na wala siyang dinadalang babae sa kompanya, I mean common kasi iyon sa gwapong boss natin." Napatakip ako ng bibig ng banggitin ko na gwapo siya.

"Naku bestie ha, umamin ka nga napopogian ka sa boss natin noh?" tanong nito na may halong pang-aasar.

"Oo nga! Crush mo ba si sir?" pang-aasar ni Lea.

"Nako Lea kanina ka pa nakikisawsaw ha? Baka ikaw bet mo si sir." Sabat ni Ruby na siyang ikinainisan nito.

"Nakikisali lang naman pero wala akong gusto kay sir," pagdadahilan ni Lea na tila nakanguso pa at nakatingin sa ibaba.

"Wala. Secretary lang ako ni sir pero walang namamagitan sa amin," sagot ko.

"Seryoso ka? Kung maka-react ka na walang namamagitan sa inyo parang defensive mo sa part na 'yan," wika ni Ruby na tila napunta na sa akin ang usapan nila kanina lang.

"Tumigil ka nga Ruby. Walang meaning 'yan, bakla lang talaga si sir. Wala talaga siyang hilig sa babae iyon ang totoong dahilan." Kinalabit ako ni Ruby na tila may mali sa mga sinabi ko.

"Sinong bakla?" isang pamilyar at seryosong boses ang narinig ko mula sa likuran ko.

"Sino rin nagsabi sayo wala akong hilig sa babae?"dagdag nito na siyang ikinataas ng balahibo ko. Halos matahimik naman ang mga kasama ko dahil kahit sila, hindi nila alam paano magsasalita.

Dahan-dahan akong humarap at nakita ko nga ang gwapo at seryosong mukha ni Sir BenChua. Nakasuot ito ng black tuxedo at nakagel pa ang buhok nito. Ayos na ayos siya ngayon.

Bakit naman kasi siya biglang dumating? Tsaka nagbibiro lang naman ako.

Halos matahimik din ako at hindi ko alam ang tamang salita para magpaliwanag.

"Anyway, enjoy the dinner." Ngumiti ito at sabay umalis. Hindi ko alam kung seryoso lang siya o nasaktan ko siya sa paraan na ginawa ko.

"Ang gwapo talaga ni sir noh? Pero Cinyla wala kang nasabi sa tanong niya. Grabe sobrang hot ni sir!" Papuri ni Lynn nasa kanan ko.

"Nagulat kasi ako sa pagdating niya, wala rin akong nasabi dahil baka saan pa humantong ang paliwanag ko," pagdadahilan ko sabay higop ng orange juice. Bigla naman napaubo si Ruby na parang may ibig sabihin ang ginawa niya.

"Okay ka lang?" tanong ni Lynn sabay abot sa kanya ng isang basong tubig.

Madali niya itong kinuha at diniretso sa lalamunan. "S-salamat," maiksing tugon nito at salamat sa ginawa niya para malihis na ang usapan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap ang presensiya niya, ngunit masyadong malawak at malaki ang hotel na 'to para hanapin siya. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag sa kanya nang maayos.

Paiba-iba ang tunog ngayon sa stage na tila ba may magarbong handaan. Hindi na rin ako kinulit ni Lynn at Lea. Nakahinga na rin ako nang maayos at sumesenyas na lang ako kay Ruby na siya ng bahala kumausap sa mga katabi naming marites.

Nagpaalam muna ako sa kanila na magbabanyo mabuti na lang walang sumama sa akin, dahil ang totoo hahanap ko si Sir BenChua. Kailangan ko siyang makausap, kailangan makahingi ako ng sorry sa kanya.

Tumayo na nga ako at kunwari didiretso sa restroom. Dumiretso na ako sa kaliwang bahagi kung saan malapit ang stage para hindi nila isipin kung saan ako pupunta. Mahirap na baka tanungin na naman nila ako ng kung ano-ano.

Sa paghahanap ko, halos mabuti ko na lahat ng empleyado ng kompanya. Halos kilala ko na rin silang lahat hindi dahil sa friendly akong tao, kundi madalas ko rin naman silang nakakausap at dahil sekretarya rin kasi ako. Tuwing may nakakabangga ako, nguminguti na lang ako at patuloy ang paghahanap sa kanya.

Halos maikot ko na ang bawat gilid at sulok ngunit wala pa rin akong makita kung nasaan siya.

"Nasaan kaya siya?" wika ko habang paikot-ikot pa rin ako hanggang sa maramdaman ko na rin ang pagod. Kaya't tumagil na lang ako dahil halos napuntahan ko naman na lahat ng posibleng puntahan niya, pero baka busy siya.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Halos mapasigaw ako dahil sa biglang pagsasalita niya. Ngunit napigilan ko ang sarili ko. Kapag talaga hindi mo hinahanap, kusang makikita mo na lang bigla.

"H-hindi ah, asa ka naman," pagdadahilan ko at inayos ang sarili ko at hindi nagpahalata na hinahanap ko nga siya.

"I know, may kasalanan ka. Hindi ko lang masabi sa lahat na ikaw ang babae ko. Hindi basta babae ko, yung mahal ko." Wala siyang preno sa pagsasalita kaya't minabuti kong hilahin siya sa wala masyadong mga tao.

"Pwede ba huwag ka naman ganyan, lagyan mo naman ng preno 'yang mga sinasabi mo," wika ko habang nakangiti ang loko.

"Bakit ka nakangiti?" Hanggang sa napansin kong sobra na pala ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Mabilis ko itong binitawan.

"Sorry," ang tanging nasabi ko at napatingin sa malayo.

"I am sorry, Cinyla. I understand, pero kung namiss mo ako pwede mo naman sabihin hindi yung ganito dadalhin mo ako sa walang tao para masolo mo lang ako." Ngumisi muli ito na para bang nang-iinis. Tinaasan ko nga siya kilay. Assumero masyado! Hindi porket gwapo ka at mayaman ka gugustuhin na kita. Hindi pwede!

"Oh Cinyla, common stop thinking of me. I know I am so hot," dagdag nito na tila nagbigay kulo sa dugo ko.

"Alam mo kumain ka na lang, babalik na ako sa table namin at baka hinahanap na ako. Tsaka hindi kita hinahanap, wag kang assumero!"

Ngumisi lang ito at bigla akong hinila, napasandal ako sa pader kung saan walang tao kundi kaming dalawa lang.

"Sana pala pinalano ko na lang na tayong dalawa na lang, sana nasolo kita." Sobrang lapit ng mukha niya na tila pagkatapos ay may mangyayari na kakaiba.

Napalunok ako nang sunod-sunod. Ano bang gagawin niya?

Lumapit ito sa kaliwanag tainga ko, "I miss you, huwag ka ng magalit hindi bagay sayo. Gusto mo bang ipagsigawan ko na sa kanila na gusto kita?"

Tinulak ko siya dahilan para tumabi siya at makaalis ako sa panghaharang niya. "S-sorry. Pero, wag na wag mong gagawin 'yan. Hindi pwede, hindi ko deserve tsaka isipin mo na lang ang iisipin ng iba at ng mommy mo," malungkot kong sabi. Gusto ko man o hindi, alam ko naman kung saan ako lulugar, tsaka ayokong mahulog at lalo ayokong masaktan.

"I see. I know you don't like it. But I am serious, yet I am still thinking of you. Iniisip ko ang mas mararamdaman mo kaya hindi ko ginagawa. Hinahayaan ko na nga lang isipin nila ang gusto nilang isipin, but let me remind you Cinyla. Once everything is fine, gagawin ko ang tinitibok ng puso ko." Tinuro niya ang puso niya na para bang nakaplano na ito.

"Let's end this conversation, fix yourself. Bumalik ka na roon at kumain. I am sorry again." Inayos niya ang necktie niya at pagkatapos ay umalis.

Naunahan pa akong magback out.

Pinili ko na lang din ang umalis at bumalik sa table namin. This is so draining. Masyado seryoso at kakaiba ang mga sinabi niya, at kahit isa roon hindi ko alam ang totoong nararamdamana ko ngayon. Halo halo na, ang gulo na.

Hanggang sa marating ko ang table namin, napansin ko ang ingay at tawanan nila. Napatigil lang sila ng umupo ako.

"Ang tagal sis ha? Anong nangyari sayo?" tanong ni Lea.

"Oo nga! Halos 30 minutes kang nawala eh," dagdag ni Bea.

"Naligaw ako, masyado kasing malawak akala ko kabisado ko na," pagdadahilan ko na sana pumasa at para hindi na rin ako mag-isip ng ibang idadahilan pa.

"Ah! Sa bagay kahit ako maliligaw din! Pero infairness sabay kayo ni sir ha!" Pang-aasar ni Seline na nandito na rin pala sa table namin.  Mga marites talaga!

Hanggang sa nahagilap ko siya ng mga mata ko, nasa bandang kaliwa siya kasama ang Mommy niya. Dalawa lang sila roon at may nag-se-serve sa kanilang waiter.

"Nagkataon lang siguro." Pilit na ngiti at uminom ng tubig. "Kumusta pala kayo? Ano ng pinag-uusapan ninyo?" Pag-iiba ko sa topic.

"Wala naman, iniisip lang naman kung sino kaya ang babae ni Sir. Kanina kasi may nakita akong hinila niya patago sa kabilang corner. Hindi ko alam para kasi silang nagtatalo, kahawig mo nga Cinyla eh. Halos matahimik ako sa pagkukuwento ni Bea.

"Don't get me wrong ha? Hinahanap ko kasi yung restroom kanina tapos may napansin akong babae na hawak-hawak yung kamay ni sir. Ewan kung sino, nakatalikod kasi siya. Pero alam kung si sir ang lalaki," dagdag paliwanag nito na para bang malaking issue na naman sa kanila.

Kumalma muna ako ng ilang minuto bago magsalita, "Baka naman ibang babae. Malayo na magkasama kami ni sir, nasa restroom kasi ako."

"Sabagay malabong ikaw iyon, baka ibang babae. Pero ang swerte naman niya!" sagot ni Bea na tila nanghihinayang at inisip ang babaeng iyon. Napainom tuloy ulit ako ng tubig at sinubo ang shanghai. Sana lang hindi niya kami nakita.

"Tigil niya na pagiging marites, kumain na lang tayo." Pagyaya ni Ruby na tila iniligtas niya na naman ako sa mainit na isyu.

Tumahimik naman na si Bea at kumain na lang din at naiba na rin ang usapan. Ruby is my savior! Masyado kasing epal si sir!

Pasimple itong ngumiti sa akin. "Ruby, kuha tayo ng dessert gusto mo?" Sinadya ko siyang yayain upang makausap ko siya nang maayos, yung kaming dalawa lang.

"Sure!" mabilis niyang sagot at tumayo na nga kaming dalawa. Wala naman sumama sa amin dahil may mga pagkain pa rin sila.

Habang naglalakad kami, bumubulo na si Ruby ngunit diretso pa rin ang tingin sa paligid.

"Ikaw Cinyla ha! Aminin mo anong nangyari sa inyo?" Tila kinikilig pa habang tinatanong sa akin iyon.

"Wala! Tsaka huwag kang maingay, diretso ka na mamaya ko na ikukuwento sayo." Dumiretso na nga kami sa Dessert station.

Hindi pa kami nakakalapit ng tuluyan ng may dumating sa likod namin. "Hi girls, kumusta ang foods?" tanong ni Sir BenChua na tila hindi ko alam kung nanadya ba siya sa pagsunod oay gustong ipunto.

"Hi sir! Nandiyan pala kayo, masarap po sobrang dami rin." Humarap si Ruby at napangiti nang sobra.

Pilit na ngiti na lang ang din ang ginawa ko.

"Enjoy eating, enjoy your dessert Cinyla." Tumingin ito ng diretso sa akin at kumindat pa. Halos kiligin at mapatalon pa si Ruby sa ginawa ni sir sa akin.

Hinila ko ang kamay niya at nag-wave kay sir bilang paalam. "Sige sir, alis na kami." Nagmadali ako para tuluyang tumigil si sir sa mga ginagawa niya.

"Hoy Cinyla, teka naman! Sayang naman, ang cute ninyo pala!" Pambobola nito dahilan para mas mainis ako ng tuluyan, kumuha ako ng isang winena katabi ng chocolate foutain.

"Cinyla ikaw ha!" Pang-aasar muli ni Ruby.

"Stop Ruby, stop it!"

"Okay fine, kalma! Relax, kuha na nga tayo ng desserts natin para makabalik tayo sa table at maikuwento mo na rin ang ikukuwento mo.

"Next time na lang, kuha na lang tayo ng pagkain nagugutom na ako." Humahawak ako sa tiyan ko para maging makatotohanan at maniwala siya.

"Sige na nga, tara na," sumunod naman si Ruby at tumahimik na lang din.

Habang naglalakad na kami at nakapila sa dessert. Naisip ko na naman an mukha niya.

Kasalanan mo 'to, kasalanan mo lahat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro