Chapter 4: You
Cinyla’s POV
HALOS gumulong-gulong ako sa kama para lamang makatulog. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, pakiramdam ko lumalabas na ang mga ugat ko dahil sa inis. Hindi ko talaga gusto ang ginawa niya.
Napakunot-noo ako at napasinghal. Napatayo ako, at napatingin sa gilid kung saan may salaman ako.
“Cinyla, hindi bagay sa'yo ang naiinis.” bulong ko sa'king sarili.
Panay ang padyak ko sa sahig na parang bata na inagawan ng lollipop. Ugh! I hate that pervert man!
Tsk! Akala mo gwapo siya? Oo na gwapo na at may 8 abs siya, pero teka nga ano ba 'tong sinasabi ko. Hindi tama! Ugh! Nakakainis! May pasok pa ko mamaya pero ginugulo niya ako—Ginugulo niya ng utak ko.
Hanggang sa naisip kong huminga nang malalim at ipikit na lamang ang mga mata ko baka sakaling sa mga oras na iyo0 ay makatulog na rin ako.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa matinding tunog ng alarm clock ko. Wala akong nagawa kundi ang bumangon kahit na tinatamad pa. Hanggang sa napagtanto kong Lunes nga pala ngayon, nag unat-una muna ako bago tuluyan kumilos at magligpit ng higaan ko.
Tiningnan ko rin ang orasan ko sa kaliwang bahagi ng aparador ko na nasa itaas. Mayroon pa akong dalawang oras para maghanda, mabuti na nga lang at 9:00 ng umaga ang pasok ko sa opisina.
Isa lamang akong simpleng empleyado sa opisina ng Spyanata Incorporation, isang kompanya na abala sa pagsasagawa ng iba't ibang klase ng business. Kami ang bahala na magbigay ng payo para sa mga gustong mag negosyo.Laking papasalamat ko sa kompanyang ito dahil dito natuto akong makihalubilo at maging matatag. Masaya rin ako dahil umabot na ako ng tatlong taon dito.
Dumiretso na ako sa comfort room para maligo ngunit ng mapadaan ako sa salamin, napatigil ako at napahawak sa labi ko. Next time, I will not allow him to kiss me again. Maghanda ka, BenChua!
Naligo na nga ako at nagbihis, simpleng white uniform lang at black skirt ang sinusuot ko. Ganito palagi ang suot ko sa opisina at nasanay naman ako, hindi na lamang ako sumasakay sa jeep o kahit tricyle dahil maraming naliligaw na manyakis. Double ang pag iingat ko kapag ganito ang suot ko, kaya madalas naghahanap ako ng kotse na nirerentahan ko para ipagmaneho ako.
Kaunting ayos at lumabas na rin ako ng kwarto ko. Okay self, kalimutan ang eksena ninyo ng lalaking iyon. Hindi mahalaga iyon, masisira lang ang araw mo kapag hinayaan mo pa.
"Good morning, Ma! Ano pong breakfast?" takang tanong ko habang nakipagbeso pa dahil pinili ko na maging goodvibes. Muntik na rin akong mapasigaw dahil nagulat ako sa nakaupo, napahawak pa ako sa dibdib ko dahil ang aga niya naman yata.
"Good morning, Cinyla!" Masiglang bati nito sabay kindat.
"Mukhang maganda ang gising ninyo ha? Mabuti naman at hindi kayo aso't pusa, kung hindi nako ewan ko na lang. Kumain na pala kayo, handa na itong almusal natin." Pagyaya ni Mama. Binaliwala ko na lamang ang pagbati ni BenChua at umupo sa kanang bahagi, at kumuha ng pagkain. Nanalangin muna ako bago nilantakan ang mga pagkain na nasa harapan ko.
Pagkatapos, kumain na rin si Mama at si BenChua. Tila parang may anghel na dumaan. Walang nais bumagsak ng katahimikan, kahit ako ayokong sirain ito dahil ayokong makipag usap sa lalaking nasa harapan ko.
"May pasok ka ba?" takang tanong ni BenChua. Ngunit pinili ko lang ang manahimik at kunwaring walang narinig. Subalit mukhang napansin ng aking Ina ang pangdededma ko, kaya tinapakan niya ang paa ko.
"A-Aray!" Sigaw ko. "Diba nak may pasok ka ngayon sa Spyanata Incorporation? Baka gusto mong sumabay na lang kay Ben dahil pagkakaalam ko may kotse siya."
Halos mabilaukan ako, kaya dali-dali kong ininom ang katabi kong isang basong tubig. "Dahan-dahan naman anak!" Pagpapaalala ng aking Ina.
"Ohh, tamang-tama po malapit din naman doon ang trabaho ko. Pwede ko po siyang ihatid doon, 'diba Cinyla?" Pagpaparinig nito sabay ngiti ng nakakaloko.
Halos panggigilan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Napakaaga para masira ang mood ko. Kaya pinilit kong tumango at pilit na ngiti tanging naging tugon ko.
Sumusobra ka ng lalaki ka! Ugh!
"Ganoon ba iho? Aba maganda iyan, isabay mo na rin itong dalaga ko. Paki ingatan na lang, baka madapa pa!" Tumawa ang aking Ina na para bang may pinupunto. Pinili ko na lamang ubusin ang pagkain ko baka kapag hindi ako nakapagpili ay isaksak ko sa kaharap ko itong tinidor.
"Joke lang mahal kong Cinyla, oh siya sige na bilisan ninyo na kumain at baka mahuli pa kayo sa inyong mga trabaho."
At pagkatapos ni Mama magpaalala, tapos na rin akong kumain. "Tapos na po ako!" Kunin ko lang po ang gamit ko sa itaas.
"Sige Cinyla, hintayin kita sa labas." Sabat naman ni Ben dahilan para taasan ko siya ng kilay. Kasalanan niya 'to!
"Sige!" Tipid kong sagot at umakyat na rin ako sa itaas para kunin ang gamit ko.
Wala akong nagawa kundi ang magpahatid sa loko, kahit na labag iyon sa kalooban ko sumunod na lang ako. Sayang din naman ang gagastusin ko. Ihahatid niya lang naman ako at minabuti ko na lamang din ang hindi mag isip pa ng kung ano-ano.
"Ang tahimik mo naman, okay ka lang ba?" panimula nito habang nagmamaneho kasalukuyan na kasi kaming nasa kalsada.
"Wala."
"Actually wala akong pupuntang trabaho, ihahatid lang talaga kita. May dadalawin lang kasi ako ngayon sa sementeryo, on leave pa ako." Paliwanag niya na labis kong kinataka. Hindi ko alam na namatayan pala siya. Kaya siguro ganito na lang din ang ekpresyon niya, parang napipilitan ngumiti.
"S-Sorry." Tugon ko.
"Para saan? Sa pagsusungit mo? Okay lang, pasensiya na rin kagabi. By the way ang ganda mo ngayon, walang halong biro 'to ha, ingat ka lang. Akin na pala selpon mo," sambit nito na tila ikinagulo ng utak ko.
"Ilalagay ko number ko o kaya i-type mo na lang, ako na magsusundo sayo mamaya. Mapano ka pa sa daan." Dagdag nito na siyang ikinataba ng puso ko.
"Salamat, sige teka... Mamayang 5 p.m. ang oras ng uwi ko." Kinuha ko na rin ang selpon ko at nagsimula na tumipa.
Tinype ko na nga roon ang numero niya at ilang saglit pa ay nakarating na rin ako sa kompanya namin.
"Nandito na pala tayo, itabi mo na lang. Bale aasahan na lang kita na dumating mamaya rito. Salamat at pasensiya na ulit."
"Wala iyon, ingat ka mamaya." Paalala nito at inalalayan pa akong bumababa sa kotse niya. Tumango naman ako at ngumiti. Tila nawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya, kundi lungkot at pang unawa. Gusto ko pa sana siya tanungin kung sino ang dadalawin niya pero pinili kong manahimik na lamang at sa susunod na lang.
"Sige na pasok na, sunduin na lang kita Cinyla." Kumaway ito at tuluyan ng hinarorot ang sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob at huminga nang malalim.
Sana makilala pa kita, at sana yung ikaw mismo ang makilala ko yung walang bahid na kasinungalingan at pagpapanggap, BenChua.
Dumiretso na ako sa loob at tinahak ang aking opisina kung saan sasalubong na naman sa akin ang patong-patong na papeles.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro