Chapter 39: The Vacation
Cinyla's POV
Ito ang pinakahihintay naming lahat. Ilang oras ang naging biyahe namin, malamig at maingay sa loob. Sumabay pa ang matinding traffic dahil saktong Lunes ang araw ng alis namin.
"Balita ko magandang resort daw yung pupuntahan natin, may magarang swimming pool kaya?" tanong ni Lea sa kausap niyang si Emman.
"Naku Lea, pool agad ang iniisip mo. Bakit nagdala ka ba ng swim suit?" tanong nito.
"Of course! Tatlong klase pa nga kasi hindi ako makapili." Tumawa pa ito nang malakas dahilan para maging agaw atensyon siya.
"Ay sorry naman ang ingay ko. Tumigil din siya dahil pinagtinginan siya ng mga kasamahan namin. Lea and Emman are long best friends in our company, kaya talaga saulado ko na rin ang ingay at boses nila. In fairness din naman kasi kay Lea, maganda ng hubog ng katawan niya, may hinaharap at maputi. Kaya sanay ilaban ang kaseksihan.
Tumingin na lang ako sa labas. Maraming mga puno na ang dinadaanan namin pero medyo malayo pa kami. May kanya-kanya ring ganap ang mga kasamahan namin dito. Napabutong-hininga ako at napaisip. Paano kaya kung kasama ko si Ben sa kotse? Kumusta kaya ang biyahe namin?
"Hey girl, tulala ka na naman diyan! Kumain ka oh gutom lang 'yan." Inabutan ako ni Ruby ng snacks at tubig. Kahit kailangan talaga itong babae na 'to panira sa moment time ko. Ruby is my close friend sa kompanya, halos parehas lang din kami ng tagal sa trabaho dahil parehas kami na-hire 3 years ago.
"Salamat, Ruby," tipid kong sabi at kinuha na lang ang inabot niya. Nagpatay malisya na lang ako dahil ayokong mag-isip pa siya. Makulit pa naman 'to.
"Welcome friend! Kahit hindi mo sabihin alam ko ang iniisip mo. Huli ka na girl! Bakit kasi sumabay kami rito sa bus, pwede ka naman sa kotse ni Sir BenChua. Doon masosolo mo siya." Bumulong ito at tumawa pa ng bahagya na tila kinilig sa kanyang iniisip.
Hinampas ko nga ang kanang braso niya at tinakpan ang bibig niya. "Magtigil ka nga riyan! Huwag ka rin maingay, pwede? Tsaka, hindi pwede Ruby kasama niya si tita, I mean yung mama niya." Pagpapaliwanag ko at dahan-dahang uminom ng tubig. Kapag talaga itong babae ang katabi ko, kakabahan ka talaga ng wala sa oras dahil sa mga sinasabi niya. Bumubulong pa pagkatapos, ang lakas naman.
Nag peace sign ito at sabing, "Sorry na, ikaw naman kasi sobrang halata mo girl! Lakas mo sa part na tita mo siya ha? Magkuwento ka nga sa akin, ano'ng mayroon sa inyo ni sir? Nanliligaw na ba?" Lumakas ang boses nito dahilan para salpakan ko ng potato chips ang bibig niya.
"Stop Ruby! Wag ka ngang madaldal masyado." Pagsuway ko rito at tiningnan siya ng matalim.
Ninguya niya muna ang sinubo ko sa kanya at nagpa-cute pa sa akin. "Ang sarap ng kamay mo ha? Sorry naman, Cinyla sige mamaya na lang kita chikahin ang sungit mo eh. May dalaw ka ba?" takang tanong nito.
"Sorry na Ruby. Ikaw naman kasi, actually tapos na. Hindi naman sa masungit ako, ang ingay mo kasi alam mo naman maraming chismosa at chismoso rito mamaya ano pang masabi at isipin ng mga 'yan."
"Oo na Cinyla. Sorry na, tatahimik na ako. Basta mamaya ha?"
"Oo na basta manahimik ka muna, malapit na rin naman na tayo. Kumain ka na lang diyan." Inabot ko sa kanya ang potato chips para manahimik na lang siya. Napatingin ako sa bintana at natatanaw ko na rin ang resort na pupuntahan namin.
"Nagdala ka ba ng swimsuit, Cinyla? Balita ko 3 days tayo sa resort sa Cebu, 2 nights and 1 day diba?"biglang tanong niyo habang ngumunguya ng potato chips.
"Required ba? Not sure kung nalagay ko sa bag ko. Sana lang makapagpahinga tayo rito. Yung walang stress. Malapit na pala tayo." Lumiko na nga si Manong drayber at tinuro ko kay Ruby. Nakita ko rin ang resort na tutuluyan namin.
Lumaki ang mga mata ko sa malaking letra a nasa harapan bago kami tuluyang pumasok sa loob. Spyanata Wung Resort.
******
Nakakapagod ang naging biyahe namin. Halos isa't kalahating oras din kasi ang naging biyahe kasama ang traffic. Malaki at malawak ang kapasidad. Bumungad agad sa amin ang pa-oblong naswimming pool sa gilid at ang malaking fountain sa gitna.
Pagkababa namin sa resort, may iilang staff ang nag-asikaso sa amin. Kinuha ang mga gamit namin at binigay na rin ang susi sa amin. Marami silang nakapila na tila handang-handa.
"Grabe ang bongga ng resort ni sir!"
"Uy mamaya doon tayo, may nakahanda na rin na pagkain. Gutom na ako."
"Kuhaan mo nga ako ng picture dito beb!"
Iba't ibang mga linya ang narinig ko at kanya-kanya na rin sila. Samantala itong kasama ko si Ruby na halos hindi ko alam kung napano na, mangha-mangha sa paligid. Entrance pa lang para kang ginawa celebrity dahil sa red carpet na nakahanda. May malaking estatwa rin dito na hindi ko alam kung sino pero Jung Chua Wung ang nakalagay na pangalan. Napakagandang obra!
"Uy Cinyla, tara dito dali!" Hinila na nga ako ni Ruby sa kaliwang bahagi kung saan mayroong tambayan. Lahat ng klase laro ay pwede mong gawin. May billiards, chess, bowling at kung ano-ano pa. Sa kanang bahagi nito ay may isang malaking kwarto, hindi ko alam kung ano ang mayroon doon pero ng buksan ni Ruby ang pinto. Bumungad sa amin ang mga libro na tila mayroon din silang reading area.
"Grabe Cinyla! Ang daming libro teka andito yata yung favorite kong books ni William Shakespeare.
Tumakbo na nga itonsa dulo at naghanap-hanap. "Uy, Ruby dahan-dahan tsaka mamaya na 'yan hanapin muna natin yung kwarto natin."
Ngunit malayo na siya at hindi talaga papapigil sa paghahanap. Wala naman akong nagawa kundi sundan siya. Ruby is book lover, mahilig magbasa kahit anong klase pa. Hanggang sa nag ring ang phone ko.
Madali kong kinuha iyon sa maliit na itim kong bag.
Nakita ko ang pangalan niya kaya lumayo muna ako kay Ruby at dali-dali kong sinagot iyon.
"Where are you? Are you there? Malapit na rin kami ni Mom. See you." Binaba niya agad ang tawag. Loko tatawag sabay siya rin ang magbaba.
"Uy, Cinyla ano'ng ginawa mo riyan at sinong kausap mo?" takang tanong nito habang hawak ang makapal na libro, iyon na yata ang hinahanap niya.
Mabilis kong tinago ang phone ko sa bag. "W-wala naman, tiningnan ko lang yung oras, nakita mo na ba yung hinahanap mo?" pag-iiba ko sa usapan.
"Yes! Pero balikan ko na lang, nakausap ko yung lady guard dito sabi niya 24/7 silang bukas. Ang taray diba? Tara na, hanapin na natin yung kwarto natin. Ano'ng number mo?
"38 kasi sa akin, third floor." Dagdag nito.
"O1 lang nakalagay sa akin eh." Sagot ko sabay tingin sa susing hawak ko.
Lumapit sa akin si Ruby at tiningnan ang hawak kong susi. "Bakit ang layo mo tsaka ito lang yung room mo nasa second floor ka lang." Napatingin nga kami sa kaliwang pinto at halos katapat nga lang namin ang magiging kwarto ko.
"Oo nga! So, paano ka? Ilagay ko muna gamit ko sa loob tapos samahan na lang kita sa room mo." Pagpresenta ko. Umalma ito at hinawakan ang kamay ko. "No Cinyla, I can go alone. Magpahinga at mag-asikaso ka muna riyan. May elevator naman, ako ng bahala." Ngumiti ito pagkatapos.
"Sure ka ha? Nandito na ako at magpapalit na rin ng damit." Tumapat na nga ako sa kalapit naming pinto kung saan ang room ko.
"Sure Cinyla. Mauuna na ako ha? See you later." Kumaway ito at dumiretso sakay na rin ng elevator. Tiningnan ko muna ito hanggang sa marating niya ang elevator. Tapat lang naman ito kaya kitang-kita.
Binuksan ko na rin ang magiging kwarto ko. Kulay puti na marmol ang pintuan at sa gitna nito may numerong nakalagay. Modern style ito pero classic ang datingan.
Pagkabukas ko ng pinto. Bumungad sa akin ang laki at magagarang gamit sa looban. Tila pang buong pamilya ang lawak nito at kasya ang tatlong tao.
"Ang ganda!" wika ko sa hangin dahil namamangha ako sa mga nakikita ko. Nilapag ko na agad ang gamit at maleta ko sa gilid at umupo sa malambot na kama. Ngunit agaw pansin sa akin ang isang puting sobre. Madali kong inabot iyon at binuksan.
Hi Cinyla,
I hope you like your room. It's a VIP for you to enjoy our vacation. See you later dahil magkatabing kwarto lang tayo. Don't worry hindi ako matutulog sa tabi mo. Enjoy!
-Ben
Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ko ang huling sinabi niya. Kaya pala ang layo ng numero kay Ruby dahil VIP ito, nakakapagtaka lang dahil bakit nasa second floor. Imbes na sumakit pa ang ulo ko sa kakaisip, napagdesisyunan ko na lang na maligo at mag relax sa banyo.
Tinago ko na lang ang sobre na binigay niya dahil baka bumababa si Ruby at makita pa ito. Ayoko pa naman na magkuwento sa kanya ng kung ano-ano. Pero I know her, she is good friend. A very close friend of mine. Pero, ayoko pa rin maging komportable kahit kanino. All person close to my heart, leaves me. Hindi ko nga alam bakit palaging gano'n. But still, I am blessed dahil my Mom still here for me. But dad, he already left us with other woman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro