Chapter 38: The Agreement
Cinyla's POV
I and BenChua deal with our plan for a vacation in Tagaytay. Actually, this is for the rest of the company. Hindi ko alam kung ano ang naisip niya pero, this is a good idea to relax and to build good communication with his employees and staff. Also, unforgettable bonding for each of us.
Meanwhile, I decided to be absent today because of the pain that I have experienced right now. Hindi ko labg talaga maintindihan ang sarili ko kapag may period, bukod sa iritable ka buong araw ang hirap kumilos.
Mabuti na lang pumayag si Ben na umabsent muna ako at dahil next week pa naman magaganap ang bakasyon ng kompanya. Bumangon na rin ako kahit masama ang pakiramdam ko, dumiretso ako sa kusina para kumuha ng cravings ko which is chocolate and cheezy snacks.
Pagkatapos kong makakuha ng kailangan ko sa refrigerator, may biglang nag door bell sa labas.
Napakaaga pa para puntahan ako ng kung sino. Hays! Masama na nga pakiramdam ko eh.
Inayos ko ang sarili ko dahil mamaya ibang tao iyon at mahirap na baka makita ang hindi dapat. Paulit-ulit pa itong nag door bell na para bang atat na atat.
"Wait lang, papunta na!" Sigaw ko rito para hindi na ulit-ulitin ang pagpindot sa door bell ko at baka masira niya pa.
Nang buksan ko ang pinto, nagulat ako sa nakita ko. "Please open the door, I have something for you," he said.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Nasa office ka na diba?" tanong ko habang binubuksan ang gate.
Nang mabuksan na ang gate, binitawan niya ang dalawang paper bag na dala-dala niya at niyakap ako nang mahigpit. "I miss you, kumusta ka ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. "Okay lang ako, ang higpit ng yakap mo. Bakit para saan? Okay lang naman ako." Napatingin ako sa mga dalahin niya. "Ano naman 'yang mga bitbit mo, Sir Ben?" dagdag ko.
"Foods and napkin, baka kailangan mo eh. Sorry naparami since I get all the brands, dahil hindi ko naman alam ang type mo."Inabot niya na sa akin ang dalawang paper bag. Napayuko ito at pinili ko na rin na pumasok kami sa loob.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Sobrang laki rin kasi ng dalawang paper bag na dala niya. Ganito ba talaga siya mag-alala? Masyado naman OA pero sa totoo lang kinilig ako sa ginawa niya. Simple pero malakas rin ang impact.
"Teka sir, este Ben hindi ka ba magtatrabaho ngayon? I mean, okay naman na ako. Tsaka salamat dito sa mga dala mo, nag-abala ka pa." Tila nagpabebe pa ako pero napangiti niya ako sa ginawa niya. This is too much. Ano ba tayo? Mayroon bang tayo? Iisipin ko na nga lang minsan na girlfriend mo ako at boyfriend kita, kaso malabo. Malabong mangyari.
"Wala. I set my day to relax with you. I mean, hindi rin ako mapapakali dahil sa lagay mo. Based on my research, ang hirap ng pinagdadaanan ninyo." Hindi ko alam kung bakit ganito ang sinasabi niya, pero isa lang yung nararamdaman ko ngayon. Kilig. Hindi ko akalain na may concern pala siya sa ganitong bagay.
Tinabi ko muna sa gilid ang mga dala niya. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa mahabang sofa at dahil hindi naman ako mayaman, binuksan ko na lang ang dalawang stand fan ko para sa kanya. Nakakahiya naman kasi, isang CEO ng kompanya nagtitiis dito sa munting bahay ko.
"Are you okay? Maupo ka nga rito. Huwag mo akong alahanin. Sanay ako. Kahit mayaman ako, marunong akong makisama. Besides, hindi ko sinanay ang sarili ko na maging maarte sa ibang bagay." Depensa nito na akala mo hinuhusgahan ko siya.
"Alam mo ikaw, defensive ka masyado! Hindi naman sa gano'n. Baka lang kasi naiinitan ka, kaya binuksan ko na lang. Tsaka, kaya ko naman. Kailangan ko lang ng pahinga ngayon at hindi masyadong magkikilos dahil masakit ang puson ko."
"I know. I just explain myself here. Hindi mo kailangan isipin 'yan. Sure! Kahit isang linggo ka pa na 'wag pumasok. Bayad ka pa rin." Halos mapatayo ako sa sinabi niya. "S-seryoso?" utal kong sabi.
Ngumiti ito at sumagot. "Yes! I am saying the truth. I understand your situation. Wala man akong kapatid but I said a while ago na nag-research talaga ako tungkol sa monthly period ninyo. Tsaka wala ka naman masyadong gagawin dahil wala ako roon. Besides, after this week magkakaroon naman tayo ng bakasyon." Paliwanag niya at umupo na rin ako sa tabi niya, napahawak ako sa puson ko dahil bigla itong kumirot.
"Hey Cinyla, are you okay?" Inalalayan niya ako dahil nakahawak na nga ako sa puson ko at halos hindi na maipinta ang mukha ko.
"H-hindi. Mukha ba akong okay sa lagay ko?" Pagsusungit ko. Ngumiti ito ng nakakaloko na tila natuwa pa sa pagsusungit ko sa kanya. "You're so cute!" Pambobola nito.
Hinampas ko ang braso niya sa inis. "Tigilan mo nga ako. Umuwi ka na lang dahil pabago-bago ang mood ko ngayon."
"No! I will stay here. Ako muna ang bahala sayo. I will take care of you. Gusto mo dalhin pa kita sa kwarto mo eh." Napataas ako ng kilay at tila na-double pa ang sakit na nararamdaman ko.
"B-bakit?" tanong ko na tila kung ano-ano ang pumasok sa isip ko.
"Did you think I can do that?" bulong nito sa kaliwang tainga ko dahilan ng pagbilis ng puso ko. Tibok nang tibok na para bang gustong umalis sa katawan ko.
Hindi agad ako nakasagot. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko, dagdagan mo pa ng masakit ang puson.
"Stop thinking, Cinyla. Wala akong gagawin na iba. Ipanatag mo ang loob mo. I am here to take care of you. Relax!" Nakahinga rin ako nang maayos dahil sa sinseridad niya at naisip ko rin na mayroon nga pala ako.
Tumango na lang ako at pilit na ngumiti ng pilit. Hindi ko rin naman alam ang dapat pang sabihin. Tila nahiya na rin ako dahil ako pa talaga ang nakaisip ng ganoong bagay.
"Anyways, kumain ka na ba? Do you want me to cook for you?" tanong nito.
"Not yet sir, I mean Ben." Natawa ito ng magkamali ako dahil ayaw niya talagang tatawagin ko siyang sir kapag magkasama kami o yung dalawa lang talaga kami.
"You know what, I understand why you always call me sir. Pero sana masanay ka na Ben lang or love kung gusto mo." Pagbibiro nito na siyang ikinataka ko.
"Just never mind about it. I am just joking. Ano palang gusto mo? Do you want rice or pasta? Kaso lang baka wala kang stock sa refrigerator mo."
Napataas ako ng kilay dahil akala niya siguro walang laman ang refrigerator ko. Kahit na mag-isa lang ako rito, hindi kaya ako nawawalan ng stock.
"Pumunta ka na lang sa kusina para malaman mo. Heavy meal is not good for me lalo na kapag first day ng period ko. You can cook spaghetti or carbonara lahat naman ng kailangan mo nandoon lang." Pagpapaliwanag ko at pinilit kong tumayo dahil pakiramdam ko puno na ang napkin ko.
"Where are you going?" he asked.
"Sasama ka pa ba? Magpapalit lang ako, gusto mo makita?" pang-iinis ko.
"No, thank you! I hate blood. May trauma ako riyan. Magluluto na lang ako." Tumayo na lang siya at dumiretso sa kusina.
Naiwan akong mag-isa at napaisip sa huling sinabi niya.
He has a trauma about blood. Why?
******
Lumipas ang tatlong araw at pabalik-balik rin si Ben sa bahay ko. Hindi naman na talaga kailangan kasi nakakakilos naman na ako pero makulit siya, gusto niya akong alagaan at bantayan. Muntikan niya na nga akong kuhaan ng yaya para lang i-monitor ako, pero umayaw ako.
Kasalukuyan akong umiinom ng lemon tea, mahangin at maaliwalas ang paligid dito. Maraming na rin bagong bunga ng iba't ibang klase ng mga bulaklak.
Hanggang sa may narinig akong busina. Napatayo ako at sinilip iyon mula sa ibaba. Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit nandito na naman siya? Napatingin ako sa cellphone ko at Sabado naman ngayon, walang pasok at dapat nagpapahinga siya sa kanila.
Wala rin naman akong natanggap na text o tawag mula sa kanya. Pinindot niya na nga ang doorbell kaya napababa na rin ako.
Ilang saglit lang ay nakababa na rin ako dahil hindi naman sobrang taas ng bahay ko. Pagbukas ko ng gate, hindi ko akalain ang mga nakita ko.
"Good morning, Cinyla. Flowers for you." Ngumiti ito at inabot sa akin ang red tulips.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil nabigla ako sa pagpunta niya at syempre sa dala niya.
"G-good m-morning d-din. S-salamat d-dito," utal-utal kong sabi at pinatuloy na siya sa loob ng bahay ko. Hindi ko alam bakit may pa-bulaklak pa siyang dala, kung anuman ang dahilan niya. Kinikilig ako!
"I am sorry to bother you this morning, Cinyla. I just want to check you now. Dahil by Monday, tuloy ang bakasyon ng kompanya. I want you to be there para mas maging close mo si Mommy. Don't worry, she is really nice," he explained na para bang tinusok ako ng tinik sa puso. Bukod sa nakakagulat ang balita niya, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari roon.
"I see, Ben. Pero hindi mo naman kailangan dalhan pa ako ng bulaklak. Para saan ba 'to? Ano bang mayroon?" Hindi ko na natiis pa kaya natanong ko na rin sa kanya.
"Nothing, I just want to give you flowers. Also, I miss you." Halos mapalunok ako sa sinabi niya dahil na rin siguro pabigla-bigla siya.
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mas kabahan ako nang sobra.
"I want to court you again, I want you to know that you are still in my heart. Will you give me another chance?" Nilagay niya ang kanang kamay ko sa puso niya. Naramdaman ko ang bilis nito na tila sumasabay pa sa kabog ng dibdib ko.
"S-sir Ben..."
Tinabi niya ang hawak kong bulaklak at nilagay ito sa katabi naming sofa. Niyakap niya ako at hindi na pinasalita pa.
"Kung mabilis man ako, sorry. If hindi ka pa handa, I am really sorry. But remember this, I will wait for you. I will be here for you. Kapag handa ka na, kapag pwede na. Kapag okay na, liligawan kita."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, humigpit ang yakap niya. Sana lang maging handa ako, sana lang din pwede maging tayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro