Chapter 34: The Secret's of Cinyla's Mother
Cinyla's POV
NAPAPANSIN kong madalas ng umaalis si mommy, minsan pa nga late na rin siya magsabi na may lakad pala siya. Ngunit hindi ko muna naman inisip ang mga dahilan niya. Kailangan ko na munang maayos ang mga bagay-bagay lalo na ang problema na kinahaharap ko habang wala siya. Alam ko naman na safe siya ngayon.
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto. Tumawag na rin kasi ako ng magkakabit ng CCTV sa labas para atleast malaman ko na talaga kung sino ba talaga siya.
Habang nag-aayos din ako ng kwarto ko tumunog ang cellphone ko. Napatigil ako sa paglilinis at mabilis na kinuha sa lamesa ang cellphone at sinagot iyon.
"Hello?"
"Cinyla, anak, bukas pa ako ng tanghali uuwi sa bahay. Ingat ka muna riyan. Uuwian na lang kita ng mga pasalubong. Ingat ka riyan, Cinyla." Pagpapaalala nito na tila nasa maingay na lugar.
Napataas ako ng kilay dahil kung nasa bahay lang naman siya ni lola, tahimik lang doon dahil silang dalawa lang. "Nasaan ka, mommy?" Naglakad ako palabas sa aking kwarto dahil para bang humihina ang signal ko.
"Sige na Cinyla, paalam na." Bigla niyang binababa ang tawag. Napatigil tuloy ako at napaisip, itetext kung sana si mommy pero napansinn kong 2 percent na lang itong cellphone ko. Wala akong nagawa kundi pumasok na lang muli sa kwarto at i-charge.
***************************************
Hindi ko gusto na ilihim ito kay Cinyla, pero kailangan at lahat naman ng ito ay ginawa ko para sa kanya, sa pamilya namin. "Anak, ano nakapagpaalam ka na ba kay Cinyla? Hanggang kailan mo itatago ang alam mo? Kawawa naman ang apo ko, pero walang sikretong hindi nalalantad. Tandaan mo, malalaman at malalaman din niya iyan."
Halos bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang kalungkutan ng sabihin ng aking ina ang mga bagay na iyon. Alam kong malalantad rin ito pagdating ng panahon. Kung dumating man iyon, sisiguraduhin kong handa akong magpaliwanag sa kanya.
Pilit na ngiti na lamang ang nabigay ko kay Inay, alam kong nag-aalala lang siya sa akin lalo na kay Cinyla. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil matagal ko ng alam ang totoo pero heto ako laging nagdadahilan at sumasabay lang sa agos.
Minabuti ko na lang tapusin ang ginagawa ko, ang pamimili. Kasalukuyan akong nandito sa mall at napakaraming tao dahil namili ako ng mga gamit para sa kailangan ni Inay sa bagong bahay na tinutuluyan niya. Napabutong-hininga na lang din ako pagkatapos kong makita ang pulang mug na nakita ko. Medium size ito at sa hindi inaasahan nakita ko ang isang taong sobrang malapit sa puso ko.
"Hi! Kumusta ka na? I know it is too long to see each other. Kumusta ang pamangkin ko? Balita ko malaki na at dalaga na, ikaw lang ba mag-isa?" Sunod-sunod na tanong ni Diego ang kapatid ng yumaong asawa ko.
"Hello Diego! Nandito ka rin pala. Oo nga eh, okay naman siya nasa bahay lang siya ngayon. Nope, kasama ko si inay. Sige mauna na ako at ingat kayo ng asawa mo." Pagmamadali ko. Ngunit ngumiti lang ito at nagsalita.
"Until now ganiyan pa rin pala ang akala mo, anyway, wala akong naging asawa o girlfriend after what happened before. Don't worry Talia, I am happy. Nag grocery lang ako mag-isa, ingat kayo ni tita. God bless!" Kumaway ito at tinulak ang cart na hawak niya.
Nakahinga ako nang maayos at biglang lumapit naman si Inay na may dalang biscuit. Pinatong niya ito sa cart na dala namin. "Tara na, Talia. Ibili mo na rin ng pasalubong yung apo ko. Kailangan na natin makauwi at pagod na ako kakalakad dito."
Tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Ayokong ipahalata kay Inay na nagkita kami ni Diego. Ayoko ng alahanin pa ang nangyari o kung anong ugnayan namin dati. Matagal na iyon at kinalimutan ko na.
Dumiretso na nga kami sa cashier at pumila. Mabuti na lang at pangatlo kami ni Inay sa pila, dahil kung mahaba baka nainip na ang kasama ko.
Habang naghihintay kami, nagsalita si Inay.
"Ayos ka lang ba? Panay ang tingin mo sa paligid may problema ba, Talia?"
Napalunok ako sa tanong ni Inay, hindi ko akalain na mapapansin niya ang paglinga-linga ko sa paligid.
Humarap ako kay Inay at sinagot siya. "Oo naman po, walang problema. Sige na Inay, mauna na kayo sa pila natin tayo na po ang sunod." Mabuti na lang tinawag na kami ng cashier at hindi na ako nagpaliwanag pa. Malakas talaga ang pandama ng mga magulang.
Natapos din at makalipas ng ilang minuto ay nakauwi na rin kami sa bahay. Tinulungan ko muna si Inay na makarating sa kwarto niya at dinalhan ng maiinom na tubig.
"Nakapapagod talaga ang mamili, salamat anak sa pag-aasikaso." Ngumiti ito at kinuha ang tubig na inabot ko.
"Walang anuman, Inay. Magpahinga na po kayo at doon muna ako sa kusina para maiayos ang mga kailangan. Gisingin ko na lang kayo kapag kakain na tayo ng hapunan."
Bumalik na ako sa kusina, napaupo sandali sa upuan. Hindi pa ako handa, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kapag dumating ang panahon na lumabas ang totoo. Huwag muna. Huwag na sana magkita pa ang mag-ama.
*************************************
Naputol na lang bigla ang linya at hindi ko maintindihan bakit parang ang ingay naman ng lugar nila mommy. Tinabi ko na lamang ang cellphone ko, naisip ko na rin na baka namimili sila nila lola ng gamit sa mall.
"Ma'am, malapit ko na po ito matapos. Yung last po saan ko ho ilagagay?" tanong ng lalaking pinagawan ko ng CCTV sa labas ng bahay at loob na rin. Siya si Mang Kanor, matagal namin kakilala dito sa subdivision na gumagawa ng mga technical issue or kahit bahay pa ay kaya niya.
"Nako Mang Kanor, Cinyla na lang po ang itawag ninyo sa akin. Ihuli ninyo pong lagay ay dito sa kwarto ko at kaya pa po ba rito sa sala? Tatlo naman po iyang mga camera." Tanong ko sabay tingin sa paligid kung tamang anggulo ba ang pinagsasabi ko.
"Sige ho, Cinyla kung ano pong mainam. Nasanay lang talaga ako na ganoon ang itawag sa lahat ng nagpapagawa sa akin. Sige, wala naman problema. Ano palang nangyari at naisipan mong maglagay ng mga camera sa labas at loob ng bahay ninyo?"
Napabutong-hininga pa ako dahil hindi ko alam paano ibabahagi kay Mang Kanor ang mga kaganapan dito.
"Mahabang kuwento, Mang Kanor. Higit sa lahat, maganda na rin ho ito diba? Atleast, safe ang lahat tsaka alam ko yung totoong nangyayari kung sakali may maging problema." Paliwanag ko sabay lapag ng pagkain sa lamesa.
"Kain at inom na lang ho kayo pagkatapos ninyo riyan. May aasikasuhin lang po ako sa itaas. Dito muna kayo sa sala magkabit at pagkatapos ay magmeryenda." Ngumiti ako at tumango na lang naman siya. Kinuha niya ang gamit niya at nag-isip saan ipupuwesto ang maliit na camera.
Pinakiusapan ko na lang kasi siya na dapat simple at normal pa rin kapag pumasok sa bahay namin. Gusto ko na rin matahimik at ayoko ng ma-stress tungkol sa secret person na 'yan! Ilang buwan na rin kasi akong natahimik at bigla siyang magpaparandam ulit. Akala ko wala na, hindi pa pala. Dumiretso na nga ako sa kwarto para mag-ayos at ma-set up ang laptop, pati na rin phone na kailangan para doon ikokonekta ang mga CCTV.
Hanggang sa napaisip ako kung tama ba na sa kwarto ko na lang ba o sa kwarto ni mommy. Kaya habang nag-iisip ako ng final decision ko, lumabas muna ako at pumunta sa kwarto ni mommy.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob, narinig ko na ang ingay sa ibaba. Wala akong nagawa kundi magmadali dahil baka napasukan na nga kami ng masamang tao. Kawawa naman si Mang Kanor.
"Mang Kanor? Mang Kanor!" Sigaw ko habang binabaybay ang hagdanan. Hanggang sa nakita kong nasa sahig na si Mang Kanor. Nagmadali akong alalayan siya at nakita ko ang isang lalaki na hindi ko alam kung bakit siya narito.
"A-anong ginagawa ng matandang lalaking 'yan dito?" Inis nitong tanong na may seryosong awra.
"Sir? Kayo po ang dapat kong tanungin sa bagay na iyan, bakit kayo narito sa pamamahay ko at bakit ninyo naman po siya sinuntok? Siya si Mang Kanor, okay? Nandito siya dahil sinabi ko at siya ang nagkabit ng mga camera."
Dahan-dahan akong tumayo at inalalayan pa rin si Mang Kanor. Mabuti na lang hindi matindi ang pagkasuntok sa kanya. "O-okay lang ba ho kayo, Mang Kanor? Pasensiyahan ninyo na talaga yung isa riyan. Boss ko po iyan, masyado lang overprotective. " Pagdadahilan ko dahil ayoko naman mag isip pa si Mang Kanor. Napangisi naman ang matanda na para bang nagbabalak pang mang asar sa amin.
"Okay lang ho ako Cinyla. Pero, tunay na malakas sumuntok ang boss ninyo." Napakamot naman ng ulo si Sir BenChua dahil sa sinabi ni Mang Kanor. Kahit kailan talaga padalos-dalos siya. Tumingin ako kay Sir BenChua ng masama.
"Sige ho, pasensiya na. Pahinga po muna kayo dito sa sala. Kausapin ko lang po itong boss ko." Pilit na ngiti na lang ang binigay ko ngunit kahihiyan talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Tumango naman si Mang Kanor na tila sang-ayon sa sinabi ko.
Lumapit agad ako sa boss ko at hinila ang kamay niya papuntang kusina.
"Hey, where we are going?" he asks consciously.
Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating na nga kami sa dining area sa bandang kusina.
"Bakit ka ba nandito? Tsaka bakit ka naman biglang nanununtok?" Seryosong bungad ko sa kanya at tinitigan ko siya mata sa mata.
Napayuko ito at naging malamya ang mga mata niya. Shems! Ang gwapo niya lalo!
"S-sorry... Hindi ko naman kasi alam na kilala mo pa pala. Nag-aalala kasi ako sayo at wala kang paramdam. Pinuntahan kita rito because I am totally worried about you, then I saw that old guy akala ko magnanakaw." Paliwanag nito na tila dumurog ng puso ko. May point nga naman siya, naiwan ko rin naman kasing bukas ang gate kaya ganoon.
Kasalukuyan kaming nakatayo na para bang mag-asawa na nag-uusap nang masinsinan.
Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko dahil sa paliwanag niya.
Huminga muna ako nang malalim bago tumugon sa mga sinabi niya.
"Pasensiya na sir, pero sana huwag naman po agad kayong manununtok. Mabuti na lang hindi sobra ang natamo ni Mang Kanor. By the way, okay lang naman ako, sadyang pinili ko lang magpakabit ng mga camera's sa bahay for our safety. Lalo na hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari lately.
Napatingin ito sa akin at tila maraming tanong na ang naglaro sa kanyang isipan, base na rin sa pag-iba ng kanyang awra.
"What happened?" Hinawakan niya ang kamay ko at ang mga mata niya ay parang bumilog dahil sa labis na pag-aalala.
Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may mga kabayo nagtatakbukan sa loob nito. Bumilis pa ito nang bumilis ng titigan niya ako mata sa mata.
"Oh, I am so sorry..." Bumitaw ito at tumingin sa paligid-ligid hanggang naisip niyang maupo muna.
"Pwede bang maupo muna tayo? Tsaka ano ba ang totoong nangyari sayo? May nagpaparamdam ba?"
Napatigil kami pareho ng marinig ko ang sigaw ni mommy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro