Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33: The Letter

Cinyla’s POV

MAAGA akong nagising pagkatapos ng nangyari kahapon. Hindi ko alam bakit dinala ako ng paa ko sa bahay nila Sir BenChua. Sobrang late na iyon pero pinili ko pa rin na tumuloy kahit alam kong baka magalit lang siya o ano.

Ang ending, hindi ko rin siya nakausap nang maayos. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, wala naman ito sa plano ko pero wala nangyari na.

Kasalukuyan na akong humihigop ng chocolate drink ngayon dito sa balcony ko. Ang sarap talaga ng lasa nito!

Today is Sunday at maya-maya aalis na rin ako para magsimba. My mom is not here since yesterday, pinuntahan niya raw si lola. I hope naging safe ang biyahe niya. Until I receive a text coming from her.

My Mom

Hi Cinyla, nandito na ako sa bahay ng lola mo. Kapag aalis ka i-lock mo nang mabuti ang bahay ha? Ingat ka riyan, loveyou.

Received. 8:30 AM

Napangiti naman ako ng matapos kong mabasa ang mensahe ni mommy. She is really sweet kahit na medyo matanda na siya at hindi nawawala sa personality niya.

Inubos ko na lamang ang iniinom kong chocolate drink at pagkatapos ay nagmasid sa paligid. Napasandal ako nang bahagya sa inuupuan kong coach at napatingala. Sky is really awesome. Ang ganda rin ng araw ngayon, maaliwalas.

Tiningnan ko na rin ang oras sa phone ko at malapit na mag 9, kaya’t tumayo na ako para maligo.

Makalipas ang 20 minutes, nakapag-ayos na rin ako at ginawa ko ang sinabi ni mommy na isarado nang mabuti ang bahay. I make sure na natanggal ko rin ang mga saksakan sa kwarto at kusina para less bill ng kuryente na rin.

Pagkatapos kong ma-ilock ang pinto ay diretso na akong nagbukas ng gate para ilabas ang kotse ko. Maaga pa naman since 10:30 am pa ang simula ng simba ko.

Kasalukuyan ko na ngang nilalabas ang kotse ko ng may mapansin akong nakatuping papel sa gilid ng gate namin. What is this?

Kinuha ko na lamang iyon at pinasok sa loob ng bag ko at tuluyan ko na rin nailabas ang kotse ko. Pagkatapos ay bumababa muna ako at ni-lock na rin ang gate.

Kasalukuyan na akong nagmamaneho at naalala ko ang papel. Pero hindi ko muna iyon binuksan dahil gusto kong makarating agad ako sa simbahan.

Maraming tao sa simbahan namin dahil isa ito sa kilala at malaking church dito sa Maynila.

After 4 hours in church, pinili kong umuwi agad. Masaya akong hindi ako na-late at nakarating ako bago magsimula ang kantahan. Malungkot lang ako dahil ako lang mag-isa. I am now driving when I realized the paper inside of my bag, kukunin ko na sana iyon ng makaramdam ako ng gutom. Nag-focus na lang ako sa pagmamaneho at naghanap ng makakainan.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay inabutan ako ng matinding traffic. Kainis naman, gutom na ako! Napalo ko na nga lang ang steering wheel dahil sa inis.

Hanggang sa naalala ko ang papel na nilagay ko sa bag ko. Habang inaantay ko na matapos ang traffic, kinuha ko iyon at binuksan. Nagulat ako dahil isang sulat ang laman no’n.

Dear Cinyla,

How’s everything? I miss you both. I know you are lady now and an independent. I am so happy to see you soon. Marami akong sasabihin sayo na alam kong ikagugulat mo. Sana lang matanggap at mapatawad mo pa ako. Ingat ka palagi, milady. Malapit na, malapit na tayong magkita.

—P.M

Matapos kong mabasa ang sulat ay bigla ko itong nabitawan, dahil sa kasunod na sasakyan na bumusina.

“Ano ba hindi ka pa aandar?!” Sigaw nito kaya’t mabilis kong pinaandar ang kotse ko at kahit ang way nito ay papuntang bahay na ay hinayaan ko na lamang. Hindi na rin ako nakipagtalo sa matandang lalaki na iyon. Ngunit imbes na isipin ko iyon, naalala ko ang initials sa letter. Sobrang familiar at pilit kong inaalala kung saan ko iyon nakita.

Hanggang sa makarating na ako sa labas ng bahay namin. Tahimik ang paligid at tirik na tirik ang araw dahil pasado ala-una ng hapon. Nawala ang gutom ko at pagkatigil ng kotse ko, kinuha ko ang papel at pinagmasdan ang initials na P.M sa ibaba nito.

Sino kaya ang nakaiwan ng letter na ito? Who is P.M?

Makalipas ang ilang sandali. . .

FLASHBACK

“Daddy, ano pong ginagawa ninyo?”

“Pumipirma lang si daddy ng mga papeless para sa work. Ano’ng gusto ng prinsesa ko?”

“Can I have this daddy? Nakita ko po kasi sa room ninyo ni mommy. You bought this to her itong maraming chocolates.”

Ngumiti ito at biglang nahulog ang folder. Mabilis kong kinuha iyon para iabot kay daddy.

Nakita ko ang kaniyang pirma kasama ang P.M . Kinuha niya sa akin ang folder at tinabi iyon sa katabi niyang lamesa. Binuhat niya ako at pinisil ang pisngi ko.

“Sure baby! Your mom don’t like dark chocolate. Gusto mo ba ang mga iyan?”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Yes daddy! Akin na lang po itong dalawa. Thank you!”

“Sure my princess. Go to your room now, may mga tatapusin pa si daddy.” Hinalikan niya ako sa noo at binababa na.

“Bye daddy!”

END OF FLASHBACK

Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung totoo ba ’to o baka kapareho lang. Pinagmasdan ko ang papel, ngunit nadismaya ako dahil type writing ito hindi sulat kamay kaya hindi ako sigurado. Pero ngayon, hindi ko na alam ang totoong nararamdaman ko. Gulo-gulo na sila sa isipan ko.

Tinupi ko na lang ang papel at sinubukan na kumalma muna. Huminga ako nang malalim at ilang minuto ang pinalampas ko. Hanggang sa naisipan ko na bumababa sa kotse, ngunit napaatras ako dahil may paper bag akong nakita. Dahan-dahan akong lumapit at kinuha iyon. Kulay pink ang paper bag at may laman na pagkain na nakalagay sa dalawang tupperware.

Natakam ako sa laman nito dahil favorite ko ang mga ito; spaghetti at fried chicken. Kanino naman kaya ito galing?

Hanggang sa may nakita akong maliit na papel sa loob at may nakasulat.

This is for you, milady.
-P.M

Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil baka may nakatingin o nandito pa ang nag-iwan nito. Ngunit wala akong makitang bakas o kahit kaninong presensiya.

Hindi ko tuloy alam kung kakainin ko ba itong pagkain dahil hindi ko alam kung kanino ito galing.

Minabuti ko na lang na pumasok sa loob at para makapagluto ng pagkain. Pero bago iyon, pinasok ko muna sa loob ang kotse para kampante ako. This is the only treasure I have. This car is from my dad, this is the gift for me when I learn how to drive last 3 years ago.

Until I receive a call from Thea.

Binaba ko muna ang pink na paper bag sa table at sinagot ito. “Hello Thea?”

“Hi Cinyla! What’s up? Napatawag lang ako para kumustahin ka, dumaan ako diyan sa inyo kanina pero walang tao. Nasaan ka ba ngayon?” tanong nito na siyang ipinagtaka ko.

“Okay lang naman ako, Thea. Bakit ka pala napadaan kanina? Sayo ba yung paper bag na nasa labas ng gate?” tanong ko habang pinagmamasdan ang pink na paper bag.

“Wala lang beb! Napatawag lang ako eh. Ito naman parang hindi ako namiss, bestfriend mo kaya ako.”
saad nito mula sa kabilang linya.

“Huh? Wala akong nakitang paper bag diyan. Pero may nakita akong matandang lalaki na nakasobrero at may iniwan. Hindi ko nasita kasi parang dumaan lang naman siya at wala naman siyang ginawa.” Dagdag nito na nagbigay kabog sa dibdib ko.

“S-sino siya?” takot na bulong ko ngunit narinig din naman ni Thea ang sinabi ko.

“Hindi ko alam eh, okay ka lang ba? Daanan kita may pasalubong ako sayo.” masayang sagot nito.

“Ah oo beb! Sige na daan ka na rito siguraduhin mong mabubusog ako sa dala mo ha?” Sige na babush na! Hintayin na lang kita rito.”

“Okay beb! See you!” Binaba ko na rin ang tawag at napahawak sa puso ko.

Sino ba talaga siya? My dadi si died almost 2 years ago. How can it be possible that he do this?

Napatakbo ako sa sala at hinanap ang dala kong bag. Hinanap ko ang papel kasama ang sobre nito. Pero walang bakas ng kahit sino. Walang nakasulat sa labas nito kundi ang mismong papel lang na nabasa ko kanina sa kasagsagan ng traffic.

Napaupo ako at pinagmasdan muli ang sulat, pero wala akong maisip na kahit ano kundi ang tanging nararamdaman ko ay si daddy.

Napabutong-hininga na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Impossible talaga na si daddy ang gumawa nito. Until I receive a text message. Nanginginig pa ang kamay ko ng buksan iyon dahil tatlong sunod-sunod na texts messages mula sa unknown number.

+639887056792
I am here. Open the gate.
Received. 1:30 PM

+639887056792
Uy beb, nandito na ako. Ang init!
Received. 1:32 PM

+639887056792
Beb si Thea ito. Sorry now lang nagpakilala haha nawala sa isip ko na new sim na ’to. Pero, ano na? Lumabas ka na riyan!
Received. 1:34 PM

Napangiti ako nang bahagya at nawala ang kaba sa sa dibdib ko. Mabilis akong tumayo at dumiretso sa gate.  Andoon nga siya at nakabusangot dahil init na init pero nakuha pang mag jacket.

“Buksan mo na beb! Ang tagal mo!” Inis nitong utos sa akin.

Nagmadali ako at pinagbuksan siya. “Ayan kasi nag-jacket ka pa! Bakit ikaw lang?” takang tanong ko rito.

“H-huh? A-anong sinasabi mo beb?” kabang tanong nito sa akin ngunit dumiretso na rin kami sa sala.

“Este wala kang kotse na dala?” mabilis kong sagot dahil baka ano ang maisip niya.

“Wala eh, nag taxi lang ako dahil nasa carwash pa yung toyota avalon ko.”

“Nice! Long time no see beb ha? Nasaan ang pasalubong ko?” Pag-iiba ko sa usapan dahil naramdaman ko na muli ang gutom ko.

“Your favorite beb! Ito oh!” Sabay abot niya sa akin ng dala niyang pagkain sa brown na paper bag.

Hinila ko ang kamay niya para doon kami sa kusina magkausap at kumain.

“Teka, ano pala yung tanong mo kanina? May nakitang kang pink paper bag? Ito ba iyon?” biglang pagpapaalala nito. At hinawakan ang pink na paper bag na nasa lamesa. Hindi ko nga pala naitabi ang pink na paper bag.

“O-oo beb! Iyan nga na hawak mo,” mabilis kong sabi kahit sa totoo lang hindi ko na rin alam ang isasagot ko.

Tiningnan niya ang laman nito at may nakuha siyang letter sa loob. “Ay bongga beb! May letter sa loob. Teka, same kami ng dala ah? Admirer mo ’ata ’to eh,” wika nito sabay bukas niya ng sulat.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya at sa nilabas niyang sulat, dahil kanina wala naman akong napansin na papel sa loob kundi ang nga tupperware lang.

“Ay beb, kilala mo si P.M? Parang kilala ko yung initials pero diba ano. . .” Pinutol ko kaagad ang sinasabi niya at mabilis na kinuha ang papel na hawak niya. Tila nawala na rin ako ng gana kumain at bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Binasa ko iyon at mas kinabahan ako sa mga nakasaad dito.

Hi milady,

Eat your spaghetti and your favorite fried chicken. Don’t worry there is no poison there. Also, I am the one who prepare for it. Eatwell and enjoy. I miss you both.

-P.M

“Ang scary beb! Sino si P.M? Si tito ba ’yan?” Mabilis ko naman tinakpan ang bibig ni Thea. Kahit kailan talaga wala siyang preno. How can it be possible that my dad is still alive? Sobrang malabo dahil 2 years na ang nakalipas.

“My dad is died already. Alam mo naman ’yan beb! I don’t know who is he. But I know someone trying to play with me. Hindi ko man kilala kung sino talaga siya but I don't want to eat this. Mahirap na, malabo na!” Tumango naman siya na pakiramdam ko ay sumang-ayon din siya.

“Fine beb! Kung sino man ang gumawa niyan, kilabutan sana! Gosh! Anyway, kainin mo na yung dala ko mapapanis na 'yan.” Utos nito na tila nawala na sa isip ko na may pagkain nga pala siyang dala.

“Saan ba ’to galing?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Luto ko ’yan beb! Kasi nga pupuntahan kita at naisip ko na iyan na lang ang kainin natin. May dessert din akong dala yung coffee jelly. Tikman mo na, bilis!” Utos nito habang tinutulungan pa akong kunin sa dala niyang paper bag.

“Sige na beb! Kakain na ako, salamat dito ha?”

“No worries beb! Itapon ko na lang ba itong food ng admirer mo?”

Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya. “Hala sorry beb! Ito tubig oh, dahan-dahan kasi.”

Mabilis kong kinuha ang tubig sa kanya at ininom iyon nang dahan-dahan. “Ikaw kasi loko-loko ka! Hindi ko iyan admirer, masamang tao ang gumawa niyan! At hindi ko mapapalampas iyon.”

“Kalma na beb, ang puso mo. Sige na, kumain ka na riyan. Ako na ang magtatapon nito. Kumain ka lang diyan.” Paalala nito sabay kinuha ang laman ng pink na paper bag na hindi ko talaga alam kung sino ang nag-iwan sa labas ng gate namin.

Habang tinatapon niya ang laman ’non, naisipan ko naman makaisip ng solusyon sa problema ko.

I need to put CCTV here. Tama! Kailangan kong maglagay ng CCTV and asks help of my detective friend.

Makikilala rin kita, malalaman ko rin kung sino ka ba talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro