Chapter 30: Mystery Voice Call
Cinyla's POV
LUMIPAS ang ilang saglit ng maiisip ni Sir BenChua na umuwi kaagad. Naisip niya siguro na kailangan ako ni Mommy. Biglaan ang lahat, pagkatapos dumagdag pa si Joshua. Wala rin kasi siya hulog, bigla niyang sinabi na buhay pa si daddy.
Habang inaalalayan ko si Mommy sa kwarto niya, maraming gumulo sa isip ko, pero pinili kong mag-focus sa pag aalalay sa kanya.
Aasa ba ako na makikita ko siyang muli eh halos mag 3 years na rin siyang wala simula ng maaksidente, at napabalita ito sa kamag-anak niya lalo na sa amin dahil sa mismong araw pa ng kaarawan ko.
Napabutong-hininga na lang talaga ako habang nagtitimpla ng gatas ni mommy. I always do this para makapagpahinga at kumalma siya. I remembered before kapag magpapahinga na sila ni daddy, I see my dad doing this. Siya yung magtitimpla ng gatas ni mommy tapos hahalikan niya si mommy sa noo. Those sweet memories that I still treasure until I found out that daddy is cheating with my mom. Sobrang sakit at hirap sa part ni mommy.
Natapos na nga ako magtimpla at dumiretso na rin ako sa kwarto ni mommy. I see her reading a book. Until now, ito pa rin talaga ang hilig niya. While dad, he can do both reading and writing kaya talaga humahanga si mommy sa kanya until the worst thing that he did. I can't believe it.
"Hi, mommy. Ito na po yung gatas ninyo, inumin ninyo muna para magpahinga na rin kayo." Lumapit ako sa kanya nang nakangiti at inabot ang isang basong gatas.
Kinuha niya ito sa akin at nagpasalamat, "Salamat, Cinyla. Magpahinga ka na rin. Okay naman ako, masyado lang akong nabigla sa nangyari kanina."
Tumabi muna ako sa tabi niya at hinawakan ang kanan kamay niya. "Mommy, huwag mo na pong isipin ninyo. Matagal ng wala si daddy, hindi rin ako aasa pa na buhay siya. Kung buhay man siya, alam mong may pamilya siya sa babae niya," pagdedetalye ko.
"Alam ko naman anak, pero napatawad mo naman na ang daddy mo diba?" biglang tanong ni mommy na dahilan ng pagbitiw ko sa kamay niya at pagbibigay kabog sa dibdib ko. Napatawad ko na nga ba si daddy, pagkatapos ng kasinungalingan niya sa amin ni mommy?
Ang daming mga tanong ang naisip ko. Sunod-sunod na para bang may QA na nagaganap. To be honest, I don't know. Hindi ako sigurado sa sagot ko kung oo ba o hindi. "C-Cinyla?" tawag sa akin ni mommy. Nagising na lamang ako sa reyalidad na natulala na pala ako.
"S-sige mommy, magpahinga ka na po. May lakad pa pala ako bukas. Goodnight and I love you mommy!" Masiglang wika ko at tuluyan na umalis sa kwarto niya. Mabilis kong sinira ang pinto at alam kong may sasabihin pa siya, pero salamat dahil hindi na siya nag-alinlangan pa na magsalita pa. Hindi pa ako handa. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam ang isasagot ko sa tanong niya. Ang tagal na nga no'n pero para sa akin malinaw pa ang lahat.
Nakatayo pa rin ako sa labas ng pintuan ni mommy at napabutong-hininga.
Nagmasid ako sa paligid, mula sa makalumang estilo ng aming paligid bigla kong naalala ang lahat. Naglakad ako at napayakap sa aking sarili. Halos kilabutan ako sa pagkakataong ito, hindi dahil sa takot kundi sa halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Pinili kong dumiretso sala tila para bang may sariling desisyon ang paa ko ang dinala ako rito.
Ano bang gagawin ko rito?
Kahit hindi ko alam ang totoong pakay ko napaupo na lang ako sa pulang sofa namin. Sinandal ko ang sarili ko rito at sinubukan ko na lamang ipikit ang mga mata ko.
Nakaramdam ako ng kaunting kapayapaan at huminga ako nang malalim.Maya-maya pa ay may tumunog ang telepono na katabi ko lamang
Dali-dali ko iyon kinuha at sinagot ang tawag. "Hello?"wika ko sa kabilang linya. Sunod-sunod ang pagtibok ng puso ko na hindi ko malaman ang dahilan.
"Kumusta kayo? Miss na miss ko na kayo." pamilyar ang boses niya pero alam kong malabo ang naiisip
ko.
"S-sino k-ka?" utal kong sabi sa kabilang linya.
Ngumisi lang ito nang bahagya dahil sa kakaibang tono nito bago tuluyang nagsalita. "Malalaman mo rin sa susunod na araw o buwan. Ngayon, masaya ako na nasa mabuti kayong kalagayan. Babalik ako, malapit na." Magsasalita sana ako agad ngunit ang tanging narinig ko lang ay putol na linya na.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Dahan-dahan akong napaupo sa sofa, mabuti na lang napakapit ako kung hindi baka tuluyan akong bumagsak sa sahig. Hindi ko alam ang nangyayari. Sino ba siya? Anong pakay niya? Bakit ka boses niya si daddy? Naguguluhan na ako!
"Cinyla, okay ka lang ba?" tanong ni mommy na hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala.
"O-okay lang ako ma, bakit po pala bumangon ka pa?"
"Narinig kasi kitang sumigaw, akala ko napano ka na riyan. Okay ka lang ba talaga? Teka, bakit gising ka pa at hindi ka magpahinga?" sunod-sunod niyang tanong na lalong nagpagulo sa isipan ko.
Tumayo ako at inalalayan si mommy. "Okay lang ako mommy, tara na po magpahinga na po kayo ulit. Guni-guni ninyo lang po iyon, nagpapahinga lang naman ako sa sala at matutulog na rin po ako."
Pinakita ko sa kanya na okay lang talaga ako kahit hindi talaga dahil ngayon, iniisip ko yung tumawag. Kung sino ba iyon, at anong mayroon sa sinasabi niyang pagbabalik.
Hindi naman umangal pa si mommy, sinunod niya na lang ang sinabi ko at sa ginawa niya gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Ayoko na siyang mag-alala pa. Hindi ko gusto na isipin niya pa ang mga bagay na iyon, wala rin naman kwenta iyon dahil hindi ko rin malaman kung totoo ba ang mga nalalaman ko o hindi.
Nahatid ko na nga si mommy sa kwarto niya at nahiga na rin ito agad. "Good night, mommy. Sleepwell, huwag na po kayong bumangon pa ha? Okay lang po talaga ako." Pilit na ngiti ang binigay ko para tuluyan niyang isipin na walang problema. Kahit na ang totoo, ang daming gumugulo sa isip ko ngayon.
Hinawakan ni mommy ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. "Magpahinga ka na rin, Cinyla. Salamat sa pag-iintindi at pag-aalaga." Halos mahulog ang puso ko at tumuon ang buong isip ko sa sinabi niya. "Mommy naman, pahinga na po. Wala po iyon, tandaan ninyo lahat ng ginagawa ko ay para sa inyo at kayo na lang ang mayroon ako." Halos maging garagal ang boses ko sa huling mga sinabi ko.
Aaminin kong nakaramdam ako ng kirot, dahil nitong nagdaan na araw pansin ko na ang panghihina ni mommy. Kaya hangga't maaari ayokong bigyan siya ng kahit anong problema o sakit sa ulo. Kaya madalas gusto kong solohin na lang lahat.
Ngumiti ito at muling nagsalita. "Sige na anak kong maganda, magpapahinga na. Umakyat ka na rin sa kwarto mo at matulog na. Salamat ulit, anak." Pagkatapos niyang magpasalita ay lumapit ako at niyakap siya nang mahigpit. Self, huwag kang iiyak.
Labis ang pagpipigil ko sa emosyon ko dahil nararamdaman kong anumang oras ay babagsak na sila.
"Sige na nga mommy, aakyat na ako. Magpahinga na po kayo." Tuluyan na nga akong lumabas sa kwarto ni mommy. Hindi ko na rin gusto na magtagal pa dahil alam kong hindi na kaya ng mga mata ko.
Nakahinga ako nang maayos ng tuluyan akong makalabas sa kwarto ni mommy. Dumiretso na rin ako sa taas para magpahinga. Isinantabi ko na lang din ang mga bumabagabag sa isip ko- lalo na yung tumawag kanina.
Kasalukuyan na nga akong nasa kwarto ko, dumiretso ako sa kama ko at napatingin sandali sa itaas kung saan nakapaskil sa pader ang malaking orasan. Late na rin pala, pero bakit hindi ako dinadalaw ng antok?
Mabilis kong tinanaw ang kama ko na para bang hinahanap na ito ng katawan ko; pero bago ko tuluyan maramdaman ang lambot nito, napatingin ako sa cellphone ko.
Kinuha ko iyon at hindi ko inasahan ang napakaraming missed calls. Sino'ng tumawag?
Nang buksan ko iyon, unknown number lang ang nakalagay dahilan para bumigat ang pakiramdam ko.
Binuksan ko rin ang inbox messages ko dahil dalawang texts ang umagaw ng pansin sa akin.
Unknown Message
+63967867890
See you soon my love. Miss ko na kayo ng mommy mo.
Received. 11:11 PM
Unknown Message
+63967867890
Sana makabawi ako, sana mapatawad mo ako. Sorry sa lahat.
Received. 11:13 PM
Napaupo ako sa kama ng mabasa ko ang mga iyon. Ang numerong nagbigay ng mensahe sa akin ngayon ang numerong tumawag sa akin. Napahawak ako sa puso ko, sobrang bilis nito na parang bang aatakihin ako. Ngunit pumikit muna ako upang pigilan ang nararamdaman ko at huminga rin pagkatapos.
Kung sino ka man, sana hindi ikaw ang nasa isip ko. Sana mali ako. Pinili kong itabi ang cellphone ko pero bago iyon, binura ko na lamang dahil ayokong mag-isip nang mag-isip.
Napabaling bigla ang tingin ko sa larawan namin ni mommy at daddy. Tinitigan ko iyon hanggang sa mapangiti ako nang bahagya.
Daddy, miss na kita. Pero kung totoo man na buhay ka pa, hindi ko alam kung handa ako na makita ka o hindi. Hindi ko rin alam kung kaya na kitang mapatawad. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon ko. Buhay ka ba talaga?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro