Chapter 28: First Date
Cinyla’s POV
DAHAN-DAHAN akong nag-unat at napansin kong may kakaiba sa kama ko. Maluwag at tila parang wala akong katabi. Hindi ko alam kung nasaan siya, ang alam ko lang ngayon nagmamasid ako na para bang may hinahanap.
Nasaan kaya siya?
Inayos ko na lamang ang higaan at binaliwala ang nasa isip ko. Hindi maganda kung iisipin ko siya. Inayos ko na lang ang kama ko hanggang sa makarinig ako ng katok sa pintuan.
“Teka lang, palabas na rin!” sigaw ko pagkatapos kong maayos ang mga unan sa harapan ko.
“I need to go home, Cinyla. But I will come here at the afternoon.” Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang boses ni BenChua. Wala ako sa sarili binuksan ang pintuan at nakita ko na naman ang malulusog niyang abs.
“Can you please wear you t-shirt!” Utos ko rito habang nakatakip ng kamay sa mata ko.
“Oh sorry, I don’t know it. Aalis na talaga ako, ginising lang talaga kita.” Sinuot niya ang blue t-shirt niya sa harapan ko. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ang sagot niya o sadyang inaakit niya lang ako. Nasa gitna pa siya ng pintuan ko na para bang sinasadya niyang makita ko ang walong pack abs niya.
“Alam mo, kung aalis ka, umalis ka na. Hindi yung ganiyan ka, napaka mo!”
“Napaka ano?” Lumapit ito na para bang may gusto pang gawin. Tinulak ko nga ito dahilan para tuluyan siyang tumabi sa kalapit nitong pintuan kung saan sa guestroom.
“Ang lakas mo naman. Sige na, aalis na talaga ako Cinyla. Susunduin kita mamayang hapon. I don’t know the exact time basta susunduin kita.” Kasalukuyan ng seryoso ang awra nito dahil sa boses niyang buo at diretso ang tingin. Minsan talaga hindi ko alam kung anong klase siyang lalaki. Bigla-biglang nagbabago ang mood niya.
“Bakit mo pala ako susunduin?” tanong ko rito habang nakatingin sa mga mata niyang nangungusap. His pure brown eyes telling me something and the curves of his lips is really awesome dahil sa natural na pamumula nito.
“Just be with me, ako ng bahala sayo. Teka, may problema ba sa mukha ko?” takang tanong nito at napahawak sa mukha niya, dahil sa akala niyang may dumi ito. Pero ang totoo, hindi ko rin alam bakit ako napapatitig sa kanya ng ganito. I was amazed for his perfect face.
“Hey! Are still with me?”
“Cinyla.”
Hanggang sa nagising ako sa katotohanan ng tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ko akalain na napapatitig na pala ako ng matagal sa kanya. “Y-yeah, I am here. Sige na umalis ka na BenChua. Just text me if pupunta ka pa o hindi na.” Bilin ko rito at inayos ang sarili ko. Nakahihiya sa inasta ko kanina, baka isipin niya pa na pinapantansiya ko siya. Malabo.
Nagpaalam na nga ito at sa wakas nakahinga na tin ako nang maayos dahil sa totoo lang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag nag-iiba siya ng awra.
Bumababa na rin ako at hinanap ng mga mata ko si mommy, pero ni anino niya ay wala akong nakita. Nasaan kaya siya?
*****
@Faith Restaurant
Kasalukuyan na nga kaming nandito sa isang 5 star restaurant na kilala sa Laguna. Hindi ko alam kung bakit nandito kami at napansin ko lang din na kaunti ang mga tao. Simple lang din ang sinuot ko dahil hindi ko naman inaasahan ang ganitong pangyayari. I am just wearing a red dress and 2 inches of black sandals.
Kulay ginto ang paligid at samo’t sari ang mga halaman na nakapaligid sa restaurant. Bago kami makapasok sa loob may dalawang guard din nasa entrance. Diretso lang kami at may inabot lang na dalawang maliit na papel si BenChua sa isang guard na nasa kanan.
“Anong gagawin natin dito?” takang tanong ko habang papasok na kami sa loob.”
“I date you.” Bulong nito dahilan para mabigla ako.
Dinala niya ako sa isang VIP place dahil na rin sa malaking nakasulat doon sa ibaba ng table. Curve ang shape nito at sa gitna ng lamesa ay may mahabang kandila at nakapalibot ang mga rosas. Dalawa lang din ang upuan nito at ang anggulo pa ay harapan. Pinaupo niya na muna ako at nagsalita siya, “Calm down, Cinyla. It just a simple date, okay? Ayaw mo ba?” Halos ma-pressure ako sa isasagot ko sa kanya dahil hindi man lang siya nagsabi sa akin kanina dahil sinunod niya lang ako at ako naman hinayaan siya. Pero sa totoo lang, gusto ko rin naman siya kasama. Self, ano ba ’tong ginagawa mo! Magsalita ka na!
Sinubukan kong kumalma at umupo na rin. “I am so sorry, sir. Nabigla lang ako dahil hindi mo naman ito nasabi kanina. Anong mayroon at i-da-date mo’ko?”
“Stop calling me si. Babe na lang para mas okay.” Kumindat pa ito dahilan para taasan ko siya ng kilay.
“Oh calm down, Cinyla. Surprise kasi ang naisip ko at hindi naman ako nagsisi dahil naghanda ka rin naman.” Halos mapipi ako sa sinagot niya. Naghanda ba talaga ako? Hindi ba pwedeng ito na talaga ang nasuot ko?
I deny it. “Of course not, akala ko lang may important meeting tayo. Stop assuming, BenChua. Kumain na lang tayo, nagugutom na ako.” Pag-iiba ko sa usapan dahil pakiramdam ko hahaba pa ang sagutan naming dalawa.
Ngumisi na lang ito at tumawag ng waitress at saktong may babae lumapit sa amin at inasikaso ang order namin. Si BenChua ang kumausap sa babaeng grabe ang titig sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa nangyayari dahil kakaiba rin itong kasama ko, nakikipagchismisan pa talaga at itong babae naman panay ang tawa at sa harapan ko pa talaga.
“Miss, nakuha mo na ba lahat ng order namin? Pwede bang pakihanda na?” Seryosong tanong ko sa babae na napatigil na rin dahil sa tono ng pagsasalita ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis, halos ilang minuto na tanong pa rin siya nang tanong sa kakainin namin ni BenChua. Ito namang lalaki na katabi ko, pangisi-ngisi pa. Napataas na lang talaga ang kilay ko habang napatango na lang ang babae at umalis na rin. Nahiya na rin siguro sa eksenang ginawa niya.
“Gutom ka na talaga? O nagseselos ka sa babae?” tanong nito dahilan para mapatingin ako sa kanya at taasan ng kilay. Ako magseselos sa babaeng waitress na ’yon. Yung gutom okay pa eh, pero yung magselos. Malabo. Sobrang labo!
“Ano bang sinasabi mo? Gutom ako, okay?! Magsasabi ka lang naman kasi ng order natin kaso naglalandian pa kayo. Sana siya na lang yung dinala mo rito!” inis kong sabi at umiwas ng tingin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa totoo lang, bumigat ang pakiramdam ko. Nagseselos ba talaga ako o gutom lang ’to?
Ilang minuto ang lumipas at katahimikan ang namayani sa paligid namin. Wala rin kasing masyadong tao sa restaurant na ’to dahil ang puwesto namin ay VIP.
“Hindi ka ba talaga nagseselos?” tanong muli jito dahilan para iwasan ko na lang siya at hintayin ang pagkain. Hindi ko na lang inisip ang mga sinasabi niya dahil ayokong isipin pa ang totoong nararamdaman ko.
Ilang saglit pa ay dumating na rin ang mga pagkain namin. Hindi naman sobrang dami pero dalawang tray din ang dinala ng waiter at hindi ko kilala ang mga ito dahil sa itsura pa lang magugutom ka na.
“Thanks, bro.” Inabot niya ang isang puting sobre dahilan para magtaka na ako sa mga pinaggagawa niya. Hinayaan ko munang makaalis ang waiter bago siya tanungin. Ngumiti ang lalaki kaya nagtaka akonat napaisip kung ano ang inabot niya.
“Ano yung inabot mo?”
“Tip.”
“Bakit? Para saan?”
“Trip ko lang mabigay ng pera. Sige na kumain ka na baka lumamig pa ’yan at uminit na naman ang ulo mo.”
Sumubo na lang ako ng pagkain dahil masama ngang paghintayin ang pagkain. Pero natatawa ako sa huling sinabi niya na gusto niya lang mabigay ng pera. Sa bagay, kilala at marami siyang pera kaya gano’n na lang din siya mag-isip.
“Ano pa bang iniisip mo? Talk to me.”
Napatigil ako sa pag nguya ng pasta dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung may powers ba siya o talaga nararamdaman niyang nag-iisip talaga ako.
“Nothing,” tipid kong sabi at inasar ito dahil kumain akong muli at hinayaan siya. Tingnan ko lang talaga hanggang saan ’yang galing niya!
“Cinyla? Do you still love me?” Halos maisuka ko ang pasta dahil sa pagtatanong niya. Ano bang mayroon at lagi na lang akong nabibigla sa tuwing nagtatanong siya ng mga simpleng bagay?
Napatigil muna ako sa kinakain ko at uminom ng juice. Kumalma muna ako at huminga nang malalim yung hindi niya mapapansin.
Ilang minuto ang nagdaan at nagsalita na rin ako. “I don’t know. Magulo ang sitwasyon ko, sitwasyon natin.”
Tila parang naramdaman kong bumagyo sa bilis ng pagbabago ng awra nito. Naging seryoso ang kaninang maloko at malambing ang boses.
“I understand. I am so sorry for asking you this kind of question. But let me remind you, I still want to court you... I still love you.”
Halos matulala ako sa huling linya na sinabi niya. Talaga bang totoo ang pakiramdam niya sa akin? Baka naman kasi ginagawa niya lang ’to kasi wala pa siyang makitang ibang babae pero kapag tumagal na magsasawa rin naman siya.
“Hindi ako gaya ng ex mong loko-loko para saktan ka. I know this is the first time na magmamahal ako. But I know in myself that I am true for you, Cinyla.”
“Your the first woman I bring here, not anyone even my mom. I am serious, Cinyla.” Napatigil ako nang tuluyan ng sabihin niyang ako lang ang nadala niya rito. Hindi ko maintindihan... Wala akong maintindihan. Every words that I heard is just like a problem that cannot function to my mind.
“Yeah, I know that you think it. But that is true, Cinyla. Kaya nga sa bawat kilos ko aminado naman akong pabigla-bigla pero seryoso ako sayo. Hindi ko lang alam kung ikaw, gusto mo rin ba ako o sadyang hinahayaan mo lang talaga ako na gawin ang mga ito sayo.” Habang dumadaan ang mga tao sa labas kung saan nakikita ko sa may bintana, hindi ko alam ang dapat kong sabihin ngayon sa kanya. Sa totoo lang, siya lang yung lalaking nagdala sa akin sa ganitong restaurant. Yung talaga supresa hindi planado, hindi sinabi at hindi hiniling.
“I am sorry, I am really sorry BenChua,” wika ko. Sa wakas nagkaroon din ako ng lakas na sabihin ’to sa kanya. Sa totoo lang gusto kong magpaliwanag pero mas gusto ko na lang tipirin muna ang mga sasabihin ko dahil hindi ko alam kung saan ba babagsak ang usapan namin. This day should be our date, pero parang naging simpleng meeting na puro sabihan ng sama ng loob. He don’t deserve this.
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para makaramdam ako ng kakaibang kuryente. Mahigpit na hawak sa magkabilaang kamay ko at hinalikan ito. “Stop saying that. Hindi ako humihiling at umaasa na mahalin mo rin ako pabalik. Hihintayin ko na lang na maging handa ka. But take this day as our simple date. Marami pang araw pa makasama ka. Sapat na ’yon sa akin, Cinyla.” Pilit na ngiti ang huling ginawa niya inayos niya ang kanyang sarili at binatawan na rin ang kamay ko.
Kumuha na lang siya ng pagkain at sinubukan niyang iparamdam na walang nangyari. Inayos ko na lang din ang sarili ko at kinuha ang tubig na katabi ng pagkain ko. Actually, water is enough for me everytime I eat whether heavy meals or not.
“Sorry talaga BenChua, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko ngayon. But thank you for this date, this simple date that you prepared. Hindi mo naman kailangan gawin ’to. Although, you already confessed and explain, salamat at sorry lang ang kaya kong masabi ngayon,” malungkot kong pagpapaliwanag sa kanya habang tinutusok ang pasta.
“It’s okay Cinyla. I understand, maling-mali na pumasok sa buhay mo. Also, stop doing it. Kawawa naman yung pasta, kainin mo na lang siya kung lalaruin mo lang din naman.”
Napatigil ako at binitawan na lang ang pasta. Kawawa nga, masyado kasi akong napaisip at nag-drama.
“S-sorry. Anyways, I am done eating. Ikaw? Kakain ka pa ba?”
“No. I am almost full. Gusto mo bang gumala muna tayo?” tanong nito dahilan para magkaroon ng kakaibang kabog sa dibdib ko. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko pero kahit simpleng tanong lang iyon, nakaramdam ako ng saya at excited ako kung saan kami pupunta.
“I know you want to go somewhere, let’s go! I will buy you something.” Hinila niya ang kamay ko dahilan para mapatayo ako. Nag-iwan muna siya ng bayad at nagmadali siyang lumabas kami na para bang sasaraduhan na kami ng mall.
“Let me introduce myself to you by doing this things. Let me love you by giving you gifts and bringing you to unforgettable places.” he said with joy and we across to new streets and the left side where I see some familiar person.
A man wearing black cap with red hood. He is looking at our ways... He look so familiar. Wait... He is my dad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro