
Chapter 27: Mission 101
Cinyla’s POV
ILANG araw na ang lumipas at napapadalas na rin ang pagiging malapit naming dalawa. Kailangan ba maging ganito? Bakit ba naman kasi ganito ka-gwapo yung nagkakagusto sa akin? Ang hirap.
Napakahirap!
Para akong mawawala sa wisyo, dahil sa mga naiiisip ko. Napatingala na lamang ako at nakita ko ang kagandahan ng ulap, ang ganda ng kanilang hugis na tila ba mga bulak na kay lalambot. Sana kaya ko silang abutin. Napayakap ako sa sariling kong bisig ng maramdaman ko ang biglang ihip ng malakas ng hangin. Napatingin din ako sa kalangitan at nasilayan ang pagtatago ni haring araw. Nagmadali akong tumabi kung saan may masisilungan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Kasalukuyan akong napaupo sa duyan, sobrang tahimik ng paligid dahil na rin siguro ako lang ang mag-isa rito sa itaas.
Sabado ngayon at pinili kong tumambay sa terrace namin para makapag-relax. Marami nangyari nitong nagdaan na araw at napapasubok ako palagi tuwing nandiyan siya. Marahan kong pinikit ang mga mata ko at piniling damhin ang pagpatak ng malakas na ulan at dinuyan ang sarili sa duyan.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko.
“Cinyla... Cinylaaaa!” Sigaw ni Mommy.
Napailing ako nang bahagya ngunit nanatili akong napikit. Hindi ko pinansin ang malakas na boses ni mommy.
Ilang minuto ang lumipas na para bang nagkaroon ng anghel sa kalagitnaan ko, at bigla na lamang akong napaupo nang maayos dahil sa nakita ko.
“S-sir?” Napatayo ako nang wala sa oras dahil sa nakita ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya.
Lumapit ito at niyakap ako nang mahigpit. Wala ako sa sarili na hinayaan siyang yakapin ako at nagtataka sa nangyayari. Why he is here? Ano kayang problema?
“I miss you so much, Cinyla. Can I stay here?” he asked with his lovely voice. Tila napipi ako sa pagtatanong niya. I don’t know why he is weird right now. Kung anuman ang problema niya, wala akong pakialam. But I am here, allowing him to hug me.
“Bakit nandito ka?” Kumawala na siya sa pagkayayakap ng makita niyang naging seryoso ako.
“I am so sorry. Namiss lang kita, I can’t do anything I just to think of you. Nagkikita pa ba kayo ng lalaking ’yon?” Napataas ako ng kilay sa pagtatanong niyang iyon. Ibig sabihin wala siyang pahinga dahil sa kaiisip tungkol sa amin ni Joshua. I can’t believe it.
“No,” tipid kong sabi at bumalik sa pagkahihiga ko sa duyan. He is so weird right now, he just came here for asking me that simple question na alam kong kinaseselosan niya lang naman. I can’t imagine na iyon talaga ang pinunta niya rito.
Until there is silence dahil marahan akong napapikit sa inis ko dahil sa pagpunta niya. Nang silipin ko kung nakatayo pa ba siya sa harapan ko, he is sitting beside of the swing.
Napatingin naman ako sa awra niya, he is totally fatigue. I came closer to him, hinawi ang malmbot niyang mukha. “I know that you missed me too,” he said while holding my hand. “H-huh?” I said inosently. Napangiti naman siya nang bahagya sa akala niyang totoo ang hula niya. Pero nang sabihin niya ang mga bagay na iyon, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Until I realized this scenario is the best para mas kunin ang loob niya. To be honest, hindi ko alam bakit naisip ko pa rin na alamin ang totoo. I am still wondering and confuse if ever we are sibling by father.
Tumabi ako sa kanya at sinubukan gawin ang mga naiisip ko. I need to get his full attention para mapadali ang mga balak ko. I know he is getting jealous to my close friend Joshua.
“Regarding to your question a while ago, yes I agree. Tutal, weekends naman you can stay here. You can use the guestroom like before para makapagpahinga ka rin.” Ngumiti ako sa harapan niya at pinaramdam sa kanya na may care ako kahit ang totoo nito lahat ng susunod kong gagawin ay parte lang sa plano ko. I need to know the truth. Ayokong tumagal pa ang nararamdaman namin pareho, masakit man malaman ang dulo nito pero kailangan maputol na rin hangga’t maaga pa.
Tumayo na ako at hinila ang kamay niya. “Let’s go, magpahinga ka na sa kwarto mo. Lumalakas na rin ang ulan. I know you are tired, wala kaming relasyon ni Joshua. He is my close friend, Sir BenChua. Nagseselos ka ba sa kanya?” takang tanong ko dahilan para mag-iba ang awra niya. He act so cute ng ngumuso siya sa harapan ko, gusto kong kurutin pero pinigilan ko ang sarili ko. Stop, Cinyla! Hindi ka dapat madaan sa pagiging handsome at cute niya.
“Of course not! Why would I? Mas gwapo naman ako ng morenong lalaki na ’yon! Bakit gusto mo ba siya?” sagot nito na para bang may pinanghuhugutan siya sa pagtatanong niya.
“W-what? Hindi ba talaga o nagseselos ka talaga?” Pang-aasar ko sa kanya pero binaliwala niya iyon at tumalikod na lang siya. “Nothing, Cinyla. Tara na pasok na tayo sa kwarto mo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa pagtugon niya. Anong kwarto ko? Manigas siya! Lumapit na ako at inunahan siya. “Hindi ka sa kwarto ko magpapahinga, katabi lang ng kwarto ko ang guestroom at doon ka. Huwag mong hintayin na paalisin kita,” masungit kong sabi at lumabas na rin sa terrace. Hindi naman siya kalayuan sa kwarto pero may isang pinto sa bandang kaliwa kung saan paglabas mo ay bukana ng kwarto ko.
“Okay fine! I get you. But let me remind you na ayokong makikitang kasama mo siya. Naiinis ako.”
Kasalukuyan na kaming nasa kwarto ko at napatigil ako ng sabihin niya ang mga bagay na iyon, yumuko ito at nag-iba ang awra. Natahimik ako at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, pero sa puntong ito hindi kilig ang dahilan ng bilis kundi kirot. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko na para bang pansan ang langit at lupa. Hindi ko makayanan na makita siyang ganoon, first time kong makita ang pagseselos niya ng ganito.
Tumingin ito sa akin at lumapit. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, “I admit, I feel jealous about the last time when I see both of you. Nasasaktan ako, Cinyla. Masakit. Sobrang sakit, you know that I love you right? Pero bakit sinasaktan mo ako ng ganito? Ayaw mo ba sa akin?” Halos madurog ang puso ko ng marinig ang sirang tono ng boses niya. Napansin ko rin na may nangingilid na luha sa kaliwang bahagi ng mata niya.
Bakit ganito ka BenChua? Hindi ko gusto na saktan ka pero parang wala pang sinula nasasaktan na kita.
“I am so sorry for expressing my feeoings and thoughts to you right now. Sobrang bigat lang ng pakiramdam ko at pagod ako, but thank you for letting me to stay here again. Sige, magpapahinga na muna ako.” Lumabas na siya ng kwarto ko at hindi man lang pinakinggan ang reaksyon o ang sagot ko sa mga sinabi niya. Ilang segundo ang lumipas at simoy ng hangin lang ang dumampi sa balat ko at ang yanig ng malakas na ulan. Wala ako sa sarili na napaupo sa kama ko.
Kasalukuyan ako napabutong-hininga at hinayaan na bukas ang pinto ng kwarto ko. Hanggang maya maya pa ay tumunog ang selpon ko. Marahan muna akong kumalma bago kunin iyon sa katabing lamesa ng kama ko sa kaliwang bahagi kung saan malapit ito sa pintuan.
Kinuha ko nga iyon at binasa ko.
BM. JOSHUA
Your Mission 101 is starting now. I know that your boss is with you. Do our plan, malalaman mo na rin ang totoo.
Received. 10:30 am
Napahawak ako sa puso ko ng mabasa ko ang text niya. How did he know na kasama ko si BenChua? Napataas ako ng kilay dahil sa detective skills na mayroon siya. But maybe he is watching, until I received another one.
BM. JOSHUA
Calm down, Cinyla. Don’t think a lot. Focus on our goals. I know everything. Binabantayan kita. Don’t worry all of this will be safe on me. Just be careful. Don’t fall to him.
Received. 10:32 am
Napabutong-hininga ako pagkatapos kong mabasa ang mga text messages niya. I can’t blame him, he knows what happened. Ako lang talaga ’tong ayaw maniwala sa kanya. I am totally freak out because I want to see before believe. Hindi naman kasi madaling maniwala kapag walang sapat na ebidensiya.
Imbes na mag-isip, sinarado ko na lamang ang pintuan. Nahiga sa malambot kong kama at napatingala. Hanggang kailan ba ko magiging ganito? Nakawala na nga ako sa ex kong manggagamit, but I am trapped for a man that I don’t know if he is part of my past. Napapikit na lamang ako ng marahan sa mga naiisip ko. Hindi ko alam kung anong dapat isipin at gawin. Until someone knock on my door. Napatigil ako at napabangon ng walang sa oras.
“Cinyla?” tawag ni BenChua sa akin mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ko alam kung bakit niya ako hinahanap pero imbes na magsalita parang may sariling desisyon ang katawan ko at pinagbuksan siya ng pinto.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ko ay mabilis niya akong pinaunlakan ng yakap. Pakiramdam ko may kakaiba, pakiramdam ko may nangyayari.
Tumigil siya at sinabing, “I am so sorry to shock you, I am really upset and I want to be with you for this time until at night.” Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may habulan ng mga kabayo papuntang finish line.
“W-why?”
“I need you. I miss you...”
Halos mapipi at mabingi ako sa lambing ng boses niya. Ito na ba yung perfect timing para gawin ang mga plano ko. Pero t’wing naalala ko ang mga plano, nadudurog agad ang puso ko. Tuwing pinapakita niya ang maamo niyang mukha, gusto kong tanggihan at kalimutan kung anuman ang mayroon sa nakaraan namin. To be honest, I feel that I am so bad, if ever gawin ko ang mga iyon. But I want to know and face it, masyado ng maraming nangyayari at pumapasok sa buhay namin para mabuo at tuluyan ng matapos ang nakaraan.
Nakagat ko ang ibabang labi at sinubukang mag-isip ng sasabihin sa kanya. Tahimik ang paligid at nandito lang siya sa harapan ko naghihintay sa sasabihin ko. Paano ko ba sisimulan? Nakaiinis na!
“Are you okay? Kung hindi naman okay sayo ang pag-stay ko rito. I will go home na lang, ayokong mamublema ka ng ganiyan.”Nag-iba ang awra nito na para bang sinalo niya ang langit at lupa dahil sa lungkot nito.
Aalis na sana siya sa kwarto ko pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya. “Teka...” mabilis ko rin itong binitawan dahil sa naramdaman kong kuryente. “S-sorry. You can stay here, sorry ang tagal kong sumagot. But yeah, okay lang sa akin basta umayos ka lang.” Lumapad ang ngiti nito at umaliwalas muli ang mukha niya. Lumapit ito at niyakap ako na para bang ngayon ang huling pagkikita naming dalawa.
“Salamat, Cinyla. Maraming salamat!” masayang wika nito habang nakayakap pa rin sa akin.
Sinubukan ko na lamang siyang yakapin dahil sa totoo lang namimiss ko na siya, namimiss ko yung dating kami. Kung paano nagsimula sa simpleng away ang samahan naming dalawa na nauwi ngayon sa pagkakagustuhan.
“Sige na, magpahinga na tayo. Huwag kang magulo, okay? Diyan ka lang sa kaliwa at dito ako sa kanan.” Itinuro ko ang puwesto namin dahil ayokong maging rason iyon para mas lumapit na naman kaming dalawa. Nakangiti siya ngayon habang nakapuwesto na sa kama na hihigaan naming dalawa.
Hinawakan niya ang kamay ko. “Thank you, Cinyla.” Umukit sa labi niya ang matamis na ngiti at humiga na ito. Akala ko paiiralin niya ang kalokohan niya pero tumalikod lang ito at nagpahinga. “Good night, Cinyla. Pahinga ka na rin,” dagdag nito. Hindi ako sumagot sa sasabihin niya dahil nagbakasakali pa ako na baka may sasabihin pa siya o ano, pero wala kundi katahimikan lang ang natanggap ko.
Umayos na lamang ako ng higa at napatingin sa itaas. Why we need to met like this? Ano ba talaga ang mayroon sa pagitan nating dalawa? I try to stop overthinking between us and focus on my plan. I need to think a best plan that will reveal the truth.
Makikilala rin kita, BenChua. Pumikit na lang ako at piniling magpahinga...
“Cinyla... I miss you.” Bulong ng isang taong malapit sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro