Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26: Wrong Affection

Cinyla’s POV

MAAGA akong nagising kahit na mamaya pa ang pasok ko, umupo ako pansamantala sa sofa na katabi ng kama ko at nang tingnan ko ang orasan sa kabilang table na nasa tabi ko ay alas tres na pala ng umaga. Masyado pang maaga para magising, pero heto ako nakaupo at iniisip ang lalaking iyon.

Bakit ba t’wing nakikita kita, iba ang dating mo? Bakit ganito mo pabilisin ang tibok ng puso ko?

I know he has a purpose of coming yesterday in our house but when I try to tease him with my simple actions, I knew it. But my heart telling something, iba ang nararamdaman ko, iba rin ang takbo ng isip ko. My heart starts beating so fast and I am now thinking that his love is genuine. Napahawak ako sa puso ko. Wait, ano ba ’tong nararamdaman ko?

Calm down heart! Hindi ka dapat mahuhulog lalo sa kanya. Masisira ang mga plano mo. Para akong nasisiraan ng bait para diktahan ang nararamdaman ko at isipin na lahat ng pagiging mabait at sweet sa kaniya ay parte lamang ng mga plano.

Honestly, I don’t want to fall in love anymore pagkatapos ng mga nangyari sa akin, pakiramdam ko pare-pareho lang naman sila na magaling sa simula. They are good in promising, but when things getting hard they cannot stand on it, they will forgot it. Bumangon na lang ako at dumiretso sa banyo para mag-asikaso  para pumasok sa opisina ng maaga.

Isang oras ang nilaan ko sa pag-aasikaso at saktong pagbaba ko ay nakita ko si mommy na abala sa paglilinis.

“Mommy, papasok na po ako.”

Tumigil ito sa ginagawa niya at napatingin sa akin.“Ang aga mo yata ngayon, hindi ka na ba kakain?”

Ngumiti ako bago nagsalita, “Gusto ko pong matapos agad yung trabaho ko ngayon eh. Hindi na mommy, busog pa naman ako. Sige mom, alis na po ako.” Kumaway ako bilang pagpapaalam at diretsong lumabas na rin para makapaghintay ng sasakyan.

Habang naghihintay ng masasakyan, napatingin ako sa pulang kotse ko na nasa loob. Sa totoo lang limang taon na rin pala ang tagal ng paghinto ko sa pagmamaneho. Tumigil na rin kasi ako dahil pakiramdam ko anytime pwede akong makabangga, lalo na madalas akong mag-isip ng kung ano-ano. Sa totoo lang ang hindi ko naman totally binatawan ang pagmamaneho, ayoko lang maaalala si daddy na isa sa dahilan bakit ako natuto.

Maya maya pa ay may tumigil na sasakyan sa harapan ko.

“Sakay na! Hatid na kita,” wika ni Joshua.

“Bakit nandito ka?” takang tanong ko dahil hindi ko akalain na maliligaw siya sa subdivision namin.

“Naglibot lang at nakita kitang naghihintay rito ng taxi, kaya tara na, sakay na.”

Dahil masamang tumanggi sa biyaya at pumayag na rin ako at dali-daling sumakay sa kotse nitong panlaban dahil sa ganda.

Uupo na sana ako sa likuran pero nagsalita siya, “Dito ka na lang sa harapan dito sa tabi ko para naman may kausap ako.”

“H-ha?”

“Dito ka na lang sa unahan para magkausap tayo.” muling pagpapaliwanag niya dahil iba ang pagkakaunawa ko sa unang nasabi niya.

Tumango na lang ako at umupo sa tabi niya dahil kailangan ko na rin makarating sa opisina. “Salamat, Joshua.” Ngiting pangungusap ko habang nakatingin sa kanya.

Ngunit lumapit lang ito dahilan ng pagpikit ko. “Always wear your seatbelt for your safety.” Sinuot niya ang seatbelt sa akin at dumilat na rin ako. Nakakahiya ang mga iniisip ko!  Hindi ko akalain na iyon lang pala ang gagawin niya. “Ohh, salamat Joshua. Sige na ako na ang mag-aayos magmaneho ka na lang,” nahihiyang tugon ko at inayos nang mabuti ang seatbelt sa katawan ko.

Ngumiti lang ito nang nakaloloko at nagmaneho. “Why are you here?” I asked seriously. “Wala lang, may pupuntahan lang na malapit sa office mo. Ayaw mo bang ihatid kita, Cinyla?” Napalunok na lang ako sa simple niyang tanong.

Ilang segundo ang naging katahimikan sa aming dalawa hanggang sa kusa na rin siyang nagsalita. “Honestly, I just came here to visit you and I remembered na may pasok ka pala. So I decided na ihatid ka na lang dahil doon din naman ang punta ko.” Lumiko  ito at napansin kong malapit na rin pala ako sa opisina.

“Here we are, are you okay? Ang tahimik mo kasi,” wika nito at tinabi niya na ang sasakyan niya.

“O-of course! Nabigla lang ako pero salamat sa paghatid dito sa opisina. Don’t worry lahat naman ng napag-usapan natin ay clear naman sa akin.” I give him assurance dahil alam kong nag-aalala siya sa akin. Joshua is my closest friend in college and I know how thoughtful he is.

“You’re always welcome, Cinyla. Basta gawin mo lang mga sinabi ko sayo, ayokong masaktan ka.”

Tumango ako at ngumiti sa mga sinabi niya. He is a true friend of mine talaga, sobrang maaasahan din talaga siya sa lahat ng oras. Umayos ako ng upo at kasalukuyan na rin inaalis ang  seatbelt na nasa katawan ko, ngunit bigla siyang lumapit dahilan para mapatigil ako. “Let me do it,” he said seriously. Tila may sariling desisyon ang mga kamay ko at hinayaan siyang gawin ang sinabi niya.

“Take care always, Cinyla. Basta if ever there is a problem don’t forget that I am here. Anyway, you’re so gergeous!” Para akong nabingi sa narinig ako hanggang sa napansin kong tapos na pala niyang tanggalin ang seatbelt sa katawan ko at binuksan niya pa ako ng pintuan ng kotse niya.

“Focus, Cinyla. Take care.”

Pilit na ngiti na lang ang sinukli ko at napatango bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya. Bumababa na rin ako at dumiretso sa loob ngunit kumaway muna ako at doon nagsalita. “Salamat, Joshua.”

Kahit na kapangalan niya ang ultimate crush ko noon, malabong magkagusto ako sa kaniya pero nakikita ko kung paano niya ako pahalagahan.

Umalis na nga ang kotse niya at dumiretso na rin ako sa elevator dahil nasa 4th floor pa ang opisina ko, kailangan ko na rin kumilos dahil marami pa pala akong tatapusin ngayong araw.

Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay tumunog ang selpon ko. Nakatanggap ako ng isang text mula kay BenChua.

Sino yung kasama mo? Go to my room now!
Received. Monday 7:45 AM

Napataas ako ng kilay dahil sa maaga niyang pagsusungit hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ang elevator at sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako.

“S-sir?”

Siya lang ang tao sa loob ng elevator at dali-dali niya akong hinila papasok sa loob.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa akalang magagalit siya at matinding sermon ang matatanggap ko sa kanya. Pero sa pagsara ng elevator at sa pagpindot niya ng 4th floor, mahigpit na yakap ang pinakawalan niya.

“S-sir...

“Kung sino man siya, huwag na kayo magkita pa. Huwag ka na sumama pa sa kanya. Cinyla, akin ka. Akin ka lang.”

Hindi ko alam ang totoong punto niya pero pakiramdam ko nagseselos siya kay Joshua. “Sorry... Hindi na mauulit.” Kusang nagsalita ang labi ko at binitawan ang mga katagang magpapakalma sa kanya.

Bumukas na nga ang pinto ng elevator at hinila niya ang kamay ko at dumiretso kami sa opisina niya.Naguluhan ako kaya bumitaw ako at napatigil. “Sir, may tatapusin pa po ako.” pag-iiba ko sa usapan at napangiti naman siya ng nakaloloko.

“No love! Your task for today is having time with me. Bukas mo na tapusin lahat ng paper works na ’yan.” Ngumuso ito na para bang nagpapa-cute sa harapan ko at hinawakan muli ang kamay ko. Wala naman akong nagawa at para bang lumambot ang puso ko at hinayaan siya. Ngunit ang totoo ng marinig ko ang sinabi niya, nakaramdam ako ng kiliti. Napangiti na rin ako nang bahagya dahil sa wakas wala akong gagawin pero handa na nga ba akong gawin ang mga plano ko?

“Sure ka ba sir?” takang tanong ko at bigla naman itong sumimangot.

“You always called me sir, I hate that! Call me at my name, please?”

Natawa naman ako sa reaksyon niya, mukha siyang bata.

“Sige na BenChua!” Tawag ko sa kanya at lumapad naman ang ngiti nito. Kasalukuyan na nga kaming nasa loob ng opisina niya, sa main kung saan siya abala gumawa ng mahahalagang bagay. “Cinyla, please stop make me jealous ang hirap eh,” malungkot niyang sabi dahilan oara matigilan ako.

“Ayokong nakikita kang may kasama na iba, ayokong may humahawak sa kamay mo, ayokong may yumakap sayo. Kung pwede lang, kung pwede na ako lang sana.” Yumuko ito para hindi ko makita ang malungkot niyang awra.

Napatigil ako sa mga sinabi niya at para bang tinutusok ang puso ko ng maliit na karayom. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako sa mga simpleng salita mo? Nagseselos ka nga ba talaga?

Lumapit ito at nakita ang maaamo niyang mukha. “Ako lang, ako lang Cinyla. Ako lang ang mahalin mo...” Lumapit pa ito at binigyan ako ng matamis na halik.

“Akin ka lang, akin lang.” Bulong nito at niyakap akong muli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro