Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24: Investigation Begin

Cinyla’s POV

Ngayon ay Sabado at agad akong dumiretso sa bahay ng kilala kong detective na kung saan alam kong makakatulong sa akin. Hindi naman ito malayo sa bahay namin sa totoo lang saglitang biyahe lang naman ito mula sa amin. He is Joshua Carl Gonzaga, ang magaling na detective na nakilala ko noong maging classmate ko siya sa second year college.

Kasalukuyan na akong naglalakad at mabuti na lamang malapit na ito sa amin. Nandito na ako sa harap ng bahay niya, at nag doorbell na rin, hindi na ako dumiretso sa mismong bahay niya dahil madalas walang tao sa opisina niya kaya dito na lang sa mismong bahay nila kasama sina tito at tita. Sana lang hindi siya busy para maasikaso niya ako at magawa niya ang mga bagay na gusto kong malaman. Siya ang naging dahilan para tuluyan kong malaman na nagloloko na si daddy sa amin, akala ko kasi hindi totoo ang mga naririnig kong bulungan sa kapitbahay noon pero totoo nga. Hindi lang talaga siya tsismis na pinapakalat, minsan may dulot din pala ang pagiging pakialamera nila.

Pinindot ko na ang itim na doorbell nila Joshua at hinintay siya sa labas ng bahay nila. Binata si Joshua at naging matalik kong kaibigan pagkatapos niyang alamin ang kalokohan ng daddy ko. He is kind and handsome too. Nakakatuwa nga lang dahil hindi siya mahilig sa babae, ang mga babae ang mahilig sa kaniya. Hindi dahil sobrang malakas ang dating niya, kundi sa husay at talino niya. Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang lalaking hinihintay ko.

“Good afternoon, Cinyla! How are you? May problema ka ba?” sunod-sunod niyang tanong dahilan upang takpan ko ang bibig niya.

Pumasok na lamang ako sa bahay niya para makapag-usap kami nang maayos. Pero mukhang hindi lang detective ang kaharap ko kundi isang manghuhula.

“Alam kong may gusto kang paimbestigahan. Pakiramdam ko malapit din ito sa puso mo,“ saad nito dahilan para tumaas ang kilay ko.

“Grabe ha? Ganyan ba talaga skills mo? Hindi pa nga ako nakakapagsimula alam mo na.”

“Halata naman kasi sa kilos mo. Almost one year na rin yung huling usap natin Cinyla. Kaya alam ko na rin na ganyan ang pinunta mo rito. Pero ano nga? Simulan mo na.”

Pinaupo niya muna ako sa sofa at doon ko nilabas ang picture ni BenChua. Nagulat siya sa ipinakita ko dahil parang kilala niya ang nasa larawan.

“Ohh, that man! Siya ba ang ipapaimbestiga mo sa akin?” takang tanong nito at humarap sa akin nang seryoso.

“Yeah! Kilala mo ba siya?”

“Oo  naman Cinyla!  Kilalang tao ’yan. He is the CEO of Spyanata Incoporation na pinagtatrabahuhan mo. Hindi mo ba alam?” Kinuha niya ang larawan at pinagmasdan ng mabuti. Inilabas ko na rin ang panyo na galing kay BenChua na may apelyido ko sa gilid nito.

“What is this? he asked.

“Honestly, before wala akong alam. But now, I know he is our CEO. Ayokong mahulog nang tuluyan sa kanya Joshua. I want to know his background kaya nandito ako para tulungan mo ako. Bukod dito, gusto ko rin malaman yung stranger man na gumugulo rin sa akin noong nakaraang linggo.” pagpapaliwanag ko habang tinitingnan ang ginagawa niya sa larawan dahil pakiramdam ko, alam niya na ang dapat niyang gawin.

“I see, I already know that you want me to investigate about his background. I also think that handkerchief have a big connection to both of you. Ayokong sabihin ’to, pero paano kung magkapatid pala kayo?”

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat dahil sa huling sinabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nasabi na ganoon na lang at diretso pa talaga. Iyon din naman ang naisip ko pero wala akong sapat na ebidensiya.

“I know Cinyla na nakakabigla. But I have something guts about him. Kaya talagang dapat mong kilalanin siya nang sobra para malaman mo kung totoo ang sinasabi ko,” seryosong turan nito.

“Kaya nga ako pumunta dito para ikaw mismo ang gumawa ng pag-iimbestiga!” iritableng saad ko kasabay ng paghaba ng nguso ko.

“Kalma! Ikaw lang yung gagawin kong patuklaw sa boss mo right? Ikaw ang makakasagot ng mga tanong mo sa susunod. Basta lang maghanda ka,” bilin nito na siyang nagbigay kalabog sa puso ko.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipagawa pero ngayon pa lang kinakabahan na ako. Bago ako mag-isip ng kung ano-ano, inilabas ko muna ang selpon ko at pinakita sa kaniya ang numero at mga text messages sa akin ng taong gusto kong malaman niya kung sino.

“Joshua, kaya mo bang malaman kung sino ang tumatawag at nagtetext sa akin?”

“Madalas bang nagpaoaramdam yung taong ’yan? Kasi kung oo, I can trace it. Medyo risky din ito dahil baka kapag inalam natin malagaya tayo sa alanganin. But don’t worry, I will be take care of you. I mean, this case.”

“Thank you so much, Joshua!” Niyakap ko ang kaibigan ko at napangiti. Pakiramdam ko ay nabawasan ng bigat ang dibdib ko dahil sa mga sinabi niya. I really trust his words and actions. Magaling din talaga siyang secret detective, halos lahat ay nalalaman niya.

“No worries! Ikaw pa!” masayang saad nito at tumugon din ng yakap sa akin. “Sige Cinyla. I will inform you later, as soon as possible. Teka,  may gagawin ka pa ba mamaya?” takang tanong nito sabay tingin nang seryoso sa mga mata ko.

Napalunok ako dahil sa pagkakatitig niya pero hindi ako nagpadala sa mga ’yon, kundi sinagot ko agad, “Wala naman, Joshua. Bakit?”

“Samahan mo lang akong kumain sa labas, kung pwede ka mamayang 2:00 nang hapon.”

“Oo naman, sure! Wala naman akong lakad ngayon at gusto ko rin mag-relax.”

****

Saktong 2:00 nang hapon ng lumabas kami ni Joshua, hindi ko alam kung anong balak niya pero kinakabahan ako. Hindi ko rin alam bakit ako pumayag, pero isa lang ang alam ko kung ano man ang mga balak niya sana tumalab at pagkatapos ay malaman ko na talaga ang totoo.

“Are you okay, Cinyla? Don’t worry, hindi ko hahayaan na mapano ka. Nasa likod mo lang ako.” pagpapalakas niya ng loob sa akin kasabay ng pagtingin niya nang seryoso sa mga mata ko.

“I am hoping, Joshua. Ano ba talaga ang plano?”

Lumapit ito sa akin at doon pinag-usapan na nga namin ang plano.

“Ang plano natin ay simple lang. Kukunin mo lalo ang loob niya, pahuhulugin lalo hanggang sa makapagsimula na ako sa pag-iimbestiga.”

“Paano naman?”

“Sabi ko nga kanina, nasa likod mo lang ako. Do your part, and I will do my part. Magpapanggap akong deliver boy ng kahit anong pagkain. Ikaw na bahalang magpatay ng mga CCTV para walang maging problema. Kukuha lang ako ng ilang details sa loob ng opisina niya at doon malalaman din natin ang totoo.”

“Oh, I see. Pero nabanggit mo kanina na aakitin ko siya? Este papaibigin. Paano ko gagawin ’yon?” takang tanong ko dahil nalilito pa rin ako sa mga plano niya.

“Listen, Cinyla. You need some document na magpapatunay na siya ay may koneksyon sayo pero ako ang aalam no’n, gawin mo lang ang mga iuutos ko.” Tumango ako sa mga sinabi niya at doon mas nakaramdam ako ng kaba.

Kahit na magulo pa rin sa akin ang mga sinasabi niya, may tiwala ako kay Joshua na malalaman ko rin ang totoo. Handa nga ba ako kapag nalaman ko ’yon? Habang nag-iisip ako ng mga posibleng pangyayari, naisip ko rin na masasaktan ko si BenChua.

Alam ko may gusto na siya sa akin tapos ganito pa ang gagawin ko, hahayaan ko pa siyang mahulog pagkatapos iiwan ko lang siya sa ere.

“Kaya mo bang gawin, Cinyla?” Natauhan ako sa tanong niya at nakaramdam ng kirot sa puso ko. Anong ibig sabihin nito? Kaya ko! Kakayanin ko!

Walang ano-ano ay sumagot agad ako. “Oo naman!”

“Good to know. Huwag mo siyang iiwasan, kailangan mas maging attach siya sayo at para mas malaman mo ang totoo. Anyway, regarding sa stranger man na natawag sayo at nag-te-text. Ikokonekta ko lang siya sa device ko para kapag tumawag at ma-detect ko.

“I request, mag-ingat ka palagi at syempre kapag may problema i-text  o tawagan mo lang ako. Alam mo naman ang number ko diba?”

Tumango ako at sinabing, “Yeah! Pero yung lumang numero mo lang ang mayroon ako dito, yung 789 ang dulo. Tama ba?”

Ngumiti ito at sumagot, “Oo ikaw pa rin este, hindi naman ako nagbabago ng numero.”

Nagulat ako sa sinabi niya pero binaliwala ko na lamang iyon. Tinandaan ko na lamang lahat ng mga sinabi niya, dahil iyon ang mas mahalaga. Mahalagang malaman ko na ang totoo upang matigil na ang pag-iisip ko.

“Sige Joshua, aalis na ako i-te-text na lang kita kapag may kailangan ako o may sasabihin pa akong ibang bagay.” Ngumiti ako at tumayo na rin. Inayos ang sarili dahil kailangan ko rin umuwi nang maaga para makapagpahinga.

“Sure! Hatid na kita sa labas alam kong kailangan mo na rin magpahinga. Basta, gawin mo lang yung mga napag-usapan natin. Sagutin mo lang din palagi yung stranger man na tumatawag sayo. Alam kong kilala mo siya pero nagtatago lang talaga siya. Just click the record sa gilid ng phone mo at magkokonekta na ’yan sa device ko.”

“Maraming salamat, Joshua.” Niyakap ko ang lalaking kaharap ko at may narinig akong sinabi niya ngunit hindi ko lubusan na naintindihan.

“May sinasabi ka ba?” Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanya nang seryoso.

“Wala! Tara na hatid na kita,” tipid nitong sabi at hinawakan ang kamay ko. Tumango na lang ako at binawaliwala iyon dahil gusto ko na rin magpahinga.

”Ingat ka, Cinyla. Mag-iingat ka,” huling sinabi nito hanggang sa tuluyan akong makaalis sa bahay niya. Habang naglalakad ako para sumakay ng mini bus, halos matulala ako at mapaisip sa huling sinabi niya.

“Miss, sasakay po ba kayo?” wika ng isang drayber na nasa harapan ko na pala.

Dumiretsong pasok na lang ako sa mini bus niya at nagbayad. Pilit ko na rin munang isinantabi ang mga bumabagabag sa isip ko. Hindi tamang mag-isip ako ngayon. Kailangan nga talaga akong mag-iingat.

Habang umaandar na ang mini bus na sinasakyan ko, tumingin-tingin ako sa paligid at may isang lalaking nakasuot ng itim na hood na parang nakatingin sa gawi ko. Napatingin pa ako sa likod ngunit wala naman ibang tao roon kundi ako lang sa puwesto na iyon.

Ngunit inalis niya na rin ang tingin niya baka sa kakaisip ko lang ito kaya gano’n. Kumalma ka na Cinyla, kailangan mong mag-concentrate.

Tumigil ang mini bus at tumayo ang lalaking nasa bandang kaliwa ko, nahulog niya ang isang sobre sa kakamadali niya. Ihahabol ko sana sa kanya pero biglaang umaandar ang mini bus kaya kinuha ko na lamang iyon at tiningnan kung may numero bang pwedeng tawagan ngunit iba ang nakita ko... Iba ang nakalagay.

Finally, we met my beloved Cinyla. Soon, I will be with you and with your mom.

Napalunok ako kahit wala naman akong iniinom, pakiramdam ko nabilaukan ako dahil sa matinding tensyon na naramdama ko dahil sa simpleng sulat sa harapan na nakalagay sa sobre.

Tumigil muli ang mini bus, nang tumingin ako sa bintana nandito na pala ako sa amin. Bumababa ako habang hawak pa rin ang sobre na nakita ko kanina. Habang dahan-dahang akong naglalakad  nakatanggap ako ng isang tawag mula kay mommy.

“Hello, Cinyla? Nasaan ka na? Umuwi ka na. Dalian mo!” Utos nito dahilan para matauhan ako. Kakaiba ang boses ni mommy ngayon, parang may kakaibang nangyari.

“Malapit na po, mommy!” Hindi ko na napatay ang tawag tumakbo na ako papasok sa loob.

Nagmadali akong buksan ang gate at hindi ito naka-lock pa. Kahit ang pinto papasok sa looban ay bukas na. Bumilis ang pintig ng puso ko.

“M-mommy!” Sigaw ko at nagmadali ako sa pag-akyat papuntang kwarto niya.

Ngunit nabigla ako sa nakita ko, halos maging estatwa ako sa kinatatayuan ko.

“Sir B-BenChua?”

“Hi love! How are you? Kakarating mo lang ba?” Nakangiti itong nakaharap sa akin habang si mommy naman ay biglang umalis na para bang hahayaan niya muna kaming mag-usap.

Sinubukan kong ayusin ang sarili ko at aalis na sana ako ngunit naalala ko ang sinabi ni Joshua. Huwag mo siyang iiwasan, kunin mo ang loob niya at sa paraang ’yon makilala mo siya.

Lumapit ito at niyakap ako. Habang nakayakap ito, tinago ko sa bulsa ang selpon at sobre na nakita ko kanina.
Pilit akong tumugon sa yakap niya habang napapaisip at napapatanong sa sarili ko.

Sino ka ba talaga, BenChua? Sino ka ba talaga sa buhay ko, sa buhay namin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro