Chapter 23: Painful Memories
Cinyla's POV
Hindi ko akalain na hahantong sa pag amin ang lahat. Akala ko ayos na lahat ng mga ginawa ko para tuluyan na siyang umalis sa buhay ko pero mali ako, maling-mali dahil kung siya ay nasasaktan ngayon, mas nasasaktan ako.
I can't imagine myself fall in love to a CEO. Wala naman 'to sa pangarap ko, gusto ko lang mahalin nang buo pero pinagkait sa akin iyon. Akala ko ako na ang masamang babae sa lahat dahil sa nagawa kong kasinungalingan sa taong labis kong minamahal, pero may mas gagawa pa pala ng hindi ko inaasahan at ang mas masakit pa yung ex-boyfriend ko mismo.
Ito na ba yung ganti sa akin ng tadhana? Bakit nauulit yung nakaraan ng pamilya ko at sa akin pa talaga nangyayari?
I loved him but my mind telling me to stop and my heart telling me, I need more of him and trust again.
Napasandal na lang ako sa kama dahil sa mga pangyayari sa akin pero kahit papaano maayos na rin ang lagay ko pagkatapos kong mabunggo. T'wing naalala ko iyon, pakiramdam ko wala akong kakampi at pakiramdam ko deserve ko lahat ng 'to. Hindi ko nga rin alam kung biyaya ba o sumpa ang mahalin ako ng isang CEO dahil bukod sa hindi ko pa kilala ang buong pagkatao niya, nasasaktan ako dahil hindi ako makausad sa nakaraan ko. Nakakapagod na!
"Nak?" wika ng aking ina sa labas ng pintuan. Kasalukuyan pa rin kasi akong nasa loob at nagpapahinga muna. Sabado ngayon at wala pa akong nagagawa na kahit ano, kahit pag-aalmusal ay wala akong gana.
"P-po?" tugon ko habang papalapit na sa pintuan upang pagbuksan siya.
Bumukas na nga ang pinto at nakita ko siyang seryoso ang mukha ngunit may bahid itong pag-aalala dahilan para lumapit ako sa kaniya at yumakap.
"M-maaa!" Bumagsak ang magkabilaang balikat ko sa bisig niya, naramdaman ko na rin na bumabagsak ang mga luha ko sa magkabilaang mga mata ko.
Yumakap lang din si mommy at doon ko nakaramdam ang kapayapaan. "Bakit ganoon ma? Bawal ba akong sumaya?"malungkot kong tanong sa kaniya.
Tahimik lang ito nakatingin sa akin at hinahaplos ang likuran ko. Napatigil na rin ako sa mga gusto kong sabihin at doon bumuhos ang mga luha ko.
"Sige lang, anak. Iiyak mo lang lahat ng 'yan. Kahit hindi kita nakikita sa kapag nasa trabaho ka na at abala ka na. Pag-uwi mo alam ko yung bigat. Hindi ka naman dapat nasasaktan ng ganito. Kasalanan ko ang lahat anak. Dapat noon pa lang nilaban kita sa papa mo para hindi ka ganito nasasaktan," mahabang paliwanag nito dahilan para mapatigil ako.
Napatingin ako kay mommy at nag-iba ang awra nito. Parang kanila lang ako ang sobrang nanlulumo dahil sa sakit na pinagdadaanan ko, pero ngayon nagbago ang ihip ng hangin at siya naman ang nilalamon ng kalungkutan at pagsisisi.
"Alam mo anak, naguguluhan na rin ako. Araw at gabi naalala ko ang nakaraan natin. Maling-mali na nanahimik lang ako. Alam kong nagtago ang daddy mo sa malayong lugar at sumama sa kabit niya pero pinili kong magwalang kibo at isipin ang kahihinatnan mo. Akala ko kasi mas mabuting hayaan na lang sila kaysa magkagulo pa. Pero hindi, napabayaan kita anak kasi mas pinili kong magtrabaho at bigyan ka ng magandang buhay. Cinyla, anak patawarin mo ako... Patawad."
"M-mom..."
"Cinyla, hindi mo dapat danasin ang masaktan eh. Hindi rin ako sigurado kay BenChua dahil sa akalang malayong kamag-anak siya ng daddy mo pero hindi may duda ako na baka siya ang kaisa-isang anak ng kabit niya."
Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa narinig ko, alam kong may pinagdadaanan kami ni mommy ngayon pero yung lumabas sa bibig niya ngayon ang nagbigay kabog sa puso ko.
Tumingin ako sa mga mukha niya at doon kong napansin na may luhang bumabagsak sa magkabilaan niyang pisngi. "I am really sorry my daughter, this is all my fault. Sorry..." daing nito dahilan para walang ano-ano ay niyakap ko ang inang kailangan ng pakikiramay ng kaniyang anak. Hindi ko gustong sisihin niya ng sobra ang kaniyang sarili dahil lang sa pagkukulang niya. Alam ko naman na sobrang hirap ng mga nangyari sa amin simula ng malaman niyang nagloko si daddy at magkaroon pa ng anak doon sa babae niya.
"Anak, Cinyla... You don't deserve this. Hindi mo na dapat danasin pa ang mga dinanas ko. You deserve more lalo na sa pagmamahal na kailangan mo. Yung pagtrato ng tama sa mga bagay na alam kong dapat ay para sayo." dagdag nito habang patuloy pa rin na bumabagsak ang mga luha niya.
"M-ma, tama na po. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo."
"Walang may gusto na maranasan ko rin ang mga bagay na naranasan mo noon. Tama na po, mommy!" pagpapatahan ko habang hinahagod ang likuran niya.
"Anak, anuman yung maging desisyon mo susuportahan kita basta lang mag-iingat ka. Ingatan mo ang puso mo. Ingatan mo ang sarili mo," paalala nito habang pinupunasan niya ang luha gamit ang mga palad niya.
Nakaramdam ako ng kirot dahil pakiramdam ko tumagos ang mga salita niya hanggang sa likuran ko. Tumango naman ako pagkatapos niyang banggitin ang mga paalala niya. Matapos niyang kumalma ay ngumiti ito sa akin, "I am so proud of you Cinyla. Alam kong sa lahat ng mga pinagdadaanan mo you always think what is the best at hindi nawawala yung pagmamahal mo sa mga taong nasa paligid sayo. But, do the right thing. Magpahinga ka na, alam kong napagod ka." Tumayo na ito at inayos ang kaniyang sarili. Tumango na lang din ako at pilit na ngiti ang ibinalik sa kaniya.
"Salamat mommy," bulong ko habang tuluyan na siyang lumisan sa kwarto ko. Halos ilang segundo akong napatitig sa labas ng pintuan ko at sandaling pinakinggan ang katahimikan.
Thank you mommy for everything. I know you're sacrifices.
Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko, nag-uunahan sila dahil naalala ko ang mga alaala na hanggang ngayon iniwan sa amin ni daddy. Napaisip ako sa lahat, akala ko tanggap ko na ang mga pangyayari sa nakaraan namin pero heto, hindi ko pa rin pala matanggap ang lahat-lahat dahil sa kasalukuyan ako naman ang nagustuhan ng tadhana na pahirapan at saktan.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at napapikit ako sa bigat ng nararamdaman ko. I don't deserve this. Why me?
Sa kalagitnaan ng kadramahan ko, nakatanggap ako ng isang tawag. Hindi ko na tiningan pa kung sino ang caller kundi nagmadali akong ayusin ang sarili ko at sinagot ito.
"Hello?" wika ko mula sa kabilang linya.
"I'm sorry Cinyla. Sana sa pagkikita natin mapatawad mo ako at matanggap mo ang totoo," pag-amin ng isang boses lalaki na hindi ko naman kilala kung sino ngunit may katandaan na ito dahil medyo garagal ang boses niya.
"S-sino 'to?" tanong ko.
"Mag-ingat ka palagi, ingatan mo rin ang puso mo. Cinyla..."
Hanggang sa nawala ang kabilang linya at doon nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi takot kundi kasabikan na makilala kung sino ang tumawag. Tinawagan ko ito ngunit wala na tila pinatay na ang koneksyon para hindi ko siya matawagan. Pakiramdam ko kilalang-kilala niya ako at higit sa lahat parte siya sa nakaraan at kasalukuyan ko.
Napatayo ako at napansin kong nakabukas ang bintana ko, isasarado ko sana ito ng biglang may maaninag ako isang lalaking nakatayo. Balot-balot ito ng kulay itim na tela at nagmadaling umalis ng mapansin ko siya. Nakaramdam tuloy ako ng takot sa mga oras na iyon. Sa tapat kasi ng lamesa na mayroon ako ay isang maliit na bintana na kung saan ang labas nito ay daanan ng mga tao.
Sinubukan ko na lamang kalimutan at baliwalain iyon baka kung sinong ligaw na tao lang naman. Ayokong mag-isip nang sobra dahil kailangan kong malaman ang totoo. Gusto kong malaman kung sino ba talaga si BenChua. This time, I need to be wise and know him a lot. Hindi puwedeng mahulog ako nang tuluyan kailangan kong malaman ang totoo.
Inayos ko ang sarili ko at naghanda. Kailangan kong makahagilap ng impormasyon patungkol sa kaniya. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga siya.
I loved him already, but I need to take care of my heart now. Ayoko ng maulit pa ang minsan nagdulot sa akin ng kalungkutan ng halos ilang taon, ayoko ng marananasan pa ang mga bagay na nagmula sa mga magulang ko. Ayoko na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro