Chapter 22: Fight for Love
BenChua's POV
Ilang araw na akong umuuwi sa mansion.
Nakakapanibago o sadyang may namimiss lang talaga ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi naman ako ganito pero ang alam ko lang sa tuwing hindi ko siya nakikita, kulang ang araw ko. Hindi ko alam kung okay lang ba siya o ano. Masyado na akong abala sa kompanya at kapag nagkikita naman kami sa opisina, hindi ko siya makausap dahil madalas na siyang umiiwas. Namimiss ko tuloy yung mga araw na kasama ko siya sa iisang bahay.
"Good morning, sir! Handa na po ang agahan ninyo," wika ng isang maid namin.
"Thanks! I will follow." Ngumiti na lang ako at umalis na rin naman ito. Sana lang makasabay akong kumain mamaya dahil balita ko kasama ni mommy ang bago niyang boyfriend. Hindi naman ako tutol kung sino ang gusto niyang mahalin, hindi ko lang alam kung totoo bang mahal siya o ang habol lang sa kanya ay pera. I know it, we are rich dahil may lahi kaming chinese and we are good when it comes to business. Like my dad, ginamit lang si mommy at sinaktan niya lang kami. Siya ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa taong manggagamit.
Pinili ko na lang ayusin ang sarili ko at kailangan makita ko ngayon si Cinyla, hindi pwedeng laging ganito marami na siyang utang sa akin. Pagbabayaran niya ang mga pag-iwas niya.
Bumababa na nga ako at dumiretso sa kusina. Yumuko ang mga maids namin ng makita ako, paraan nila iyon ng pagbati. Nakatutuwa na matagal man akong nawala hindi nawala ang respeto nila sa akin.
Uupo na sana ako pero may lalaking nakaupo sa kaliwag bahagi kung saan doon ang paborito kong puwesto.
"Sino ka?!"
"Hi! I am Mark!"
"Okay. Why are you here? Aling Jelah, bakit nandito 'yang lalaki na 'yan?" Dumating agad si mommy na nakangiti. Akala ko didiretso sa akin para yakapin ako pero bigla siyang lumapit sa lalaking ito at pinulupot ang braso niya sa braso nito.
"Good morning, son! This is Mark, he is my boyfriend!" Masayang pagpapakilala nito at talaga naging sweet pa sa harapan ko.
"W-what?" takang tanong ko dahil for the first time na sobrang bata ng minahal niya ngayon. Simula kasi ng mawala si daddy halos mahigit isang taon siyang nagluksa kaya noong nagmahal siya bago dumating itong bata na 'to, hinayaan ko kung saan siya sasaya. But this time, hindi ako sigurado dahil itsura pa lang nito malabong pwedeng pagkatiwalaan.
"Let's eat. Dito ka na lang babe sa tabi ko, diyan kasi umuupo yung anak ko." pagpapaliwanag nito na tila kinalimutan na nga ang pwedeng maging reaksyon ko.
Wala akong nagawa kundi hayaan na lang, nagugutom na rin ako. Dahil kailangan mamaya ay may lakas ako. Balak ko kasing puntahan sa bahay nila si Cinyla.
Hindi ko na lang sila pinansin kahit naiinis ako sa ginagawa ni mommy. Hindi ko man lang nakilatis ang bago niyang boyfriend.
"Son? How are you? Hindi mo man lang ako kakausapin?"
Tinigil ko ang paghigop ng kape at tumingin sa kaniya ng seryoso. "I am fine. Just focus on him. I'm done. Papasok na 'ko. " Seryosong wika ko at tumayo na rin ngunit bigla itong nagsalita. "I understand BenChua, but later I will talk to you. Hindi tama na maging bastos ka sa harapan ng future dad mo."
Humarap ako at tumingin ng masama sa lalaking pangiti-ngiti pa. "W-what? Ako ba mommy hindi mo nabastos? Hindi mo nga naisip yung mararamdaman ko eh, pagkatapos ako pa rin ang mali. I will not go with your wedding kung may plano na kayo. Mag-isip ka muna mommy sa mga desisyon mo, kilalanin mo rin 'yang lalaki na 'yan." Sabay turo ko sa lalaking nanahimik lang sa tabi niya.
Tumayo ang mommy ko at sinampal ako.
"How dare you to tell all of that in my front, huh?! Hindi porket ikaw ang future CEO ng company natin hindi mo na ako rerespetuhin ha? I am still you mom. Kung hindi ka pupunta sa kasal ko, just give me respect."
Nakahawak ako ngayon sa kaliwang pisngi ko kung saan doon ko nakaramdam ng kirot dahil sa pagkakasampal niya sa akin. Ngumiti lang ako at umalis. Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod niyang sasabihin.
Damn! Those fucking love!
Dumiretso na lang ako palabas at wala sa katinuan na nagmaneho. Hindi ko maintindihan ang isip ngayon ni mommy. Masyado siyang mabilis para magplano agad ng kasal nila. Tanggap ko pa kung ka-level niya ang napili niya. Hindi yung mas bata pa sa akin.
Dire-diretso ang pagmamaneho ko at mabutinna lang walang traffic ngayon. Hanggang sa napansin ko papunta pala ang ruta ko sa bahay nila Cinyla. Hindi ko man alam kung nandito pa siya sa kanila pero pinili ko na lang ang tumuloy.
I miss her so much.
Iba ang tama niya sa akin. Totoo bang mahal ko na siya?
Kasalukuyan akong nasa labas ng gate nila. Naalala ko pa yung unang pagkikita namin. She is wearing simple panjama that time, nakakatawa nga dahil kahit sobrang haggard niya maganda pa rin. Sobrang ganda niya.
Tumingin ako sa harap ng salamin ng kotse ko at namumula pa rin ito dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni mommy. Ito pala ang pasalubong niya sa akin. Nakakainins!
Bumababa na lang ako sa kotse ko at inayos ang sarili ko, pagkatapos ay pinindot ko na rin ang doorbell.
Nqghintay ako ng ilang saglit hanggang sa may nagbukas nito. Isang babaw na kulay caramel ang buhok at kasingtakad din ni Cinyla. Ngunit morena ito at may katangusan ang kaniyang ilong.
"Hi! Sino po sila?" takang tanong nito dahilan para magtaka ako dahil bakit may ibang babae na nandito.
"Bestie, sino ba 'yang nasa gate?" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Hanggang sa lumabas ito at nakita ko si Cinyla na ngayon ay nakaayos na. Walang ano-ano at niyakap ko kaagad ang babaeng kanina pa gumugulo sa isip ko.
"Hey! Stop hugging my best friend!" sigaw ng babaeng panay ang hampas sa braso ko ngayon.
"Omg bestie! Enough! Tama na 'yan. He is my boss. Calm down." Tumigil ang bestfriend niya sa paghahampas sa akin. Halos mapaaray ako dahil bukod sa pisngi kong nasampal lang kanina lang, ngayon naman napuruhan pa ang kanang braso ko.
"Damn! Who are you to punch my right arm?"
Inalalayan ako ni Cinyla at nagpaliwanag, "Pasensiya na sir, she is my best friend. She is Alpha. Sobrang protective bestie ko lang talaga 'yan."
Tumingin sa akin ang Alpha na sinasabi ni Cinyla at nag-peace sign ito sa akin. "Sorry sir!"
"Pasensiya na po talaga, hindi kasi kita kilala tsaka bakit ka ba naman kasi agad yumayakap sa kaniya? Ikaw bestie ha? Huwag mong sabihin na may relasyon kayo ng boss mo."
Halos matawa naman ako sa maging rekasyon niya. Hindi niya alam na mayroon na nga.
"Bestie! Alam mo ikaw, just help my mom sa loob. Papasok na kami ni sir." Pag iiba nito sa usapan dahilan para ngumiti ako.
"Nako bestie huh! Ayusin mo talaga. Ikaw lalaki ka, ayusin mo rin. Papasok na ako sa loob para tulungan si tita. " Nakipag beso na nga ang kaibigan niya at nagpaalam na ito sa amin.
Hahalik na rin sana ako pero pinigil niya agad. "Ano sir best friend kita para gumaya ka at hahalikan mo pa talaga ako ha?"
"Isa lang naman, bawal ba?"
"Bawal sir, bawal! Tsaka employee mo lang ako at boss kita. Ang laki ng pagkakaiba niyan." Paliwanag nito dahilan para manghina ako. Pagkatapos pala ng mga pinagsamahan namin at nang malaman niyang ako ang CEO ng Spyanata Incorporation ay nagbago na ang pakikitungo niya.
"I understand. I am sorry. Sumabay ka na sa akin para pumasok." Pagyaya ko sa kaniya at piniling ayusin ang sarili ko sa harapan niya. Inalis ko na lang sa isip ko ang kasabikan ko.
Tumango naman ito at lumabas na kami para sumakay sa kotse ko. Pinasakay ko muna siya at sumunod ako.
Habang sinusuot niya ang seatbelt ay pinaandar ko na rin ang kotse. Katahimikan ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Nawalan na rin ako ng gana para magsalita pa. Dahil para sa kaniya boss niya lang ako.
Umasa akong mahal niya na rin ako.
"Sir BenChua? Ayos ka lang po ba? Ang tahimik mo kasi, may nasabi ba akong mali kanina?" pagtatanong nito.
Ngunit kalmado lang ako at patuloy sa pagmamaneho. Ilang saglit din naman ay sumagot din ako. "Nothing."
Pinili ko na lamang ang manahimik kaysa ang kulitin pa siya. Siguro nga ganito lang ako para sa kaniya, normal na kakilala niya at boss lang talaga.
"Hey, sir! May problema ba?" paagtatanong ulit ni Cinyla dahilan para piliin kong itigil sa tabi ang kotse dahil sa sinabi niya.
"B-bakit ka tumigil?" takang sabi nito.
Naging seryoso ang buong mukha ko at humarap sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. "S-sir," bulong nito.
"Walang problema. I just need you. Stop being innocent! Huwag mo naman ako ipagtabuyan. Ilang araw nga na hindi kita nakita at nakasama, pagkatapos binabaliwala mo pa ako." nakangusong pagpapaliwanag ko.
Hinawi niya naman ang buhok ko at doon nakaramdam ako ng kapayapaan, simple lang ang ginawa niya pero ang lakas ng impact. Nakayakap pa rin ako sa kaniyang sa ganitong posisyon gusto ko na lang manatiling ganito sa piling niya.
"S-sorry... Akala ko kasi ayaw mo na sa akin sir I mean after all what happened kaya pinili kong lumayo at gawin na lang yung trabaho ko."
Wala ako sa sarili na humarap sa kaniya, tumingin ako sa maamo niyang mukha.
"I understand it. Pero yung lumayo ka at baliwalain mo ako nang paulit-ulit para mo akong sinasaksak ng maraming beses. Mahal kita, mahal na mahal Cinyla."
Napayuko ako at hindi ko na alam ang sasabihin pa. Ganito ba dapat maramdaman ng taong unang beses magmahal? Ganito rin ba dapat ang maranasan ko sa taong minahal ko lang naman nang sobra pero may minamahal na iba.
"Let's go! Ihahatid na lang kita sa opisina and I need to go somewhere," wika ko at pinaandar muli ang kotse. Hindi ko na rin tiningnan ang reaksyon niya at kung ano pa man ang sasabihin niya ayoko na lang din marinig.
Kung ganito kasakit ang mahalin ka, hayaan mong mas mahalin kita sa paraang alam ko. Sa paraang malalaman mong mali ang pagtrato mo sa akin.
"Sir, BenChua..."
Hindi ako lumingon kundi hinayaan ko lang tawagin niya ang pangalan ko. Hahayaan ko siya hanggang malaman niyang nasasaktan ako sa pinaparamdam niya.
"Sorry na, BenChua. Oo na, sige na inaamin ko. Gusto na nga kita pero natatakot ako," saad niya dahilan para itigil ko ang pagmamaneho.
"A-anong s-sabi m-mo?" utal kong sabi.
Seryoso itong tumingin sa mga mata ko at sinabing, "Hindi mo ba narinig o sadyang gusto mong ulitin ko? Sige, uulitin ko.Gusto kita, pero... maraming pero, BenChua." Pagkatapos ng sabihin ang mga iyon ay pinili niyang lumingon sa labas doon ko naramdaman ang kakaibang punto niya sa mga sinabi niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may mga kabayong nagtatakbuhan. Ngunit sa kabila ng saya na nararamdaman ko ngayon, tila naroon din ang kirot sa huling sinabi niya.
B-bakit? Ano ba ang mga pero niya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro