Chapter 21: Unknown Messages
Unknown Messages
Tunog nang tunog ang selpon ng dalaga at kahit inaantok pa ito, wala siyang nagawa kundi kunin ito para basahin ang mga natanggap niyang mensahe mula sa kung sino man.
Wala ano-ano at tuluyan siyang napabangon dahil sa mga nabasa niya.
"Ano ba! Sino ba ’to? Tigilan mo na nga ako!" pangungusap niya sa kaniyang selpon, dahil nangangamusta na naman sa kaniya ang hindi niya kilala kung sino.
Binitawan niya na lang ang selpon at sinubukan kumalma na kahit sa totoo lang nasira na ang umaga niya.
Isa pang text niya, nako talaga!
Tumunog ulit ito at sa puntong ito ay tumawag naman at dali-dali niyang sinagot ang gumagambala sa kaniyang pagkakatulog.
"Hoy! Kung sino ka man, wala akong pakialam sa pangangamusta mo. Ang aga ng paninira mo ng tulog ha? Ano bang problema mo? Sino ka ba?!" sigaw ni Cinyla at biglang nagsalita sa kabilang linya ang kinakausap niya.
"Hello bes? Ano bang sinasabi mo kakatawag ko pa lang oh? Sino bang kaaway mo? Sorry napatawag ako ng ganitong oras, dadaan kasi ako mamaya baka gusto mong lumabas muna tayo. Bestriend bonding lang." pagyaya ng babae at ng tingnan niya ang pangalan sa selpon niya, ito nga nga ang bestfriend niya na kakatawag lang.
"Hala sorry bes! Kasi naman umagang-umaga at sinira yung tulog ko. Basta ikukuwento ko na lang sayo mamaya. Diretso ka na lang sa loob este tumawag ka na lang kapag nasa labas ka na. Itutulog ko pa 'to inaantok pa ko. Mamaya na lang."
"Sige bes! Kwentuhan na lang tayo mamaya, See you. Good bye!" Hinintay na lang ni Cinyla na ibaba ang tawag at pagkatapos ay bumalik ito sa kaniyang pagkakatulog. Binaliwala niya na lang ang gumugulo sa kaniya dahil sa palagay niya, wrong number lang ito na walang magawa sa buhay.
Makalipas ang dalawang oras na kaniyang pagbalik sa pagkakatulog nagising na ang dalaga at inayos ang sarili. Nagligpit ng higaan at dumiretso sa banyo para gawin ang kaniyang ritwal.
Didiretso sana siya sa kwarto ni BenChua, ngunit naalala niya na hindi na nga ito nakikitira sa kanila dahil balita niya ay sa mansion na ito umuuwi. Bukod dito, nakakasama na rin naman ng binata ang kanyang ina kaya't sa palagay niya tama lang iyon.
Imbes na magmuni-muni pa siya, bumababa na lamang siya para kumain ng kaniyang umagahan.
"Good morning, ma! Aalis po pala kami mamaya ni Alpha, yung bestfriend ko po ng halos apat na taon na."
"Magandang umaga rin, anak! Mas mabuti iyan oara naman mabawasan ang stress mo. Kumusta pala kayo ni BenChua?" Lumapit ang kaniyang ina na para bang pinupunto nito na magkuwento patungkol sa nangyayari sa kanila.
"Ma! Napakaaga naman ng pagiging chismosa mo. Wala naman pong bago, tsaka boss ko po siya ma at ayokong maging kami dahil panigurado issue po iyon. Tsaka alam mo naman ma 'diba? Nag-mo-move on pa po ako." Mahabang pagpapaliwanag ng dalagita habang hinahalo ang kaniyang mainit na kape.
"Nako naman anak! Alam kong sugatan ka dahil sa maharot mong ex na naghanap ng iba. Mas okay naman si BenChua, mabait na gwapo pa tapos mayaman pa. Saan ka pa! Basta nak, boto ako sa inyo. Ingat ka palagi."
"Ikaw talaga ma, kakanuod mo po kasi 'yan ng mga drama eh. Kumain na po tayo." Pagyaya ng dalaga sa kaniyang ina para maiba ang kanilang usapan.
Sumang-ayon na lang ang kaniyang ina at sabay na nga silang kumain at makalipas ng saglitang katahimikan ay biglang tumunog ang selpon ni Cinyla.
"Excuse po. May natawag lang."
"Sige nak, baka si Sir BenChua mo 'yan! Sagutin mo na agad."
"Mama naman!"
Tumayo na lang siya at hindi pinansin kung sino ang tumawag sa halip ay dali-dali niyang sinagot ito.
"Hello, sir!"
"Ano bestie?! Bakit sir? Ma'am dapat, joke! Nasa labas ako ng bahay ninyo. Pakain na lang ako ha?"
"Ay sorry bestie, nako talaga ikaw! Sige palabas na ako. Saglit lang."
Lumabas na nga si Cinyla para sunduin si Alpha at ilang minuto pa ay nakita niya ang kaibigan niyang maraming dala. Dali-dali niya itong niyakap at sinabing, "Bestie, namiss kita!"
Tumugon naman ang kaibigan niya na kahit maraming dala ay kayang-kaya. "Namiss din kita, bestie! Tara na sa loob ng bahay ninyo, mainit." Pagmamadali ni Alpha dahilan para matawa si Cinyla at tinulungan na lamang siyang magdala ng mga dalahin niyang supot.
"Ang dami naman nito! Sige na tara na sa loob."
"Pasalubong ko 'yan sayo at kay tita." aniya.
Dumiretso na kami sa loob para ilapag sa lamesa ang mga dala-dala niyang mga supot.
"Hi po, tita! Si Alpha po! Mano po!"
"Ah ikaw pala iha! Kumusta ka? Ang dami naman niyan."
"Ayos naman po ako, pasensiya na ngayon na lang po ulit nakadalaw. Ang dami ko rin po kasing inayos eh. Opo, para sa inyo talaga 'yan. Tita, paalam ko na po pala si Cinyla, lalabas lang po kami para sa gala po naming dalawa."
"Salamat ng marami, iha. Sige, mag-iingat kayo." Paalala ni mama habang nilalabas ang mga laman ng plastik at habang nag uusap sila ay nag-aayos na rin naman ako.
"Tara na bestie!" Masayang wika ng dalaga sa kaibigan niyang si Alpha na panay ang kuwento sa kaniyang Ina.
"Sige po tita, mamaya na lang. Alis po muna kami." Magalang na paalam nito.
Nagpaalam na nga ang dalawang dalaga at lumabas na nga sila ng gate. Hinatid na sila palabas ng kaniyang Ina. "Ingat kayo, anak!" Dagdag nito.
Tumango ang dalawa at dumiretso sa kulay asul nitong kotse. Sumakay na nga sila at ang magmamaneho ay si Alpha. Kasalukuyan na silang nasa biyahe ng magsalita ang dalaga.
"Ano na bestie? Kumusta ka? Naalala ko pala, anong nangyari sayo kanina bago ako tumawag? Galit na galit ka kasi," pangungusap ni Alpha ngunit nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Wala bestie! Magmaneho ka na lang!" Masungit na tugon ni Cinyla sa kaibigan. Napanguso na lang si Alpha at dahil nagmamaneho siya ginawa niya na lang ang sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Mamaya na tayo magchikahan bestie sa mall, baka kasi mapano tayo sa daan. Kilala pa naman kita, wagas ka magkapag-react." Natatawang sabi ni Cinyla habang nakatingin sa kaibigan niyang kasalukuyan ng nakanguso dahil sa mga sinabi niya.
"Babawi ka talaga mamaya!" Inis na sabi ni Alpha.
Ilang saglit pa ay nakarating na rin sila sa mall na pinuntahan nila. Dumiretso lang sila ng parking lot ng biglang tumunog ang selpon ni Cinyla.
Unknown Message
+63967867890
I miss you. Enjoy your bonding with her. Take care.
Received. 12:45 NN
Napalunok at tila pinagpawisan ng malamig ang dalaga sa nakita at nabasa niya, at saktong pagtigil ng kotse ni Alpha dahil nakahanap sila ng parking area.
Napatingin si Alpha at hinawakan sa braso ang kaibigan niya. "Ayos ka lang ba?" takang tanong nito.
"Wala bestie! Labas na ba ko?"
"Okay na bestie, labas na tayo! Magkuwento ka talaga mamaya.
***
Nakarating na nga ang dalawang magkaibigan sa mall at dumiretso muna sila sa isang restaurant, dahil nagutom bigla si Alpha. Hindi naman sila nahirapan dahil wala masyadong kumakain doon.
"Bakit ba nakasimangot ka, bestie? May problema ba?" takang tanong ni Alpha at tumawag na rin siya ng waitress para makapili ng orders nila.
"Wala bestie." Tipid na tugon ni Cinyla.
"Sure ka ha? Sige mag-order na tayo."
Pilit na ngiti ang tinugon ng dalaga sa kaniyang matalik na kaibigan at nagsalitan sila na magsabi ng kanilang mga orders sa waitress. Hanggang tumunog ang selpon ni Cinyla dahilan para mapatigil ito sa pagpili.
Kinuha niya ito sa maliit niyang bag na itim at tiningnan ito. Nakatanggap siya ng tatlong mensahe mula sa hindi kilalang numero.
Nabigla siya sa nakita at binasa niya.
I am watching two of you.
How are you, Cinyla and your mom?
I miss both of you.
Halos mataranta ang kaibigan niya ng mabilis niyang itago ang selpon sa loob ng pula nitong bag. Pinaalis na lang din ni Alpha ang waitress at sinabing iyon lang ang mga orders nila.
Lumapit at tinapik ni Alpha sa balikat si Cinyla. "Ayos ka lang ba? Bakit namumula ka masyado? M-may p-problema b-ba?"
Mabilis na tumugon si Cinyla sa kaniyang kaibigan, "Kailangan na natin umuwi, bestie. Iuwi na lang natin ang mga na-order natin. Hindi ako komportable ngayon. . . Iba ang nararamdaman ko . . . Tara na!"
"Huh?"
Tumayo na nga si Cinyla at hinila ang kaibigan kahit na naguguluhan ay dumiretso na lang si sa cashier para magbayad at kunin ang mga orders nila.
"Ano bang nangyayari sayo, Cinyla?" Seryosong tanong ni Alpha ng nakaharap niya ang kaibigan at naghihintay sa orders nila.
Mabilis na sumagot si Cinyla, "Pagkauwi sa bahay, bestie. Lahat ng dapat mong malaman ipapaliwanag ko ngayon dapat makauwi na tayo.
Hindi na mapakali si Cinyla kabilaan na ang tingin nito na para bang nag-iingat. Muling tumunog ang selpon niya at nakita ni Alpha ito. Mabilis niyang kinuha at binasa ito.
"I know that you will be go home, much better. I will be still watching you." Napatakip ng bibig si Alpha dahil sa nakita at nabasa niya, dali-dali naman kinuha ni Cinyla ang selpon niya at nagulat sa nabasa niya.
"Hello po, ma'am! Ito na po yung mga orders ninyo." Mabilis na kinuha ni Cinyla ang inabot ng waitress kasabay ng paghila niya sa kamay ni Alpha.
"Tara na!"
"Sino ba talaga siya?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro