Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: In One Blood

Maulap ang kalangitan at natatanaw ng dalagita ang pagsasayaw ng mga dahon kasabay ng mahangin nitong paligid.

"Ayos ka lang ba? May problema ba?" takang tanong ng lalaking katabi nito dahilan para matauhan siya. Kasama niya pala si BenChua, lumabas muna silang dalawa upang makalanghap kahit papaano ng simoy ng hangin.

"Ang ganda ng langit noh? Sana ganito lagi. Yung tipong tahimik at payapa ang paligid." Nakatingin ang dalaga sa kalangitan habang nakangiti. Wala namang nagawa ang binata kundi pagmasdan ang tinuturo niya. Tunay rin naman ang mga sinabi nito, emosyonal man kung papansinin pero sana nga ganoon na lang sa lahat ng pagkakataon; walang iniisip.

"Are you okay? Kanina ka pa ganiyan eh. Nakapagpahinga ka ba kahapon? Alam ko na hindi na ako nakabalik pa. Ang dami ko rin kasing inayos, Cinyla. Pasensiya na talaga."

"Naguguluhan ako. Sobrang gulo, tipong pakiramdam ko pinagkakaisahan ako ng mundo. Ano bang mali sa akin bakit kailangan kong matanggap 'to?" takang tanong ng babae at sa puntong ito ay humarap na siya sa binata.

Magulo man ang pangyayari para sa lalaki ngunit tingin niya alam niya na. Hindi naman siya tanga o walang pakiramdam. Nasasaktan ito dahil sa nangyari sa kaniya, nais niya man itong ipagtanggol ngunit sino ba siya upang ipaglaban ang babae? Kung tutuusin, isa lamang siyang hindi kilalang tao nito na biglang dumating sa buhay ng dalaga.

"Napakabigat pa rin sa akin lahat. Alam ko naman mali rin ako eh, pero yung malaman ko yung totoo para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mukha. Nakakapanlumo, BenChua. Sorry ganito ako sayo. Hindi ako nararapat sayo." Tuluyan ng lumuha ang babaeng kanina ay nakangiti. Labis na kirot ang naramdaman ng binata na para bang dapat ay may gawin siya.

Lumapit ito at niyakap. "Tahan na Cinyla, tahan na. You don't need to explain anymore. Kahit magulo sa akin ang lahat nandito lang ako para sayo. Mahal kita, tutuparin ko lahat ng sinabi ko simula pa lang na liligawan kita. Kahit na ngayon, hindi ko alam kung may pag-asa pa ba o ano. Pero hayaan mo akong gawin ito para maparamdam ko sayo na mahal na mahal kita.

Hindi na kinaya ni Cinyla, tuluyan na siyang nilamon ng kahinaan niya. Yumakap na ito sa likuran ng binata at doon ay humagulgol. Halo-halong emosyon na ang mayroon siya. Kahit na naguguluhan siya sa lahat ng nangyari sa kaniya ay sinusubukan niya pa rin ang lumaban, ngunit ngayon ay sumusuko na ito.

Tinapik ng binata ang dalagang patuloy sa paghikbi, hindi ito nagsasabi ng kahit ano kundi huni niya na punó ng sakit at galit sa mundo.

"BenChua... B-BenChua, bakit ganoon? B-bakit kailangan akong iwan o ipagpalit?"

"Shhh! Mali ang mga iniisip mo! Hindi gano'n, nagkataon lang siguro. I am so sorry, mali ako na pumasok din sa buhay mo but this time I know you need me, you need someone para gumaan ang pakiramdam mo. Please, Cinyla stop this. Tumahan ka na."

Hindi alam ng dalaga kung paano tatanggapin ang mga sinasabi ng lalaking nasa harapan niya ngayon, basta't ang alam niya naging taksil din siya kaya't natatamasa siya ang ganito– masaktang nang paulit-ulit.

Huminga ito nang malalim at pinunasan ang luhang kaninang pang nag-uunahan sa magkabilaan niyang mga mata. "Wala kang kasalanan, BenChua. Kasalanan ko lahat ng ito kaya ganito ang natatanggap ko. Nagkamali ako. Mali ako... maling-mali."

Upang mapakalma ang kalooban ng dalaga, niyakap na lamang siya ng binata. Mahigpit na yakap ang binigay ng binata at piniling  manahimik na lamang, gusto niyang iparamdam sa dalaga na hindi ito nag-iisa. Hindi napigilan ni Cinyla na ilabas lahat ng bigat sa pamamagitan ng kaniyang mga luha.

"Umiyak ka lang, naiitindihan kita. Nandito lang ako, I will not leave you."

Sa puntong ito hinayaan lang ng dalaga na yakapin ang lalaking nagpapakalma sa kaniya ngayon. Hindi niya man gusto na ganito ang ipakita ang pagiging mahina, ngunit hindi niya na kaya ang lahat.

Ilang saglit ang lumipas at kumalma na si Cinyla. Inabutan siya ni BenChua ng panyo ngunit ang lalaki pa rin ang nagpunas ng luha niya at kahit na nasira na ang kaunting make-up na nilagay niya sa kaniyang mukha ay hinayaan niya na lamang na mabura ito.

"Okay ka na ba?" tanong ng lalaki sa kaniya habang pinupunasan pa rin siya sa kaniyang mata, ngunit inagaw ni Cinyla ang panyo at siya na lang ang nagpunas nito aa kanuyang mukha.

"Medyo... Sorry ha? Nakita mo pa kadungisan ko pero salamat kasi nabawasan yung bigat na nararamdaman ko. Hindi ko man gusto na ganito pero wala na, kailangan ko na lang tanggapin ang lahat."

"I see. It's okay Cinyla, I know what you feel. Hindi mo naman dapat maranasan iyan. Hindi ko gusto lahat dahil may naalala ako. Ayoko sa lahat yung manloloko at sinungaling." Seryosong lahad ni BenChua kasabay ng pagtingin nito sa kalayuan at pag-iiba ng ayos ng mukha.

"Hayaan na lang natin. But I appreciate your presence, Mr. BenChua. Thank you for your accompany." Natawa ito nang bahagya at nagsalita muli. "S-sorry! Naalala ko lang na CEO ang kasama at kausap ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. "

Biglang kinurot ni BenChua ang magkabilaang pisngi nito na tila gigil na gigil.  "Hey! Stop thinking too much. Kahit CEO ako o ordinaryong tao lang, I am serious about you. Tutal nagsabi ka na rin naman sa past mo. I will open mine too. Sa totoo lang, masakit na malaman yung mga sinabi mo. Sino nga ba ako para magalit sayo? Sa simula pa lang kasalanan ko naman na. But I am serious about courting you because you are my firat girlfriend, kapag sinagot mo ako."

Napatayo na lang bigla si Cinyla dahil sa kaniyang pagkagulat dahil sa mga sinabi ni BenChua. "W-what? Seryoso?!"

Nahihiyang tumango ang binata pero kahit nakakapagtaka man ay nilakasan niya ang kaniyang loob na magpaliwanag. "Yeah! Totoo 'to! Ayokong maghanap ng girlfriend dati pa dahil takot akong magmahal, takot akong magkaroon ng pamilya na gaya ko na broken family. Ayokong maranasan iyon ng magiging anak ko kung sakali."

Umupo na ang dalaga at tumabi sa binata. Naramdaman niya ang kalungkutan nito dahil sa mga nalaman at sinabi nito sa kaniya ngayon.

"I don't want to be ruined and hurt anymore. Lalong ayokong may masaktan. But when I met you, gusto kong tumaya, gusto kong sumugal kahit walang kasiguraduhan na mahal mo ba ako o ano. Then ito ang bubungad sa akin na may ex-boyfriend ka, oo nasaktan ako and  I feel mixed emotions pero lamang ang tuwa. I have still doubt to myself." Nakayukong paliwanag ng binata.

"Kaya Cinyla, huwag ganito. Sayo ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam at magmahal. Huwag mo naman akong baliwalain lang sana," dagdag nito dahilan para hawakan ni Cinyla ang kamay ni BenChua. Kahit na nasa pampublikong lugar sila hinayaan niya lang ito basta ang gusto ng dalaga ngayon ay niya.
makabawi siya sa binatang nagbigay panatag sa kalooban

"I am sorry for everything, hindi ko gusto na baliwalain ka o masaktan ka. Hindi ko gusto lahat ng nangyayari," wika ni Cinyla.

Ilang saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa hanggang nag-vibrate ang selpon ni Cinyla sa bulsa ng kaniyang pantalon. 

"Teka ha? Basahin ko lang kung sino ang nag-iwan ng mensahe." Pangungusap niya sa binata at paagkatapos dali-daling kinuha ang selpon. Nag-iba ang awra nito dahil sa kaniyang nakita.

"Unknown number na naman?" wika nito dahilan para magkaroon ng interes si BenChua sa sinabi nito. Lumapit ito saa dalaga at binasa aang text sa kaniya.

Unknown Number

Hindi ako papayag na maging kayo. Hindi pwede, hindi! Magpapakita ako sayo sa tamang panahon. Malapit na aking Cinyla.

Received.

Napalingon ang dalawa sa kanilang paligid ngunit ang natanggap lamang nila ay malakas na hangin. Nakatanggap ulit si Cinyla ng panibangong mensahe.

Unknown Number

Babalik ako aat magpapaliwanag sayo. Hindi kayo pwede ni BenChua. Pakiusap, hintayin mo muna ako. See you!

Received.

Nag-iba ang awra ni Cinyla at hinawakan ang kamay ng lalaking katabi niya. "BenChua, hindi ko siya kilala... Maniwala ka. N-natatakot ako." Hindi nagsalita ang binata sa halip ay niyakap lamang ang dalaga. "Nandito lang ako para sayo," wika ng binata at pinakalma ang dalaga. Nagpasya na rin silang umuwi dahil pakiramdam nila may nagbabantay sa kanila na hindi nila alam kung sino.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro