Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Sudden Problem

Cinyla’s POV

NAKAKAINIS! Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko ngayon, yung lalaking iyon kasi simula ng pumasok siya sa bahay namin masyado niyang ginulo ang isipan ko. Bukod pa rito bumibilis ang tibok ng puso ko, parang may nagtatakbuhang mga kabayo sa sobrang bilis.

Napahawak ako sa puso ko. "Heart, p'wede ba kumalma ka muna? Alam kong nabigla ka lang pero hindi siya nababagay sayo!" Sigaw ng isipan koat sinusubukang turuan ang pusong dapat umayos. Pinili ko na lamang kunin ang gitara ko. Sabado ngayon, kaya wala akong trabaho dahil madalas Lunes hanggang Biyernes lang naman ang bukas ng opisina.

Umupo ako sa paborito kong pulang upuan na malapit sa working and study area ko, kinalabit ko muna ito at nag isip ng maaaring kantahin. Mahilig ako sa musika at kapag wala naman akong ginagawa tumutugtog ako, o madalas pinipili kong sumulat ng mga kanta para maging libangan lamang. Hindi ko rin kasi natupad ang pangarap ko noon, simula ng mawala si Itay pinili kong angkinin na lamang ang taglay kong talento.

Nakakalungkot man pero paano pa ba ako magsisimula? Kung sa araw na mismong itutuloy ko ang mga balak ko nawala ang naging bukod tangi kong taga-suporta at inspirasyon ko-si Itay.

Napatigil ako sa pagkalabit ng string, at binitawan ang gitara ko. Nakita ko sa tabi ng cabinet ang larawan namin ni Daddy. Ito yung panahon na nasa kolehiyo pa ako, madalas kaming magkantahan at tumugtog. Nakakatawang isipin yung mga araw na 'yon, ang sarap balikan yung bawat ritmong nabubuo at liriko na inaawit.

"Dad, namimiss na kita. Pasensiya na hindi ko na matutuloy yung pangarap ko ha? Hindi ko na po kasi alam kung paano, bakit at saan ako magsisimula. Pero, Daddy, ba-” Hindi ko na natuloy pa ang susunod kong sasabihin dahil pakiramdam kong may basang likido ang kumakawala sa magkabilaang mata ko. Niyakap ko ang litratro namin at sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan ko.

Daddy...

Sa kalagitnaan ng aking pagyakap sa kalungkutan, nagulat ako sa pagpihit ng pinto at pagbukas nang tuluyan.

Wala sa sarili na inayos ko ang aking mukha, dahil hindi man lang nagpapasabi itong lalaki na 'to. "Uso naman kumatok!" Inis kong sabi rito at napatayo pero tuluyan ko pa rin inaayos ang aking sarili.

Tinabi ko na rin ang aking gitara na nakabalandra sa kama. "Umiyak ka ba? Okay ka lang?" Sunod-sunod nitong tanong.

Napalunok pa ako ng laway kahit na hirap ako dahil sa kakatapos ko lang umiyak, ngunit ayokong magpahalata at ayokong isipin niya na mahina ako.

"W-Wala 'to. Okay lang ako."

Aalisin na sana ako sa kwarto ko pero hinawakan niya ang kanang kamay ko at niyakap ako. "Ilabas mo, makikinig ako. Nandito ako, dadamayan ka." Sa mga oras na iyon halos maging yelo ako dahil nanatili ako sa harapan niya, hindi ako yumakap pero bumagsak nang tuluyan ang balikat ko. Hindi ko rin matansya ang bagahe na dala-dala ko sa sobrang bigat, umapaw ito at tuluyan na ngang sumabog.

Sunod-sunod na paghikbi ang ginawa ko, humagulgol na rin ako sa kanya at nabasa na ng likido mula sa ilong at mga mata ko ang damit niya.

"S-Sorry..."

Ngunit tinapik niya lang ako, inabutan ng panyo na hindi ko alam saan galing pero ginamit ko na rin. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking ito? Pa-fall naman masyado, pero sobrang na-appreciate ko ang ginawa niya ngayon. Bakit ba puro mali ang nakikita ko sa kanya?

"Tahan na, hindi bagay sayo ang umiiyak. Wala man ako sa posisyon mo para sabihin ito pero alam kong kaya mo 'yan." Ngumiti ito at patuloy na tinapik ang likuran ko para bang sinasabi na okay lang 'yan pero tama na kakaiyak.

Nahimasmasan ako, nadala lamang ako ng emosyon sa kadahilanang naalala ko ang mga pangarap ko para kay Itay. Alam ko naman nandiyan pa si Inay, pero iba pa rin yung buo kayo at iba pa rin yung siya talaga mismo ang dahilan at biglang mawawala na lang.

"S-Salamat," tipid ko sabi.

"Walang anuman, alam ko naiinis ka kasi bigla akong pumasok. Nag aalala lang ako, sige pahinga ka na. Next time bonding tayo ha, teka nagigitara ka pala?" Ngiting tugon nito dahilan para mapatingin ako sa gitara ko, oo nga pala hindi ko na pasok. Ang ulupong na 'to talagang gusto mapalapit sa akin. Inalis ko na lamang ang nga naiisip ko sa kanya.Napakasama ko naman kung ganoon pa ang turing ko- masama.

Tumugon na lamang ako, "Sure! Oo eh. Ben, salamat ulit ha? Lalabhan ko nalang itong panyo mo. Pasensiya na naistorbo kita." Paliwanag ko.

"Walang anuman. Huwag na sayo na 'yan, para ako ang maalala mo kapag naiyak ka." Kumindat ito na para bang nang aasar at nanadya na magpapansin.

"Oh teka lang, joke lang 'yon. Pinapangiti lang kita, Cinyla. Sige pasok na ko sa kwarto ko, pahinga na ha pagkatapos huwag mo kalimutan request ko na jamming tayo next time." Malapad nitong ngiti at tuluyan ng umalis sa kwarto ko. Sumara na ang pinto habang ako, napaupo na sa kama ko. Napahawak ako sa puso ko, naririnig ko na naman ang bilis ng tibok nito.

"Cinyla?" Pahabol na tawag nito dahilan para mapatayo ako at maptingin sa labas ng pinto.

"B-Bakit?" utal kong tugon.

"Pwede ba akong humiram ng gitara mo? Saglit lang naman, ang boring sa kwarto eh." Pakiusap nito.

Wala ako sa sarili na kinuha ang gitara ko at inabot sa kanya. Sumilay naman ang magandang ngiti niya dahilan para mapalunok ako ng wala sa oras. Kinuha niya na sa akin ang gitara at sa hindi sinasadyang pangyayari nahawakan niya ang kamay ko. "Salamat!"

Ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin kundi pinili niya na lang na umalis.

Naiwan akong tulala at hinayaan siyang maglakad papasok sa kwarto niya. "Balik ko na lang mamaya!" Sigaw niya.

Subalit nanatili akong estatwa banda sa may pintuan, hanggang ilang segundo ay natauhan din ako. Napapikit ako sa eksena ko, dahil para akong timang na nakatayo roon. Sinampal ko nang sunod-sunod ang magkabilaang pisngi ko. "Cinyla, tama na! Wake up!"

Pagkatapos 'non ay natauhan na rin ako, at nakita ko sa kama ko ang panyo na binigay niya. Napatitig ako roon.
Inamoy ko ito at ang bango, parang mamahalin na perfume o fabric conditioner ang ginamit. Binuklat ko iyon at hindi ko inasahan ang nakita ko.

"Mr. Montevilla..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro