Chapter 19: I am here for You
Labis na nahihirapan si Cinyla dahil sa ginawa ng ex-boyfriend niyang si Mark. Hanggang ngayon, hindi niya lubos na maisip na matagal na pala siyang niloloko nito. Akala niya siya ang masama pero mas masama pa pala ang ginawa ng taong minahal niya nang sobra.
"Ayos ka lang ba, anak? Kanina pa malalim ang iniisip mo." takang tanong ng ina nito at labis na rin ang kaniyang pag-aalala para sa anak, dahil kailan lang makauwi ngunit napapadalas din ang pagkatulala nito sa kawalan. Bukod dito, nang makabalik na rin sila sa bahay, naging tahimik ang anak na para bang napakalalim ng kaniyang iniisip.
"O-opo ma, ayos lang po ako," tipid nitong sabi at pilit na ngiti na lang din ang sinukli sa kaniyang ina. Kasalukuyan naman na naroon si BenChua at may mga dalang pagkain na paborito ng dalagita.
"Hi babe! Ito oh, nagdala na ako ng mga paborito mo.Kain ka na!" Pagyaya ng binata at binigay sa kaniya ang mga dala nitong pagkain na may kasamang mga prutas.
"Salamat! Pero mamaya na lang ako kakain, busog pa talaga ako BenChua. Salamat." Seryosong wika ng dalaga at pagkatapos ay umakyat na ito sa kaniyang kwarto. Nakita ng ina ang pagkalungkot ng binata kaya't lumapit ito at pinalakas ang loob. "Pasensiyahan mo na ang anak ko, may pinagdadaanan lang siguro. Basta hayaan mo lang muna siya, kumain ka na rin, iho. May aayusin lang ako sa loob." Ngumiti nag ginang pagkatapos ay iniwan na rin ang binata na si BenChua. Napaupo na lamang ang binata at sinubukan maging kalmado at huwag mag-isip ng kung ano-ano.
Tinitigan niya ang mga dala niyang pagkain at tila kahit siya ay nawalan na rin ng gana. Hindi niya maiwasan na alahanin ang kabuuang mukha ng dalaga dahil ramdam na ramdam niya ang pagiging matamlay nito. Hindi man lang niya maunawaan kung bakit bigla na lamang nag-iba ang patutungo sa kaniya ng dalaga simula ng makaalis ito sa hospital.
Ano kayang problema ni Cinyla? Bakit sobrang ang tamlay at kakaiba ang kilos niya ngayon?
Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ng binata hanggang sa magpasya na umakyat para doon kumustahin ang dalaga,at malaman niya ang totoong lagay nito.
Kumatok ito at hinintay na pagbuksan siya ng dalaga ngunit tahimik ang paligid kaya't sinubukan niyang ipihit ang door knob at doon niyang nakita na nakabukas lamang ito. Pumasok ang binata at nakita ang dalaga na nakahiga sa kama nito at mahimbing na natutulog.
Tulog ka na pala. Ang ganda mo kahit nakapikit ka na.
Wala sa sarili na tumabi ang binata sa dalaga at pinagmasdan ang pagkakatulog nito. Hinawi pa ang ilang hibla ng buhok nito upang mas masilayan niya ang kabuuang kagandahan nito.
"Uhmm..." mahinang ungol ng dalaga. Tila naramdaman niyang may kakaiba ngunit nakapikit pa rin ito. Napatigil ang binata at nanatiling tahimik dahil hindi niya nais na magising pa ito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nang matiyak niyang tulog na nga talaga ito, humalik ito sa noo ng dalaga at nagwika ng mga salitang sana narinig ng dalaga. "Kung anuman ang pinagdadaanan mo, nandito lang ako. Miss na miss na kita sana paggising mo bumalik na ang sigla at kwela mo kapag magkasama at nag-uusap tayong dalawa... At sana hindi ka na ganiyan. Nakakapanibago... Hindi ko gusto.
Tatayo na sana ang binata upang hayaan ang dalaga sa mahimbing nitong pagkakatulog ngunit biglang hinawakan ang kamay nito at dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata.
"Dito ka lang, tabihan mo ako." Pakiusap nito ngunit ang tinig ng dalaga ay ganoon pa rin, matamlay at para bang walang kinain ng umagahan dahil simple at payak lang din ito.
"Nagising ka pala, sorry. Sige na magpahinga ka na. Chineck lang kita rito sa kwarto mo at ayan nasa lamesa mo ang pagkain at inumin mo. Sana mamaya kumain ka na," wika ng lalaking kaharap ng dalaga na malungkot pa rin hanggang ngayon.
"Okay lang, pasensiya ka na. Hindi ko gusto na ganoon ang pakikitungo ko." Umupo ang dalaga at humarap sa binata.
"Bakit ka bumangon? Magpahinga ka lang. Okay lang naman sa akin, Cinyla. Just sleep again at take some rest." Paliwanag ng binata at hinawakan ang kamay nito.
"Nagugutom na'ko. Kakain na po ako diba sabi mo dapat kumain na ako? kaya bumangon na ako. Salamat, BenChua." Yumakap ang dalagita ngunit habang nakatalikod silang pareho ay hindi napigilan ng dalaga na magpakawala ng mga luhang matagal niyang inipon.
"Sorry BenChua, alam kong mahalaga at mahal mo ako alam na alam ko 'yan. Sorry sa lahat..." Sunod-sunod na pagluha na ang ginawa ng dalaga at napayakap na rin nang mahigpit sa binata.
"Sorry, S-sorry..." paulit-ulit niyang sinasabi na para bang napakalaki ng kaniyang kasalanan. Tinapik ng binata ang likuran ng dalaga at sinubukang pakalmahin ito. "Shhhh! Tahan na, walang kaso sa akin iyon. Nandito lang ako para sayo."
"Naiitindihan ko kung bakit ka gan'yan sa akin. But this is too much, h'wag mo naman na sana akong iwasan. Hindi ko gusto na lumalayo ka o matamlay ka. Nag-aalala ako, Cinyla."
Halos maging emosyonal ang binata sa kaniyang pag-amin ngunit lahat ng pinakawalan niyang mga salita ang totoong nararamdaman niya. Napayuko na lamang ito at sinubukang maging kalmado kahit na nagbabanta na rin ang kaniyang mga mata sa pagluha.
"B-BenChua," wika ng dalaga.
Humarap ang lalaki sa kaniya ngunit may nangingilid na luha sa kaniyang kaliwang mata. Hindi maipinta ang kasalukuyang awra ng binata dahil sa sakit na nararamdaman niya. Pinunasan ng dalaga ang kaunting basa sa gilid ng mata nito at pilit na ngumiti.
"Mahalaga ka sa akin BenChua kaya sige aamin na ako sayo. Hindi ko na kayang maglihim pa. Mayroon akong karelasyon pero wala na kami dahil niloko niya ako. Siya ang dahilan ng pagkaaksidente ko tapos ang masakit pa ang nakabunggo sa akin yung babae niya."
"Alam kong deserve ko 'to kasi nagkamali rin ako pero sana sa pag-amin ko sayo ng totoong nangyari ay mapatawad mo ako. Sorry, BenChua."
Hinawakan ng binata ang kamay nito at pinaunlakan ang labi niya ng matamis na halik. Labis ang pagkabigla ng dalaga sa ginawa nito ngunit ilang saglit siya ay sumabay sa agos. Sumabay sa mapusok na halikan na ibinibigay sa kaniya ni BenChua.
Ilang minuto ang lumipas at pareho silang naghahabol ng hininga dahil sa kanilang ginawang paghahalikan. Napalunok na lang nang wala sa oras ang dalaga at napayuko dahil sa pagkabigla at kahihiyan sa nangyari.
"Wala akong pakialam sa past mo, mahalaga ka sa akin. Kaya sana huwag mo na ulitin iyon. Hindi lang halik ang mararanasan mo kapag naulit ang ganoong trato mo sa akin." maawtoridad na wika ng binata at tumayo na ito.
"Eat your lunch then rest. Aalis na muna ako. Bibisitahin kita bukas. Huwag ka muna pumasok sa opisina, ako ng bahala."
Tila walang masabi ang dalaga at napapatango na lang siya sa mga sinasabi ng binata. Bago ito tuluyang umalis sa kaniyang silid ay hinalikan niya ang noo nito at nagpakawala ng tatlong salita na tila isang mahikang nagbigay kiliti sa kaniya.
"Mahal kita, Cinyla. Sige na aalis na ako. Salamat sa paganti, I taste it! Kumain ka ha? I will check you later, if hindi tatawag ako. Pahinga na love!"
Pilit na ngiti na lamang ang tinugon ni Cinyla at kumaway na ito sa pag-alis ng binata.
Pagkaalis nito ay roon niya naramdaman ang matinding kalabog ng kaniyang dibdib. Napahawak pa ito at pinakaramdaman.
"Ano ba 'tong ginagawa mo? Sino ka ba sa tingin mo para iparamdam ang ganito? Nakakainis ka na!"
Napasimangot ang dalaga na tila inis na inis dahil sa eksenanng naganap sa kanila ngunit napahawak siya sa kaniyang labi. Naalala niya ang lambot ng labi ni BenChua at ngayon niya lang din naalala na ang binatang humalik sa kaniya kanina lang ang unang lalaking nakakuha ng kaniyang first kiss. Sapagkat kailanman walang halikan na naganap sa kanila ng kaniyang ex-boyfriend.
Hangga't nakita niya sa lamesa ang mga pagkain at napagpasyahan niyang kumain na lamang. Dahil sa totoo lang, naramdaman niya na nagugutom na rin siya. Sinubukan niya rin alisin ang mga bumabagabag sa isipan niya at bumuntonghininga ito nang malalim.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro