Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: The Power of Truth

Cinyla’s POV

SOBRANG nag-aalala si BenChua sa akin ng magising ako. Nawala rin ang mga negatibong pag-iisip ko sa mga bagay na nagbibigay sakit sa akin emosyonal, sino ba naman kasing magdadrama pa kung makita mo yung isang taong sobrang nag-aalala sayo at ngayon todo ang bantay at alaga sayo. Ayoko na lang isipin ang nakaraan ko, yung sa amin ni Mark. Kakalimutan ko na siya.

Alam kong hindi madali ito at ayokong gawing re-bound si BenChua dahil lang sa gusto kong makalimot. Kapag tuluyan akong makaalis dito kakausapin ko siya. I will be open to him, para alam niya at kahit na ganito ang mga nangyari sa akin tuloy pa rin dapat ang buhay. Lahat naman deserve sumaya basta lang ginagawa mo ang dapat.

"Are you okay, Cinyla? Pasensiya na nakatulog ako. I am really tired physically sa sobrang dami ng inasikaso ko. But don't worry, kaya ko pa naman. Okay ka lang ba o may masakit sayo?" malambing nitong pagtatanong. Halos haplusin naman ang puso ko sa pinapakita niya. Ngumiti ako at nagsalita, "Oo naman okay na okay na'ko gusto ko na nga makalabas eh. Ano bang sabi ng doktor? Makakalabas na ba ko?" tanong ko rito. Hinanap din ng mga mata ko si mama dahil pagkagising ko ang bumungad na lang sa akin ngayon ay si BenChua.

"Wala pa akong balita eh, si tita naman lumabas sandali para bumili ng pagkain natin. I also ask their cashier, bayad na rin ang bill mo. Teka, ano bang nangyari?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko alam paano ko nga ba ipapaliwanag ito. Kaya gumawa na lang ako ng isang eksenang malilihis ang pagpapaliwanag ko sa tanong niya.

"Araaaaaaay! Yung paa ko nasakit." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang nakahawak sa kanang paa ko. Ginalingan ko ang pag-arte yung tipong mag-aalala siya.

"Hey? Are you okay? Wait, I will call a doctor!"

Dahil paladesisyon naman 'tong si BenChua at namemeke lang naman ako ng nararamdaman kong sakit. Hinila ko agad ang kamay niya. "No! Just stay here, I need yo-" nadulas na nga ako dahilan para matahimik siya at makita ko ang kakaiba niyang ngiti.

"Cinyla, I know you are good actress ha? So sino nga ang may ginawa nito? Tell me?!" seryosong turan nito dahilan para mapalunok ako ng wala sa oras at mapayuko na lang dahil wala na, alam niya na. Sasabihin ko naman kasi, kaso ayoko lang ngayon.

Dahil masyadong matalim ang titig niya at naghihintay talaga siya sa sagot ko, sinabi ko na lang yung part na nabangga ako ng isang matandang babae noong tatawid ako.

"Ano?! An old woman run her car against you? Cinyla, mag-iingat ka naman sa pagtawid. Where she is?"

"Pinalayas ko na! Siya ang nagbayad ng bill ko, I know naging tanga ako sa pagtawid pero hindi ko naman kasi nakita na may sasakyan, pagod ako no'n. Kung sesermunan mo'ko, umalis ka na lang!"

Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. "No! I am really sorry, babe. Ikaw naman kasi pinag-aalala mo'ko. Ihahatid na nga kita sa susunod pero bahala na or else I will give you a bodyguard." Seryosong suhestiyon nito.

"Anong babe ka riyan?! Huwag na. Hindi na 'to mauulit pa. Huwag ka na mag-abala pa, ayokong magkaroon ng bodyguard."Pagsisimangot ko.

"Sige na, ako na lang bodyguard mo." Sabay halik kanang kamay ko at bumukas naman ang pinto.

Bahagyang umubo ito at sinabing, "Nakakaistorbo ba ang pagpasok ko?" pang-aasar ni mama buhat-buhat pa ang mga dala niyang pagkain. Umayos naman kami ni BenChua dahil sa nakakahiyang eksena. Mama naman bakit pumasok ka kaagad, nag-moment pa nga kami!

"Hindi naman po tita, pinagsabihan ko lang po talaga ang anak ninyo. Pasaway po kasi," pagdadahilan ni BenChua sabay ngumiti pa ng nakakaloko.

Natawa naman si mama dahil sa sinabi niya at nakatanggap naman siya sa akin ng mahinang hampas. "Hindi ako pasaway, sadyang nagmamadali yung matanda na 'yon!" Iritang wika ko.

"Oh siya, huwag na kayong magtalo pa. Kumain na muna kayo. Tsaka nakausap ko na rin yung doktor mo nak, bukas nang umaga makakalabas ka na rin. Kaya pagkatapos mong kumain, magpahinga ka na rin muna." Bilin ni mama at pinatong niya sa lamesa ang pagkaing dala-dala niya. Tinulungan na rin siya ni BenChua sa pag aasikaso.

"Ben? Ikaw na muna rito ha? Pakainin mo 'yang anak ko at ikaw na muna ang bahala sa kaniya. May aasikasuhin lang ako," aniya ng aking ina sabay tuluyan na kaming iniwang dalawa ni BenChua.

Napansin ko na t'wing tinatawag niya ang pangalan ni BenChua ay hindi buo, nakakalito kasi minsan pero gano'n talaga ang name niya. Nakaalis na nga si mama habang kaming dalawa na lang ni BenChua ang naiwan. Tiningnan ko ito at may bahid pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. Ganito talaga siya maging concern noh? Gwapo pa rin!

"Halika na babe, kumain ka na. Gusto mong sumabay pa ako sayo para ganahan ka?" Hawak nito ang pagkain ngunit ang tono ng boses niya ay nang-aakit.

Lumapit pa siya at sinubuan ako ng pagkain na hawak niya. Lugaw lang iyon dahil alam ni mama kapag maysakit ako hindi ako kumakain ng heavy meal.

"Ikaw anong kakainin mo? Tigilan mo nga kakatawag ng babe sa akin!"Iritableng sabi ko. Sa totoo lang pabor naman sa akin ang tawag na 'babe' pero syempre ayokong masanay at may aayusin pa ako sa status naming dalawa.

"Kakain ako pagkatapos mo. Okay lang naman ako, inaalala kita kasi kailangan mo ng magkaroon ng maraming lakas," seryosong sambit nito at bigla nag-iba ang awra dahil sa pagiging masungit ko sa kanya.

Napangiti ako nang bahagya sa naisip ko. Sabi nila, kapag sobrang nag-aalala sayo ang isang tao mahal na mahal ka no'n, ibig sabihin hindi lang niya ko gusto.

"Sige na kakain na po ako, huwag ka na sumimangot. Nawawala kapogian mo."Yumuko ako dahil nadulas ako sa sinabi ko sa kaniya. Siya kasi! Pinipilit pa akong kumain hanggang sa tumunog na nga ang tiyan ko dahil gutom na rin talaga ako.

"Ikaw ha? So gwapo talaga ako?" pagtatanong nito dahilan para ngumiti siya ngayon ng nakakaloko.

"H-ha? A-anong s-sinasabi m-mo?"utal-utal kong sabi.

"Wala! Sige na kumain ka na oh, nganga ka na." Utos nito.

Sinunod ko na lamang ang utos niya, bago niya isubo ay talagang hinihipan niya muna ang mainit na lugaw. Hindi ko tuloy maiwasan na tumingin sa mga mata niya, ang seryoso kasi pero makikita mo ang pagiging maalalahanin ang sweet niya sayo.

"I know ang gwapo ko pero baka matunaw naman ang gandang lalaki ko sa kakatitig mo," biglang wika nito.

Napatigil ako sa panguya at napataas ang kilay. Akala mo naman sobrang gwapo mo, pero oo gwapo ka BenChua.

Sinubukan ko na lamang nguyain iyon bago tuluyang sumagot sa sinabi niya. "Asa ka! Sige na ako na lang kakain, kaya naman ng kamay ko."

"Hindi na, ako na. Alam ko gusto mong subuan kita."

"Ibibigay mo 'yan o hindi ko uubusin? Sige mamili ka." Seryosong saad ko dahil lumalaki ang ulo niya.

"Ang sungit mo naman kapag maysakit, o sige na iyan na. Kumain ka nang mabuti ha? Lalabas lang ako at bibilhan ka ng tubig, nakalimutan siguro ni tita kanina. Dito ka lang." Bilin nito at tumango naman ako habang sinusubo na ang lugaw.

Umalis na nga si BenChua at naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto, napansin kong malapit ko na rin maubos ang lugaw ng may sumagi sa isip ko. Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang totoo? Paano kung magalit siya at umalis don siya? Ang hirap naman!

Sa sobrang sunod-sunod ang mga bumabagabag sa akin ngayon, pinili ko munang itabi ang lugaw sa lamesa na nasa tabi ko at sa totoo lang nakaramdam na rin ako ng uhaw. Subalit, mas lamang yung mga tanong sa isipan ko. Ang hirap talagang magmahal, pero mas mahirap kapag maiwan sa ere.

Habang naghihintay ako, hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano, sa totoo lang hindi madali ang ganito. Akala ko kasi noong panahon na hindi kami nagkakausap ay wala na. Sa sobrang kampante ko, nawala na siya at may dumating man sa buhay ko pero hindi rin naman ito sigurado.

Napabutong-hininga na lamang ako sa mga iniisip ko. Sa kalagitnaan ng malalim kong pag-iisip, may kumatok sa pinto.

"Cinyla?" Tawag nito sa pangalan ko mula sa labas ng kwarto.

Hindi ko alam kung sino iyon, pero pamilyar sa akin. Bumukas ang pinto at nakita ko kung sino ang tumawag sa akin, walang iba kundi si ex. Ang ex-boyfriend kong si Mark.

"Anong ginagawa mo rito?! Hindi kita kailangan!" Sigaw ko rito.

"Hindi kita guguluhin pa, gusto ko lang magpaalam at humingi muli ng tawad sayo. Alam kong may taong nagpapatibok ng puso mo ngayon at okay na akong malaman iyon." Paliwanag niya sabay abot ng isang maliit na paperbag.

"Mayroon man o wala, umalis ka na. Hindi ko kailangan niyan. Salamat na lang sa lahat!"

"Masaya ako para sayo, ingat ka palagi, Cinyla."

Tumalikod na lamang ako at binaliwala ang sinabi niya.

"Umalis ka na nga!" Malakas kong sabi hanggang sa may ibang boses ang nagsalita.

"H-ha? Kakarating ko lang dito, Cinyla. Anong sinasabi mo?" wika ni BenChua. Napaharap ako dahil wala na pala si Mark. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil mabuti hindi sila nagpang-abot at ang mahalaga hindi ako nakabanggit ng kahit anong pangalan.

"Ah wala, praktis lang iyon sa napanuod ko last time. Ginaya ko lang, Umalis ka na nga!" Pagdadrama ko para malihis sa isip niya ang mga bagay na hindi niya dapat itanong sa akin.

"Akala ko naman kung ano, eto na ang tubig uminom ka muna. Nagtext sa akin si tita, maya maya nandito na siya kaya pagkatapos mong uminom niyan, magpahinga ka na muna."

Kinuha ko ang tubig na binigay niya at uminom na rin. Ngumiti na lamang ako at umayos ng higa, kaunti lang naman ang kinain ko kaya okay lang na mahiga na ulit. Bago ako pumikit at tuluyang magpahinga ay tinawag ko siya.

"BenChua, salamat!" masayang sabi ko at inayos ang sarili ko.

Lumapit ito at kinumutan ako, hinawi-hawi ang buhok ko. "Magpalakas ka lang babe, kailangan mo 'yan. Nandito lang ako sayo palagi," malambing nitong wika kaya't sumilay sa labi ko ang isang matamis na ngiti dahil sa mga sinabi niya.

"Sige na pahinga ka na, i-kiss mo na lang ako sa susunod." Pagbibiro nito. Hinampas ko nga siya at tumalikod."Ang dami mong alam! Sige na pahinga na ako."

Marami man akong gustong sabihin at itanong sa kaniya, pinili ko na lamang ang manahimik narinig ko rin ang mahinang tawa nito at umupo sa maliit na sofa na mayroon dito sa kwarto. Ngayon ko lang napansin na VIP room ang kinuha ng matandang babae na 'yon. Nalungkot ako ng maalala ko 'yon, ito nga siguro ang dahilan ng ex ko. Mas lamang ang pinalit niya sa akin financially at physically. May alindog pa rin kasi iyon ng bahagyang maalala ko ang kabuuang itsura at katawan nito. Kumpara sa akin na simple lang at wala naman talagang p'wedeng ipagmalaki.

Niyakap ko na lamang ang sarili ko at sana sa paggising ko mamaya makalimutan ko na ang pait ng nakaraan, ang sakit ng kahapon at higit sa lahat ang taong naging dahilan para manghina ako ng ganito.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko kahit sa totoo lang, hindi ako makatulog dahil naaalala ko ang mga sinabi ng ex ko noong umamin siya kanina. He is my first boyfriend at halos dalawang taon din kami, pero lahat lang pala ay imahinasyon para sa akin dahil sa kataksilan niya.

Pinilit kong alisin ang bigat sa puso ko pero wala akong nagawa kundi tanggapin lahat ng ito. Hindi ko namalayan na may basang likido na palang bumabagsak sa magkabilaang mata ko.

Bakit ganito kasakit? Sana hindi na lang kita nakilala Mark at sana dumating na lang si BenChua. Hayaan mo huling iyak na 'to na ikaw ang dahilan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro