Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Overflowing Emotions

Cinyla’s POV

NAGISING na lamang ako na iniinda ang sakit ng katawan ko at mas bumibigat pa ito dahil sa sikat ng araw. Napatingin ako sa paligid ko, "Nasaan ako?" sambit ko at dahan-dahan akong umupo hanggang sa may mga aparatus na nakabit sa aking kamay.

"Iha, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" takang tanong ng babaeng matanda na kasalukuyang nasa harapan ko. Batid ko nasa 50 anyos na ito ngunit kahit na nakikita na sa kanya ang katandaan, maayos pa rin itong manamit at ang mukha ay mga mga kung ano-anong kolorete pa.

"N-nasaan po ako?" takang tanong ko rito dahil wala akong maintindihan sa nangyayari.

"Kasalukuyan kang nasa hospital ngayon, hindi ko sinasadya na mabangga kita. Dinala ka rito ng boyfriend ko, gusto mo bang tawagin ang mga magulang mo?" pagprepresenta niya.

Napalunok ako at napaisip sa sinabi niya, dahil nabanggit niyang dinala siya ng kaniyang boyfriend. Ang tanging naalala ko lang ay sobrang sama ng loob ko sa boyfriend ko, este sa ex-boyfriend kong si Mark kaya narito ako sa hospital dahil kasalanan niya ang lahat.

"Hindi na po, kaunting galos lang naman siguro ang natamo ko.Maraming salamat po sa pagdala sa akin dito," seryosong turan ko.

"Sure ka ba iha? Ako nga pala si Celina Barbara Wung. Pasensiya na talaga sa nangyari, hindi ko sinasadya. Bakit ka ba kasi tumatakbo bigla sa kalsada? Anyways, you need to rest. Babayaran ko na lang yung bill mo rito and mag uutos ako kahit kanino para dalhan ka ng pagkain. I will leave my calling card here if you need something. Pasensiya na talaga kailangan ko munang umalis." Mahabang pagpapaliwanag nito.

Kahit na sa totoo lang na may agam-agam ako sa pangyayari ngayon, hindi ko pa rin lubos na maisip na matagal na pala akong niloloko ni Mark. Sino ba yung babae niya? kainis naman! Hindi ko man lang siya nakausap tungkol dito.

Hanggang sa may pumasok at iniluwa niya ang lalaking iniisip ko mula kanina. "Nandito na ako loves!"Masiglang bati nito sa matandang babaeng hinalikan niya sa pisngi. "A-ano?!" Sigaw ko dahil nabigla akong siya pala ang babae nito. Kailan pa siya nagmahal ng matandang babae at pumatol sa sugar mommy ha?!

"Loves, magkakilala kayo?"inosenteng tanong nito.

Napataas na lang talaga ang kilay ko sa mga nangyayari. "HINDI!" mabilis kong sabi. "Madam, kung maaari lang umalis na po kayo. Isama mo na rin 'yang lalaki na 'yan! Gusto kong magpahinga at baka hindi ako makapagtimpi, kasuhan ko kayo sa ginawa ninyo sa akin. Please, leave me now!" Utos ko rito. Lalapit pa sana ito sa akin pero pinigilan ko gamit ang kanang kamay ko at ang lalaking dahilan ng galit ko ngayon ang nagsabing, "Sorry miss, aalis na kami."

Lumabas silang dalawa at sinarado ang pinto.  Habang ako narito sa pesteng kwarto na 'to at hindi man lang makakilos. Hindi ko man lang nasampal ang babaeng iyon. Ngunit pinili kong hanapin na lamang ang selpon ko upang matawagan ang ina ko. Mabuti na lang nasa ibabaw ng lamesa iyon na malapit sa akin. Dali-dali kong kinuha at tinawagan ang numero ni mama.

Ma, sagutin mo na. Ikaw na lang magsundo sa akin dito.

"Hello anak! Nasaan ka na?" bungad nito.

"Ma, pasunod po ako rito sa Saint Dr. Avenue Hospital. Mamaya na po ako magpapaliwanag. Hintayin ko po kayo."

"Ano?! Osige, papunta na ako riyan. Hintayin mo ako, Cinyla."

Pagkatapos, wala pang ilang minuto ang usapan namin ay binababa niya na lang. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko at napahawak sa selpon ko. Paano ko ba sasabihin itong mga nangyari? Hindi ko naman gusto ito, hays! Sana maniwala si mama.

Habang naghihintayako ay may maliit na piraso papel akong nakita sa ibabaw ng lamesa naroon ang basket ng mga prutas na binigay siguro ng matandang babae na iyon. A.K.A sugar mommy ng ex-boyfriend ko. Hindi ko alam kung karma ba 'to o sadyang nanadya ang tadhana sa akin. Kinuha ko na lamang ang calling card na iyon at nilagay sa loob ng bag ko.

Ilang saglit pa ay may kumatok na sa loob ng pintuan ko. "Nak, si mama ito," wika nito sabay bukas ng pintuan at bumungad ang aking ina na labis ang pag aalala.

Dali-dali itong lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Hinawak-hawakan ang pisngi ko at sinabing, "O-okay ka lang ba nak? Anong nangyari sayo? Sinong may gawa nito?" sunod-sunod nitong tanong dahilan para sumakit ang ulo ko.

"Isa-isa lang po, ma. Maupo muna kayo at sasabihin ko ang lahat."

Umupo na nga ito sa upuan na mayroon sa gilid na nakatabi sa akin. "Papunta na rin siya mamaya, sinabihan ko rin si BenChua," dagdag ng aking ina at humawak sa kamay ko.

"Ma, okay na po ako. Huwag na po kayong mag-alala. Kasalanan ko po ito, tumawid ako bigla kaya nabangga ako. Medyo heto masakit ang mga katawan pero siguro bukas p'wede na po akong lumabas. Pero kasalanan po ito ni Mark, yung ex-boyfriend ko... Pero ma please, huwag ninyo na awayin pa ang kumare ninyo dahil dito. Alam ko kasalanan ko dahil hindi ko ito sinabi sa inyo. Kaya heto, naparusahan ako dahil na rin naglihim ako."

Napayuko ako at pilit na tinatago ang mga luhang nagbabadya na sa magkabilaang pisngi ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko para hindi ito tuluyang bumagsak. Ngunit naging emosyonal ako at hindi ko napigilang bumagsak ito, hinawakan ni mama ang kamay ko at pinatahan ako. "Alam ko naman nak, sinabi ng mama niya last week. Siya talaga ang pinuntahan ko noong panahon na abala ako at ginabi ng uwi. Masakit man sa akin pero alam kong mahal mo si Mark, pero hindi ko mapapatawad ang pagloloko niya. Kaya nga noong nalaman kong manliligaw mo si BenChua, sumang-ayon ako dahil siya ang nararapat sayo. Hindi si Mark na isang manloloko."

"Ma..."

"Shhhh! Hindi mo dapat iyakan ang walang kwentang lalaki na 'yon, hindi nga ako nagkamali sa nakita ko no'ng nakaraan na may kasama siyang babae, pero kasi akala ko tita niya lang iyon dahil matanda. Kaya hindi rin talaga ako sigurado 'non nak, pero may pakiramdam ako na iyon ang bago niya," paliwanag ni mama.

Nalungkot ako ng marinig ang lahat ng iyon. Hindi man lang sinabi ni mama sa akin lahat ng 'to, pero imbes na isipin gusto ko na lang kalimutan agad. Gano'n-gano'n lang pala sa kaniya ang lahat. Nakakainis!

"Ayos ka lang ba nak?" takang tanong ni mama.

"Opo mama, ayos lang po ako. Masakit lang po ang katawan ko." Pagdadahilan ko sabay hawak sa braso ko, pero ang totoo, okay naman na talaga ako. Kahit na nasasaktan talaga ako, emosyonal.

"Sige na nak, magpahinga ka na muna. Gisingin pa ba kita kapag dumating si BenChua?"

"Opo mama, pero ngayon po ay tamang magpahinga na muna 'ko."

Ngumiti ito at tumayo, pagkatapos ay kinumutan ako. "O siya, anak, magpahinga ka na. Magpalakas ka hahanapin ko ang nakabangga sayo." Seryosong saad ni mama ngunit pinili ko muna ang magpahinga. Tuluyan na rin nagsara ang mga mata ko dahil sa pagod, sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.

"Tita, anong nangyari sa kaniya?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro