Chapter 16: The Past Encounter
Cinyla's POV
DUMAAN ang maraming araw, hindi ko na rin maintindihan ang mga kilos ni BenChua. He is always acting liked a woman, na para bang buwan-buwan ay may dalaw. Mainit ang ulo niya sa mga employees, pero kapag ako ang kausap o kaharap niya umaamo ang mukha niya. Minsan, nakakatakot siyang lapitan. But we are in the same company and one room, dahil ako ang secretary niya. Kaya heto, I need to take care of myself baka maging dragon siya ng wala sa oras.
Palagi ko rin napapansin na tumutunog ang telepono niya pero hindi niya naman sinasagot. Ano kayang problema niya? Habang abala ako sa pag-aayos ng schedule niya ay tumunog ulit ang telepono niya pero wala itong pakialam, tila sobrang abala niya sa binabasa niya.
Hindi ko mapigilan na mapatingin sa gawi niya dahil paulit-ulit na tumutunog ito pero hinahayaan niya lamang. Dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko, I ask him. "Sir? Hindi ninyo pa rin ba sasagutin 'yan? It almost ring 10 times,"
Tumingin ito sa akin at sinabing, "This matter is not your business. Focus on your work," Halos matuyuan ako ng laway sa aking lalamunan dahil sa sobrang pagiging seryoso niya. Sabi ko nga dapat manahimik na lang ako. Pilit na ngiti ang pinakita ko sa kaniya at humingi ako ng pasensiya. Nakakadistract kaya yung telepono mo. Panay tunog, kapag 'yan tumunog at wala ka sasagutin ko 'yan.
Pinili ko na lamang gawin ang sinabi niya dahil ayoko na rin makipagtalo pa sa kanya. Hindi naman siya ganito kapag nasa labas kami, sobrang strict lang talaga niya kapag nasa opisina kami na para bang walang sino-sino para sa kaniya. Kapag usapang trabaho, trabaho dapat.
Napatingin ako sa relo ko at wala pang alas dose ng tanghali, pero kumukulo na ang tiyan ko. Bakit ang aga mo naman self magutom? Biglang tumayo si BenChua at sinabing, "I need to go for the meantime Cinyla. Ikaw na muna ang bahala rito. If you hungry, you can take your lunch early okay? Sige alis na'ko." Paalam nito at tumango lang ako sa kaniya at ngumiti bilang pag sang-ayon sa mga sinabi niya.
Sa totoo lang, he is so sweet and caring kahit na madalas siyang masungit he still proved that he loves me. Napangiti naman ako nang maisip ko ang mga ito. Destiny siguro talaga kami dahil yung panahon na nakitira siya sa amin. LDR kami ng boyfriend kong si Mark, pero nitong nagdaang araw wala man lang siyang paramdam kaya heto nalilito na rin ako kung bakit nga ba hinayaan ko pa mahulog ang loob ko kay BenChua.
Sa kalagitnaan ng pagdadrama ko ay tumunog ang selpon ko. Dali-dali ko itong kinuha sa bag ko upang sagutin dahil baka importante.
"Hello?" wiko ko sa kabilang linya.
"Hi baby! Kumusta ka na?May gusto sana akong sabihin sayo, pwede ba tayong magkita pagkatapos ng pasok mo?" takang tanong nito dahilan para mapatingin ako kung sino ang kausap ko. Unknown number kasi ang nakalagay kaya hindi ko nakilala, bagong numero niya yata ito pero pamilyar sa akin ang boses niya.
Tumayo ako nilagay ulit sa tainga ko ang selpon, "M-Mark?"
"Yes baby, ako 'to si Mark. Susunduin kita ng 6 p.m sana magkita tayo. Hihintayin kita sa labas. Hintayin mo na lang ang tawag ko." Pagkatapos ay binababa niya ang tawag ng hindi man lang ako nakapagsalita.
Teka, pupunta siya rito? Paano kapag nalaman 'to ni BenChua! Ugh! Sa sobrang kaharutan nawala siya sa isip ko.
Halos pagpawisan ako ng malagkit, hindi ko alam itong pinasok ko alam kong mali pero hindj pa naman kami totally ni BenChua at bago ko siya sagutin aayusin ko muna ang sa amin ni Mark.
Inayos ko ang sarili ko dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si BenChua na nakabusangot ang mukha. Natawa ako nang bahagya ng makita siya pero hindi ko iyon pinahalata dahil ayoko siyang magalit sa akin. Kakaiba pa naman siya magalit, tingin niya pa lang nakakapanghina na.
"Hindi kita mahahatid mamaya, may aasikasuhin lang ako. Just take care, Cinyla. Update mo na lang ako kapag nakauwi ka na," seryosong wika nito sabay upo nito sa office chair niya.
Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko dahil hindi ko siya makakasama pero sa kabila nito hindi niya rin alam na kakausapin ko si Mark.
"Sige po, okay lang." Tipid kong sagot at nang makita ko ang oras sa relo ko pinili ko na rin muna na magpaalam sa kanya para maglunch.
"Kumain ka na ba?" takang tanong ko rito bago tuluyang umalis sa opisina namin.
"Yes, kumain ka na. May ipapagawa pa ako sayo," seryososong saad nito kaya mas nagkaroon na naman ng kalabog sa dibdib ko.
"A-ano p-po?" utal kong tanong.
"Mamaya na. Kumain ka na muna, may aayusin pa ako."
Napalunok na lang ako at inayos ang sarili ko, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa ipapagawa niya. Kung anuman iyon sana tungkol lang sana sa trabaho ko sa kanya bilang secretary.
Hinayaan ko na lamang iyon dahil ayoko munang mag isip nag mag isip dahil mamaya magkikita pa kami ni Mark. Isa pa nga ito sa pinoproblema ko, hindi niya alam ang nangyayari sa akin.
Dumiretso na lang ako sa canteen at hindi ko inasahan na may kakaiba roon dahil wala masyadong tao, nakakapagtaka dahil kapag pasadong alas dose dapat marami-rami na rin ang nakain.
Nag order na lang ako ng kainin at isang order ng ulam na adobo. Hindi ko rin naman trip kumain nang marami dahil sa mga iniisip ko. Kasalukuyan na akong kumakain ng biglang tumunog ang selpon ko.
Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mark, binasa ko iyon at hindi ko inasahan ang bumungad sa akin.
Gusto kitang makita para personal natin mapag-usapan ang dapat. Alam kong naging abala ako at ikaw rin. Hindi na rin kaya pa ng konsensiya ko ang ganito kaya personal kita kakausapin, Cinyla. See you mamaya!
Simple lang naman iyon at wala pa siyang nababanggit pero nasasaktan na ako sa mga iyon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko mayroong kakaiba at hindi magandang balita ang mga aaminin niya sa akin. Kung anuman ang mga iyon kailangan kong maghanda, kailangan ko rin magpakatotoo...
Inubos ko na ang pagkain dahil gusto ko na rin makabalik sa opisina. Wala naman akong ibang gagawin doon kundi tapusin ang ibang tasks na mayroon ako.
***
UNEXPECTED CONVERSATION
Nakabalik na nga ako sa opisina pero wala roon si BenChua pakiramdam ko, abala siya sa ginagawa niya. Kung anuman iyon sana matapos niya na. Bumalik na lang din ako sa table ko at inasikaso ang mga dapat kong matapos.
Habang nag aasikaso ako sa ginagawa ko ibabaw ng lamesa, may nakita akong sobre roon na kulay puti at nakalagay sa likod ang pangalan ko na Cinyla My Loves na may puso pang tatlo sa dulo nito.
Napangiti naman ako ng makita iyon, binuksan ko na iyon dahil alam kong galing ito kay BenChua ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ngayon.
Bumungad sa akin ang mga pangungusap na mas nagbigay lakas ng tibok sa aking puso.
Hi Cinyla, I am really sorry if pagdating mo wala ako. Sobrang busy talaga and my mom will come this week. Baka magpaalam na rin ako kay tita na next week doon na ako magstay sa mansion. Ito talaga ang sasabihin ko ayoko makitang malungkot ka kaya dinaan ko na lang sa sulat. Pasensiya na, I have dinner with my mom later kaya hindi kita maihahatid. Ingat ka palagi, i miss you my future.
-BenChua you future husband
Halos maluha ako ng matapos kong basahin ang sulat niya. I want to meet her mom but not now, kailangan ko muna ayusin ang problema ko kay Mark. Kailangan makipaghiwalay na ako, I know mali ito but I want to clarify everything with him, soon.
Tinabi ko ang sulat niya at bumalik ang focus ko sa laptop. I fix everything dahil maya maya ay magkikita kami ni Mark. Gusto kong maayos ko siyang harapin at maging handa ako sa pag uusap namin na kahit alam kong ako ang talaga mahihirapan dito.
Lumipas pa ang ilang oras at sa wakas ay natapos ko na rin ang ilang papeles ni Sir BenChua para sa proposal niya para sa mga ongoing partnership niya. Actually wala naman akong babaguhin, more on compiling and revising lang din ang ginawa ko sa mga informations. Nag unat muna ako at inikot-ikot ang ulo ko dahil nakakapagod din ang tumutok sa laptop ng ilang oras. Tumingin ako sa relo ko at isang oras na lang at mag 5 p.m. na rin pero hindi na bumalik si Sir BenChua. Ganito nga siguro ka-busy ang CEO. Akala ko noon ay papetiks-petiks lang.
Umilaw ang selpon ko na nasa ibabaw ng lamesa kung saan senyales ito na may natanggap akong mensahe. Kinuha ko ito at binasa at isang unknown number ang natanggap ko.
UNKNOWN NUMBER
I'm here, Cinyla. Hihintayin na lang kita sa labas. See you.
Received 4:30 P.M.
I know this message is from him-Mark. Kaya naglinis na ako ng lamesa ko at inayos ang sarili ko. Dahil kalahating oras na lang ang natitira at alam kong mamaya ay uwian na rin namin. Kinakabahan man ako dahil sa pwedeng mangyari pero alam kong kailangan din namin ito para magkaalaman na at masabi ang dapat.
Makalipas ang kalahating oras, inihanda ko na ang sarili ko at nag-out muna ako para sa attendance namin. Mahalaga kasi sa trabaho rito ang in and out para sigurado ang attendance mo bilang isang employee. Pagkatapos nito ay huminga muna ako nang malalim at tinawagan ko ang numero na tumawag sa akin kanina.
"Hello Mark? Nasaan ka?"
"Hi! Natatanaw na kita diretso ka lang malapit sa parking lot at yung black na kotse na katapat ng pula bandang kanan, ayun makikita mo ako."
"Sige-sige, hintayin mo na lang ako." Binababa ko na ang tawag at dumiretso sa parking lot.
Naaninag ko nga ang itim na kotse at nakita ko ang matangkad na lalaki na nakatayo roon na nakasuot ng pulang t-shirt. Nakangiti ito sa selpon niya na para bang may kausap, nakaramdam ako ng kirot pero hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makita niya ako.
Umayos ito at tinago ang selpon niya sa likod ng bulsa ng pantalon niya. "Nandiyan ka na pala, tara sa loob na lang tayo ng kotse ko mag-usap." Walang anu-ano ay sumang-ayon ako at sumakay sa harapan ng kotse niya. This is the fourth time that I met him, but this time kakaiba ang pakiramdam ko.
Nakaupo na kami pero pareho kaming napipi at hindi alam ang sasabihin. Umayos ako ng upo at sinira ang katahimikang namamagitan sa maing dalawa. "K-Kumusta ka?" Panimula ko sabay tingin. sa kaniya.
Sumagot ito, "Okay lang naman, naging abala lang sa ibang bagay. Cinyla, ayoko ng patagalin pa. Aaminin na ako,"
"H-ha?!"
"Patawarin mo sana ako, minahal kita alam mo 'yan. Pero hindi na kaya ng konsensiya ko na hindi mo alama ang mga ginagawa ko. Sana mapatawad mo ako... Sana." Humawak ito sa kamay ko dahilan para mas magtaka ako dahil hindi ko maintindihan ang punto niya.
"Diretsuhin mo na'ko," seryosong turan ko.
Yumuko ito at sandaling tumahimik.
"Ano na Mark?!" wika ko.
"I cheated on you, Cinyla..."
"Sorry ayoko ng lamunin pa ng konsensiya, kaya heto personal akong nagsabi sayo. Hindi ko na kaya na lokohin ka pa, Cinyla.Patawad kung hindi ako nagpaparamdam dahil ang totoo may iba na ako, kaya nandito rin ako para personal akong makahingi ng kapatawaran sayo," maluha-luha niyang sabi.
Ngunit wala akong mabanggit na kahit anong salita dahil halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Pero anong sabi niya? He cheated on me?
"Cinyla my baby! Patawarin mo'ko." Pagmamakaawa nito habang hawak pa rin ang mga kamay ko subalit nanatili pa rin akong tahimik at hindi makagalaw sa pwesto ko. Hindi ko maintindihan lahat ng mga sinabi niya.
"Alam kong nasasaktan kita ngayon kaya okay lang na sampalin mo'ko at iwan. Hindi mo'ko deserve," paliwanag niya.
Hindi ko napigilan, unti-unting bumuhos sa mga mata ko ang mga nagbabadyang mga luha mula kanina.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. "Break na tayo! Stop contacting me! Hindi ko alam kung kailan kita mapapatawad pero kung sinuman ang babae mo ngayon, ingatan mo na." Lumabas ako ng kotse niya na kahit anong dungis ko dahil sa pag-iyak ko ngayon, wala na akong pakialam basta makaalis na ako.
Bakit ang sakit magmahal? Bakit parang sobra naman ang karmang nararanasan ko?
Sa hindi inaasahan na paglalakad ko sa kawalan ay may kotseng dumaan sa harapan ko.
"Cinylaaaaaaa!" Sigaw ng pamilyar na boses at nanlabo ang mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro