Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Courtship Time

BenChua Pov's

NAGISING ako dahil sa mabangong amoy, amoy mamahaling bulaklak sa aking hardin, hinawakan ko ang mahaba at itim na buhok ni Cinyla. Ang lambot nito na tila alagang-alaga ng dalaga na katabi ko ngayon. Mahimbing itong natutulog sa aking tabi kaya't hindi ko maiwasan na titigan ang maamo nitong mukha. Humarap ako sa kanya para makita ang perpekto niyang mukha. Simula ng makita ko ang ganda mo wala na akong gustong hanapin pa. Ikaw lang, Ikaw na nga sana...

Bumangon ako at kinumutan na lamang siya, mukhang mamaya pa siya magigising.Sa totoo lang hindi pa ako sigurado sa gagawin kong panliligaw kay Cinyla but her identity attract me a lot. Because she is honest, matured and awesome woman that I met. Hindi ko nga akalain na mahuhulog ang loob ko sa kanya pagkatapos niya akong sungitan araw-araw.

Sabi nga sa kasabihan, "The more you hate, the more you love." Para talaga kaming aso't pusa dahil puro bangayan, pagtatalo at madalas nauuwi pa sa hindi pagpapansinan. Pero isa lang ang masasabi ko, we met to for a reason and that is knowing each other. Nagtimpla na muna ako ng kape dahil gusto ko siyang hintayin na kumain na rin kapag nagising siya. Itong VIP room na mayroon ako ay para lang talaga sa akin, she is the first girl that come and stay here. Hindi ko alam kung anong mayroon siya na mas pumukaw sa atensyon ko, hindi rin kasi talaga ako interesado sa babae.

Umupo muna ako sa malapit na table sa gilid ng kama. Habang humihigop ng kape, naalala ko lahat ng sakit ng nakaraan ko. I hate my father for being a liar to us and f*ck I remember his bastard actions.

FLASHBACK

"Ano bang problema at hindi mo ako mapakilala sa parents mo? Sampung taon na si Ben, wala ka pa rin bang balak? Kahit nga kasal kinalimutan mo na rin!"

"Give me time to do this, alam mo naman na may iniingatan akong pangalan. Hindi madali ang mga hiling mo."

"Oh wow! So ako pa talaga ang masama dahil sa hiling ko? Ano ba may pakialam ka ba sa akin at sa anak mo, Paolo?!"

"Teka anong hiling? Obligation mo 'yon. Bakit nga ba kasi ako pumayag, bakit nga ba minahal pa kita!"

"Love, may pakialam ako sa inyo. But this time, hindi pa talaga pwede, alam mo naman 'diba?" Pagsusumamo ng lalaki na hawak-hawak ang kamay ng aking ina.

"Damn Paolo! Oo nga naman, sino ba naman kami sayo? Eto lang kami oh, walang lugar sa buhay mo dahil pangalawa lang talaga ako, kami ng anak mo! Sory ha, sorry kung hindi ako ang orihinal mong asawa..."

END OF FLASHBACK

Napadiin ang hawak ko sa baso na iniinuman ko ng kape habang ang kaliwa ko naman na kamay ay hindi napigilan na magwala sa lamesa.

Napabangon ang dalagang nasa kama dahil sa ingay na ginawa ko. Inayos ko ang sarili ko at binitawan ang kape na iniinom ko. "Good afternoon, baby!" bati ko rito upang isipin niya na wala lamang ang ingay na iyon. Hindi ko rin naman sinasadya na gumawa ng kahit anong ingay kaso naalala ko ang pait ng kahapon.

"O-okay ka lang po ba?" pagtatanong nito na may bahid na pag-alala sa akin. Naging kalmado ang puso ko ng makita ko ang inosente niyang mukha, ganito pala siya kapag bagong gising. Napakaganda niya, lalo.

Lumapit ako rito at hinimas ang mukha niya, "Okay na okay ako. Ikaw, kumusta ang tulog mo?" wika ko.

Ngumiti ito dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at ng ibuka niya ang bibig niya mas lalong nagwala ito na para bang may mahuhulog kapag tumigil siya sa kaniyang sasabihin.

"Maayos naman ang tulog ko, Sir BenChua. Ang sarap sa kama ang lambot. Teka, kanina ka pa ba gising?" tanong nito.

"Mabuti naman kung ganoon, I'm glad to hear that. Hindi naman kanina lang din. Gusto mo ba ng kape or kumain na tayo?" Pag-aalok ko sa kaniya pagkatapos ay hinigop ko na ang kape kong lumamig na dahil hindi ko masyadong nainom kanina.

"I'm hungry na rin, tara kain na tayo."

Lumabas na kami sa VIP room ko at gusto ko rin siyang supresahin para malaman niya na talagang seryoso ako sa kaniya. Mabuti na lang din at naalala ko iyon na may order akong mga bulaklak at may kasamang chocolates na paborito niya. Ibibigay ko na lang siguro iyon kapag nakauwi na kami para atleast mabigyan ko rin si tita.

"Saan po pala tayo kakain, sir?" pormal nitong pagtatanong.

"Sa Hjian Restaurant na lang, treat ko na rin. And stop calling me sir okay? Just baby or love na lang." Bulong ko rito pagkatapos ay hinawakan na ang kamay niya. Hindi ko alam bakit nag uumapaw ngayon ang saya ko, she is definitely gorgeous in my eyes that I think she deserves everything that I have right now. Ang lakas na yata ng tama ko sa kanya.

"Sure! I need to be formal kasi, alam mo naman maraming epal sa mundo." pagdadahilan nito at bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Don't mind them, wala akong pakialam kung anong sasabihin nila. Ipagsigawan ko pa ba na mahal kita?"

"BenChua!"

"Okay soon, I will do that. Tara na!" Hinawakan ko ang kamay niya at dumiretso na kami sa Hjian Restaurant. Walking distance lang kasi iyon, hindi na kailangan magmaneho pa kasi katabi lang talaga. Actually this is my restaurant, ipinatayo ko talaga siya sa tabi ng kompanya ko para atleast may malapit na kainan. And because I am half chinese because of my grand father, itong Hjian ang naisip kong pangalan.

Pumasok na nga kami at hinayaan ko na siya ang pumili ng orders namin. "Wow ang ganda naman dito! Wait, bakit parang may kakaiba?" Omg! Ikaw rin may-ari nito?" gulat nitong sabi.

"Y-yes!" Nakita niya kasi ang picture ko sa gilid ng pintuan, sa sobrang kabusyhan ko nawala sa isip ko na alisin iyon. Kaya heto, alam niya na agad.

"Nakakahiya naman, CEO ka na nga sabay may-ari ka pa ng Filipino- Chinese Restarurant. Nakakaloka naman!" pagngunguso nitong turan, dahilan para matawa ako nang bahagya dahil sa kacutan niya ngayon.

"Oh bakit ka natawa?!" inis nitong sabi. Kasalukuyan na nga kaming nakaupo at naghihintay ng pagkain. Hindi kasi siya makapag order agad kaya ako na lang ang pumili ng makakain namin.

"Nothing baby. Ang cute mo lang! Ikaw rin naman mamahala ng mga ito eh," tugon ko.

"Pero...ang daya lang kasi ikaw nandito ako nasa baba lang."

Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya sa mata. "Stop! Mahal kita at mahalaga ka sa akin. Wala akong pakialam kung ano ka, tanggap kita kahit ano sino ka pa. Tandaan mo 'yan okay? Tsaka lahat naman ng mayroon ako soon magiging sayo. Kaya please, stop insulting yourself. Nasasaktan ako," pagpapaliwanag ko.

"I will be always do my best para malaman mong wala lahat 'yan sa akin. Liligawan kita sa paraang alam ko and I will make sure na hindi mo na iisipin 'yan," buong tapang kong sinabi hanggang sa dumating na ang pagkain namin.

"Oo na po, Sir BenChua ko" malambing niyang turan. "Thank you!" sagot niya sa waiter at inalok niya na rin akong kumain.

Sa totoo lang, busog na akong makita siyang kumakain pero dahil ayokong mailang siya sumabay na lang din ako at aaminin ko ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko- ang makasama at makita siya nang mas malapitan.

Habang kumakain ay nag uusap lang kami sa kung ano-anong bagay. Nakakatuwa dahil pagkatapos ng pagiging aso't pusa namin heto kami, masayang nagpapalitan ng kwentuhan.

"Alam mo ikaw, ang kwela mo rin pala kausap noh? Pero hindi ko talaga akalain na after being a stranger magiging ganito tayo," natatawa niyang sabi habang tinutusok ang pasta gamit ang tinidor. I ordered specialty pasta na mayroon kami na ang sahog ng mga ito ay white at mga seafoods. "Ang sarap neto ha? Pwede bang mag-uwi tayo?" takang tanong niya sabay napangiti ako dahil nagustuhan niya talaga ang specialty pasta namin. "Sure! Papagawa ako ng bago sa chef para kay tita." Kinindatan ko siya dahilan ng kaniyang pagsamid. Dali-dali kong inabot ang tea juice dahil sa nangyari.

"Are you okay, baby?" pangungusap ko. Ininom niya muna ang binigay kong tea juice at kumalma muna sandali. "Dahan-dahan sa moves, ang speed mo! turan nito dahilan para mapangiti ako. Bakit ba ganito? Sa lahat ng kaniyang kilos, I find it cute kahit na naasar o naiinis na siya sa akin.

"Hoy! Tigilan mo na nga 'yan! Kanina ka pa nakatingin, baby." Tinakpan niya ang bibig niya ng tawagin niya along baby.

"I heard it, finally you called me baby. Damn, I loved it!"

"Shems! Bakit kasi ako nadulas..." Bulong nito dahilan para mapangiti ako dahil naririnig ko ang sinasabi nita kahit na mahina lang ang boses nito.

"Okay sorry. Are you done eating?" I asked.

Inayos nito ang sarili, "Yes! Basta yung pasta gusto ko 'non," pagpapaalala nito sa request niya. "Okay, ipapadeliver ko na lang para mauna sa bahay natin," paliwanag ko.

Ngumiti ito at nakita ko na naman ang happy pill ko, ang ngiti niyang nanaisin kong makita palagi sa kaniyang labi.

"Tara na? May aasikasuhin pa pala tayo," sambit ko ng makita ang oras ng relo ko na pasado ala-una na rin pala.

Bago kami tuluyang umalis ay nagsabi muna ako sa staff para maluto agad at before 5 p.m ay ma-deliver nila sa address na binigay ko.

Nang tuluyan kaming makaalis sa loob ng restaurant ko ay niyakap niya ako. "Thank you sa lunch! Thank you for making me feel better this day." She smiled again with me and give me a smack kiss in my chin.

"Let's go!" sabay hila sa kamay ko para bumalik sa office.

Hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko, ang kamay niyang kay lambot at ang paghalik niyang kahit sandali, nanaisin ko maulit.

I give up on you, Cinyla.  Still, I love you... I will always love you.

Nakabalik na kami sa opisina at bumalik muli kami sa reyalidad na dapat mas unahin ang trabaho. I am really hardworking person, kaya hindi pwede sa akin na basta-basta lang tatapusin ang mga pinapagawa ko. I make it sure it is the best, concise. information and on time.

Hanggang sa makatanggap ako ng tawag, at dahil abala naman si Cinyla ay sinagot ko ito.

"Kumusta ka, mahal kong anak? I am here in the Philippines."

Bakit pa siya bumalik? Kailan pa siya nandito sa Pinas? No! I don't want to see her. Not now... What I need to do?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro