Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: New Office

Cinyla Pov’s

NABIGLA ako sa mga nalaman ko tungkol kay BenChua. Akalain mo iyon, after being our doormate and suitor ngayon naman ay isang ganap na CEO sa pinagtratrabahuhan ko rito sa Spyanata Incorporation. Ibang klase pala ang magiging future ko!

"Are you okay?" he asked while looking at me.

"Yes po boss," mabilis kong tugon.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Sobrang formal love, pero sana kapag nasa bahay tayo love na lang itawag mo sa akin." Malambing nitong boses.

Hinampas ko siya at tinarayan, pagkatapos kasi ng mga nangyari kahapon ay heto na rin ako sa opisina niya kasama siya. Sobrang laki at talagang nakakapanibago kumilos, pero kahit na ganoon ay less lang naman ang trabaho ko; dahil kapag wala siyang meeting o ipagagawa ay pagtitimpla lang ng kape ang gagawin ko.

"Sige po boss, doon muna ako sa table ko." Paalam ko at bumalik na ako sa sarili kong table, hindi naman ako umalis o lumayo dahil ang secretary ng CEO ay nasa loob lang din ng kaniyang opisina. Ngumiti na lang ito at bumalik sa ginagawa niya, at dahil ngayon lang siya nakabalik sa trabaho panigurado marami siyang dapat asikasuhin.

Napatingin ako sa paligid kapansin-pansin ang kalinisan dahil black and white lang naman ang makikita mong kulay, higit sa lahat napansin ko rin na wala siyang masyadong gamit. Malaki talaga ang puwesto nito dahil kung tatansyahin ko pakiramdam ko pwedeng tatlo ang maging opisina rito kung nagkataon. Ngayon, malaking pagtataka pa rin lahat para sa akin ang mga pangyayari pero imbes na issipin nang isipin gusto ko naa laang tanggapin ang ganito atleast makikilala ko ng lubusan ang future boyfriend ko. Hindi ko rin talaga akalain na siya ang tinutukoy ng manager namin na CEO kaya pala last time sabi niya nagliliwaliw pa siya, ito na pala iyon.

At dahil abala ang future boyfriend ko este yung boss namin, pinili ko na lamang maging familiar sa mga gamit dito at sa mga dapat kong gawin para mas maayos kapag talagang nagsimula na rin ako.

Inisa-isa ko ang mga papel na nasa harapan ko, makakapal iyon at ng buksan ko ay mga rules and regulations ang nasa loob pero bumungad sa akin ang top 3 rules ni Sir Kiel. Iyon talaga ang mas pumukaw ng pansin sa akin dahil nakacapslock.

First, I don't like someone always been late.
Second, I loved coffee. I can drink three times a day. Dark coffee is the best for me.
Third, Phone is not allowed in my office unless it is needed.

Napatango ako dahil lahat naman ng rules niya ay madali pero ayokong maging kampante lalo na hindi ko pa siya nakakatrabaho, mahirap na. Tinandaan ko na lang lahat ng nakalista at nilinis ang table ko para wala siyang masabi na kahit ano.

Tumayo ito at lumapit sa akin para iabot ang isang makapal na folder. "Cinyla my love, check this I need this tomorrow morning and tomorrow you will be with me, I have meeting with our investor," he said seriously.

"Okay po sir, noted!" magalang kong sabi.

Kinuha ko na rin ang folder na binigay niya, napalunok ako dahil makapal ito na pakiramdam ko mapapasubok ako. Hindi ko naman kasi gawain ang ganito, madalas nag aasikaso lang akp ng mga papers na kailangan.

"Ang dami naman," bulong ko sa'king sarili habang isa-isa ko itong binubuklat.

“May problema ba?" takang tanong ni Sir Kiel na nasa harapan ko na pala ngayon at nag aalala ng sobra dahil hindi maipinta ang itsura nito.

"Y-yeah! Ayos lang po ako," magalang kong sabi.

"Sure? Sige maiwan muna kita rito sa opisina, I need to talk to someone muna. Mamaya may ipapakita ako sayo, aralin mo muna ang mga 'yan." Sabay halik niya sa noo ko at tsaka umalis.

Nabigla naman ako sa ginawa niya pero nang tuluyan siyang makaalis ay napangiti ako. Ganito ba magmahal ang isang CEO? Kung oo, hindi ko na siya papakawalan pa! Sinunod ko na lang din ang utos niya dahil panigurado marami siyang ipapakita na tingin ko ay parte sa pagiging secretary ko sa kanya.

Tinabi ko muna ang folder na binabasa ko kanina lang, tumayo muna ako at naglibot dito dahil gusto ko rin maging pamilyar ako da bawat labas at pasok ko. Ang laki talaga ng opisina na 'to noh? Teka, buhay pa kaya ang mga magulang niya? Bihira niya kasing mabanggit sa akin iyon eh kaya wala akong alam sa buhay niya lalo na sa pamilya niya.

Nagsimula na nga akong maglakad-lakad at kitang-kita ko talaga na sobrang malinis at maayos ang lahat dito sa loob ng opisina niya.
Mahilig din pala siya sa halaman dahil sa bawat gilid ay may malalaking halaman, nilapitan ko iyon para malaman kung totoo ba or baka artificial lang pero totoo nga.

Wow Amazing! Bihira sa lalaki ang mahilig sa halaman o else trip niya lang na mayroong ganito sa loob.

Nilibot ko pa ang aking sarili sa kaniyang lamesa. Nakita ko roon kung paano siya maging malinis at organized dahil sa ayos nito at lahat ng mga kailangan niya ay may label na nakalagay para hindi ka maririto kung ano ang nakalagay sa bawat maliliit na bilog. Ngunit nakaagaw pansin sa akin ang kaniyang mga litrato, napangiti ako at pinagmasdan ito nang mabuti. Sobrang cute niya rito at higit sa lahat may isang matandang babae akong nakita na katabi niya, pakiramdam ko ito ang kaniyang ina dahil magkahawig sila sa mata at ilong.

Silang dalawa lang ang nakita ko wala ng iba pa. Siguro ay solo siyang anak o baka talaga silang dalawa na lang talaga ang magkasama pero nasaan ang ina niya ngayon? Napakunot-noo pa ako dahil sa mga alahanin na iyon. Bukas ang pinto at isang gwapong nilalang ang nilabas nito- Si Sir BenChua. Nakasimangot ito at halos magkrus ang landas ng kaniyang mga kilay.

"Good afternoon, sir!" bati ko rito habang palapit nang palapit ito sa akin. Hindi ko inasahan ang itutugon niya dahil tahimik siyang lumapit lalo sa akin at yumakap nang mahigpit.

"I-I need you... I miss you," mahinang saad nito at mas yumakap lalo.

Hindi ko man alam ang nangyari sa kanya pero nararamdaman ko ang pagod at kalungkutan dahil sa bigat ng katawan niya. Kumawala ako sa yakap niya at tiningnan ang mukha niya. "Okay ka lang ba? Ano bang nangyari sayo, sir?" mapagalalang wika ko.

"Nothing, stop calling me sir. Love is better. Next time na lang kita igagala rito sa office mo. Alam kong naglibot ka na pero hindi pa yung buo. Don't worry, marami pa namang oras this time gusto ko muna magpahinga kasama ka."

Magsasalita pa sana ako pero hinila niya ang kamay ko at sa malapit na itim na pintuan pinasok namin iyon. "Saan tayo pupunt-"

Bumungad sa amin ang isang simpleng kama na classic ang datingan dahil sa ayos nito at sa mga disenyo sa bawat gilid. Wala naman nagbago sa kulay pero ang makikita ng mga mata mo brown at dorty white lamang.

"Anong gagawin natin dito?" pagtatanong ko.

Sinarado niya ang pinto at hinila muli ang kamay ko at napaupo kami sa kama. Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nagkaroon ng maraming reindeer na sunod-sunod ang ginawa nilang pagtalon.

"S-sir..."

Humiga ito at hinila ako sa tabi niya at mas bumilis lalo ang tibok ng puso ko tibok nang tibok. "Just give me an hour, love. Pahinga muna ako at dito ka lang sa tabi ko," pangungusap nito. Pumikit na rin siya at hindi na ako nagdalawang isip na magsalita dahil kailangan niyang magpahinga.

Kasalukuyan akong nakaharap sa kanya at pinagmamaadan ang kabuoan niya, ang tangos ng ilong niya at ang mapula niyang labi. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko dahil sa mga naisip ko pero pilit kong binura iyon dahil mali.

Habang tulog ang lalaking nasa harapan ko ngayon, kinabisadonko na lamang ang kabuoan niyang mukha. Perpekto masyadon na tila sobrang pinagpala ng Poong Maykapal.

"Stop looking at me liked that love. I know I'm handsome." Pagsasalita nito kahit nakapikit na.

Akala ko ba tulog siya? Nagtulog-tulugan lang yata.

"Matulog ka na nga!" Utos ko rito at naghintay pa ako ng sasabihin niya ngunit mahinang hilik na lamang ang narinig ko. Wala na nakatulog na nga.

Sleep well my future, love.

Ginalaw ko ang kamay ko at ginewang-gewang pa sa harapan niya para malaman ko kung gising pa ba o ano, pero wala ng naging tugon pa. Mukhang tulog na nga ang future ko. Naisipan ko na lang din ang pumikit na upang sabayan ang pahinga niya, sana hindi na matapos 'to... Kung pwede lang ganitonna lang at sana walang magbago kahit anuman ang pagdaanan naming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro