Chapter 10: Unexpected bonding with Him
Cinyla’s POV
MADALAS na nga na kaming magkasama ni BenChua. At aaminin kung okay naman pala siya kasama, maasahan at talaga marunong makisama ang tulad niya. Maling-mali ang mga paratang ko sa kaniya na masama siyang tao. Masyado pala akong bumase sa maling akala.
"May gusto ka pa bang ipabili bago tayo pumunta sa park?" tanong nito habang patuloy na nagmamaneho.
"Snacks and drinks lang siguro, masama naman kasi kung palagi tayong kakain ng street foods 'diba? I mean, kailangan mag ingat din talaga tayo sa kinakain natin. Mahirap na."
"Oo nga, kahit masarap ang bawal dapat alagaan natin ang kalusugan natin."
"Naks, totoo ba 'yan? Galing pa talaga sayo ha?"
"We'll, I need to maintain my body fit and healthy noh. Mag-workout na nga ulit ako eh, gusto mo sumama?"
Niliko niya ang daanan namin para bumili sa isang store ng snacks at drinks namin. "Sagutin mo na lang tanong ko pagbalik ko." Bumababa na nga ito at iniwan muna ako sa loob ng kotse. Sa totoo lang kung sino man ang magiging girlfriend niya ay talaga naman ang suwerte. Maalaga na maasikaso pa, wala ka ng hahanapin pa talaga.
Nagmuni-muni muna ako habang naghihintay sa kaniya. Hanggang sa makita ko sa ilalim ang isang panyo. Isang maliit na panyo na kulay bughaw at may pangalan niya sa harapan. Kinuha ko iyon at binuklat, at sa likod nito ay nakalagay ang apelyido namin.
Montevilla
Ha? Ano 'to?
Napatakip ako ng bibig at tinago ang kamay ko sa likuran ng dumating siya. Napalunok ako nang wala sa oras dahil sa biglaang pangyayari, pero pinili ko ang kumalma at umaktong walang nangyari kundi naghihintay lang ako sa kanya.
Pumasok na ito sa loob at nilagay sa likod ang mga nabili niya. "Okay ka lang ba?" takang tanong nito na siyang nagbigay gising sa sistema ko. Mabilis akong sumagot, "O-oo naman!"
Inayos niya na ang manibela senyales na aalis na kami, umayos na rin ako ng upo at pinili hayaan sa likod ko ang panyo na nakita ko sa paahan namin kanina lang.
Ang daming gumugulo sa isipan ko, hindi ko alam bakit naroon ang apelyido ni papa. Pakiramdam ko may kakaiba pero sa kabilang banda, ayokong isipin na parte siya ng nakaraan namin dahil wala naman akong ebidensiya hanggang sa napagtanto ko na baka nga... Baka nga kailangan ko muna siyang kilalanin pa bago ako tuluyang mahulog sa kanya.
Nakarating kami sa park nang maayos, dala-dala ni BenChua ang mga snacks at inumin naming dalawa. Nasa damuhan kami, at parehong pinagmamasdan ang mga taong nag uusap, mga batang naglalaro at hinahayaan hampasin kami ng simoy ng hangin.
Hanggang sa inabutan niya ako ng isang malaking sisirya, ang Piatos. "Kumain ka nga muna, parang nagugutom ka na eh. Ayos ka lang ba?" Nakatingin ito sa akin na tila seryosong inaalam ang kalagayan ko habang ako ay nag iisip pa rin tungkol sa nakita ko kanina. Gusto kong magtanong pero parang mali naman yata ang oras na 'to para magsabi sa kanya tungkol doon.
"O-okay lang ako, salamat." Kinuha ko ang sisirya at binuksan na lamang iyon at kumain. Pinili ko munang huwag mag isip, pakalmahin ang sarili at hayaan muna ang mga gumugulo sa isip ko.
"Naiitindihan ko," panimula niya. "Hindi ko alam kung bakit nagbago ang mood mo, Cinyla nakakabigla lang. Kung may nagawa man ako, sabihan mo naman sana ako kasi nag aalala ako," malungkot niyang sabi.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, parang dahan-dahang tinutusok ng karayom. Hindi masakit pero nandoon yung pagkalito sa nararamdaman ko.
Humarap ako sa kanya at binitawan ang hawak kong sisirya. Ayokong malungkot siya dahil sa kagagawan ko, mali naman ito. "Sorry kung apektado ka, siguro napapaisip lang ako sa mga nangyari sa akin nitong huling araw. Alam mo naman 'diba? Tapos ngayon wala na, nakakapagtaka lang kasi parang nanadya yung gumawa 'non." Pagpapaliwanag ko kahit hindi naman ito ang dapat pero sumagi na rin sa isip ko. Kinalimutan ko muna yung tungkol sa panyo sa kotse niya, mabuti nga natago ko sa bulsa ko, kapag hinanap niya tsaka ako magtatanong.
"Huwag mo ng isipin iyon, mahalaga ligtas ka. Nandito na nga ako, nag iisip ka pa." Tampong tugon nito sabay sumimangot at tumingin sa paligid.
Napangiti naman ako sa banat niya, simple pero talagang nagpaparamdam. "Alam mo ikaw, masyado kang cute. Kumain na nga tayo!" Inabutan ko siya ng sisirya at sabay kaming kumain. Nagpunta talaga kami rito para abangan yung sunset. Ewan ba bakit kailangan pang abangan, pero simula ng makita ko iyon gumagaan lalo ang pakiramdam ko.
"Tingnan mo malapit na lumubog ang araw." Turo niya at napatingin ako.
"Oo nga malapit na, ang ganda!"
"Pero... mas maganda ka."
At sa paglingon ko sa kanan, nagtagpo ang aming mga mata. Para bang huminto ang oras, nawala ang mga tao at nagkaroon ng mabagal na kanta sa mga oras na iyon. Ngunit mabilis kong tinuon ang paningin ko sa paglubog ng araw.
"Ano ba, malapit na oh. Tingnan na natin." Pag iiba ko at naglabas ito ng isang gamit, ang selpon niya.
Wala akong pakialam sa gagawin niya dahil alam kong kukuhaan niya lang naman ang paglubog ng araw, kaya heto ako hinihintay na lang ang pagtatago ni haring araw.
Hanggang sa tumunog ang selpon niya, senyales na nakakuha siya ng litrato. "Patingin!" pagsusumamo ko.
Bigla tabi niya sa selpon niya. At sa pagtataka ko sa ginawa niya, kinulit ko siya. "Patingin nga ako!"
"Hindi pwede, pagmasdan mo na lang siya. Ayan na oh," pagdidiin niya.
"B-bakit ayaw mo ipakita sa akin ang kuha mo sa sunset?" tanong ko.
"W-wala. Panget ang kuha ko, 'wag ka ng makulit pa." Itatago niya na sana ang selpon pero mabilis ko itong nakuha sa kanya. "Yehey! I got it!" Masiglang sigaw ko. Lumayo ako nang kaunti dahil baka agawin niya. Pilit niya ngang inagaw kaya mas lumayo ako hanggang sa mabuksan ko ang gallery. Nagulat ako sa laman nito puro pictures ko. At hindi sunset ang huling kuha kundi ako...
"Ano 'to?!" takang pagtatanong ko at humarap sa kanya.
"Let me explain, Cinyla." seryosong wika niya.
Pero ayokong marinig pa kaya binalik ko sa kanya ang selpon niya na may halong inis, at maglalakad na sana papalayo pero hinawakan niya bigla ang kamay ko.
"Cinyla, I like you."
Nag init ang pisngi ko at hindi na ako makagalaw.
Ano raw?
"I liked you since we first met, kaya puro ikaw ang laman ng gallery ko kasi gusto kita. Ayokong namimiss kita kaya sorry nilagay ko lahat ang pictures mo sa gallery ko."
Gusto kong magsalita pero parang natahi ang bibig ko at walang salita ang gustong kumawala rito.
"I am really sorry, Cinyla sana sa pag amin ko ngayon ay huwag mo akong iwasan."
Ilang saglit pa ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob at nagising ako sa lahat ng mga sinasabi niya, bumitaw na rin ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko dahil sa totoo lang naiilang na rin ako.
"I-I'ts okay, pero gusto ko ng umuwi." Seryosong wika ko at tumalikod na lang bigla, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Hindi naman sa ayoko sa mga sinabi niya, sa totoo lang parang tumalon-talon ang puso ko pero pinigilan ko dahil nakakabigla at bakit ako.
Dumiretso ako sa kotse niya at sumunod naman ito, tila hanggang sa makasakay siya sa kotse at magsuot ng seatbelt ay naging tahimik kaming dalawa.
"Wear your seatbelt, uuwi na tayo." Inayos niya muna ang manibela at umayos siya ng upo.
"I'm done, tara na." turan ko at pinaandar niya na ang kotse.
Halos lamunin kami ng katahimikan at pagiging seryoso pero hindi ko siya masisisi dahil naging bastos ako kanina, hindi ko muna nabigyan ng tugon ang paliwanag niya. Bakit kasi ang bilis? Bakit naman sa ganoong sitwasyon pa.
"I am sorry, I will delete it pag nasa bahay na tayo."
Mali ba ang aksyon ko? Bakit naman ang bilis mong sumuko sa dahil lang sa maling kilos ko?
"Sige sorry..." wika ko at biglang pinatigil niya saglit ang kotse.
Humarap ito at tinitigan ako, "Sorry Cinyla, wrong timing ako pero totoo ang sinabi ko sayo. Kung anuman ang desisyon mo, I respect it. Pero sanang walang magbago."
Pinaandar niya na ulit ang kotse habang ako naman ay nanatiling naguguluhan sa mga sinabi niya. Napatingin ako sa bandang bahagi niya at natanong sa aking isip, Totoo bang gusto mo ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro