Chapter 1: New Comers
Cinyla's POV
NAGISING ako dahil sa matinding kaba at takot dahilan para pakawalan ko ang malakas kong ungol.
"Ughh! Tama na!"
"Ayok-"
Hanggang sa tuluyan akong napabangon dahil lahat ng iyon ay isang panaginip lang pala. Sa sobrang pagod at inis kahapon, nakalimutan ko na palang kumain ng hapunan. At dahil ayoko rin talaga siyang makasabay, pinili ko ang magpahinga sa aking kwarto.
Hanggang sa naisipan ko ng bumangon, at inayos ang higaan. Nakaramdam ako ng gutom kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas na lamang sa aking kwarto. Nagugutom na talaga ako, hays! Bahala na nga hindi ko na lamang siya papansin talaga. Kahit na may parte sa akin ang nagiging ma-pride pinili ko na lamang lunukin ito simple lang naman ang suot ko ngayon, as usual, nakapang tulog pa rin.
Habang sinusuklay ko ang aking mahabang buhok. Biglang may kumatok sa aking pintuan. Hinayaan ko muna kung sino ito dahil patapos naman na ako magsuklay, at baka si Ina lamang iyon. Ngunit walang boses at sa huling katok nito, lumapit na ako sa may pintuan.
At hindi ko inasahan ang nakita ko. Isang pak na pak na abs ang bumalandra sa harapan ko este ang lalaking si BenChua. "Good morning lady, tara mag almusal na tayo." Pagyaya nito.
Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hahayaan na lang siya. Pero ang pakiramdam ko ngayon ay kakaiba, para akong nag init at namula ang magkabilaang pisngi ko.
"Pwede ba magdamit ka nga!" Inis na bulyaw ko.
"Ayaw mo bang makita ang 8 packs ko?" Pang aakit nito.
Napataas na lang talaga ako ng kilay sa asta niya. Akala mo naman kung sinong gwapo, pero oo gwapo naman siya. Masarap pa este nakakainis siya ang aga-aga kung ano-ano ang pinapakita niya.
"Alam mo Mr. BenChua, wala akong pakialam kung may 8 pack abs ka! Huwag kang mag aalala kakain na talaga ako dahil nagugutom na ako!" Sigaw ko sa mismong mukha niya, sinarado ng malakas ang pintuan ko at bumababa na. At habang naglalakad ako sa hagdan sunod-sunod na paghinga nang malalim ang ginawa ko. Hindi dahil sa eksena niya kundi naglakad loob lang talaga ako na sungitan ang lalaking iyon.
Nakakainis naman kasi siya! Kararating niya lang kahapon pero bakit ganito parang may kakaiba, iba agad ang impact sa akin.
"Oh nandiyan ka na pala anak. Tara na kumain na! Teka, bakit hindi mo pa sinabay si Ben? Nako naman, panay ang pag alala ng bata 'non kagabi sayo kasi hindi ka naghapunan. Aba tawagin mo na nga! Para sabay-sabay na."
Halos mapasimangot ako dahil nais ng aking Ina na umakyat pa ako para lang sunduin yung kurimaw na 'yon! Nakakainis ha? Akala mo naman kasi prinsipe na kailangan pang sunduin. Pero teka, totoo ba ang sinabi ni Ina na nag alala siya? Tama ba ang mga narinig ko?
"Aba, iha ano tutulala ka na lang? Tawagin mo na!" Sigaw ni Ina para magising ako sa katotohanan na natutulala na pala ako.
"O-Opo Ina!" Mabilis kong tugon at tumayo na. Aakyat na sana ako pero nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng fitted na sando na itim. Dahilan para mapakapit ako sa lamesa. Shems! Ang sarap! Este bakat!
"Magandang Umaga po, Aling Talia! Andito na po ako, Hi Cinyla!" Bati nito na para bang walang nangyari kanina. Palagi talagang good mood?
"Ay iho, magandang umaga. Mabuti at bumababa ka na. Oh sige, kumain na tayo naghanda na ako ng umagahan natin." Pagyaya ng Ina ko at pumwesto na rin siya sa gitna.
Makalipas ng dalawang taon ng mawala ang aking Ama, si Ina na ang naupo sa gitna. Sa totoo lang nakakapangulila pa rin pero kahit papaano natanggap na namin ang lahat. Pero sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayari na ayoko ng alahanin pa.
"Sige kumain na tayo."
"Salamat po!"
"Cinyla, paki abot nga yung hotdog kay Ben."
"Cinyla!" Sigaw ni Ina dahilan para matauhan ako. "Opo Ina, ito na." Inabot ko kay Ben ang ulam. Natatawa pa nga ito na kinuha sa akin. "Okay ka lang ba?" Mapang asar nitong tanong.
"Oo nga nak, okay ka lang ba?" Dugtong ni Ina dahilan para tumugon ako agad, "Opo, okay lang po ako." Hinawakan ko ng mabuti ang tinidor at tinusok sa kaharap kong hotdog. Napakaepal talaga ng lalaking 'to.
Kumain na lamang ako at hinayaan si Ina at ang lalaking kasabay namin ngayon na magkuwentuhan. Tanging pagtango na lamang ang ginawa ko, kumain ako nang kumain dahil sa gutom hanggang sa...
"Iho, laabot nga ng tubig dali!"
"Ito po, oh!" magalang kong sabi ngunit may diin dahil sa inis.
Kinuha ko ang isang basong tubig, dahil sa kalagitnaan ng pagsasaya ko sa pagkain ay nabilaukan pa ako. Hindi ko napansin na sa sobrang inis ko sa kaharap ko ay sunod-sunod ang pagsubo ko. Tinapik-tapik na rin ako ni Ina para mapabilis ang ginhawa ng nararamdaman ko ngunit unti-unti pa rin akong napaubo.
"Mag-ingat naman, Cinyla! Ako ay kinakabahan sayo." Sermon ni Ina ng mahimasmasan ako.
"O-Opo Ina, pasensiya na po." Tanging tugon ko at napayuko na lamang dahil sa katangahan ko.
"Salamat po sa pagkain, ako na lamang po ang maghuhugas." Sabat naman ng lalaking nasa harapan ko. Siya na raw bahala ang maghugas.
Ngumiti naman ako dahil sa wakas may nagkusa at makakapagpahinga ako sa gawain ko.
"Hindi iho, hayaan mo na ang anak ko riyan. Magpahinga ka na lamang." Tugon ni Ina sabay tingin sa akin na para bang alam ko na ang dapat kong gawin.
Pero matigas ako, at naiinis sa lalaking nasa harapan ko. Kaya sinabi ko ay, "Sige Ina, si Ben na po ang bahala maghugas. Nagpresenta po siya eh, ako na po ang magliligpit para naman hindi niya isipin na wala akong gagawin!" Mataray kong paliwanag.
"Opo, kami na po ang bahala ng anak ninyo Aling Talia." Dagdag nito na siyang ikinakulo ng dugo ko. Ngumiti naman si Ina at sinabing, "Osige salamat naman. Magpapahinga muna ako sa sala ha? Anak, tulungan mo si Ben ha?" Sabay tingin sa akin ng matalim na para bang dapat ko talagang tulungan at bantayan ang bisita.
Pilit na ngiti na lamang ang binigay ko kay Inay at tumango. Pero kahit na dalawa kaming magliligpit siya pa rin ang maghuhugas. Kasalukuyan na kaming dalawa na lamang ni Ben ang nasa kusina. Nilagay ko na rin lahat ng hugasin sa lababo para makapagsimula siya.
Lumapit na siya sa lababo at nagsimula na hanggang sa may pinasuyo siya sa akin. "Salamat Cinyla, pwede bang lagyan mo ako ng apron para hindi sana ako mabasa, okay lang?" Napataas pa ako ng kilay sa hiling niya pero nakasagot ako agad.
"Ayan lang oh, ilagay mo na lang maghugas ka ng kamay mo!" Inis kong sabi at aakyat na sana ng biglang humirit pa ang loko.
"Sige na please, palagay na lang." Pagmamakaawa nito.
Nagdalawang isip pa ako pero natuloy din dahil sa pagsigaw ni Ina. "Anak, tulungan mo na si Ben."
Inis akong lumapit sa loko at sinuotan siya ng apron. At sa hindi sinasadya na masagi ko ang abs niya. "S-Sorry..." Hiyang paliwanag ko pero ngumiti lang ng todo ang lalaki.
"It's okay, thanks!" Kumindat ito at sinimulan na ang paghuhugas.Akala ko ay guguluhin niya pa ako pero nag-focus pa rin ito sa ginagawa niya. At habang nakatayo siya, hindi ko maalis ang mga mata ko sa postura nito.
"Did you need something or you want to touch it again?"
"H-Ha?"
Naghugas ito ng kamay niya at lumapit sa akin. At sa paglapit niya matinding kalabog ng puso ko ang naramdaman ko.
"Gusto mo bang hawakan ulit?"
Napalunok ako sa mga nasabi niya pero ang boses niya ay mapang akit. Tinulak ko siya at umakyat sa itaas.
At sa mga oras na iyon, hindi ko na alam ang nangyari. Huminga ako nang malalim pero nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya.
Gusto mo bang hawakan ulit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro