Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA VIII

Lorhvins POV

Heto na naman ako nakatulala,
Ang puso'y nalilito.
'Di maintidihan?
Ano ba ang dapat gawin?
Ipaglaban o iwasan ang damdamin?
Sana malinawan na ako.
Sana masagot na ang tanong?

Sinasabayan ko ang kanta na tumutugtog. Isa ito sa kantang paborito ko dahil sa hindi ko alam na dahilan. Parang nakakarelate ako dito na parang hindi.

Patuloy akong kumkaanta habang papasok sa aking bathroom sa kwarto bitbit ang aking towel.

Binuksan ko ang shower at pumailalim ako dito at hinayaang dumaloy ang tubig sa katawan ko. Nanatili ako sa ganoong posisyon habang nakapikit at bahagyang kinukuskos ang aking katawan at ulo.

Pano ba kalimutan,
Mga panahong,
Pinatibok 'tong puso ko?
Ayokong malaman
Na ako ang nagkulang
Sabagay 'eto lang ang kaya kong ibigay sa'yo
Ang magmahal sa'yo ng totoo

Pagkalabas ko ay nagbihis na ako ng aming uniform at kinuha ang bag at libro ko bago tuluyang bumaba.

"Nak, let's eat!" Aya ni Mama ng makita akong bumababa sa aming hagdanan.

Hindi ko na siya sinagot sa halip ay malawak na ngiti ang ipinakita ko sa kanya at nang makaupo ay sinimulan ko na ang pagkain. Tahimik kaming nag-breakfast ni Mama.

"Ma, Alis na po ako!" Paalam ko at tuluyan ng lumabas ng pinto at inilagay ang mga gamit ko sa compartment ng motor ko.

"Take care son! Wala ka bang nakalimutan?" Sigaw ni mom.

"Hala! Ma, pakikuha naman po ako nung paper bag sa kwarto ko. Yung may damit po. Thanks!"

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumaba na si Mama at lumabas upang iabot sa akin ang paperbag. "Thank you ma! Bye, I love you!"

Ilang minuto ng pagmamaneho ay narating ko na ang parking lot ng eskwelahan namin. Nang masigurado ko na naka lock na ang motor ko ay pumasok na ako sa loob at dumeretso sa locker area para ilagay ang mga gamit na hindi ko kailangan sa first at second subjects at kinuha naman ang ibang kailangan ko pa.

"Wow, aga natin ah?" bungad ni Shauntal nanh makapasok ako. "Good morning!"

"Good morning!" bati rin ni Brix

"Good morning!" bati ko pa balik sa kanila.

Habang inaantay ang aming teacher ay nag-kwentuhan muna kaming tatlo tungkol sa nangyari nung nakaraang sabado sa bar. Baka kase nakalimutan na nila ang sinabi ni Warrel sa kanila daw na huwag ilabas sa school yung mga naganap noong gabing yun. Dahil pare-pareho kaming malalagot.

"Huh!" Gulat na sigaw ni Brix at Shauntal na kinunotan ko ng noo.

"Doon ka natulog sa bahay ni Mr. Eneiquez?" Pabulong na tanong ni Brix.

"Oo nga, ulit ulit" inis na bulong ko rin.

"So, anong sabi ng wife niya, ni Mrs. Enriquez? Ang taray pa naman nun!" Pabulong din na ani Shauntal.

"Wala siya ron!" Pinanlakihan ako ng mata ng dalawa matapos kong sabihin yun. "Actually, kinabahan rin ako sa maaaring mangyari nung gabing yun! Dahil wala ron ang asawa niya at higit sa lahat pag-kagising ko ay nakahawak sya sa kamay ko habang nakaubob ang ulo sa kama." Sabi ko pa.

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan naming tatlo hanggang sa dumating na si Warrel. Hindi ko pa rin naikukwento sa dalawa yung nangyari nung ipinatawag ako ni Warrel nung nakaraan at pati yung tungkol sa kiss. Dahil hindi pa ako handang ikuwento ang mga bagay na yun.

Nang makapasok sa loob ng room si Warrel ay sa akin agad siya nag tuon ng tingin. May dala siyang paperbag at baka iyon yung gamit ko at sana aya huwag niya ngayon ibigay kasi alam ko ang magiging reaksyon ng lahat.

"Good morning class!Martinez, can you lead the prayer?" Tanong nito na nakatingin sa akin. Agad naman akong pumunta sa gitna upang manalangin. Agad namang nagyukuan ang lahat.

"The name of the Father, the Son, and the Holy Spirit Amen! As we begin our class today, Dear Lord, send your spirit and wisdom to be with us, So that the knowledge that will be imparted to us will not be put to waste, Amen!"

Matapos kong magdasal ay nginitian ko si Warrel na senyales na tapos na ako. Pabalik na ako ng upuan nang iabot niya sa akin ang paperbag na dala niya. Tiningnan ko naman ang mga kaklase ko at para bang gusto nilang matawa sa nakikita nila pero pinipigilan nila.

"Alam mo na kung ano yan?" Nakangiti pang sabi nito.

"Salamat!" Sagot ko.

Nagpunta naman ako sa tapat ng linya namin nina Shauntal at doon ay ipinaabot ko sa kaniya ang paperbag na dala ko kanina pagpasok. Bumalik ako sa unahan upang iabot yun sa kanya.

"Mr. Enriquez! Thank you." Nahihiya kong sabi dito sabay abot ng paperbag sa kanya.

"You're always welcome, Ezekiel."

Pinagtinginan naman kami ng mga kaklase ko. Mga nakangiti, nagtatanong na tingin at para bang may iniisip na iba sa aming dalawa ni Warrel.

Bumalik na ako sa aking upuan at ganon na lang sina Brix at Shauntal na nakatingin sa akin ng nakakaloko kaya naman hindi ko sila pinansin at sa halip ay nakinig na lang ako.

Hindi na kami nag abalang bumaba dahil mga busog pa naman kami inantay na lang namin ang isa pa naming klase bago mag lunch.

"Tara na sa canteen." aya ko sa dalawa.

Agad naman kaming naglakad sa ground at tinahak ang daan papuntang canteen. Tahimik kaming naglalakad. Ganoon pa rin ang eksena, patay na patay pa rin sa akin ang mga babaeng nakakakita sa amin. Ilang taon na ako dito pero ni isang beses ay hindi nila nahalata ang totoong sekswalidad ko.

"Lorhvins!" Tawag ng isang pamilyar na boses ng lalaki sa aking tagiliran. "Pwede ba akong sumabay mag lunch sa inyo? Wala akong kasabay e!" Si Mitch.

Nilingon ko siya ngunit hindi na ako nagabalang sumagot pa, tinanguan ko lang siya at nginitian. Sabay-sabay kaming tumungo sa canteen at ayun na naman ang mga kiring babae.

"Omg! ang gwapo ni Lorhvins"

"Oo nga,pati si Mitch no?"

"Oo, pero mas gusto ko si Lorhvins"

"Hindi ka naman gusto"

"Fuck you ka, girl!"

Hindi na namin sila pinasin pa at dumeretso na lang kami sa table namin. Wala kasing umuupo dun kundi kami lang.

"Ako na ang oorder! My treat!" Nakangiting sabi ni Mitch.

"Taray!" Sigaw ni Brix.

"Hali ka, samahan mo ako order tayo ng food." Aya ni Mitch kay Brix.

"Bat ako? May gusto ka sakin no?" Pan-aasar ni Brix.

"Utot mo gusto! Bilisan mo na."

Tumayo naman agad si Brix. Tumungo ang dalawa sa lane at umorder. Nang makabalik ay ayun ang sandamakmak na pagkain na dala-dala ng dalawa.

"Ang dami naman niyan?" Sabi ko

"Oo nga, diet pa naman ako!" Pagsang ayon ni Shauntal sa sinabi ko.

"Huwag na kayong mag reklamo mga teh at libre naman ito ni Papa Mitch" sabat ni Brix na nilingon pa si Mitch na bahagya pang tumawa bago bumaling kay Shauntal. "At ikaw naman, puro ka diet. Tingnan mo nga katawan mo trese na lang ata baywang mong babaita ka! Mukhang isang pitik nga lang sa'yo taob ka na!" Nagtawanan naman kaming lahat at inirapan naman ni Shauntal si Brix.

Nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga itetake naming course sa college. Si Brix ay mag-e-engineer daw, Si Shauntal ay Flight attendant, Si Mitch naman ay mag-l-Lawyer at ako naman ay Teacher.

Hindi na namin nagawa ulit na magkwentuhan tungkol doon sa nangyari nung sabado dahil naroon si Mitch.

Nang makatapos kaming kumain at magkwentuhan ay tumaas na kami sa floor namin kung saan doon din ang floor ni Mitch. Ang room kasi nila ay katabi ng amin kaso hindi na siya sumabay sa amin dahil pupunta pa siya sa SSC headquarters.

Pumasok na ang guro namin nag discuss ito at nag paquiz at nakakatuwang walang bumaksak sa amin. Kami kase ang pilot, which means lahat ng nandito ay matatalino ngunit hindi sa lahat ng subject. May mga weakness din kaming mga subject gaya ko magaling ako sa Math ngunit hindi sa Science. Nasa primary pa lang ako ay hate ko na ang subject na iyun, ni hindi ko nga kabisa ang pagkakasunod ng mga planets e.

"Goodbye class!"

Nang makaalis ang teacher na iyon ay pumasok na ang sumunod naming guro, si Mrs. Enriquez my favorite teacher in my favorite subject at ako rin ang favorite student niya ngunit ewan ko lang kung gugustuhin niya pa ako kapag nalaman niya na nahalikan ko ang asawa niya. Agad akong nanlumo at nawala sa wisyo dahil doon.

Hindi na ulit kami bumaba at nagantay na lang ng sumunod na klase yun yung teacher na magpapaquiz sa amin. Ilang saglit lang ay dumating na rin ito.

"Get long bond paper and fold it into 2 then number the first column 1-35 and next column 36-75." Sigaw nito na nagpagising ng diwa ng lahat. "Okay number 1..?"

Natapos ang quiz at lahat kami ay lantang lanta dahil sa hirap ng mga tanong. May mga tanong na hindi ko nabasa sa libro.

"I said before na passing is 60 and above, so congratulation You all passed the exam. Verygood!" sambit pa nito bago tuluyang lisanin ang silid.

Naghanda na kami pauwi nina Brix at Shauntal. Bumaba na kami sa locker namin at kumuha ng mga gamit doon at iniwan ang ibang hindi kailangan.

"Let's gorabels na! Tapos na ba kayo?" Si Brix.

"wait, cr lang muna ako tasalis na tayo!" Sagot ni Shauntal.

Inantay namin ito hanggang sa matapos mag-cr at nang makabalik ay sabay-sabay na kaming lumabas upang umuwi. Dumeretso kami sa parking lot at kaniya kaniyang sumakay sa mga sasakyan namin ako ay sa motor ko at sila naman sa mga kotse nila. Sabi ni Mama ay bibilihan niya ako ng kotse sabi ko ay motor na lang dahil mas gusto ko ito.

Sumakay na ako sa motor ko at inistart ito bago bumusina sa dalawa. Agad ko rin itong pinaharurot pauwi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro