Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA V

Warrel's POV

Pagkatapos nang klase ko kanina ay naisipan ko na mag-liwaliw muna. Pang patanggal stress ba. Kaya naman napagdesisyunan ko na pumunta sa isa sa sikat na bar dito sa lugar namin.

Pagkapasok ko sa Bar'vara kanina ay nakita ko sina Hyun at Joson sila ang mga kaibigan ni Ezekiel. Nanonood sila sa pagkanta ng banda sa stage habang umiinom ng alak. Lalapitan ko sana sila upang itanong kung anong ginagawa nila ron ngunit nakita ko si Ezekiel na naglalakad papapunta sa mga kaibigan niya kaya nagdesisyon akong hindi na lumapit pa.

Lumipas ang mga minuto at pinakanta nila si Ezekiel, napaka-ganda ng boses niya. Sobrang ganda! Hindi ko alam na may itinatago pala siyang galing sa pag-kanta dahil sa pagaakala ko ay sa pag sayaw lang siya magaling. Ang boses niya kapag kumakanta ay halos iba sa natural niyang boses.

Matapos kumanta ni Ezekiel ay balak ko na sanang ubusin lang ang beer na hawak ko at umuwi na dahil sa mga paper works na gagawin ko perk habanh umiinom ako ng beer ay bigla akong itinuro ng bokalista ng banda. Napatayo ako at nilingon ko si Ezekiel na nakatingin sa akin na parang kinikilala kung sino ba ako. Madilim kasi sa parte ng inuupuan ko kaya hindi mo talaga makikilala ang tao kung sakaling malayo ka dito. Dumeretso ako sa stage at ipinakilala ako ng bokalista.

"Let's give it up for Mr. Warrel Jhay Enriquez" sigaw ng bokalista sabay abot ng mikropono sa akin at saka siya bumaba ng entablado.

Bago pa ako magsimulang kumanta ay nilingon ko ang tropahan nina Ezekiel na mga pawang gulat na gulat ng makita ako sa stage. Marahil ay iniisip nila na baka isumbong ko sila kay Dean. Nagkatitigan kami ng sobrang tagal ni Ezekiel habang sunod sunod ang lagok niya ng alak at di pinapansin ang mga kasama niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at kinausap ang banda kung ano ang kakantahin ko.

I'm going under and this time I fear there's no one to save me
This all or nothing really got a way of driving me crazy
I need somebody to heal
Somebody to know
Somebody to have
Somebody to hold
It's easy to say
But it's never the same I guess
I kinda liked the way you numbed all the pain

Buong emosyon ko iyong kinanta at lumilingon ako kay Ezekiel habang kinakanta iyon. Tinutulak tulak naman siya ni Hyun at halatang naiirita siya sa ginagawa ng kaibigan. Tuwing lilingon ako sa kanya ay para bang kinakabahan siya base sa reaksyon ng mukha niya.

Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved

Bagya ko pang idiniin ang huling linya at tinitigan siya sa mata. Para naman siyang lalamunin ng kinauupuan niya. I love you! Gusto kong isigaw pero hindi pwede. Pagkatapos kong kumanta ay dumeretso sa kinauupuan nila.

"Is it okay if I'll join guys here?" tanong ko sa kania.

"Okay lang naman Mr. Enriquez" sagot ni Joson.

"Okay lang din po sa akin sir, ewan lang po namin sa isang yan na kanina pa nag eemote sa room pagka..." sagot ni Hyun ngunit di na siya natapos sa sasabihin ng pigilan ito ni Ezekiel.

"Itigil mo yan tatadyakan kita." Sigaw nito na inirapan lang ni Hyun. "Okay lang naman din sa akin, Have a sit!" Tuon niya sa akin na tiningnan pa ako kung saan ako uupo.

Isa kase yung malaki na pa-arkong couch na halos pa-U na. Magkatabi sa kaliwa si Hyun at Joson at si Ezekiel naman ay nasa may gitna kaya naupo ako sa malapit sa kanya.

"Taray ni sir, magaling po pala kayong kumanta Mr. Enriquez." Si Hyun.

"Hindi naman masyado." aniko.

"Sus. Pa humble pa si Mr. Enriquez" dagot naman ni Joson.

"Hindi naman kasi talaga." Sagot ko sa kanya. "Tsaka guys, huwag niyo na akong tawaging Sir o Mr kapag nasa public place tayo kagaya nito. You can call me Kuya o kahit mag first name basis tayo ayos lang naman sa akin."

"Bet ko yan, sir." Sigaw ni Hyun na napatingin halos lahat ng katabi ng table namin.

Nagpatuloy ako sa pagiinom kasama ang mga bata, Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano at doon ko nalaman ang kwento ng buhay nila pero si Ezekiel ay bagya pang nahiya sa pagkekwento dahil hindi niya daw alam ang buhay niya.

Wala ba talaga siyang maalala?

Naka ilang order na rin kami ng iba't ibang klase ng alak. May whisky, vodka, beer at kung ano ano pa at halos malasing ako pero di ko ipinahalata sa mga batang kasama ko. Lasing na sila at halos mahiga na sa couch. Si Ezekiel naman ay di ko inaasahan na mapapasandal sa balikat ko sa sobrang kalasingan. Hindi naman ito sinita ng dalawa pa naming kasama.

Hindi na kami nag-abala pang ubusin ang alak. Pero itong si Ezekiel ay uubusin daw ang beer niya.

"Hi...hin..di pw-pwede. Uubusin ko to! Huk!" Lasing na sambit niya at kinuha ang beer at inom ng walang hintuan. Kaya naman hinblot ko ito ipang matigil siya. "Ano ba? Pake... ala..vmero!" Sigaw nito sa akin bago tuluyang bumagsak ang ulo sa hinta ko.

Sh*t! Anong gagawin ko? Bagya pa itong gumalaw at umayos ng pwesto kaya naman aksidente nyang nagagalaw ang alam nyo na, yung ano ko, alaga ko.

Sa tuwing masasagi ng ulo niya ang alaga ko at hindi ko mapaungol ng bahagya dahil sa gusto nang kumawala ng alaga ko sa kanyang hawla. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Nakakainis.

Ilang oras na ang lumipas at ganon lang ang pusisyon namin. Napakagat labi na lang ako sa tuwing madadanggi ni Ezekiel ang alaga ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagising na sina Hyun at Joson sa pagkakaidlip at nagpa-alam na sa akin na uuwi na daw sila. Gigisingin pa sana nila si Lorhvins pero sabi ko huwag na at ako na ang bahala dito.

"Umuwi na kayo! Baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo!" Sabi ko na bahagya pang tumingin sa relos ko. "Alas dos na ng madaling araw. Ako na ang bahala dito kay Martinez." Saad ko ulit.

"Okay sir ingatan mo yan huh" wika ni Hyun na bahagya ng tumayo. Sumunod naman si Shauntal.

"Una na kami, ihahatid ko pa po si Brix sa kanila e. Kayo na po ang bahala kay Lorhvins. May tiwala naman po kami sa inyo" Nakangiting sambit ni Joson sa akin.

"Oo ako na ang bahala dito, basta ipangako niyo sa akin na hindi ito makakalabas sa school natin. Dahil pare-pareho tayong malalagot nito. Lalo na at graduating kayo!" Paalala ko sa mga bata.

"Yes sir!" Sigaw nila na bahagya pang sumaludo. Natawa naman ako sa ginawa nila.

Kanina pa ako nakabayad ng bills at hindi na hiningan ng ambag ang mga bata lalo na at sobrang dami ng nainom namin. Kasalukuyang tulog na tulog si Ezekiel sa couch at kumuha ako ng tyempo upang ibinangon siya at buhatin at isinampay siya sa aking balikat. Hindi naman siya nagising  sa ginawa ko kaya tuluyan na kaming lumabas ng bar at dumeretso ako sa aking sasakyan at pinatunog ito upang siguraduhing ito ang sasakyan ko. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat at doon iniupo si Ezekiel na tulog na tulog pa rin. Matapos ko siyang maiayos ay isinara ko na ang pinto at pumasok na sa loob at nag maneho na pauwi sa bahay ko.

Nang malapit na kami ay nakita ko siya na nakatitig sa akin at bahagya ko siyang sinusulyapan.

"H-hindi ko alam ku..ng a-a-anong ibig mong sa... sabihin ng mga si... sinasabi mo sa akin kanina"  nauutal na sambit niya at nagult ako ng bigla siyang humarap sa akin at halikan ako sa aking mga labi.

Matapos niyang gawin yun ay bahagya akong naestatwa at nawala sa sarili. Bagya ko pang sinampal sampal ang sarili ko upang makabalik sa wisyo a makapagpatuloy sa pagmamaneho papasok sa village namin.

Nang makitang tulog pa nga ito ay binuhat ko itong muli gaya pagbuhat ko kanina at ipinasok sa loob ng bahay. Ako lang ang mag-isang tao dito sa bahay at wala ng iba pa. Agad ko siyang ideneretso sa kwarto ko at inihiga siya roon.

Hindi ko alam kung tama bang dito ko siya dinala sa bahay ko. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao pero ang iniisip ko ay ang kapakanan ni Ezekiel. Matapos ko siyang maihiga ay bumaba muna ako upang isara ang pintuan bago tumaas ulit sa kwarto. Bimuksan ko ang AC upang malamigan si Ezekiel dahil pansin ko na bahagya niyang tinatanggal ang butones ng suot na damit.

Bakas din sa mukha ni Ezekiel ang pagkalasing ng sobra. Kaya naman dmeretso ako sa bathroom ng kwarto ko at nagsimulang maligo at mag sepilyo. Habang naliligo ay pilit kong kinakalimutan ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina sa sasakyan pero hindi iyon mawala sa isip ko.

Bakit niya ba kasi ginawa yun? Nananaginip lang siguro siya? Oo, nananaginip lang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro