KABANATA IV
Shauntal POV
Kanina pa nagsimula ang klase namin pero wala pa rin si Lorhvins hanggang ngayon. Napapaisip tuloy ako kung ano ang pinaguusapan nilang dalawa ni sir Warrel.
"Baks, ang tagal ni Lorhvins no?"
"Oo nga e, kanina ko pa nga iniisip kung ano ang pinag-uusapan nila ni sir. Mukha kaseng personal kase ang tagal nila mag-usap." sagot ni Brix sa akin.
"Paano kung tungkol to sa pagiging Valedictorian nya? O baka natanggal na siya sa honor?"
"Hindi naman siguro."
Ilang minuto pa ng matanaw namin sina sir at Lorhvins na naglalakad papunta sa room namin. Pansin ko na agad ang malungkot at wala sa wisyong mukha ni Lorhvins. Hindi kaya tama ang hula namin ni Brix? Wag naman sana.
"Mr. Enriquez" rinig kong bati ng guro namin ng mga oras na yun kay sir Warrel.
"Good afternoon, Sir. I'm here now para ihatid itong si Martinez. Kinausap ko lang siya"
"It's okay Mr. Enriquez. Naitanong ko nga siya kanina sa mga kaibigan niya dahil napansin ko ngang wala siya at ang sabi nga ay kinakausap mo raw. Pasok kana Martinez."
Nang makapasok si Lorhvins ay agad kaming nagkatitigan ni Brix dahil sa malungkot na mukha nito. Parang napakalalim nang iniisip niya.
"Baks, tingnan mo si Lorhvins parang pinag sakloban ng langit at lupa" bulong ko kay Brix na agad namang nilingon ang kaibigan namin.
"Oo nga, 'wag na lang muna natin kausapin. Mag-sasalita naman yan kapag gusto na niyang magkwento." Sagot naman nito sa akin.
Si Lorhvins kase yung tipo ng tao na hindi pala kwento pag-dating sa mga problema niya. Mas gusto niya na sarilihin na lang ito sa umpisa at saka na lang ikekwento kapag okay na siya at kapag nasulusyonan niya na ang problemang yun.
Alam namin ni Brix na naririnig kami ni Lorhvins dahil magkakatabi kami si Brix ang nasa may bukana, ako naman sa gitna at si Lorhvins sa bandang dulo ng aming linya.
Ano kayang nangyari sa pagitan nila ni Mr. Enriquez? Baka binagsak siya nito dahil sa palagi itong late sa time niya. Wag naman sana. Running for Valedictorian pa naman siya at kapag nagkataon na bumaksak siya ay si Mitch ang papalit sa kaniya na nasa kabilang section.
Nagpatuloy sa pagdi-discuss ang guro namin. Pero lahat kami ay tahimik lang na nakikinig sa kaniya.
"Martinez?" Tawag ni sir kay Lorhvins. "Martinez!" Galit na itong sumigaw pero di pa rin lumingon si Lorhvins. Kaya naman kinalabit ko ito upang maribig si sir. "Martinez, are you with us?" Inis na sigaw ni sir ng lingunin ito ni Lorhvins.
"Sorry sir, ano po iyon?" Wala sa sariling sagot nito.
"I said are you with us? Kanina pa kita napapansin na tulala."
"I am really sorry sir. I'm just thinking of my grades in all subject. Iniisip ko po kung ako pa rin ang magiging Valedictorian sa graduation." Pabirong sagot nito na halata naman na hindi yun ang iniisip niya. Malakas ang pakiramdam ko na nagsisinungaling siya. Hindi kasi siya yung tipo ng estudyante na ipagkakalandakan ang mga achievements niya. Minsan pa nga ay siya pa ang nahihiya kapag sinasabi ng mga guro namin sa buong klase na siya ang pinakamataas ang nakuha tuwing exam o kahit saan.
"Okay, akala ko kung ano na ang iniisip mo."
"Goodbye class, see you on monday! We have a quiz on that day! Please read the Lesson 1-5 of this quarter, okay? Up to 75 yun! 60 ang passing. Goodbye again!" Mahabang sabi nito bago tuluyang umalis.
Uwian na namin pero nanatiling tulala si Lorhvins. Kaya naman hindi na kami nagdalawang isip ni Brix na tanungin siya tungkol dito.
"Hoy Lorhvins, anong drama yan? Emote emote pagtapos kumain with Mr. Eneiquez." Tanong ni Brix na di na napigilang kwestyunin ang pananahimik nito.
"I'm sorry!" Wala na naman sa sariling sagot nito na halatang malalim ang iniisip.
"Alam ko na kung pano mawawala ang lungkot niyan at emote emote niyan?" Wika ko na nakapagpangiti ng peke kay Lorhvins. "Tutal wala namang ganon katinding homework or what? Let's go to..."
"Bar'vara" sabay na sigaw namin ni Brix at natawa naman kami.
Nakita namin ang bahagyang napatawa si Lorhvins kaya napalagay ang loob ko, namin ni Brix. Ayaw kase namin na nalulungkot ang isa sa amin.
Napag-isipan namin na umuwi muna at magpalit ng damit bago pumunta sa bar'vara. Isa itong bar dito sa lugar namin. Dito kami madalas tumambay kapag gusto namin magkaroon ng peace of mind lalo na pagkakatapos ng exam o tambak na school works.
Pagkadating ko sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at nag-shower. Pagkatapos kong maligo ay namili ako ng isusuot na damit. Napag desisyonan ko na mag tube at patungan yun ng denim jacket pero di ko isinara ang botones para kita pa rin ang tube ko. Sa baba naman ay nag maong short ako at white shoes sa baba. Pagkababa ko ay nagpaalam na ako kay mom na gigimik muna ako kasama si Brix at Lorhvins.
"Mom, gimik muna ako huh!" Nakangiting sabi ko habang niyayakap siya sa likod.
"Okay sige, take care! Call me if there is a problem! Sino nga pala ang mga kasama mo?" Tanong nito sa akin.
"Sina Brix at Lorhvinspo, Ma. Sila naman po lagi." Sagot ko kay Mom.
"I have to go, Mom I will pick up Brix pa sa bahay nila, e. Si Lorhvins naman ay mag-comute na lang daw." Mahabang paliwang ko bago tuluyang umalis.
Gaya nga ng sinabi ko kay Mom ay dinaanan ko si Brix sa bahay nila. Bumusina ako ng tatlong beses at lumabas na nga si Bakla Naka ripped denim shorts siya na kita na ang kalahati ng pwet niya at sa top naman ay longsleeve na pa croptop. At putok na putok ang make-up as always.
"Lest's go!" Anyaya ko sa kanya. Tinanguan naman niya ako.
Umalis na kami matapos niyang magpaalam sa mga magulang niya. Dumeretso na kami sa Bar'vara. Itong bar na ito ang pinakagusto naming bar na tambayan tuwing walang pasok o kaya naman walang masyadong toxic na gawain. Dito kami lagi tumatabay kaya kilala na kami ng mga crew at ng mismong manager kaya naman meron na kami ditong sariling pwesto na kami lang talaga ang pwede.
Pumasok na kami sa loob ni Brix, wala pa si Lorhvins sa table namin. Agad naman kaming dinalhan ng drinks na lagi naming inoorder ng isang waiter dito at dahil nga sa ganon at ganon lang naman ang ino-order namin lagi ay kabisado na nila kung ano ang gusto naming inumin. Habang inaantay namin si Lorhvins ay nanood muna kami sa bandang nandoon sa stage at kumakanta.
Ang lahat ay nagbabago
Gano'n din ang puso ko
'Di alam kung pa'no aamin
Kung dapat bang sabihin 'to
Ngunit kailangan nang tapangan
At sabihin ang nararapat
Na hindi na nga
Hindi na nga
Yan ang unang mga linya ng kanta at kung broken hearted ka ay talaga namang masasaktan ka ng sobra dahil sa mensahe ng kanta.
Alam kong mali na
Pero 'di ko kayang bumitaw
Ika'y masasaktan
Dahil pangako ko'y walang iwanan
Alam kong huli na
Alam kong hindi na nga mahal
At saktong pagkanta bokalista ng banda ang chorus ng kanta ay ang pagpasok ng ilang minuto na naming ibaantay na si Lorhvins. Nakakunot ang noo niya na nakatingin sa banda habang naglalakad papunta sa pwesto namin. Lumapit siya sa amin at nakipagbatian. Halata sa kanya na may dinadamdam siya pero hindi na ako nag abala pang itanong dahil alam kung ikekwento niya sa amin yan kapag handa na siya. Tsaka nandito kami para mag-enjoy hindi para mag-emote
Alam kong mali na
Alam kong mali na
Alam kong mali na
Alam kong mali na
Hindi na kami nag-abala pang pakinggan ang kanta ng banda. Nagkwentuhan na lang kami ng kung ano-ano habang sabay-sabay na umiinom.
Lorhvins POV
"May gusto bang kumanta dyan? Pumunta na dito sa unahan. Magaling ka man o hindi ayos lang yan." Sigaw ng bokalista ng banda.
"eto po... eto po... Feeling broken. Hahahahaha!" Sigaw ni Brix na nakaturo sa... akin! "Hindi pa po namin to naririnig kumanta simula ng maging magkakaibigan kami, kaya eto na lang po" nginitian naman siya ng bokalista. "Go na!" Bulong niya sa akin na nginiwian ko lang siya.
Hindi na ako nag-papilit pa at agad na dumeretso sa stage. Nginitian ko ang bawat miyembro ng banda at sinabi sa kanila ang kanta na kakantahin ko.
"Mister, What's your name? Please!" Tanong ng bokalista.
"Lorhvins po, Lorhvins Ezekiel." sagot ko naman.
"What a beautiful name. Iwanan na muna kita dito." Sagot niya sa akin "Okay guy's in 3, 2, 1" baling niya sa mga kasama na agad namang tinipa ang mga instrumento nila at bumaba na nga ang bokalista kaya naman nagdulot sa akin iyon ng matinding kaba dahil ito ang unang beses kung kakanta sa harap ng maraming tao.
Nagsimula na akong kumanta. Hindi ko alam kung bakit ito ang napili kong kanta. Siguro dahil idol ko ang kumanta nito o kaya naman naapektuhan lang ako sa mga sinabi nina Mitch at Warrel sa akin kanina.
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O siya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, ano'ng paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko?
Nalilito-litong-litong-lito
Sino'ng pipiliin ko?
MAHAL KO O MAHAL AKO!
Halos hapitin ko ang kanta at buong emosyon ang ibinigay ko roon. Nakita ko naman ang mga palakpakan ng mga tao at rinig na ring ko ang sigaw nina Shauntal at Brix dahil sa pagkamangha, ito kasi ang unang beses na narinig nila ang pagkanta ko.
Ang nais ko ay maranasan
Ang umibig at masuklian din ng pag-ibig
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O siya ba?
Oh, ano'ng paiiralin ko Isip ba o ang puso ko?
Nalilito-litong-litong-lito
Litong-litong-lito
Sino'ng pipiliin ko?
MAHAL KO O MAHAL AKO!
Natapos ko ang kanta at bagya pang nagsigawan ang mga tao ng more pero hindi na ako kumanta pa ulit dahil nahihiya na ako. Bumalik na lang sa upuan namin upang uminom ulit. Habang papalapit ako ay pumapalakpak naman sila habang nakangiti sa akin.
"Taray! Ang galing mo ah! May hidden talaent ka pala?" Sigaw ni Brix.
"Oonga, akala namin pagsayaw lang ang talent mo pati pala sa pagkanta may talent ka." Nakangiting sambit ni Shauntal. Pawang ngiti lang ang naibalik ko sa dalawa hindi na ako sumagot pa at kinuha ko ang alak na nasa harap ko at naglagay sa baso at tinungga iyon, inulit ko iyon ng tatlong beses na magkakasunod.
"Uhaw ka girl? hindi yan tubig baka nakakalimutan mo!" Sarkastikong sabi ni Brix.
"Tch!" bagya ko lang siyang nginiwian at nagtoon ng pansin sa stage na noon ay tumaas na ang bokalista ng banda.
"What an amazing performance from Lorhvins Ezekiel." Sigaw nito. "Ngayon ay pakinggan naman natin ang pagkanta ng isa pa na si..." sigaw niya na animo ay naghahanap ng kakanta at natoon siya sa isang lalaki sa likuran at medyo madilim ng kaunti sa parteng yun kaya hindi ko siya maaninag ng ayos. "You... sir! Pwede ka bang kumata para sa amin?" Tinanguan naman ito ng lalaki at agad pumunta sa stage.
Warrel? What the hell are you doin' here?
Nagdulot ng kakaibang kaba iyon sa akin. Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ng bokalista dahil nakatuon ang tingin ko kay Warrel. Hindi iyon napansin ng dalawa kong kasama dahil busy sila sa pag-seselpon at pag-inom. Kinuha ko ang alak sa harapan ko at ininom iyon ng direderetso ng hindi inilalagay sa baso. Nakatingin siya sa table namin. Ano ba kasing ginagawa niyan dito.
"Huy, Lorhvins ano ba yan para kang nakakita ng multo? At talagang nilaklak mo yang alak ng di man lang nilalagay sa baso huh! Sino ba kasi yang tinititigan mo?" Narinig kong sigaw ni Brix at alam kong di ko yun naintindihan dahil hanggang ngayon ay magkatitigan pa rin kami ni Warrel. "Mr. Enriquez... what the fudge? Bakit siya nandito?" Gulat na sabi nito na lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Ano nga bang ginagawa niya dito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro