Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA II

Lorhvins POV

"Huy! Bakla ka ng taon! Late ka na namang deputa ka!" Bulong ni Brix sa akin nang makalapit siya sa upuan naming tatlo nina Shauntal.

"Sige, ipagsigawan mo pa!"

Irita ako nang maupo ako sa upuan sa pagitan nina Shauntal at Brix. Dahil na rin sa sermon ng dalawang asungot na yun tapos dadagdag pa itong si Brix ng pang-aasar.

Matagal ko ng kaibigan sina Brix at Shauntal. Actually, it's been 4 years nang magkakila-kilala kaming tatlo at naging magka-kaibigan. Si Shauntal ang una kong naging kabigan kesa kay Brix dahil may gusto sa akin noon si Shauntal. Ito naman si Brix naging kabigan ko lang ng mahalata nya ang sikreto ko na kahit na kanino ay hindi ko ipinaalam. Mabait naman silang dalawa magiging matagal ba ang pagkakaibigan naming tatlo kung hindi. Normal lang din sa aming tatlo ang mag-asaran. Minsan nga lang ay hindi naiiwasan magka-pikunan pero naayos din naman agad.

"Bakit bad mood si Mr. Enriquez ngayon? tsaka bakit parang wala siya sa wisyong mag-turo? Hindi naman siya ganyan, di'ba?" Pabulong na tanong ko sa dalawa pero tanging ngiwi lang ang isinagot nila sa akin.

True friend!

"Goodbye class, before I leave this classroom please write down on your notebook all of those things na sinulat ko sa board. Okay, Goodbye. Martinez, ipapatawag kita mamaya kay Mich!" sabi ni Sir. Enriquez bago tuluyang lisanin ang room namin.

Buong klase ay nakatitig lang ako kay Sir Warrel dahil iniisip ko kung bakit sya bad mood at wala sa wisyo. Natural na ang pagiging masungit nya pero hindi naman sya bad mood araw-araw. Minsan pa nga ay binibiro sya ni Brix pero ayos lang sa kanya. Kahit minsan kapag tinatawag siya ni Brix ng "Babe!" ay nakikipagbiruan pa ito at sumasagot din ng "Yes, Babe." Pero ngayon halatang bad mood sya dahil hindi sya nakikipagbiruan sa aming mga estudyante nya. Ano kayang nangyari sa kanya?

Break time na at dumiretso kaming tatlo nina Brix at Shauntal sa cafeteria upang kumain. Pagkatapos naming kumain sa canteen nina Shauntal at Brix ay bumalik na agad kami sa room dahil baka dumating na ang sunod naming guro na madalas tawagin ni Brix na dragona. Ang terror na teacher namin.

Teacher namin siya sa Statistics and Probability kaya naman kahit anong tapang, taray at arte niya ay paborito ko pa rin sya dahil nga sa hilig ko ang subject na Math.

Asawa niya si Sir Warrel. Pansin ko ang pagkakaiba ng ugali nilang mag-asawa, as in, sobrang layo talaga. Dahil si Mr. Enriquez ay napaka-bait at alam mo talagang iintidihan ka kapag may kulang ka sa asignatura niya. Kahit na medyo masungit ay nandoon ang awa sa estudyante at gusto nya talaga na makapasa ang lahat sa subject nya. Ngunit itong si Mrs. Enriquez ay mabait din naman ngunit kapag sinabi niya na ang deadline wala ng bawian. Kapag sinabi nyang hanggang mamayang hapon lang hanggang doon lang talaga bawala humirit ng extension at kapag nag joke siya ay lalong hindi nakakatuwa dahil para bang siya lang ang nakakaintindi sa mga sinasabi niya.

Gaya ng aming inaasahan ay pumasok na nga siya sa room at ayun na naman yung aura nya na parang may usok na itim sa likuran nya.

"Gomonin!" maarteng sabi niya ng Good morning. "Okay, before we start to our new lesson. Please bring out your calculators and let's have oral recitation from our topic yesterday. Were in you will be computing the given that I'm going to give using the formula that we tackle yesterday. There's only one rule, YOU WILL GOING TO COMPUTE USING ONLY YOUR CALCULATORS, HAND AND MIND WITHOUT ANY SCRATCH PAPERS" mahabang sabi niya. Lahat naman kami ay agad-agad na kumuha ng kanya-kanyang calculators at inihanda ang matinding memorya upang di malimutan kung ano ang kanyang sasabihin. " IS THAT CLEAR"

"Yes, Mrs. Enriquez" Kabadong sigaw ng lahat.

"Kelan ba kayo matututo, I said call me Mrs. Zion not Mrs. Enriquez. Ang tagal-tagal ko ng sinasabi yan sa inyo." Galit na sigaw niya at wala kaming nagawa kung hindi ang yumuko na lang.

Nagsimula na nga siyang magbigay ng Given tungkol sa aming topic kahapon.

"Okay, start computing in 3, 2, & 1... Go!"

Pagkatapos niyang isigaw yon ay dali-dali kaming nag si pindutan sa kaniya-kaniya naming calculator at ang iba pa ay parang mga baliw na nagsasalita at sulat ng sulat sa hangin.

Pero dahil paborito ko nga ang matematika wala pang isang minuto ay itinaas ko na ang kamay ko na may hawak na calculator upang sumagot.

"Very good again and again Martinez, You impress me so much from the beggining until now. Because of that I'll gave you additional 20 points for the exam tomorrow about the topic that I will discuss later." Masayang bigkas niya.

"Thank you Mrs." Nakangiting sagot ko.

Nagsimula na ngang mag discuss ng panibagong topic si Mrs. Zion. Ito ay patungkol sa test hypothesis. Bago siya lumbas ay binigyan niya kami ng tigi-tigisang kopya ng t-table at sa likod noon ang z-table.

Pagkalabas niya ay ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin ang kasunod naming guro. Dahil sa ang gurong ito ang pinaka boring na guro na nagtuturo sa amin ay wala kaming ginawa kundi umubob o kaya naman titigan siya habang naglalakbay kung saan ang aming mga isipan.

Sa wakas ay natapos siya na mag-discuss. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Kaya naman bumaba na lang kami  Shauntal at Brix papunta sa Canteen upang kumain ng lunch. Hindi pa man kami nakakalayo ay rinig ko na ang tilian ng mga babae na nasa corridor. Paglingon ko sa gilid ko ay nakita ko ang masamang tingin ni Shauntal at nakataas na kilay naman ni Brix.

"Huyy Ma. Ann ayan na yung crush mo si Lorhvins" sigaw ng babae sa kasama nito

"Shhh.. wag ka ngang maingay baka marinig tayo. Gaga ka! Tsaka girlfriend niya ata si Shauntal ayoko namang mapaaway." Sita nung Ma. Ann sa kasama nito.

"Hay nako! Kung alam niyo lang talaga. Tsk. Tsk. Tsk. Patay na patay kayo kay Lorhvins e mas talandi pa yan sa inyo. Baka nga mas maganda pa yan sa inyo kapag na ayusan." Dinig kong bulong ni Brix na hindi ko na lang pinansin.

"Hi, Lorhvins! Mag la-lunch ka na?" Tanong ng isang babae na nakasalubong namin.

"Hindi maghahapunan kami sama ka?" Maarteng pabalang na sabat ni Shauntal na ikinatawa ko ng mahina.

"Tch. Epal ka! Ikaw ba ang kausap ko!" Sigaw nung babae.

"Aba! Hoy! 'Wag mong maduro-duro ang kaibigan ko kung ayaw mong samain. Di kana nga maganda ganyan pa ugali mo, ugaling kanal! Tch. Tara na nga!" Galit na sigaw ni Brix dun sa babae.

Cafeteria

Pag kapasok namin sa loob ng cafeteria ay dumeretso na kami ni Brix sa lane at umorder ng food at dahil nga may sarili na kaming pwesto dito ay doon na dumiretso si Shauntal. Pagkabili namin ng pagkain naming tatlo ay pumunta na kami sa upuan kung nasaan si Shauntal.

"High blood kayo?" Seryosong tanong ko.

"Sinong hindi maha-high blood dun sa mga etchuserang frog na mga yun. Kala mo naman ang ganda ng fes mukha namang pinahidan ng floorwax ang mukha sa sobrang kapal ng blush. Duh!" Maarteng sagot ni Shauntal.

"Tama ka jan! Tsaka kung wala lang gusto yun sa'yo at alam nila yang mabantot mong lihim ay talaga namang ginera ko na ang mga yon!" Inis rin na sambit ni Brix.

"Mga sira kumain na nga tayo!" Sagot ko na lang fahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Pansin ko ang bahagyang pagtawa ng dalawa na hindi ko na lang pinansin. Alam ko na kasi ang iniisip nila.

Habang kumakain ay nag-kwentuhan pa kami tungkol sa mga naririnig namin na mga chismis tungkol sa akin at kay Shauntal na kesyo mag jowa raw kami na tinawanan lang namin.

Pagkatapos naman naming kumain ay umalis na kami at akmang aakyat na sa hagdan papuntang floor namin ng makasalubong namin si Mitch.

"Tapos na ba kayong mag lunch?" Tanong ni Mitch ng makita kaming tatlo sa may hagdan papunta ng floor namin.

"Ah.. ehh.. oo, kakatapos lang naming kumain. Bakit mo nga pala naitanong?" Sagot ko.

"Ipinapatawag ka kasi ni Mr. Enriquez, Sabay daw kayong mag-lunch." Sagot ni Mitch na napansin kong bahagyang natawa kasabay nina Shauntal at Brix.

"Sabi ko na sayo bet ka non eh!" Pang-aasar ni Brix.

"Ayyeeeiihh!!" Sabay-sabay nilang pang-aasar sa akin at natatawa pa ang mga loko.

"Mga sira kayo!" Sita ko sa kanila. "Mitch, if you don't mind pwede bang sumabay na ako sayo papunta ng room ni Mr. Enriquez."

"Oo naman, actually pinapasundo ka niya nga sa akin kaya nga ako nandito. Lets go!" Anyaya niya sa akin na agad akong inakbayan na nakapagpabilis ng pagtibok ng puso ko.

Anong problema nitong lalaking to? Parang kanina lang ay sinisermonan nya ako nung late ako tapos ngayon aakbay-akbay. Close yarn?

"Ah... Eh... Mitch Yung kamay mo pwede bang paalis ang bigat eh." wala sa sariling nabigkas ko.

Nahihiya niyang inalis ang kamay nya sabay kamot sa kanyang batok habang nakangiti.

Nagkwentuhan kami nang nag kwentuhan ni Mich habang naglalakad. Sa totoo lang ang dami kong nalaman tungkol sa kanya at ganon din siya sa akin.

Aaminin ko gwapo si Mitch. Maputi, matangkad, matalino, maganada ang hubog ng katawan at mabait pa kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na marami ring nagkakagusto sa kanya at isa na ako ron. Crush ko si Mitch kahit na napakasungit niya sa akin lagi, well crush lang naman at wala naman sigurong masama ron. Normal lang namang magka-crush diba? Hindi naman kasi siya mahirap na magustuhan.

Kasalukuyan na kaming nasa floor ngayon ng mga teachers. At kumatok naman si Mitch na agad naman nakapagpakaba sa akin sa hindi ko alam na dahilan. Siguro dahil sa mga sinabi nina Brix kanina tungkol kay Sir Warrel.

"Come in" Rinig kong sigaw ni Mr. Enriquez kaya agad kaming pumasok dalawa ni Mitch.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro