Prologo
Nandito ako ngayon sa aming classroom upang tapusin ang aking paggawa ng reporting. Mamaya na kasi ipapakita sa aming prof na palaging may menstruation kaya kailangan ko nang madaliin dahil mag-eensayo pa ako kung paano magreport sa harapan. Sa totoo lang hate na hate ko 'tong ginagawa e kasi nahihiya ako at kapag may kaunting mali ay agad ka nang pagtawanan o 'di kaya'y papagalitan ka pa.
Ako lang mag-isa dito sa classroom kasi gusto ko eh. Ayaw ko kasing may kasama at tsaka ayaw ko nang maingay. May mga kaibigan din ako ngunit mas prefer ko talagang mapag-isa kasi gusto ko nang katahimikan.
Habang tinatapos ko ang aking reporting ay agad namang dumating ang kaklase kong papansin na sa totoo lang ay hindi ko naman pinapansin. Sorry, but we're not close.
"Hazel, tapos ka na ba? May e-edit lang sana ako sa aking reporting.." ngiti niya pero snob lang ako.
"Hazel? May tao ba rito?" mataray niyang tanong kaya napatingin ako sa kaniya. Tumaas naman ang kilay ko.
"Oo." tipid kong sagot at tsaka umalis na mula sa loob ng classroom. Narinig ko siyang may binubulong nang kung anu-ano pero wala akong pakialam.
"Ang kapal talaga nang mukha mo! Hindi ka man lang magpasalamat?!" sigaw niya ngunit patuloy lang ako sa paglalakad sa kalagitnaan ng hallway.
Agad ko namang isinilid ang ginamit kong flash drive sa aking bulsa at patuloy pa ring naglalakad hanggang sa paglabas ng hall. Sa totoo lang may galit ako sa babaeng 'yun dahil isa siya sa rason kung bakit hindi ako makaalis-alis sa dulo.
Naalala ko noon 'nung nasa first year college pa lang kami ay may balitang may leakage sa prelim examination namin at sa hindi inaasahan ay isa ako sa itinuturong dahilan upang mabigla naman ako. Paano ako naging involved sa kalokohang 'yun eh, huli na akong nakarinig ng balita?
Si Chelsea Andrea Celiz, ang tinutukoy kong kaklase ang nagturo sa akin na involved umano sa leakage ng exam. Dahil napaka-influential ng kaniyang family eh wala akong kalaban-laban at tsaka hindi ko man lang madepensahan ang aking sarili sa mga maling paratang.
Pagkatapos 'nun ang ibang students na involved daw sa leakage ay pinage-expel na, siyempre ako na inosente ay hindi makakapayag na gawin 'yun sa akin kaya pinuntahan ko talaga ang aming dean sa kaniyang office.
Sa kasamaang palad nga naman ay nandun ang bruhang 'yun kasama ang magagaling niyang parents. Isa kasing mayor ang kaniyang papa at ang kaniyang mama naman ay isang business woman.
"Dean, ayaw ko pong ma-expel dahil sa maling paratang! Hindi po ako involved sa leakage na 'yun!!" depensa ko ngunit hindi siya tumingin sa akin.
"Hmmp! Huwag ka nang magsinungaling kasi nakita kita Hazel." rinig ko kay Chelsea. Talagang umigting 'yung panga ko dahilan upang gusto ko siyang masabunutan. Kaso andiyan 'yung parents niya kaya hindi ko na itutuloy.
"Ikaw pala ang kaibigan ni Chelsea..." mataray na sinabi 'yun ng kaniyang mama. Not anymore! Nilagay niya ako sa ganitong situation.
"Balita namin na isa kang matalinong bata. Why not you tutor her in exchange para hindi ka na ma-expel?" sabi naman ng kaniyang papa na aking ikinabigla.
"Oo nga noh? At tsaka aside from being my tutor ay puwede ka ring maging katulong ko dito sa school like you'll do my assignments, projects, and etc..." ngiti niya. Ngiti ng isang bruha.
"Are you kidding me? At bakit ko naman 'yun gagawin?!" sigaw ko.
"Dahil ako lang naman ang nag-iisa mong kaibigan, 'di ba? At kapag na-expel ka rito sa school edi hindi na tayo magkikita, right Dean?" sabi niya ngunit hindi naman umimik si dean.
Talagang kumukulo na 'yung dugo ko sa kaniya! Sarap batukan eh!
Days had passed at siyempre hindi ako pinag-expel ni dean dahil tinanggap ko ang deal ni Chelsea. Naging tutor niya ako sa mga nahihirapan niyang subjects at naging taga-alalay niya rin. Halos mga libro't bag niyang mabibigat eh ako ang pinagbitbit. Ako na rin ang bumibili ng kaniyang lunch at snacks kahit malapit lang kami sa canteen. Minsan ako na rin ang pinaglilinis niya ng kaniyang sapatos. Feeling prinsesa eh noh!
Minsan 'nung nasa loob ako ng comfort room ay may mga taong pinagtripan ako. 'Nung lalabas na sana ako sa CR ay hindi na bumukas ang pintuan. Talagang kinabahan ako at tsaka humihingi na rin ako ng saklolo. Ngunit wala namang may tumulong sa akin kahit alam kong may mga estudyante ring dumadaan sa harap ng CR.
Mga ilang oras din ang nagdaan at agad kong naramdaman na may nagbukas sa pintuan ng CR. Mga halos three hours na akong nakakulong kaya agad na akong lumbas at tumakbo papunta sa aming classroom. Dali-dali naman akong tumungo 'run pero nagulat na lamang ako 'nang may bumato sa akin ng itlog dahilan upang matigil ako.
Diretso lang ang aking paningin at agad humakbang ulit. Pero talagang may bumabato na sa akin ng maraming itlog dahilan upang tumakbo ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin. Mukhang umiiyak na rin ako habang patuloy pa rin nila akong pinagbabato ng kung anu-ano. May nagtapon na rin sa akin ng isang baldeng flour at ang iba naman ay isang botelyang vinegar.
Pagdating ko sa ibaba ng hall ay agad tumambad sa akin ang mga estudyanteng bumato sa akin kanina. Tumatawa sila na parang may nakakatawa at ang iba naman ay napangiwi habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Mukhang naglalagkit na ang buo kong katawan dagdagan pa ng maruming uniform ko.
Agad akong tumigil sa pag-iyak nang makita kong papalapit sa akin si Chelsea. Naniningkit na ang aking mga mata dahil alam ko namang siya ang nagpasimuno nito.
"Oh my, Hazel. What happened to you?" ngiwi niya at tsaka tinitigan ako.
Talagang hindi na ako makapagpigil at tsaka ko na siya sinampal nang malakas. Talagang nagulat naman ang nakakita sa amin dahil ako lang naman ang may lakas na loob na gawin 'yun.
"How dare----"
Isang malakas na sampal naman ang ginawa ko upang tumigil siya. Mukhang tutubo na ang sungay ko sa babaeng 'to.
"You demon!!!" sigaw niya at agad akong sinabunutan.
"Ikaw ang mas demonyoooo!!!" sigaw ko rin at tsaka hindi rin magpapatalo sa sabunutan. Ang mga bobo ko namang kaklase eh nagchi-cheer pa sa aming harapan. Talagang walang silbi! Wala lang ba may tumawag sa guard upang pigilan kami?
Nang nararamdaman kong nanghihina ang bruha ay agad ko siyang sinampal ulit upang mapasubsob sa sahig. Umiiyak na rin siya pero wala na akong pakialam.
"Ikaw ang nagpasimuno nito kaya dapat lang na ako ang tumapos..." sabi ko.
"Talagang malalagot ka kay papa sa ginawa mo!!!" iyak niya pero hindi ako nasindak.
"Tama na 'to Chelsea. Pagod na pagod ako sa mga pinaggagawa mo sa akin. It's time for you to receive your punishment..." sabi ko at agad namang naghiyawan ang mga kakalse kong mga baliw.
"Huh! Well see...." bulong niya at agad pinaypayan ang isa naming kaklase na tulungan siya. Ngunit snob lang ito sa kaniya.
"Ano ba?! Are you that dumb? Tulungan mo akong tumayo!!" sigaw niya ngunit tila walang nakarinig sa kaniya. Mukhang napapansin niya rin na parang wala nang pake ang mga kaklase namin sa kaniya dahilan upang sumigaw siya sa galit.
"YOU ARE ALL USELESS AND DUMB!! TALAGANG IPAE-EXPEL KO KAYONG LAHAT!! sigaw niya ngunit walang kumibo sa kaniya.
"Hoy, Chelsea! Porket mayor ang papa mo ay puwede ka nang manakit. Mahiya ka naman!!" rinig ko sa isa kong kaklase kaya napanganga siya sa gulat.
"Oo nga. Kababae mong tao ngunit nangbu-bully ka. Ikaw dapat ang ma-expel at hindi kami!" sigaw naman ng isa at tsaka siya tinapunan ng natirang flour.
Agad naman silang tumawa at umalis sa harapan ni Chelsea.
Hayss... Karma is real talaga, 'di ba?
Tumatangis naman 'tong si Chelsea habang nakaupo sa sahig. Unting-unting umaalis na rin ang aming mga kaklase hanggang sa kami na lang natira ni Chelsea sa ibaba ng hall.
Tiningnan ko pa siya ng masakit bago ako umalis. "Well, karma is all around..." sabi ko pa at agad nilayasan ang bruha.
Kinabukasan ay nireport kaming lahat sa dean's office dahil sa nangyari kahapon. Mabuti na lang dahil magkasabwat kaming lahat laban kay Chelsea kaya mas lalong lumakas ang ebidensiya.
Alam naman ng lahat na isang spoiled-brat si Chelsea at lahat ng kaniyang gusto ay sinusunod. Tinatawag din siyang "Bully Queen" noon 'nung high school pa siya dahil marami rin siyang nabibiktima lalo na't kapag mahirap ang kaniyang kaklase. Talagang may dugong bruha ang babaeng 'to!
At siyempre dahil hindi rin maniniwala ang mukhang pera naming dean ay agad pinanood sa amin ang actual footage mula sa CCTV ng hall. Siyempre hindi na makakatakas pa si Chelsea sa mga nangyayari. Sa CCTV na 'yan eh.
Nang makita na kung paano ako binuly ni Chelsea ay agad kong nakita na parang nadisappoint ang kaniyang parents. Pero sa inaasahan ay talagang sinampal siya ng kaniyang mama dahilan upang umiyak siya lalo.
Sa totoo lang ito na siguro ang pinakamasayang araw ko dahil sa wakas ay mukhang makakalaya na ako.
Dalawang linggo na ang nakalipas ay siyempre masayang-masaya ako dahil hindi na ako ang tagapagbitbit ng mga gamit, hindi rin ako inuutusan na parang isang aso, at higit sa lahat ay hindi rin ako binubuly.
Pero nandito pa rin si Chelsea ngunit parang multo lang siya sa aking paningin. Pati mga kaklase ko ay hindi rin siya pinapansin kaya madalas nakikita ko siyang mag-isa. Why do I care?
Akala ko nga pina-expel na siya ng aming dean. Gaano kaya kalaki ang binayaran ng parents ni Chelsea sa kaniya upang hindi na umalis ang bruha?
To be honest mabait ako pero dahil sa pangyayaring 'yun ay natuto na akong lumaban at nagiging matigas na rin.
Nasa fourth year college na rin ako at siyempre talagang STRUGGLE IS REAL!!
Maraming kakailanganing pag-aralan ngunit hindi naman lumalabas sa exam. Di ba parang nagsasayang ka lang ng oras sa kakaaral? At tsaka kapag nagwo-work ka na e hindi mo naman 'yun kakailanganin like e recite 'yung mga republic act chuchu. Ano 'to, Law? Mga lawyers nga nakakalimutan ang ibang mga R.A eh.
Habang papauwi na sa aking bahay ay hindi ko maiwasang tumingin sa mga kabukiran na dinadaanan namin. Nakasakay ako sa bus at talagang damang-dama ko ang hangin na dumadapo sa aking balat. Napahinga naman ako at agad napaisip. Kailangan ko ng inspirasyon para matutukan ko lalo ang aking pag-aaral.
Ayaw ko ng love life. Ang gusto ko ay ang suporta at pagmamahal galing sa mga kaibigan. Naalala ko noon 'nung elementary pa lang ako ay talagang marami akong mga kaibigan. Kaya isa rin itong rason kung bakit gusto kong pumasok araw-araw upang makasama sila.
Ibang-iba na kasi ngayon. Medyo mahirap makahanap ng totoong kaibigan.
Napahinga ulit ako at agad pumikit upang makatulog. Mga halos apat na oras pa ang biyahe kaya kailangan ko na rin siguro magpahinga.
Ako si Hazel Carmelita. 19 years old at patuloy pa ring nagsusumikap sa buhay. Tunghayan niyo ang aking kuwento kung saan may ilalahad akong mga alaala noon na hinding-hindi ko makakalimutan.
Isang alaala kung saan nakakasama ko noon ang mga kaibigan kong tunay!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro