Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Maaga akong nagising dahil sa kalampag na naririnig ko sa pinto ng guest room na tinutulugan ko ngayon.

Hindi ako natulog sa kwarto namin ni Kaizer. Para saan pa? Hihiwalayan na rin naman niya ako.

"Ano ba't—"

"Good morning, babe." nakangiting salubong sa akin ni Kaizer.

"Anong problema mong man—"

"Bumaba ka na at kakain na tayo. Hinihintay ka na ni Khayie." nakangiting sabi niya bago ako hinila palabas ng guest room.

Ni hindi pa nga ako nakakapag-toothbrush o hilamos manlang tapos hinila na niya ako kaagad.

"Good morning, mommy. Look oh, daddy prepared our breakfast." nakangiting salubong sa akin ng anak ko.

"Good morning din, baby." bati ko sa kanya.

Hindi ko na pinansin 'yong sinabi niya na ang walang-hiya niyang tatay ang nag-prepare ng umagahan namin. Baka pipilitin lang niya akong pirmahan 'yon.

"Ma'am, oh my gee! May nagpadala po ng bulaklak para sa inyo. Trent daw po galing." ngiting-ngiti na sabi ni Delta habang papasok ng dining room at may bitbit na bungkos ng bulaklak.

"From Tito Trent? Nand'yan si Tito Trent?!" nakangiting tanong ni Khayie.

"Nand'yan pa ba 'yong nagpadala?" tanong ko kay Delta.

"Naku, ma'am! Wala na po eh. Dumaan lang naman daw po siya." sagot nito habang kinakamot ang batok niya

"Tsk. Patay na ba ang asawa ko para padalhan niya ng bulaklak?" naiinis na bulong ni Kaizer sa gilid.

"Tsk. Ano bang problema mo dun? Eh ikaw nga namba—"

"Naks! Si sir chuma-chansing na naman kay Ma'amm Irene." kinikilig-kilig na sabi ni Delta sa amin.

"Daddy, naman eh! Bawal sa akin 'yang kiss-kiss na 'yan." naiinis na sabi ni Khayie habang nakatakip ang kamay sa kanyang mga mata.

Tiningnan ko naman ng masama si Kaizer. Fvck! Bigla ba namang manghahalik. Naka-drugs ba siya?!

"Mommy, you're blushing!" kinikilig na sabi ng anak ko.

"A-Ano?! Hindi kaya. Umupo ka na diyan at papakainin na kita." sabi ko kay Khayie bago umupo sa tabi niya.

Tiningnan ko naman si Kaizer na mukhang aso kung ngumiti.

Tsk! Laki-laki naman ng ilong.

Napatigil ako sa pag-iisip ng masamang gawin kay Kaizer ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Excuse lang. Sasagutin ko lang 'to." sabi ko sa kanila.

Tumayo muna ako at pumunta sa kusina para sagutin ang tawag ng gagong ito.

"Hello, Trent?!"

"Galit? Natanggap mo na ba 'yung bulaklak na pinadala ko?" natatawang tanong nito sa akin.

"Oo." simpleng sagot ko.

"Problema mong Icing ka?" Mukhang naiinis na rin sa akin ang mokong na 'to.

"Nakakaletse kasi si Kaizer. Tsk!" nakairap na kwento ko dito kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Ano na naman ang ginawa ng walang-hiya mong asawa?" seryosong tanong nito.

"Wala naman. Kung anu-ano na naman kasi ang mga pakana ngayong umaga. Siguro pipilitin na naman niya kong pumirma sa annulment papers na binigay niya sa akin kahapon." mahabang lintaya ko sa kanya.

"Gusto mo naman?" walang pakundangan niyang tanong sa akin.

"Of course not! Tsk. Pagbuhulin ko sila ng kabit niya eh. Alam mo namang ginagawa ko lang 'to dah"

"Oo na! Basta tandaan mo lagi lang akong nandito ha? Pupunta ako d'yan mamaya. Bye." mabilis na sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Letse talaga 'tong si Trent. Ano na naman kayang kagaguhan ang gagawin no'n? Psh.

"Tsk. Ano bang nakita mo d'yan sa Tent na 'yan? Mas gwapo naman ako doon." tanong ni Kaizer na sumunod pala sa akin at nakikinig sa usapan namin ni Trent.

"Bakit ka nandito? Kailan ka pa naging chismoso? Tsaka sinong Tent?! Naka-drugs ka talaga eh 'no?" sunod-sunod na tanong ko kay Kaizer.

"Tent 'yong kasama niyo kahapon ng anak natin." naiinis na sagot niya.

"Trent 'yon!" sabi ko sa kanya sabay irap.

"Matanong nga kita, Kaizer. Ano ba kasing plano mo? Bakit mo 'to ginagawa?" dire-diretsong tanong ko sa kamya.

"Ginagawa ko lang 'yong kondisyon mo." seryosong sagot nito sa akin.

"Kondisyon?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito?

"Na makasama kayo ni Khayie ng buong isang buwan. Walang Chloe. Kayo lang dalawa ng anak natin."

Kaya pala.

Ginagawa niya lang 'to para sa kondisyon na hinihingi ko.

Handa na ako.

Handang-handa na ako sa lahat ng pwedeng mangyari pagkatapos ng isang buwan na 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro