Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

"Babye, Tito Trent. Thank you po dito sa gifts. See you again, Tito."

"Your welcome, Vane. Basta magpapakabait ka kay mommy ha? Ingat kayo." tumango naman si Khayie sa kanya bago pumasok sa shotgun seat ng kotse.

Nandito na kami ngayon sa parking lot. Gusto pa nga sana kaming ihatid ni Trent kaso sabi ko may dala akong kotse.

Tumayo siya para magkapantay kami at nginitian ako ng matamis.

"Ingat sa pagda-drive ha? Magpahinga ka na agad pag-uwi niyo. Mamimiss agad kita." sabi niya bago ako niyakap at hinalikan sa noo.

"Psh. Sige na! Aalis na kami. Ingat ka ha? Tanga ka pa naman!" tumatawang sabi ko. Inirapan lang niya ko.

Sumakay na ako sa driver's seat at kumaway kay Trent sa may window shield.

Nilingon ko si Khayie na yakap ang mickey mouse na binigay sa kanya ni Trent at mahimbing na natutulog.

Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil wala ng masyadong mga sasakyang bumabyahe.

Nag-doorbell ako sa bahay dahil hindi ko kakayaning bitbitin ang mga pinamili ni Trent para kay Khayie.

"Ma'am Irene, jusko! Kanina pa po namin kayo hinahanap ni Sir Kaizer. Saa—" Pinatigil ko si Delta sa kakasalita gamit ang pagtataas ng kanang kamay ko.

"Pakikuha 'tong hawak na bear ni Khayie tsaka 'yong mga gamit sa compartment. Ilagay mo na lang sa salas." sabi ko sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay.

"Saan ka galing?" tanong sa akin ng mahal kong asawa pagpasok na pagpasok ko ng bahay.

"Pake mo? Hindi naman kita pinakialaman kanina no'ng kasama mo 'yong kabit mo diba? So, just shut the fvck up, Kaizer." walang emosyong sabi ko sa kanya bago umakyat sa kwarto ni Khayie.

"Sinong lalaki ang kasama niyo kanina?" tanong ni Kaizer habang ibinababa sa kama si Khayie.

Sinundan pala niya kami. Bakit kaya hindi niya ginawa 'yon noong umalis ako papuntang Germany? Edi sana hindi nagkaganito ang lahat.

"Kabit mo ba 'yon, Irene?!" galit na tanong niya sa akin.

Isang malakas na sampal ang pinatama ko sa kanang pisngi niya. Anong karapatan niyang ipasa sa akin ang ginagawa?! Ako na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang pamilya ko.

"Ang lakas naman ng loob mong itanong sa akin 'yan. Sa ating dalawa ikaw ang may kabit! At siguro naman wala ka ng pakialam kung sinong kasama ko kanina diba?!"

"Asawa mo pa rin ako, Irene!" sigaw niya sa akin.

Isa pa ulit na sampal ang ipinatama ko sa mukha niya. This time, sa kaliwang pisngi naman.

"Sana inisip mo 'yan bago mo ako niloko! Sana inisip mo 'yan bago mo ako gustong hiwalayan! Kasi kulang pa 'yang mga sampal na 'yan sa lahat ng sakit na pinagdadaanan ko ngayon! Walang kang alam, Kaizer." umiiyak na sumbat ko sa kanya.

Lalabas na sana ako ng kwarto ni Khayie ng makarinig ako ng mahihinang hikbi.

"K-Khayie." nauutal na tawag ko sa pangalan ng anak ko.

"Mommy, bakit po kayo nag-aaway ni daddy?" umiiyak na tanong ni Khayie sa akin.

"D-Daddy, ayaw mo na po ba sa akin? Kaya po ba iniwan niyo din ako noong umalis si mommy?" patuloy sa paghikbing tanong ni Khayie.

Para naman akong tinarakan ng libo-libong kutsilyo sa puso ng makitang umiiyak ang anak ko ng dahil sa problema namin ng daddy niya.

"Baby, may problema lang kasi si mommy at daddy. 'Wag ka nang umiyak. Love ka namin ni daddy kaya tahan na." sabi ko sa kanya habang nakayakap sa kanya.

"A-ayaw niyo na po ba sa akin, mommy? Iiwan niyo na po ba ako ni daddy? M-Mabait naman po ako ah." mahinang sabi nito habang patuloy na umiiyak sa bisig ko.

Kung pwede lang sana na sa tabi mo ako lagi gagawin ko, anak. Kaso hindi...

"Baby, hindi naman magkaaway si mommy at daddy eh. Tahan na. Hindi ka namin iiwan ni mommy." kinuha sa akin ni Kaizer si Khayie at kinarga ito.

Napatungo ako dahil ayokong makita nilang umiiyak ako. Ayokong maging mahina sa harap ng anak ko.

Kahit ngayon lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro