Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"Tito Trent, I want that big mickey mouse." sabi ni Khayie kay Trent habang nakaturo sa malaking Mickey Mouse dito sa Toy Kingdom.

Marami na rin kaming bitbit dahil lahat ng itinuturo ni Khayie ay binibili niya.

"Baby, ang dami mo ng naipabili kay Tito Trent mo. Baka hindi na 'to magkasya sa kotse." sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo na, Irene. Halika, Vane bibilihin natin 'yon." nakangiting sabi nito sa akin bago kinarga ang anak ko.

Tsk! Bakit kasi ang kukulit ng kasama ko ngayon?

"Talaga, tito? Yehey! Thank you po." nakayakap na sabi ni Khayie kay Trent.

Kinuha na nila 'yong Mickey Mouse at binayaran na agad ni Trent dahil sabi ko ay kumain na kami bago umuwi dahil gabi na rin.

Kailangan ko pang magpahinga.

Nasa isang sikat na buffet restaurant kami ngayon at si Khayie naman ay patapos na agad kumain.

"Trent, tingnan mo si Khayie. Patapos na agad kumain. Ginutom mo kasi." sabi ko kay Trent habang pinupunasan ang pisngi ni Khayie na may sauce pa ng kanyang kinakain.

"Sinisisi pa ako. Ang sabihin mo hindi niyo pinapakain ng ayos si Vane." sabi niya sa akin bago ako inirapan.

Kalalaking tao nito ang galing mang-irap at mag-inarte. Ang sarap lang kutusan parang hindi doktor.

"Tito, what's your work po?" tanong ni Khayie habang iniinom 'yung juice niya.

"Doctor ako sa Germany, baby." nakangiting sagot niya kay Khayie. Nanlaki naman ang mata ng anak ko dahil sa kanyang narinig.

"Jinjja, tito?! I want to be a doctor too when I grow up." nakangiting sabi ni Khayie sa kanya.

"Then study hard, okay? Para maging doctor ka rin tulad ko." nakangiting sabi nito kay Khayie at pinisil ang pisngi ng bata.

"I will, tito. I want to take care of mommy and daddy po kasi when they get old."

Napatingin naman ako kay Trent na nakatingin din pala sa akin dahil sa sinagot ni Khayie sa kanya.

Sana maabutan mo pang tumanda si mommy, anak.

"Mommy, finish na po ako. I will washed my hands on the restroom lang po." paalam sa akin ni Khayie bago tumayo sa upuan niya.

Pagkaalis ni Khayie ay biglang tumigil si Trent sa pagkain niya at seryosong tumingin sa akin.

"Sign it, Irene." walang pakundangan niyang sabi.

Habang naglalaro kanina si Khayie sa arcade ay naikwento ko na sa kanya ang tungkol sa annulment papers na binigay sa akin ni Kaizer at muntik na siyang magwala sa arcade kanina dahil sa kinuwento ko.

"I can't. Alam mo naman diba? Siya lang ang mapag-iiwan ko kay Khayie." nakatungong sabi ko sa kanya.

"Irene, nandito ako. Hiwalayan mo na siya. Tanggapin mo ang alok ko tapos palitan natin ang apelyido si Vane. Kaya kong maging ama para kay Vane." seryosong sabi nito habang hawak ang kamay kong nakapatong sa may lamesa.

"Hindi 'yon ganon kadali, Trent."

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong pumatak. Bakit ba umabot sa ganito ang lahat?

Lumapit sa akin si Trent at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi kita mapipilit pero tandaan mo. Lagi lang akong nandito para sayo. Mahal na mahal kita, Irene."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro