Chapter 3
"A-Annulment Papers?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Parang bigla akong nanghina dahil sa papel na hawak ko ngayon.
"Kaizer, b-bakit?"
"It simply because he doesn't love you anymore." nakangising sagot sa akin ni Chloe.
"Siya ba ha, Kaizer? 'Yan bang babaeng 'yan ang pinalit mo sa akin?!" galit na galit na tanong ko habang nakaturo sa babae niya.
"Kaizer, ano?!" sigaw ko pa habang tinutulak siya.
Gusto kong magwala. Gusto ko silang saktan pero hindi ko magawa.
"I'm sorry."
"Huh! Sorry? Sorry lang ang masasabi mo?! Kaizer, anim na buwan lang ako nawala tapos may naipalit ka na agad sa akin?!" puno ng hinanakit kong sigaw sa kanya.
"Irene, hindi mo ako masisisi. Siya ang nandito ng mga panahong wala ka! Siya at hindi ikaw!" sigaw niya sa akin habang mahigpit na hawak ang magkabila kong braso.
"Edi sana hindi ka pumayag na umalis ako. Baka naman kasi nandito palang ako may relasyon na kayo!" sigaw ko sa kanya habang sinusuntok-suntok siya sa dibdib.
Ang sakit-sakit naman na salubong nitonsa akin. Hirap na hirap na ako...
"So, totoo palang matalino ka. Nice! Nalaman mo 'yon?" nakangiting sabi sa akin ng magaling niyang kabit na para bang tuwang-tuwa siya na nalaman ko ang kahayupan nila ng asawa ko.
Ibig sabihin sa loob ng apat na taon na 'yon hindi lang pala ako ang mahal niya. O kung hanggang kailan lang ba niya ako minahal.
Ibinuhos ko lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko sa sampal na ibinigay ko sa babaeng sumira ng pagsasama naming mag-asawa.
"Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng kakapalan ng mukha. Alam mong may asawa't-anak na kinakalantari mo pa! Nasaan ang delikadesa mong babae ka ha?!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Irene, stop. 'Yan lang naman ang hinihingi ko kaya pwede ba pirmahan mo na lang!" sigaw sa akin ni Kaizer habang yakap-yakap ang kabit niya.
"Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko sa'yo ng buong puso itong annulment papers na 'to may pirma ko pero sa isang kondisyon..." nakangising sabi ko sa kanya.
Hindi ako tangang basta isusuko ang karapatan ko nilang asawa ni Kaizer. Ngayon ko siya kailangan. Ngayon namin siya kailangan ni Khayie.
"A-Anong kondisyon?"
"Stay with us for one month. Isang buwang kami lang ni Khayie ang makakasama at iisipin mo. Walang Chloe." nakangisi kong sabi sa kanila habang pinupunasan ang ang pisngi ko. "Kami lang." seryosong dagdag ko.
"What?! Isang buwan? Tapos ano. Magiging masaya na kayo ulit. Mababawi mo na sa akin si Kaizer? Hindi, ayoko!" sigaw sa akin ng magaling niyang kabit.
"Okay. Madali akong kausap. Ayaw niyo sa kondisyon ko? Then walang divorce na magaganap!"
Umakyat na ako sa kwarto namin. Sa kwarto namin na puno ng masasayang alaala.
Napaupo na lang ako likod ng pinto at niyakap ang dalawang tuhod ko. Nanghihina na ako...
"Kaizer, bakit? B-Bakit ngayon pa?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro