Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Hindi ko alam ang gagawin ko ng malapitan ko siya. Alam kong nakakabaklang tingnan at nakakahiya sa mga kasama namin pero wala na akong pakialam kung umiiyak ako. Kung mukha na ba akong tanga sa kakaiyak.

"Hi," nakangiting salubong sa akin ni Irene. "Bakit ka ba umiiyak?" natatawang sabi niya sa akin bago inabot ang pisngi ko at pinahid ang mga luha ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya at itinapat ito sa labi ko bago hinalikan.

Mahina ang boses niya at bakas dito ang panghihina pero kita sa mga mata niya na masaya siya kagaya ko.

"I-I'm sorry. Damn, I miss you so much." hindi ko na napigilang yakapin siya ng mahigpit. 'Yung yakap ng pangungulila, 'yung yakap na puno ng pagmamahal.

"'Wag ka na ngang umiyak. I'm here already." marahang sabi nito habang hinahaplos ang likod ko. "We're already here. Kumpleto na ulit tayo."

God knows how I missed her voice. How I missed being with her.

Tumayo ako ng maayos at tumingin kay Trent. "Salamat. Salamat ng marami." tumango siya sa akin bago ngumiti.

"Sumakay na kayo para makaalis na kayo. By this time alam na ng mga Fortaleza na nawawala na si Irene." sabi nito bago tumingin kay Eurika at tumango. Kinuha ni Eurika si Khayie at inakyat na ito sa chopper bago ipinasunod ang mga maleta namin.

"T-Trent, thank you." nakangiting sabi ng asawa ko kay Trent. Lumuhod naman ito upang magkapantay sila.

"I'm your saviour, right? Sige na, sumakay na kayo." alam kong kahit nakangiti siya ay nasasaktan siya dahil alam ko. Nakita ko kung gaano niya kamahal ang asawa ko. Salamat na lang at hindi niya naisip na samantalahin ang mga nangyayari sa amin.

Kinarga ko si Irene mula sa pagkakaupo niya sa wheelchair at mahigpit siyang yumakap sa leeg ko.

"Namiss ko 'to." nakayupyop na bulong niya sa akin. Binigyan ko siya ng magaang halik sa ulo bago tuluyang umakyat sa chopper.

Umupo kami at kinandong ko si Khayie. Sumunod naman si Trent na nakaupo sa tabi ng piloto.

"Take care of them, Kaizer. I'm going. I need to face our family because of this." nakangiting paalam sa amin ni Eurika. Malakas na din ang pagkakasabi niya dahil sa ugong ng sinasakyan namin.

"Thank you, Rika. Salamat sa lahat, ate." umiiyak sabi ni Irene sa kanya. Niyakap ko naman siya upang patahanin.

"You're always welcome. Sige na, umalis na kayo. Ikaw ng bahala sa kanila, Trent." nag-umpisa ng umangat ang sinasakyan namin sa rooftop ng sumigaw si Khayie sa tita niya.

"Thank you, Tita Ganda! Mamimiss kita." maligayang sabi nito bago nag-flying kiss sa tita niya.

Naramdaman kong yumakap sa akin si Irene kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiting tumingin siya sa amin.

"I love you." she mouthed before closing her eyes. I hugged her back and silently thanking him for giving me a second chance.

This time, hindi na ako gagawa ng mga bagay na makakasira ng pamilya ko.

Gagawin ko ang lahat para maging masaya at habang buhay na kaming magkakasama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro