Chapter 21
Kaizer's POV
Alas-dies palang ng gabi ay nasa kumpanya na ako. Gagamitin namin ang chopper ni Trent papuntang New York. Isang oras na lang ang inaantay ko at makikita ko na ulit ang aking mag-ina.
Hindi ko alam kung maayos ko bang makukuha ang mag-ina ko pero gagawin ko ang lahat para makuha ko sila. Kahit pa tuluyang magalit sa akin ang pamilya niya ay hinding-hindi ko hahayaang mailayo pa nila sa akin ulit ang mag-ina ko.
Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok sa opisina ko. Pasado alas-onse palang kaya imposibleng si Trent na 'yun pero tumayo pa rin ako at binuksan ito.
"Daddy!" malakas na tili ni Khayie ang bumungad sa akin at ang seryosong si Eurika na may dalang isang maleta. Umupo ako para makapantay ang anak ko at niyakap ito ng mahigpit.
"I miss you, baby. Lalayo na tayo nina mommy dito." marahang sabi ko dito habang hinahagod ang kanyang buhok. Nag-angat naman ako ng tingin kay Eurika at ngumiti. I mouthed thank you and she smiled at me.
"Hindi na nila ako kukuhanin sa'yo, daddy?" nakangusong tanong nito sa akin kaya napangiti ako. Damn, I missed my daughter so much.
"Not anymore." nakangiting sabi ko dito bago dinampian ng halik ang noo niya.
"Parating na dito sina Trent. Come on, umakyat na kayo sa taas para makaalis na agad kayo pagdating nila." sabi nito bago kinuha sa akin si Khayie at kinarga.
"Kay Tita Ganda ka muna, Khayie. Iaakyat lang ni daddy mo 'yung mga gamit niyo sa rooftop." sabi nito kay Khayie at nauna ng maglakad. Hinila ko naman ang mga maleta namin at sumunod na kay Eurika.
"Daddy, daddy!" napalingon naman ako kay Khayie na ngiting-ngiti na tinatawag ako. Ngumiti naman ako pabalik at tinanong siya kung bakit.
"Suot ko po 'yung gift niyo sa akin ni mommy na bracelet." she said while giggling. Pinakita naman niya sa akin ang kamay niya na suot ang bracelet na binili pa namin ng mommy niya noong nagbakasyon kami sa France. Pinatong ko naman ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok niya.
"Ang kulit ng anak mo, Kaizer. Gosh! Manang-mana eh." nakangiwing sabi sa amin ni Eurika.
"Ganun talaga." natatawang sabi ko dito. Inirapan naman niya ako at tumunog na ang elevator hudyat na nakarating na kami sa rooftop.
Paglabas namin ay ingay ng chopper ni Trent ang narinig namin at likod ng isang lalaki na nakahawak sa isang wheelchair ang natanaw ko malapit sa may chopper.
"Mommy!" nagkakawag si Khayie mula sa pagkakabuhat ni Eurika at nagtatakbo sa likod ni Trent. Dahan-dahang humarap sa amin si Trent at ang babae sa wheelchair na hawak niya.
And there, I saw my life. I feel alive again.
"Irene..." nakita ko kung paano ngumiti ang mga mata niya ng makita kami. Nang makalapit sa kanya si Khayie ay niyakap niya ito ng mahigpit.
Hindi ko magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Gusto ko lang tingnan ang dalawang taong bumubuhay sa akin ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro