Chapter 20
Kaizer's POV
Natapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko dahil napagpasyahan ko munang umalis ng bansa at bumalik sa New York kung saan nandoon ang pamilya ko.
Palabas na ako ng pintuan ng mahagip ng mata ko ang malaking family picture namin sa may sala. Napangiti ako ng mapait bago ito nilapitan.
"Hindi ako aalis dahil sa hindi ko na kayo mahal. Aalis ako kasi 'yun ang makakabuti para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo." malungkot na sabi ko bago hinaplos ang litrato kung saan makikita mo ang tunay na kasiyahan sa kanilang mga mata.
Bago ako tuluyang lumisan sa bahay na ito ay inilibot ko muna ang paningin ko sa buong bahay at inalala ang apat na taong masayang kasama ang pamilya ko.
Napailing na lang ako at mapait na ngumiti bago tuluyang lumabas ng bahay. Sa paglabas ko ng bahay ay nakita kong matamang nakatingin sa akin ang lalaking may gusto sa asawa ko, si Trent.
"You're leaving?" naka-kunot noong sabi niya habang nakatingin sa mga maletang nasa tapat ng pinto.
"Obviously." walang buhay na sagot ko sa kanya bago kinuha ang dalawa kong maleta at nilampasan siya.
"What about Irene and Khayie?" rinig kong tanong niya kaya nilingon ko siya.
"Aren't you happy? Mapupunta na sa'yo ang pamilya ko? That's what you want, right? I'm giving them to you just take care the both of them, especially my wife." malumanay na sabi ko at ng wala akong narinig pang salita galing sa kanya ay tumuloy na maglakad.
"She needs you, they need you. I'll help you to get them." malumanay niyang sabi na nagpatigil sa akin sa paglakad. Lumingon ako sa kanya at nagsalita.
Para sa katulad niyang mahal ang asawa ko, dapat ay matuwa na siya sa pag-alis ko. Hindi na dapat siya nandito para sabihin ang mga bagay na 'to.
"Are you serious?" seryosong tanong ko sa kanya. "How can you even do that? Banned ako sa hospital kung saan nandun ang asawa ko. Now, tell me."
"Dadalhin ko sa'yo si Irene at isusunod ni Eurika si Khayie. Magkita tayo sa rooftop ng kumpanya mo. Lumayo kayo ng pamilya mo dito." seryosong sabi nito sa akin na para bang siguradong-sigurado siya sa plano niya. Tinitigan ko siya ng diretso sa mata upang malaman kung totoo ba ang sinasabi niya.
"She's dying. Give her the best, Kaizer. Kung hindi mo na siya mahal just let her feel na mahalaga pa rin siya para sa'yo." nakikiusap pa nitong sabi sa akin.
"No, she's not! Mabubuhay ang asawa ko." nanghihinang sabi ko dito. Ngumiti ito ng mapait sa akin.
"I know. That woman is a fighter. Your wife is a fighter. She deserves the best."
"Hindi mo kailangang sabihin sa akin 'yan. Mahal na mahal ko ang asawa ko." sabi ko sa kanya kaya ngumiti siya ng tipid.
"Meet us on the rooftop of your company at twelve in the midnight." sabi nito bago ako tinalikuran.
Makukuha ko na ulit ang pamilya ko.
Makakasama ko na ulit sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro