Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

"Kaizer!" nakangiting tawag ko sa kanya ngunit tinapunan lang niya ko ng tingin at lumapit kay Khayie.

Anong problema niya?

"Daddy, namiss po kita! Bakit ngayon ka lang po dumating?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Khayie.

"Namiss din kita, baby. Tahan na. Nandito na si daddy."

Saan ba siya nang galing? Umalis din ba siya noong umalis ako?

"Pumasok na muna tayo at nang makakain na." sabi ni mommy sa amin.

"Ikaw si Chloe diba? Ang secretary ni Kaizer? Bakit ka nandito? Pati dito ba naman trabaho pa rin?" sunod-sunod na tanong ni kuya na hindi nakatakas sa pandinig ko.

"Tumigil ka nga, Sain. Syempre CEO eh. Ano pang aasahan mo? Tsk. Chloe, halika sumabay ka na sa aming mag-lunch." pag-aaya ni Ate Tania dun sa kasamang babae ni Kaizer.

"Salamat po." nakangiting sabi noong Chloe.

"Iba ang feeling ko sa babaeng 'yan, IC." bulong sa akin ni Eurika.

"I feel yah!" mataray na sagot ko sa kanya. Nauna na akong pumasok sa loob kasama si Javee na nakahawak sa kamay ko.

"Manang, namiss ko po kayo." salubong ko agad kay manang na naghahanda ng mga plato.

"Ikaw ba 'yan, IC? Aba't lalo kang gumanda."

"Manang, si Irene lang? Paano ako?" nakangusong sabi ni Eurika.

"Parehas naman kayong magandang magkapatid eh. Oh siya, umupo na kayo at kumain." sagot ni manang sa kanya.

"Ma'am Irene, ikaw na po ba 'yan? Hala. Lalo po kayong gumanda!" nakangiting sabi sa akin ng yaya ni Khayie na si Delta.

"Sina manang at Delta sinungaling. Kailan pa gumanda ang dalawang plat na 'yan?" tanong ni kuya na kakapasok lang sa dining room.

"Tumahimik ka nga d'yan, Ivan. Sungalngalin kita d'yan ng dog food ni Yohan eh!" sigaw ni Eurika sa kanya. Si Yohan ay ang alagang poodle ni Eurika na kasama rin naming umuwi mula Germany.

"Ate Tania, oh! Lakas na namang mang-asar ng asawa mong gilagid." sumbong ko kay Ate Tania at sinamaan ng tingin si kuya.

"Sain, tigil-tigilan mo nga mga kapatid mo. Mapapa-anak ako sa'yo ng hindi oras eh." nawawalang pasensya na sabi ni Ate Tania sa kanya.

Binelatan naman namin siya ni Eurika.

"Mamaya na kayo mag-asaran d'yan. Kumain na muna kayo." natatawang saway ni mommy.

Naupo na kaming lahat at katabi ko ngayon si Kaizer at Khayie.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinapansin na kanina ko pang pinagtataka.

Ano bang problema niya? Hindi niya ba ako namiss?

"Kaizer, bakit hindi mo manlang pinapansin si Irene? Sabi na eh nambababae ka!" sabi bigla ni Eurika na nagpatigil sa akin sa pagkain.

Napatingin naman ako kay Kaizer na nakatingin din pala sa akin.

Bakit ganon? Wala akong makitang pagmamahal o kahit pangungulila sa mga tingin niya sa akin?

Bumaling na lang ako kay Eurika at tiningnan siya ng masama. Ano bang pinagsasabi nito?

"Tita Ganda, what is nambababae?" tanong ni Khayie kay Eurika.

"Baby, nambababae is 'yong may asawa ka tapo— Aray!"

Bakit siya umaray? Binato ko lang naman siya ng hawak kong tinidor. Kung anu-anong tinuturo sa anak ko.

"Eurika, stop! Huwag mong turuan ng kung anu-ano 'yang pamangkin mo." saway sa kanya ni mommy. Nag-sorry naman siya rito.

"Khayie, wag kang makikinig d'yan sa Tita Panget mo. Puro walang katuturan sinasabi niyan." nakangiting sabi ni kuya kay Khayie.

"Tse. Manahimik ka nga, Ivan! Ikaw IC, masakit 'yon ha. Lagi niyo na lang akong sinasaktan." nakangusong sabi niya sa akin.

"Sus! Si Elite lang naman na nanakit sa'yo. Rebound ka lang kasi." sabi sa kanya ni kuya kaya lalong nainis si Eurika.

"Tse! Tigilan niyo akong dalawa. Tsaka sino si Elite? Wala akong kilalang ganoon." nakairap na sabi ni Eurika sa kanya.

"Break na kayo, Rika? Kailan pa?" tanong ni Ate Tania sa kanya.

"Hindi naman naging sila eh. Siya'y isang malaking rebound lang." tumatawang sabi ko.

"Doon ka pa kasi nagkagusto eh alam mo namang patay na patay kay Fress 'yon." sabi sa kanya ni Ate Tania.

"Wala naman kasi akong kilalang Elite eh. Bakit ba ang kulit niyo?" naiinis na sagot niya sa amin. Alam kong kahit hindi aminin ni Eurika ay nasaktan siya sa ginawa sa kanya ni Elite.

"Ayaw mo kasing makipag-date kay Yhenj eh." sabat ulit ni mommy sa amin.

So, siya pa rin pala ang pinipilit ni mom na ipakasal kay Eurika?

"Oo nga, Rika. Mabait naman si Yhenj. Hindi pa manggagamit." natatawang sabi ko sa kanya. I know that Yhej because I met him once, and he is really nice and handsome.

"Like duh! Mom, ayoko doon tsaka IC, ayokong mang-rebound." nakairap na sabi nito sa akin bago uminom ng tubig.

"Edi wow! Gagaya ka pa kay Kuya Dexter na nagpapakamartir sa past niya." sabi ko sa kanya.

"Kawawa naman si Badjao napadamay pa." tumatawang sabi ni kuya.

"Gilagid mo!" sabay-sabay na sigaw namin nina Eurika at Ate Tania.

Napa-straight face naman siya bigla dahil sa sigaw namin at tiningnan niya kami ng masama ni Eurika habang 'yong asawa niya nginitian lang niya ng matamis.

"Dad, nasisilaw kami sa gums mo!"

"Tito Swaeg, your saliva is tumatalsik sa akin."

Sabay na sabi ng dalawang bata na kasama namin kaya tiningnan din sila ni kuya ng masama. Napa-peace sign naman 'yong dalawa sa kanya.

"Jusko, IC! Maling-mali na iniwan mo si Khayie dito. Tingnan mo oh, nahawa na kay Ivan. Ang conyo na!" naiiritang sabi ni Eurika sa akin.

"Cool kaya 'yon. Diba, Khayie?" ngiting-ngiting sabi ni kuya sa anak ko na ikinatango naman ng isa.

"Baby, huwag kang gumaya kay Tito Swaeg mo. Jusko, anak." malumanay na sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang gilid ng labi niya.

"Eh kasi po Tito Swaeg said na being conyo is nakakaganda raw." nakangusong sabi niya sa akin.

"Baby, hindi mo kailangang maging swaeg para gumanda ka. You're pretty like your mom." sabi ni Kaizer kay Khayie.

Tiningnan ko naman siya nang nakakunot ang noo pero nginitian niya lang ako.

Alam kong ang corny pero kinilig ako doon. Why is that?

"Sus. Walang forever." rinig kong bulong ni Eurika.

"Dad, ipa-engage mo na 'to kay Yhenj ng hindi ganito ka-bitter. Sayang naman pagtumandang dalaga." sabi ni kuya kay dad.

"Tse. Ayoko doon!"

"May abs 'yon, Rika!" tumatawang sabi ko. Agad naman siya napalingon sa akin at ngumiti ng malaki.

"Eh?! Nakita mo? Madami ba? Walo o anim?" tanong nito habang nagnining-ning ang mga mata.

"Walo? Ewan ko. Tinginan mo na lang sa magazines. Model naman 'yun eh! Tsk." natatawang sagot ko sa kanya.

"Eh? Dad, pwede mo na akong i-engage sa kanya. As in now na!" na-eexcite na sabi niya kay dad.

Tinawanan lang namin siya dahil sa naging reaksyon niya.

"MOM, dad. Uuwi na po kami. Ate Tania, maraming salamat sa pagbabantay kay Khayie ha. Ikaw Javee, papakabait kay mommy at daddy ha? Babye!" pagpapaalam ko sa kanila.

"Babye, mamita. Babye, Tita Ganda, Tita Tania, at Tito Swaeg. Babye rin sa'yo, Throne." paalam ni Khayie kina mommy.

"Sabing 'wag mo akong tawaging Throne eh." nakangusong sabi ni Javee kay Khayie.

Humagikgik lang naman si Khayie dahil sa inasal ng pinsan niya.

"Mom, dad, aalis na po kami." nakangiting paalam ko sa kanila.

"Sige. Lumarga na kayo at ng makapagpahinga. Kaizer, ingat sa pagda-drive." bilin ni dad kay Kaizer. Tumango naman ito sa kanya at ngumiti.

"Bye, Tita Dyosa! Bye, Tito Kaizer. Babye, Vane. Bleh!" paalam sa amin ni Javee. Binelatan lang din ni Khayie si Javee na tinawanan lang siya.

Iba talaga 'tong magpinsang 'to.

"Rika, invited ako sa kasal niyo ha? Tatawagan na lang kita mamaya ha?" natatawang sabi ko sa kanya.

"Oo na! Huwag mong kakalimutan ha? Ingat kayo."

Lumabas na kami nina Khayie at Delta na bitbit 'yong bag na may gamit ni Khayie at hanggang ngayon kasama pa rin namin 'tong si Chloe.

Sumakay na kami ni Khayie sa shotgun seat at si Delta naman pati si Chloe ay nakaupo sa may passenger seat.

Tiningnan ko siya gamit ang rear mirror at nakita kong nakatingin din siya sa akin ng bigla niya akong nginisian.

Problema niya? Tanggalan ko siya ng ngipin eh.

"Mommy, I'm so excited nang umuwi. Kamusta na kaya si house? Kilala niya pa kaya ako?"

Jusko 'tong anak ko pati ba naman 'yong bahay? Ano bang itinuro dito nina kuya at nagkaganito 'to?

"Baby, kilala ka pa ni house okay? Matulog ka na muna at malayo-layo pa tayo." sabi ko sa kanya bago siya isinandal sa akin.

NANG makarating kami sa bahay at tulog pa rin si Khayie kaya ipinaakyat ko muna siya kay Delta para makapagpahinga.

"Irene," tawag sa akin ni Kaizer bago ako tuluyang maka-akyat ng hagdan.

"Bakit?" nakangiting tanong ko sa kanya. May inabot naman siya sa aking brown envelope.

"What's this?" nagtatakang tanong ko.

"Why don't you just open it?" mataray na sabi sa akin ng sekretarya niya.

"Why don't you just shut up? Usapang mag-asawa 'to kaya wag kang makisabat." mataray na sabi ko sa kanya.

Para saan pa't grumaduate akong maldita kung hindi ko magagamit ang kamalditahan ko sa mga ganitong panahon.

A bitch will always be a bitch.

"Shut up, Chloe!" madiing saway sa kanya ni Kaizer bago ulit bumaling sa akin. "Buksan mo na lang 'yan, Irene."

Bago ko pa masampal 'tong babaeng nasa harap ko ay binuksan ko na lang 'yong envelope.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita kong laman ng envelope.

"A-Annulment papers?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro