Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Dalawang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin gumigising si Irene.

Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng huli kong makita ang asawa ko.

At kailan lang pumunta dito ang magulang ni Irene para kunin si Khayie kaya ngayon ito ako, walang-wala na.

Wala na ang pamilya ko sa akin.

Sabi ko lalaban ako para sa kanila pero hindi ko pala kaya.

Hindi ko pala talaga sila kayang ipaglaban.

I'm such an asshole but I already made my decision.

I'm letting them go for there good.

**

Third Person's POV

Sa malaking bahay ng mga Fortaleza ay naiwan ang mag-inang sina Tania at Throne kasama ang pamangkin nitong si Khayie.

"Tita, I want my daddy!" umiiyak na sabi ng batang si Khayie sa kanyang Tita Tania.

Araw-araw itong umiiyak at sinasabing gusto niyang makita ang kanyang ama ngunit mahigpit na ipinagbawal sa bata na makita ang walang kwenta nitong ama.

"Baby, bawal eh magagalit sa atin sina lola sige ka." malumanay na sabi ni Tania sa pamangkin.

"But I want to see my daddy! Ayoko na sa inyo." umiiyak na sabi ng bata bago nagtatakbong lumabas ng bahay nila na sinundan naman ng pinsan na si Throne.

Samantala, sa ospital naman ay nandoon ang mga magulang, dalawang kapatid ni Irene, at si Trent na naghihintay pa rin sa paggising ni Irene.

"Habang tumatagal humihina lalo ang puso ni Irene at mas nahihirapan siya. Kung hindi tayo makakahanap ng pwede maging donor niya we should let her go." ani ng binatang doktor na si Trent sa kalagitnaan ng katahimikan.

"No. Magigising pa ang anak ko..." hagulgol ng ina habang nakatitig sa anak na tahimik na nakaratay sa kamang kinalalagyan nito.

"If I have the decision, matagal ko ng pinalaya si Irene. It might hurt us but atleast hindi na mahihirapan si Irene." seryosong sabi ni Sain habang nakatitig sa kanyang kapatid.

Hindi man niya sabihin o ipakita pero hindi mo maikakailang nasasaktan din ito.

"M-Mom, sobra ng nahihirapan si Irene." mahinang usal ng dalagang si Eurika bago yumakap sa kanyang ina.

"Within forty-eight hours. P-Pag hindi pa gumising si Irene, patitigilin na natin ang mga makinang bumubuhay sa kanya." seryosong sabi ng padre de pamilya bago tuluyang lumisan sa kwarto ng anak.

Sumunod naman ang mag-iina dito at naiwan si Trent kasama ang babaeng minamahal niya.

"I know you're tired. But for the last time, i'm giving him the chance to see you." mahinang bulong niya kay Irene bago ito hinalikan sa noo.

"Gagawin ko ang lahat para kahit sa huling beses nagawa kitang pasayahin."

Pagkasabi noon ay tuluyan na itong lumabas ng kwarto at makalipas lang ang ilang minuto ay gumalaw ang isang daliri ni Irene.

**

Trent's POV

"Anong plano mo ngayon, Trent?" tanong sa akin ni Eurika habang nakatulala sa kung saan.

"Papupuntahin ko siya dito." simpleng sagot ko sa kanya.

"Hindi mo 'yan magagawa. Alam mong ang laki ng galit ng pamilya namin kay Kaizer." madiing sabi sa akin ni Eurika.

"That's our last chance. He's our last hope. Yes, I am a doctor and I do believe that a patient in coma should be talk by the person they love the most." mahabang lintaya ko sa kanya.

Matagal siyang hindi nagsalita kaya tumayo na ako para puntahan ang lalaking karibal ko sa babaeng mahal na mahal ko.

"And you can't be that person."

"I know."

Hindi ko na siya inantay na magsalita pa at lumabas na ng ospital para gawin ang dapat kong gawin.

Sumakay ako sa kotse ko at tinahak ang daan patungo sa dating bahay na tinutuluyan ni Irene.

Matagal akong tumitig sa labas ng bahay bago napagpasyahang lumabas.

Pipindutin ko dapat ang doorbell ng makitang naka-awang ang gate kaya pumasok na lang ako ng walang ginagawa na ingay.

Bago ako makarating sa tapat ng pintuan ay lumabas na ang taong pakay ko dito na may dalang mga maleta.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro