Chapter 16
Kaizer's POV
"Heart t-transplant?" nagtatakang tanong ko.
Ano na namang pakulo 'to ni tadhana? Bagong sampal na naman ba 'to ng karma sa akin? Tangina.
"Hindi niyo ba alam ang kalagayan ng pasyente?" gulat na tanong ng doktor sa amin.
"I-I'm sorry." mahinang usal ni Eurika habang umiiyak.
"Can you please tell us what the fvck is happening to my sister?!" galit na sabi ni Sain sa doktor.
"The patient is suffering on a Congestive Heart Failure. Wherein, her heart doesn't function well. Her heart can't pump enough blood and oxygen that her body needs. And because of the accident mas lalong humina ang puso niya na pwedeng maging dahilan ng pagkamatay niya." mahabang paliwanag nito sa amin.
Fvck.
Para akong nabingi sa sinabi ng doktor. Si Irene mamamatay? No. Hindi pwede. Hindi ko kakayaning mawala siya.
"Do anything that you can do! We can pay you a million just save my sister's life!" sigaw ni Sain sa harap ng doktor.
"We can do it anytime but the problem is... Wala tayong pwedeng maging donor niya and there is only thirty percent na maka-survive ang pasyente sa operasyon."
Damn it.
Parusa ba 'to sa akin? Parusa ko ba 'to dahil sa mga kagaguhang ginawa ko sa pamilya ko? Kung oo, bakit kay Irene? Bakit kay Irene pa?!
"Damn it!"
"Sain."
Nakita kong sinuntok ni Sain ang pader at niyakap siya ni Tania para pakalmahin.
"I'm sorry. Puntahan niyo na lang ako pag may nakita na kayong donor." malungkot na sabi sa amin ng doktor bago kami tinalikuran.
Pagkaalis na pagkaalis ng doktor ay biglang lumapit si Eurika kay Sain.
"I'm so sorry. Da-Dapat sinabi ko na a-agad sa inyo 'to kaso ayaw ni Irene. I-I'm sorry!" patuloy sa pag-iyak si Eurika habang humihingi ng tawad.
Bakit hindi na lang niya agad sinabi? Bakit pinaabot pa nila sa ganito!
"Gaano katagal na, Eurika?!" galit na sigaw ni Sain.
"F-Four months."
Damn it. Damn it. Damn this fvcking life!
Apat na buwan ng naghihirap sa sakit na 'yun ang asawa ko tapos ngayon lang namin nalaman? Tangina talaga.
"Eurika, bakit hindi mo agad sinabi?!"
Hindi na rin ako nakapagpigil kaya nasigawan ko na rin siya.
"Ayaw niyang i-ipaalam lalo na't may problema kayong dalawa." nahihirapang sagot nito sa akin.
Nasa malubha ng kalagayan si Irene pero ako pa rin ang iniisip niya samantalang ako, walang ibang ginawa kundi ang saktan siya.
"Anong problema? Ano bang nangyayari ha?! May hindi pa ba kayo sinasabi sa amin?!" galit na galit na tanong sa amin ni Sain.
"Sain, please calm down." pagpapakalma sa kanya ni Tania.
"Tangina. Ano na, Kaizer?!"
"Sain-"
"Babe!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng sumigaw at halos mawalan ako ng dugo ng makita ko si Chloe na papalapit sa amin.
"What the fvck did she said?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro