Chapter 12
Is that Kaizer's car?
Napatingin naman ako sa cellphone ko na biglang nag-vibrate.
From: Babe ♡
Would you mind to came out on your car, MRS.MALABANAN?
I'm in a big trouble now.
Bumaba naman ako sa kotse ko at nakita ko siyang cool na cool na nakasandal sa kotse niya.
"Bakit ka ba nandito? Ano bang problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya nang makalapit ako.
"You." simpleng sagot niya bago ako talikuran.
"How da—"
"Hop in." pagputol niya sa sinasabi ko.
"Wh—"
"Hop in or I'll carry you?" nakangising tanong niya. Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse niya. Sa passenger seat ako umupo. Ayoko siyang tabihan. Baka mapatay ko lang siya.
"Bakit d'yan—" This time ako naman ang pumutol sa sasabihin niya.
Punong-puno na ako sa mga kalokohan at pang-titrip niya!
"Cut the crap, Kaizer! Ano ba kasing gusto mo? Mangungulit ka na naman ba sa annulment papers na hinihingi mo?! Nasaan ba? Akin na't pipirmahan ko na!" naiinis na tanong ko sa kanya.
"Really, Irene? Nasaan na !ng one month agreement mo? Hindi ka na ba makapaghintay na makasama ang Trent na 'yon?!" galit na sigaw niya sa akin. Sa halip na sagutin siya ay tiningnan ko lang siya ng masama. Ayoko ng makipagtalo. Ayoko ng ipaliwanag pa ang sarili ko sa kanya.
Bumaba ako sa kotse niya at dali-daling sumakay ulit sa kotse ko.
Bahala na siya sa buhay niya. Ngayon ding araw na 'to ay isasampal ko sa pagmumukha nila ng kabit niya ang annulment papers na hinihingi niya sa akin.
"IRENE, seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Eurika.
"I'm serious as hell, Rika." seryosong sagot ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa condo niya at kaninang umaga pa ako nandito.
"Okay. It's your decision pero paano si Khayie?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Alam ko namang hindi niyo pababayaan si Khayie." mahinang sagot ko sa kanya.
"Pumayag ka na lang kasi sa inaalok ni Trent!" pagpupumilit nito sa akin ngunit umiling lamang ako.
"Alin doon? Ang pumayag akong magpa-opera o ang pumayag sa inaalok niya?"
"Parehas!" sigaw niya sa akin.
"Una sa lahat, walang kasiguraduhan ang operasyon na 'yon. Si Trent na ang nagsabi. There is only thirty percent na makasurvive ako sa operasyon na 'yon. Pangalawa, saan naman tayo makakahanap ng heart donor? Pangatlo, hayaan mo na lang akong mawala ng hindi nalalaman nina mom na may mala—"
"Bakit ang selfish mo, Irene?!" galit na pagputol niya sa sinasabi ko at nag-umpisang umiyak sa harapan ko.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Please, Eurika. 'Wag mo na lang sabihin kina mom. Gusto ko na mawala na lang ako bigla na parang bula. Ang hindi nila napapansin na nawawala na pala ako sa kanila." nakangiting sabi ko sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit.
Si Eurika ang kasama ko ng unang beses kong malaman na may malala na pala akong sakit. Siya ang naging sandigan ko sa mga panahong gusto ko ng tuluyang sumuko at mawala na lang.
Ngunit ngayon, tanggap ko na.
Tanggap ko na malapit na akong mawala sa mundong 'to.
Tanggap ko na wala ng pag-asa pang bumalik kami sa dati ni Kaizer.
Tanggap ko na hanggang dito na lang ang kaya ko.
Hindi na ako natatakot.
Handa na ako.
I'm ready to die.
It will be nice to finally go there and feel that someone cares for me.
I don't want to feel this way anymore...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro