Chapter 11
Kaizer's POV
"Damn it! Wala siyang karapatan para sabihin sa harap ng mag-ina ko 'yon. Anong akala niya hahayaan kong mapunta sa kanya ang mag-ina ko?! Fvck." nang gagalaiting sabi ko sa harap ni France.
"Bakit hindi ba?" nang-uuyam na tanong nito sa akin..
Kasama ko ngayon ang gago kong kaibigan sa bar niya. Kailangan kong maglabas ng galit dahil kung hindi ay baka masugod ko pa kung saan nakatira ang Trent na 'yon at mapatay ko siya.
Kaso mukhang mas ginagalit lang ako ng magaling kong kaibigan.
"Tangina. France, ako ang kaibigan mo diba?! Bakit parang mas kinakampihan mo pa ang gagong 'yon!?" galit na tanong ko sa kanya. Tumawa naman ito at itinaas ang dalawang kamay.
"Chill ka lang, Kaizer. Oo, kaibigan kita pero kung ikaw ang nasa kalagayan ko 'yun din ang sasabihin mo sa akin. Diba nga gusto mo ng hiwalayan na si Irene?" Bigla naman akong napatigil sa sinabi niya.
Tama siya. Gusto ko ng hiwalayan si Irene pero noong nakita ko kung paano mapangiti ni Trent ang mag-ina ko nasaktan ako.
Nasasaktan ako kasi dati ako lang ang nakakagawa noon. Ako lang ang nagpapangiti ng ganon sa mag-ina ko. Sa akin lang nagiging ganun ang asawa ko.
"Kaya mo bang makitang masaya ang asawa't anak mo sa piling ng iba?"
Kaya ko ba?
**
Irene's POV
"Hello, Irene! Ano na?" sigaw ni Fress sa kabilang linya.
Letse! Dapat pala hindi ko na sinagot ang tawag nitong nagger kong bestfriend. Wala ng ibang ginawa kundi ang magsisigaw eh.
"Manahimik ka nga, Francess Paula! Ipapatokhang kita eh."
"Ayaw mo kasing sumagot. Siguro ipinagpalit mo na ako." umiiyak na sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako sa inis.
Lintek! Ganito ba talaga pagbuntis? Sobrang drama.
"Manahimik ka nga, Francess! Ang drama mo sa buhay. Magkita tayo sa RV's Ice Cream Parlor. Letse ka!" sabi ko sa kanya bago ibinaba ang tawag.
"Mommy, sino po 'yon?" tanong sa akin ni Khayie na nanonood ng Doraemon sa tabi ko.
"Si Tita Fress mo. Gusto kasi niyang makita si mommy kaya aalis muna si mommy."
"Pwede po akong sumama?" nakangusong tanong nito sa akin ngunit umiling ako.
"Bawal eh. Next time na lang, okay?" Lalo naman siyang napanguso dahil sa sagot ko sa kanya.
"Papasalubungan ka naman ni mommy eh." sabi ko pa bago siya kinandong at hinalikan sa magkabilang pisngi.
"Sige na nga po!" napipilitang sagot niya sa akin. Hinalikan ko siya sa pisngi at inupo ulit sa sofa.
Tumayo na agad ako at sinabihan si Delta na aalis ako at baka gabihin na ako sa pag-uwi.
Umakyat ako sa kwarto at nagbihis ng simpleng pulang dress at nag-flat shoes. Baka pagkamalan pa akong single pag nag-ayos ako masyado.
"Babye, baby. Pakabait ka kay yaya ha? Delta, ikaw ng bahala dito ha?"
"Yes, ma'am!" nakasaludong sagot sa akin ni Delta.
"Bye, mommy. I love you!" nakangiting sabi sa akin ni Khayie.
"I love you too, baby. Sige na aalis na si mommy." hinalikan ko siya sa pisngi at sumakay na sa kotse ko.
Tahimik lang akong nag-dadrive ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Awtomatiko namang napataas ang kilay ko dahil sa pangalan ng tumatawag sa akin. Ano kayang meron at tumatawag si Kaizer?
Bakit niya ako tatawagan? Cannot be reach ba ang magaling niyang kabit?
Tss. As if na sasagutin ko 'yan.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagdadrive hanggang sa tumigil na 'yong tawag.
Maya-maya ay tumunog ulit ito ngunit pinatay ko lamang ang tawag. Bahala siya sa buhay niya!
Tumigil muna ako sa isang gilid upang basahin kung sinong nagtext sa akin.
From: Babe ♡
Answer my goddamn calls, Irene!
Wow! Lakas mag-demand. Ano siya boss? Kapal ng mukha!
To: Babe ♡
What if I don't want? May magagawa ka?
Sent!
Bwiset. Bakit ayaw niya tawagan 'yung kabit niya?
Mabilis naman itong nag-reply sa akin.
From: Babe ♡
Then hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo pag-uwi mo.
Damn! Ano bang problema niya? Paano niya nalaman na wala ako sa bahay?
Tumawag ulit ito sa akin kaya kahit labag sa loob ko ay sinagot ko ang tawag ng magaling kong asawa.
"Good girl." I can sense that he is smirking while saying that. Tsk. Bossy as ever!
"What the hell is your problem, Mr.Malabanan?!" pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Where are you?" kalmadong tanong niya.
"It's out of your business." nakairap na sagot ko sa kanya. How I wish na sana nakikita niya ako.
"You're my wife and you're one of my business! So, now tell me. Where the hell are you?!"
"Correction, Mister. Future Ex-Wife! So, don't act as a caring husband cause you're not!" sigaw ko dito bago ibinaba ang tawag.
There is no sense talking with him.
To: Mrs.Domingo
Fress, hindi na ako makakapunta. Bigla kasing nasira yung mood ko. I'm so sorry..
Sent!
Nakatigil pa rin sa gilid ang sasakyan ko ng biglang may pulang kotse ang tumabi sa kinalalagyan ng kotse ko ngayon.
Is that...
"Kaizer."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro