Epilogue
Epilogue
"You know what guys, I have a brilliant idea!" Laliztar said while eating chips.
"What?" Avrenes asked.
"After our great drama last week, I want to call our group silent musketeers!" Masiglang tugon niya habang nakataas ang kanang kamay na parang super hero.
"Musketeers are those people who save and protect lives, right?"
"And because we saved each other lives in our own way, you call it silent." I added to the statement of Xpoopy.
"Exactly!" Laliztar claps her hands like a kid watching a magical show and we just laugh to her gesture except Avrenes.
"What's with the face, Avre?" I asked.
"Musketeers are those guards of a royal blooded but we, we're just ordinary."
"Should I marry a prince, then?" I tease her as I put my hand under my chin as if I'm with my fantasy.
"Tumalino lang nahirapan nang mag-imagine" natatawang tugon ni Laliztar na ginatungan pa ni Xpoopy.
"Genius without magical imaginations! It sucks!"
"Fine! Stop teasing me. We are the Silent Musketeers, if you say so." Then she rolled her eyes, hindi pa rin nawawala ang pagiging maldita niya.
I never imagine my self to laugh with silly jokes but because of them, nothing is impossible.
"Pink, may gusto nga palang kumausap sayo." Kinakabahang tugon ni Xpoopy. Natigil na rin ang tawanan at biglang nagseryoso ang paligid.
"Pink!" Agad akong napalingon sa likuran ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Hinding-hindi ko malilimutan ang matinis na boses ng babaeng 'to.
"Beang," nangingilid ang luha kong hinarap siya.
"Pink! I'm really sorry. Natatakot lang akong i-bully nila kagaya ng ginagawa nila sa'yo. Hindi ko naman talaga gusto 'yong paninirang ginagawa ko, kaso lang pinagbantaan nila ako. Sana kasing tapang mo ako, Pink. Sana naging matapang ako para sa'yo, sana hindi kita iniwang mag-isa. Sorry," mahabang paliwanag niya na halos hindi na makapagsalita sa sobrang pag-iyak.
Tumakbo ako papalapit sa kanya saka niyakap siya.
"Isang sorry lang naman ang hinihingi ko pero bakit ang tagal mong ginawa 'yon?" Bulong ko habang hinahaplos ang likod niya. "Na-miss kita, bestfriend," sabi ko na mas lalong nagpaiyak sa kanya.
Nilingon ko ang mga kaibigan ko at ngumiti sa kanila. Alam kong sila ang gumawa ng paraan para magbati kami ni Beang.
"Hindi siya ang tinutukoy namin." Nagulat ako sa sinabi ni Avre. Maya-maya pa ay may nginuso si Laliztar sa bandang gilid ko. Sinundan ko 'yon ng tingin at nakita ko si Mystic na nakatayo habang umiiyak agad akong napabitiw sa pagkakayakap kay Beang.
"Sorry," sabi niya nang makalapit ako sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Sorry kung sayo ko ibinuhos lahat ng galit at frustrations ko. Sorry kung isa ako sa mga taong naninira sayo. I'm really sorry. Sampalin mo ako ngayon, para makaganti ka. Kahit anong gawin mo tatanggapin ko lahat," umiiyak na tugon niya.
Napapikit siya nang mariin dahil sa pag-angat ko ng kamay ko. Unti-unti 'yong lumapat sa pisngi niya para punasahan ang luha niya.
"Sorry sa ginawa ni Mama pero sana hindi maging hadlang 'yon para maging magkaibigan tayong dalawa." Biglang namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Nang rumehistro na sa isip niya ang ibig kong sabihin ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
"Oy, ang daya! Gusto rin namin ng hug!" Natatawang tugon ni Laliztar saka patakbong yumakap sa'min. Nagsisunuran naman ang iba.
"Friendship group hug!" Masayang tugon ni Avrenes habang nagtatatalon na nakayakap sa amin.
"Best friends today, tomorrow and forever!" Xpoopy exclaimed.
Hindi ko akalaing darating ang araw na babalik ang lahat sa dati. Na magiging masaya ako ulit, na matuto ulit akong magtiwala. Walang kapantay ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong sa puntong 'to, hindi na ako nag-iisa.
We are the Silent Musketeers saying,
"We will never leave each other! One for all, all for one!"
~*~
End
~*~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro