Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 01

01: ANG ARAW AT ANG BUWAN

MAKALIPAS ang dalawang daang taon . . .

"Nasabi mo na ba sa iyong inay na sasama ka sa akin sa Sentro Saffyxon?"

Mahinang bumuntong hininga si Sam sa sinabi ni Val.

"Nakapagpaalam ka na rin ba?" Balik-tanong ni Sam.

Ngumisi si Val kay Sam saka ibinato sa kaibigan ang mansanas na mamula-mula.

"Hindi mo ako katulad, Sam. Hindi ko na kailangan magpaalam, alam ng Alpha kung sino ako."

"Palibhasa parehas kayo ng iyong ama, mayabang."

"Aba?!" Natatawang ani Val.

Galing sila sa gubat. Magkaibigan na silang dalawa simula ng mga bata pa sila. Kahit na palagi silang tinutukso ng mga kaedad nilang mga immortal na bagay sila sa isa't isa ay itinatawa na lang nila iyo.

Kung siguro sa aspeto ng pisikal na anyo, masasabing sila nga ay bagay sa isa't isa. Si Val, isang matikas na tagapagmana ng pinakamalakas na Pack ng Saffyxon, at si Sam, isang balinkinitan, bagaman isa lamang ordinaryong diwatang may kakayahang magmanipula ng apoy, na tangin si Sam, si Val, ang Alpha, at ang Ina niya lamang ang nakakaalam.

"Minsan lang naman ako mapadpad sa sentro. Dahil sa kakayahan ko ay takot si Inay na magpunta ako roon dahil sa maaari akong magdulot ng pagkasira, literal."

Mahinang bumuntong-hininga si Val at saka umakbay kay Sam.

"Sigurado ka na ba kasing ayaw mong pumasok sa paaralang tinutukoy ni Alpha? Malay mo ay may mga libro pa doon na makakatulong sa 'yo para mahasa."

"Hindi ako maghihirap ng ganito Val kung mayroon nga. Halos patayin nila ako noon Val. Isa raw sumpa ang aking kakayahan samantalang mga mangkukulam sila."

Mapait na lang na ngumiti si Val kay Sam. Inihatid ni Val si Sam sa kanilang bahay tulad ng parati niyang ginagawa.

"Hindi ka ba papasok muna?" Tanong ni Sam.

"Hindi na, kailangan ko pang tulungan ang Alpha para sa preparasyon. Magiging isa siyang mataas na panauhin sa magaganap na koronasyon."

"Kung gayon salamat sa paghatid mo sa akin. Pakisabi sa Alpha, kinukumusta ko siya."

Lumapit si Val kay Sam at saka niya hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Naiinis na itinulak ni Sam si Val dahil sa iniasta niya.

"Ano ba? Kadiri! Kilabutan ka nga!"

"Bakit naman ganyan ang sinabi mo? Ayaw mo bang nilalambing ka ng Kuya mo."

"Tarantado. Mabuti sana kung nasasarili mo ang komplikadong relasyon mo sa mga dalagang nabibingwit mo. Sa akin! Sa akin nila ibinubunton ang lahat ng galit nila sa 'yo!"

"Sam, ikaw na ba iyan?" Boses ng Nanay Carol niya mula sa loob ng bahay.

"Ako nga Inay." Sagot niya. Muli siyang lumingon kay Val ngunit naglakad na ito papalayo. "Madapa ka sana!" Pahabol niyang ani.

"INAY, maaari ba akong sumama kina Val at Alpha patungo sa Sentro Saffyxon?"

Mabilis na umiling ang Inay niya. Mapait na napangiti si Sam.

"Sam, hindi sa wala akong tiwala sa iyo. Pero mas maganda na iyong umiiwas tayo sa maaaring mangyari."

Palagi na lang siyang umiiwas. Ito ang dahilan kung bakit takot din siya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay anomang oras ay sasabog siya. Palaging nanginginig ang kaluluwa niya sa tuwing gustong lumabas ng kapangyarihan niya. Minsan naiisip na niyang lumayo at ikulong ang sarili sa isang kweba na wala siyang masasaktan.

"Isasama raw ako ni Alpha sa Sentro Saffyxon, Nay. Alam kong hindi ako pababayaan ni Alpha."

"Sam, walang kakayahan ang Alpha kung sakaling sumabog ka roon. Isang pagtitipon iyon, Sam. Maaari ka nilang ikulong, maaari ka nilang patayin."

Ito iyong katotohanan na hindi niya maitatanggi. Ngunit gusto niya, gusto niyang makita ang Sentro at ang bagong reyna na itatanghal. Ito ang kauna-unahang koronasyon matapos ang pagtataksil ng huling diyosang reyna ng Saffyxon. It's been a hundred and eighteen years.

KINAUMAGAHAN, maaga siyang sinundo ni Val ngunit sa bintana siya dumaan. Natatawang pinapanood ni Val si Sam kung paano tumalon ang dalaga sa bintana ng silid niya.

"Wala akong kasalanan sa kung ano man ang maaaring mangyari sa iyo doon. Pero pangakong hindi kita pababayaan."

Sam smiled sadly. Muli siyang lumingon sa kanilang bahay kung saan niya iniwan ang natutulog na Ina.

"Tara na?"

Tumango na lang si Sam kay Val. Masayang umakbay si Val kay Sam at nagtungo sa karwahe nilang sasakyan.

Nang nasa loob na sila ng karwahe, tahimik na iniabot ni Val ang isang balabal. Nang abutin iyon ni Sam ay nakita ni Val kung paano tumamlay ang mga mata niya.

"Huwag kang mag-alala, sagot kita, Sam. Ako ang bahala sa 'yo," nakangiting turan ni Val. "Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano."

"Hindi ko lang maiwasan, paano kung kahit nariyan ka. . ."

"Narito na tayo, Beta Vulter."

Hinawakan ni Val ang kamay ni Sam.

"Kahit anong mangyari, sagot kita. Poprotektahan kita."

"Aasahan ko 'yan," nakangiting sagot ni Sam.

Nang makapasok sila sa malaking bulwagan ng palasyo, tila nasa isang dimensiyon si Sam. Napakaengrande ng bulwagan, mayroong nagliliparang paru-paro, iba't ibang klase ng bulaklak, mga nilalang sa iba't ibang panig ng mundo.

"Isa si ama sa mga panauhing pandangal kaya tayo ay narito sa bulwagan. Ang mga mamamayan na gustong makapanood ay nasa labas ng palasyo sa kanluran. Mapalad ka at may kasama kang makisig na anak ng Alpha," ani Val.

"Salamat kung ganoon," napailing na lang si Sam.

"Alpha!" Malakas na bati ni Val sa kaniyang ama.

"Mabuti at ligtas kayong nakarating. Ano ang sabi ng iyong, Sam?"

Umiling lang si Sam sa tanong ng Alpha. Saglit na napatawa ang Alpha at saka niya inanyayahan ang dalawa sa bulwagan kung saan sila uupo.

"Sino iyon?" Turo ni Sam sa isang babaeng nakasuot ng eleganteng kasuotan.

Mayroon itong ginintuang kwintas na mayroong pulang bato.

"Siya ang Ina ng bagong itatanghal na reyna. Si Franzia." sagot ng Alpha.

"Siya po ba ang magpapasa ng korona?"

Umiling si Alpha sa sinabi ni Sam.

"Hindi siya reyna ngunit napagkasunduan ng mga hukom at ng pinakamataas na saserdote ang kaganapang ito," sagot ng Alpha.

"Maaari po bang maghayag ang mga mamamayan ng hindi pagsang-ayon sa koronasyon?"

"Ang koronasyon ay sagrado at hindi basta-basta, Sam. Hindi maaaring koronahan ang sino lamang. Ayon sa balita, ang huling reyna ng sentro ng palasyo ay hindi maikukumpara sa mga nakaraang koronasyon. Ang espiritu ng unang bathala ay bumaba upang batiin ang reyna."

Saglit na napatahimik ang lahat ng lumabas sa bulwagan ang pinakamataas na saserdote ng Saffyxon. Habang siya'y naglalakad, eleganteng sumasayaw sa hangin ang kaniyang buhok. Kasabay ng pagtigil at pagtayo niya sa harap ng madla, ang araw at ang buwan ay nagsalubong.

"Maligayang pagdating sa sagradong palasyo ng Safyxon."

To be continued. . .







🥀Before proceeding to the next chapter. Kindly, VOTE and leave a COMMENT OR A PURPLE HEART. For more updates you can follow me! Kamsahabnida!

Leanna Avys | Lady_Avys

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro