Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Undesired Fate

Sabi nila, ang kulay bughaw sa watawat ay sumisimbolo sa kapayapaan. Ang kulay bughaw naman na kalangitan ay nagpapahiwatig ng kariktan ngunit bakit sa sitwasyon ko kabaliktaran ang kahulugan?

Ang aking dalawang kulay asul na mga matang kung iyong titingnan na aakalain mong biyaya ay isang malaking pagkakamali.

Sumpa.

Ipinanganak akong may kakayahang makita ang hinaharap ng isang tao. Ang kanilang katapusan. Kamatayan.

Papaano nga ba ako magmamahal kung sa tuwing titingin ako sa kanyang mga mata ay masakit na pangyayari ang aking makikita? Nasanay na akong mamuhay nang tahimik, malayo sa iba. Maraming lalaking nangungulit sa akin ngunit hindi ko pa man sila tuluyang nakikilala, inilalayo ko na ang sarili sa kanila. Mahihirapan lang kaming dalawa kapag nagkataon.

Pero sabi nga nila, ang pag-ibig ay misteryoso. Dumating sa buhay ko si Lance. Tinanggap niya ako maging ang sumpang dala ko. Naniwala siya sa akin at sumugal. Ang mahalaga raw sa kanya ay makasama ako hanggang sa nabubuhay siya. Ilang taon ko ring pinigilan ang nararamdaman ko para sa kanya pero sa huli, napasagot niya ako ng matamis na Oo.

Kami na.

Ngunit kahit kailan ay hindi ko pa nagagawang titigan siya sa mata. Naiintindihan naman niya kung bakit.

Limang taon din ang nagdaan ngunit matatag pa rin ang aming relasyon. Hindi siya nagbago. Siya pa rin ang lalaking minahal ko noon.

Ngayon ang araw ng aming anibersaryo bilang magnobyo't nobya. May mga pagkakataon na inaaya niya na akong magpakasal pero umiiling ako. Hindi pa siguro ako handa o baka natatakot lang ako.

Na baka paggising ko, wala na siya sa tabi ko.

“Baby, wait me here. Okay?” Masuyong hinalikan niya ako sa aking noo. Tumango lamang ako nang hindi tinitingnan ang kaniyang mga mata. Kasalukuyan kaming patungo sa lugar kung saan kami unang nagkakilala.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik kaya napagdesisyunan kong sundan siya. Nakita ko naman siya agad, and he is casually sitting on his favorite high chair while he is preparing something.

I planned to kiss his cheeks, but he turned his gaze at me so, I accidentally stared into his eyes. Nagkatitigan kaming dalawa, dahilan upang ako ay manghina sa nakita.

He is going to die. Dito mismo sa aking mga bisig siya maghihingalo at malalagutan ng hininga.

My hands started to tremble as my tears started to fall.  I grabbed his hands firmly. “B-Baby,” I only uttered before hugging him so tight. Nag-aalala niya akong niyakap pabalik at pilit na pinapatahan.

Hearing his voice is already breaking me as f. He kissed my temple then faced me once again. “Rea, tell me— shh, what's wrong?" he said worriedly.

Sinubukan kong magsalita ngunit tila umuuurong ang aking dila. "Lance..." Impit akong napaiyak nang maalala ko kung paano siya mamamatay.


Agad akong nagising nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak sa aking mga kamay at habol ang hiningang napabangon.

Agad kong nilingon ang may-ari ng mga kamay na iyon at nakita ko agad si Lance. “Thank God you're finally awake," hindi makapaniwalang saad niya saka ako niyakap.

“Anong nangyari?” kunot-noong tanong ko. “You collapsed. Ano bang nangyayari sa 'yo, ha?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong saka ako inabutan ng tubig.

Agad ko iyong nilagok at tinignan siyang muli. Biglang bumalik sa akin ang lahat.

He's bleeding while holding the ring he pulled out onto his polo while saying these words, “Rea, will... y-you marry...” then suddenly lost his pulse.

“What a tragic ending, my love.” A tear escaped from my eye as I started touching his face. “What do you mean, babe?”  But instead of answering his question, I only shook my head then wipes my tears.

Kinabukasan nang magising ako, agad akong naligo at naghanda. Lahat ng mga gagawin naming magkasama ni Lance sa ibang araw ay ngayon namin gagawin.

Dating him today is the only thing I can. Para magawa lahat ng gusto naming magkasama kahit sa loob man lamang ng maiksing panahon.

Seeing someone's future has never been easy. Ang makitang mamatay ang taong mahal ko ay parang parusa sa akin kasi wala akong magagawa. They are born to die in that way.

Someone poked my cheeks. Dahilan para mabalik ako sa reyalidad. “Let's go?” Lance hold my hands.

I nodded then smiled. “Tara.”


Nang marating namin ni Lance ang parke kung saan kami unang nagkakilala ay agad na kaming nagtungo doon sa paborito naming street food vendor.

“Babe, bakit ba dito mo gustong mag-date? If you want, I can buy you anything you need,” wika niya saka sumubo ng fish ball. “Ayaw mo ba doon sa restaurant at kumain ng masasarap?”

I bowed my head and secretly bit my lower lip just to stop myself from sobbing once again. “D-Dito ko gusto, e.” My voice almost cracked, but I immediately smiled at him. Pinapakitang sobrang saya ko ngayong magkasama kami.

“Wait. Umiiyak ka ba?”

Umiling ako agad saka pinunasan ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. “N-No. I mean, No. Napuwing lang... siguro.” Ngumiti ako sa kaniya.

Next, we went to his favorite place.

“Wow, perya!”

“You liked it?” The amazement filled his eyes.

Sunod-sunod siyang tumango saka ako mabilis na hinatak kung saan-saan.

Sumakay kami sa rides na gustong-gusto niyang sakyan sa tuwing pupunta kaming perya. We eat a lot of foods and enjoy every second of our lives at this moment.

“Oh fck,” agad siyang sumuka matapos sumakay sa huling ride na roller coaster. Tinawanan ko siya nang malakas saka siya kinuhanan ng litrato. “Hey!” Kunot-noong nakatitig siya sa akin saka tumawa ring parang sira.

Sumunod ay pumunta kami sa carnival at doon ay walang sawa kaming nagtawanan at ginugol lamang ang natitirang sandali sa lugar na iyon.

“Oy! Babe! Don't move that much! You might fall—”

I cut him off while there's a smile plastered on my face. “You forgot? I already fell in love with you!” sabi ko na dahilan ng pakikiusyoso ng iba sa paligid namin. Natatawa ko silang binalingan at kinindatan.

I caught him chuckled and said “Silly.” After he shook his head and smiles so sweet.

After the ride, he gave me his hand while we are heading to his car.

The dark and cold night filled with agony as I remembered my love's destiny.

Tears suddenly fell down when I felt his lips on mine. He lay down his head on my shoulder, then he suddenly whispered, “Thank you for tonight, Mi Amore,” saad niya na hindi man lamang alam ang susunod na mangyayari.

I sniffed while looking into his eyes. “Lance.” I called his name out of the blue. “Yeah?”

“Te amo, Mon amour.” Then after saying those words, nakita ko ang bus na sa tingin ko ay walang preno.

Pagewang-gewang lang ito habang papalapit nang palapit sa aming direksyon. Hindi ko namalayan na malapit na itong tumama sa amin kaya agad kong itinulak si Lance papalayo sa akin.

The ring he was holding suddenly fell down after pushing him that hard. Isang malakas naman na pwersa ang nagpatilapon sa akin sa daan.

Dugong umaagos na sana ay kay Lance manggagaling ay nagbago at naging mula sa akin.

With blurry eyes, I saw my man running towards my direction with tears on his cheeks. “Rea! Hey, don't sleep, babe,” umiiyak ang kaniyang mga mata na hinalikan ako. “Baby, please...” pinagdikit niya ang mga noo namin habang humahagulgol siya sa tabi ko.

"I'm sorry..." Ni hindi ko masabi ang mga salitang iyon sa kaniya.

Yes, I already saw this scene yesterday. But the difference was... I am the one who's going to die, and not him.

Nang wala na akong maramdaman ay unti-unti na rin akong walang nadinig. But I felt my heart ached when I saw him placing the ring on my finger.

“I love you,” he uttered between his sobs.

And everything went black.


Agad akong napabalikwas ng bangon nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. “Lance?” tawag ko sa aking boyfriend na siyang nakayakap sa akin ngayon.

“Yes, babe?” tanong niya at mas isiniksik ang katawan sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan habang hawak ang kumikirot kong sentido dahil sa pagkahilo.

"What's wrong babe?" Lumapit siya sa akin at kinapa ang noo ko. "Kukuhanan lang kita ng tubig. Wait for me here."

Nanlalamig ako ngunit nagpapawis ang aking noo. Ganito ba ang epekto ng masamang panaginip?

"Here." Ngumiti ako sa kanya saka inabot ang baso at ininom ang tubig. Nang mahimasmasan, niyakap ko siya nang sobrang higpit. "Akala ko talaga totoo," bulong ko.

"Ang alin ba?" balik-tanong niya. Sa halip na sagutin ito ay nginitian ko lang siya nang pagkatamis-tamis. "I love you."

"I love you too," nakangiti niya ring tugon. "Magbihis ka na, mag-de-date pa tayo, 'di ba?” Ngumisi ito saka kinindatan ako.

Bigla naman akong nanginig sa tinuran niya. "H-Huwag na lang kaya nating ituloy."

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at masuyong hinalikan ito. "Kahit anong mangyari, itutuloy natin. Sige na, magbihis ka na."

Natatakot man ngunit dahil nagtitiwala ako sa kanya ay napapayag niya rin ako. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo.

-
Pagkabihis ko, agad akong pumunta kay Lance na naghihintay na rin pala sa akin. “Babe! Tara na!” nakangiting bati ko sa kanya.

“Let's go,” he smiled.

Agad kaming sumakay sa kotse niya. Habang bumabyahe ay hindi ko na napigilan. I kissed him with all my heart as a sign of my love for him. “An'yare sa 'yo? Nanlalambing ka na naman.” Natatawa niyang sabi sa akin habang tinititigan ko siya.

“Nah, I'm just missing you so bad.” Nakanguso kong sambit. Pero inis ko na lamang nang dakutin niya ang mukha ko't inilayo sa kaniya. “Tanggalin mo nga 'yang mabaho mong kamay!”

“Babe, not now. Don't pout, will you? I can't control myself here, gusto mo bang mabangga tayo?” tanong niya. Natawa na lang ako dahil sa reaksyon niyang iyon.

Ayaw niya na mag-pa-pout ako kasi naiirita siya, not because of my lips. But, on how he lose his control. Funny, I still love him so much.

“Tinatawa-tawa mo d'yan?” masungit niyang tanong. “Wala po, okay?” pinipigilan kong tawa habang kausap siya.

“Babe?” tawag niya. Tumingin naman ako sa kaniya na may kunot ang noo. “Hm?” I asked.

“I'm sorry.” Sabi niya naman.

“'Wag ka nga magsorry. I-enjoy na lang muna natin 'tong araw na to, Lance.” I smiled at him.

Tumango na lang siya sa akin at tahimik na nagmaneho.

-
Pagkarating namin sa perya, agad kaming sinalubong ng maingay na paligid, nagsisiksikang mga tao at masayang mga bata.

Agad kong tinuro ang mga rides habang nakakawit ang isa kong braso kay Lance. “Do'n tayo, babe!” Sabi ko at saka agad siyang hinatak.

“Teka, magbabayad muna ako, okay? Hindi tayo makakasakay d'yan, sige,” natatawang sabi niya. Pagkatapos no'n, sumakay na kami sa iba't-ibang rides doon.

Tawa pa nga ako nang tawa kasi nagsuka si Lance at napicture-an ko iyon.

Sunod ay sinubukan naming laruin lahat ng puwede, kumain ng mga tinda roon at nagpicture kung saan-saan.

Masasabi kong masaya. At isa ito sa pinakamasaya naming date ni Lance.

“Sa Ferris Wheel naman tayo, babeee," pag-aaya ko habang nakasimangot na nakatingin sa ride na iyon. “Tara.” Agad niya akong hinatak papunta doon.

Sumakay kami agad. Nang marating namin ang pinakamataas ay napatingin ako sa madilim na langit na pinalibutan naman ng madaming bituin.

“Rea.” Lance called my name while he is slowly reaching my hands. “Bakit?" tanong ko saka binaling sa kaniya ang aking atensyon.

“Matatapos na 'yung araw..” he smiled at me while tears are streaming down on his cheeks.

Napaiwas ako ng tingin at pinunasan ang mga luha kong nagsimula nang magpatakan. Pinilit kong ngumiti sa kaniyang harapan. “O-Oo nga, e. Ang bilis, babe.”

“Rea..” He called again.

“Lance..” Umiiyak kong tawag sa pangalan niya. Paulit-ulit. “Don't leave me, again.” Hindi ko na mapigilan pang hindi mapiyok habang sinasabi ang mga salitang iyon.

“I'm begging you.” Napaluhod na lang ako pagkatapos kong magsalita. I felt my heart broke into pieces as I begged for him to stay.

“Let me go,” sabi nito. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin habang nakatingin sa kalangitan.

“A-Ayoko..” Umiiyak kong sabi at pilit siyang inaabot.

“I said, let me go!” Sigaw niyang sambit. “Stop dreaming of me! Stop loving me... Stop thinking of me! Stop... Rea, tama na!”

Umiling-iling ako habang nakayuko. “Hindi ko kaya..” Umiiyak kong sabi.

"Mabuhay ka kahit wala na 'ko. And... please, stop blaming yourself, Babe. Wala kang kasalanan at..." He stopped for a second. "Hindi ko pinagsisisihang namatay ako para mailigtas ang buhay mo. Mahal na mahal kita, tatandaan mo 'yan... pero sana hayaan mo ang sarili mong sumaya," mahabang tugon niya saka unti-unting lumalayo sa akin. Hinabol ko naman siya at niyakap nang sobrang higpit. “I-I can't loose you, b-babe. Please..” Hindi na magkamayaw ang pag-agos ng aking mga luha.

"Mabubuhay ka pa din ng wala ako, Rea," wika niya saka naglaho sa aking paningin.
-
“HINDI!” usal ko habang hingal na hingal na umupo sa kama.

Nagising na ako sa panaginip kung saan binabalikan ko ang panahon kung saan naiwan na naman akong mag-isa.

Patay na si Lance. Namatay siya dahil sa akin. Ilang beses kong sinisisi ang sarili ko dahil kung ako sana ang nawala, hindi sana mangyayari ito. Nasa utak ko noon na nalalapit na ang kamatayan ni Lance kaya naghanda ako. Sinulit ko na ang natitirang araw na makakasama ko siya pero ako pala ang mauuna at nang mga sandaling iyon, siya ang nagsakripisyo. Siya ang nawala.

At ngayon, hindi ko na alam kung paano magsisimula muli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro